Bam!Matapos bugbugin si Gael Padlow at ang kanyang ama, sinipa ni Chase Smith ang dalawa patungo kay Harvey York."Patuloy silang lumalaban sayo dahil sa kawalan ko ng disiplina, Gobernador York.”"Parusahan mo sila ayon sa gusto mo."Magalang na tingin ang ipinakita ni Chase. Hindi siya maglalakas loob na magpakita ng pahiwatig ng pagmamataas noon.Sa puntong ito, ang mukha ni Gael ay namamaga na parang baboy. May gusto siyang sabihin pero nakatitig lang kay Harvey na may nakakatakot na ekspresyon.Ibinaba naman ni Rhett Padlow ang ulo na may mapang asar na tingin.Ayaw niyang maniwala na ang taong pilit nilang durugin ay talagang sobrang layo sa kanilang lebel.Nagpakita ng walang emosyong ekspresyon si Harvey nang makita niya ang panlilinlang ni Chase para makuha ang kanyang tiwala.Tinapik niya ang mukha ni Chase bago kalmadong sinabi, "Dapat mong hawakan ang sarili mong mga tauhan, Leader Smith.”“Alas onse na ng gabi. May pitong oras pa bago ang pagsikat ng araw.”"Da
Bumalik si Harvey York sa pahinga pagkatapos niyang gawin ang kanyang gawain.Kinabukasan, madaling araw, pumunta si Katy Cobb sa kanyang villa para makipag chat sa almusal. Nag jogging ang isang security guard para isumbong si Harvey tungkol sa isang bagay."Sir York, may isang lalaki sa pintuan. Ang kanyang mga kamay ay natatakpan ng mga plaster.”“Gael Padlow daw ang pangalan niya. Nandito siya para humingi ng tawad sa inyo ni Ms. Cobb."Napangiti si Harvey.“Humingi ng tawad? Nakakawili…”Natigilan si Katy. Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi para pumunta si Gael dito para lang humingi ng tawad.Pero dahil matalino siyang babae, ngumiti lang siya ng walang sinasabi.“Halika na. Tingnan natin sa labas."Humigop ng inumin si Harvey habang naglalakad siya papunta sa front door.Isang lalaki ang nakitang nakaluhod sa looban.Nakaluhod siya na nakatalikod. Hindi man lang siya naglakas loob na gumalaw kahit isang pulgada.Kung ikukumpara kagabi, wala kahit saan ang kan
Kahit na nagkaroon ng malakas na puso si Katy Cobb, ang pagkaalam na ang dati niyang pamilya ay walang humpay sa kanya ay isang malaking dagok.Matapos itaboy si Gael Padlow, sinabihan ni Harvey York si Katy na magpahinga at manatili kay Dean Cobb.Pinlano niyang harapin ang mga gawain ni Katy mismo.Mayroon siyang formula ng pamilya Cobb para sa Silver Elixir. Malapit nang magamit muli ang mga ari arian ni Katy...Ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos ay ang magparehistro ng isang kumpanya para sa transportasyon ng elixir sa lalong madaling panahon upang makasabay sa mga benta o produksyon para kay Katy.Naniniwala si Harvey na babalik sa normal ang lahat kapag may negosyo na si Katy sa sandaling mayroon siyang tumatakbong kumpanya.Matapos makuha ang numero ng sekretarya ni Katy, nagpadala si Harvey ng ilang mga text para ayusin ang ilang bagay.Nung lalabas na si Harvey sa hapon, biglang nag ring ang phone niya.Di nagtagal ay kinuha ni Harvey ang telepono. Isang babaeng m
Palihim na napabuntong hininga si Harvey York. No wonder pinaglalaruan ng ganito ang sekretarya.Wala ni isang lalaki sa mundo ang makakalaban sa isang bata at inosenteng mukhang babae, kung tutuusin.Matapos sukatin ang sekretarya, sumagot si Harvey, “Ikaw…?”"Ang pangalan ko ay Harper Klein," Nahihiyang sagot ng sekretarya.Tumango si Harvey.“Tama. Sino nanaman ang nagsabi sayo ng mga walanghiyang bagay na iyon?”Saglit na nag alinlangan si Harper."Siya ang lalaking namamahala sa pagpaparehistro ng pag apruba, si Rico Padlow. Dito siya nakatira.”"Sinasabi na siya ay kabilang sa parehong pamilya na namamahala sa Blackburn City Martial Arts Alliance. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay kumikilos ng napakataas at makapangyarihan sa harap ng lahat.“Balita ko, mahihirapan ang mga pumupunta para magparehistro, lalo na ang mga babae sa ibang bansa, dahil sa kanya!”"Ang mga lalaki ay nawawalan ng pera habang ang mga babae ay nawawalan ng katawan..."Napuno ng pag aalala at ta
