Napatingin si Katy sa paligid niya. Malamig na tumatawa ang mga miyembro ng pamilya nang may malulupit at masasamang mukha. "Wag ka nang tumingin sa paligid mo, Katy. Walang maniniwala sa basurang yan…" dahan-dahang sabi ni Eden. "Isang taong kasing uto-uto mo lang ang maniniwala na kayang gumawa ng ganitong bagay ang walang kwentang lalaking to," mayabang sabi ni Valery. Bumuntong-hininga ang isang matandang may balbas. "Gumising ka na, Katy. Wag ka nang managinip."Durog na durog ang puso ni Katy. Ginawa niya ang lahat para sa pamilya niya sa loob nang napakatagal na panahon; pero walang kumakampi sa kanya at hindi rin sila naniniwala na kayang gawin ni Harvey ang kahit na ano.Napaatras siya nang may maputlang mukha. Mabilis na hinawakan ni Harvey Katy bago siya bumagsak at nag-aalalang bumulong, "Ayos ka lang?""Ayos lang ako."Huminga nang malalim si Katy para pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos, tumingin siya kay Grandma Cobb nang may mapait na ekspresyon. "
Kaagad na nagsalita ang buong pamilya; alam nilang makikinabang nang malaki ang pamilya kapag nakinig si Katy at pinakasalan niya si Gael. Wala namang kinalaman sa kanila ang nararamdaman ni Katy. Naniniwala ang pamilya na basta't kakampi nila ang Blackburn City Martial Arts Alliance, magiging napakaganda ng posisyon nila. Kahit na hindi nila panatilihin ang posisyon nila bilang isa sa great families ng South Sea, mabubuhay pa rin sila nang walang inaalala sa susunod na ilang taon ng buhay nila. Sa sandaling ito, walang kahulugan sa kanila ang nararamdaman ni Katy. Wala rin silang pakialam kung anong mangyayari sa kanya. Handa na silang ipadala si Katy sa kama ni Gael pagkatapos pag-usapan ang tungkol sa benepisyo na makukuha nila. Nang naramdaman ni Eden ang poot ng lahat, mayabang na tumawa si Eden. "Iniisip ng pamilya na dapat mong pakasalan si Young Master Padlow. Ano pa bang masasabi mo sa harapan ng pamilyang nagpalaki sa'yo?"Pagkatapos makita ang sakim na ekspr
'Hindi kami nararapat?!'Napahinto ang lahat. Pagkalipas ng wala pang isang segundo, tumawa silang lahat. Namumuhi nilang tinitigan si Harvey. Iniisip nilang isa lang siyang tanga sa pagsabi niya nang ganito. Daan-daang tao ang kumampi sa Cobb family habang mag-isa lang si Katy. 'Sinabi niyang hindi kami nararapat ngayong mag-isa lang siya?''Baliw ba siya?'Tumingin ang lahat kay Harvey na para bang nakatingin sila sa isang tanga; lalo na't hindi naman ito sasabihin ng isang taong nasa katinuan. Naningkit ang mga mata ng mga babae sa Cobb family habang tinitigan nila nang masama si Harvey. Pagkatapos nito, natawa sila nang malakas habang umiiling. Ito ang unang beses nilang makakita ng ganito kamangmang na tao buong buhay nila. Sa mga mata ng pamilya, isang payaso lang si Harvey. Nanigas si Katy at tumingin siya kay Harvey nang may gulat na ekspresyon; hindi niya alam kung anong ibig niyang sabihin. Ngumiti lang si Harvey. "Katy, hindi nakasalalay sa bilang ang pr
Hindi pinansin ni Harvey ang pulis at kalmadong tinignan kay Grandma Cobb. "Maghintay ka lang, Grandma Cobb.""Wala naman talaga akong kinalaman dito sa umpisa pa lang pero…""Pinilit mong ipakasal ang kaibigan ko, sinubukan mong lasunin si Elder Cobb, pagkatapos ipapakulong mo ako.""Tatandaan ko ang lahat ng to."Malagim ang mukha ni Harvey. "Pag nakalabas ako sa presinto, babalikan kita nang isandaang beses.""Sisiguraduhin kong mamamtay ang pamilya mo at ipapabali ko ang binti ni Eden bilang paghingi ng tawad!"Walang interes si Harvey na tapusin si Eden gamit ng sarili niyang kamay. Mas mabuti para kay Harvey na gamitin ang pagkataong ito na maghiganti sa pamilyang kagaya ng mga Cobb. "Gusto mong baliin ni Grandma Cobb ang mga binti ko?! Ano bang sinasabi mo?'Mayabang na suminghal si Eden. "Mag-isip ka dapat ng paraan para makalabas ng kulungan!""Maiintindihan mo na rin sa wakas ang kahihinatnan ng paglaban mo sa Cobb family pagkatapos nito!"Kalmadong umupo s