Namuhi si Harper Klein. Galit na galit siya pero hindi siya magtatangkang magsalita tungkol dito. Malamig na suminghal ang mahabang babae bago nagsabing, "Nagtatrabaho ako rito, bata! Kailangan kong aliwin si Chief Padlow dito!"Hindi mo siya hinayaang hipuan ka nang dumating ka rito kaninang umaga! "Hindi mo siya hinayaang halikan ka nang nagpunta ka rito ngayong hapon! "Tapos ngayon nandito ka para pakiusapan siyang magtrabaho para sa'yo? Paano ko naisip na may gagawin siya sa puntong ito?"Kung ako sa'yo, hahayaan ko si Chief Padlow na tignan nang maigi ang katawan ko at gawing madali ang lahat!"Pagkatapos, mahiyaing sumandal ang babae sa mga braso ni Rico Padlow nang nakangiti. "Tama ba ako, Chief Padlow?"Pagkatapos ay tinitigan nang masama ng babae si Harper. Tumawa nang malakas si Rico habang pinalakad niya ang mga kamay niya sa katawan ng babae. "Tama ka. Ganun mismo ang dapat na mangyari! Hubarin mo ang mga damit mo para matignan kita nang maigi, bata!"Kung
Tatawag na sana ang babae. "Wag! Isa lang itong hindi pagkakaunawaan…"Takot na takot si Harper Klein. Pinanganak siya sa South Sea. Iyon ang dahilan kung bakit alam niya kung anong mangyayari kapag nilabanan niya ang mga taong iyon. Humakbang siya paharap bago yumuko nang malalim. "Nagmula si Sir York sa Hong Kong at Las Vegas, Chief Padlow. Matapat siyang nagpunta rito. Pakiusap, tulungan niyo siya."Gagantimpalaan ka namin nang maayos pagkatapos ng lahat.""Wala akong pakialam!"Tinitigan ni Rico Padlow si Harper nang may namumuhing ekspresyon sa mukha niya. "Hindi mo ba alam kung paano ako nagtatrabaho?! Gusto ko nang makuha ang gantimpala ko ngayon din!"Gusto mong maghintay ako hanggang sa matapos ang lahat?!"Hindi mo man lang magawa nang maayos ang lahat ngayon! Paano ko maaasahang may magagawa ka pagkatapos nito?!"Napuno ng emosyon si Rico. Kung makukuha niya ang inosenteng dalagang ito, magsasaya siya mamaya lang. At dahil walang ibang tao dito, ayos lang sa
"Nagpapanggap kang tinatawagan mo si Gael Padlow?"Nagpakita nang namumuhing ekspresyon ang babae nang nakita niya si Harvey York na gumamit ng phone. "Kilala mo ba kung sino si Gael? Siya ang young master ng Padlow family. Malaki ang pagkatao niya sa Blackburn City Martial Arts Alliance! "Tinatawagan mo ba siya? "Sinong sinusubukan mong lokohin rito?"Gawin mo namang kapani-paniwala!"Tignan mo na rin ang sarili mo habang ginagawa mo yan!"Akala mo ba may karapatan kang tawagan si Gael?!"Malamig na tumawa si Rico Padlow. "Ang lakas ng loob mong magyabang sa harapan ko, bata!"Kapag sinabi ko to kay Young Master Padlow, tiyak mamamatay ka! "Base sa kung paano siya maghawak ng problema, ang kung sinomang gagamit ng pangalan niya para magyabang ay pipiliting lumuhod bilang paghingi ng tawad!"Binaba ni Harvey ang phone bago tumingin kay Rico. "Wag kang mag-alala. Hindi ko kailangang gawin mo yun para sa'kin. "Yun nga lang, kailangan mong lumuhod habang tinatapos mon
Mabilis na pumasok si Gael Padlow sa kwarto habang nakabalot ng plaster at bandage ang buong katawan niya. Masasama ang ekspresyon ng ilang higher-ups ng Industrial and Commercial Bureau habang nakasunod kay Gael. Natarantang tumayo si Rico Padlow at yumuko. “Young Master Padlow! Sirs!”Mabilis na umatras ang babae at ang iba pang empleyado bago magalang na bumati kina Gael. Maliban kay Gael, naroon rin ang director at vice director ng Industrial and Commercial Bureau ng Blackburn City. Pambihira ang katayuan nila. Ang mga mabababang nilalang sa harapan nila ay hindi naiiba sa mga asong kalye. Hindi pinansin ni Gael ang mga tao sa harapan nila at mabilis na naglakad papunta kay Harvey York."May nagbigay ba sa'yo ng problema rito, Sir York?" tanong ni Gael nang nakalapit ang mukha. "Sino?!"Patutumbahin ko siya ngayon din!"Kaagad na namutla ang mga mukha nina Rico at ng babae pagkatapos makita ang masunuring pakikitungo ni Gael sa harapan ni Harvey. Hindi nila inas