Hindi napigilan ni Harvey na suminghal pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ng kalbong pulis. Sa wakas ay naintindihan niyang wala talagang kaayusan sa lugar na ito. Alam niyang hindi rin gumagana rito ang pagiging patas at ang hustisya. Dahil doon, hindi siya makakaramdam ng pagsisisi kung gagamitin niya ang mga koneksyon niya mamaya. "Pinaglalaruan mo ba ako?!"Pakiramdam ng kalbong pulis na napahiya siya pagkatapos makita ang nangmamaliit na tingin ni Harvey. Hinampas niya ang mesa sa galit. "Binabalaan kita, h*yop ka! Ang lugar na ito ay tungkol sa pagiging patas at makatarungan!""Kakasuhan kita ng paninirang puri kapag dumaldal ka pa!"Ngumisi si Harvey. "Sige. Hinihintay ko naman ang mismong mga salitang iyon.""Kapag sinabi kong nanlaban lang ako pagkatapos naunang kumilos ang Cobb family, papaniwalaan niyo ba ako?"Nagkatinginan ang mga pulis, sabay suminghal. "Ang Cobb family ay isa sa great families ng South Sea. Ang pamilyang iyon ay puno n
Muntik nang mapagsamantalahan ni Jace si Ellen pagkatapos siya nitong piliting lasingin, pero niligtas siya ni Harvey. Simula noon, hindi pa sila nagkitang muli. Kahit na kasing si Ellen noon, sigurado siyang si Harvey ang nagligtas sa kanya. Iba na ang tingin ni Ellen kay Harvey ngayon; hindi na niya siya minamata. Ang babae sa tabi niya ay nakasuot ng pormal na kasuotan at gintong salamin. Mukha siyang nasa apatnapung taong gulang, pero malinaw pa rin ang balingkinitan niyang katawan at maganda niyang mukha. Kahit na ganun, mukha siyang malayo sa tao. Hindi man lang makakatingin sa kanya ang mga pangkaraniwang lalaki sa harapan niya. “Hello.”Tumango si Ellen sa dalawang pulis bago naglakad papunta kay Harvey nang may nagtatakang ekspresyon. "Bakit ka nandito, Harvey?""Mamá, siya si Harvey. Siya ang bumugbog sa mga taong yun para iligtas ako."Hindi nakausap ni Ellen si Katy pagkatapos niyang makalabas sa ospital kaya hindi niya alam ang lahat ng nangyari sa Cobb fami
‘Boyfriend?’‘Fiance?’Muntik masamid si Harvey sa kape niya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Tumingin ang dalawang mapagmataas na pulis kay Harvey nang gulat na gulat. Patuloy nila siyang tinitigan pero wala silang makitang espesyal sa kanya. Hindi rin nila inisip na may karapatan si Harvey na kumapit sa Cobb family at sa Moreno family. Nanigas si Noemi. Pagkalipas ng isang segundo, isang nanlulumong ekspresyon ang lumitaw sa mukha niya. "Wala akong pakialam kung kasintahan o kaibigan mo siya. Hindi mo pwedeng protektahan ang isang taong sinasampahan ng krimen!"Natural na medyo hindi matibay ang posisyon ni Noemi sa pamilya. Mukha siyang napakatibay sa labas, ngunit napakamaingat niya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi niya hahayaang makahanap ang ibang tao sa pamilya niya ng kahit na ano para pagalitan siya. Galit na tinignan si Ellen sa nanay niya. Pagkatapos, lumingon siya kay Harvey. "Harvey! Sabihin mo sa kanila na pinagbintangan ka! Hindi mabubugbog ng i
Kalmadong tiningnan ni Harvey ang imbestigador na bilugan ang mukha. "Kung wala ang dalawang binibini dito, nasiguro mo kayang walang sisira ng ebidensya dito?"Nanigas ang imbestigador na bilugan ang mukha. Pagkatapos nito, kusa siyang napatingin sa kalbong imbestigador. Tinitigan nang masama ng kalbong imbestigador si Harvey at yumuko ito. Nagpakita si Harvey ng matibay na patunay na inosente siya, kasama ng tulong ng Moreno family, hindi na siya pwedeng ikulong ng pulisya. Makalipas ang kalahating oras, umalis si Harvey nang walang galos. Kaya ni Harvey na makaalis nang madali doon nang wala ang tulong ng mag-ina, ngunit tiningnan niya pa rin nang mataimtim ang mga ito bilang pasasalamat.“Mrs. Moreno, Ellen, thank you.”"Tatandaan ko ang naging tulong niyo sa akin. Papakainij ko kayo kapag may oras ako!" Nginitian siya ni Ellen. "Ako na ang magiging kalasay mo sa Blackburn City magmula ngayon, Harvey!" "Ang nanay ko ang second lady ng Moreno family, isa sa great