Isang elder ang desperadong sinubukang kontrolin ang kaniyang emosyon pagkatapos tumawag sa phone."Si Grandma Cobb, ang Blackburn City Martial Arts Alliance ay tiniyak ito. Mayroon pa rin tayong mga karapatan sa supply, at darating sila upang suriin ang mga kalakal ngayong hapon."Nanginginig sa tuwa ang pamilya Cobb matapos marinig ang mga salitang iyon.Hindi lamang magiging matagumpay ang kanilang pangangalakal, maaari rin silang kumita ng limpak limpak na pera. Ang buong pamilya ay patuloy na magtamasa ng kanilang kaluwalhatian at kayamanan."Paano niya nagawa iyon sa isang iglap?!"“Kalahating halaga lang ang ginamit namin para makuha ang mga gamit! Yayaman tayo kung bibilhin talaga nila ito sa atin!""Ang mga dividend lamang ay maaaring tumagal sa amin ng anim na buong buwan upang gastusin sa anumang gusto namin!"Ang buong pamilya ay may kakaibang ekspresyon ng tumingin sila kay Harvey.Ang panghahamak sa kanilang mga mata ay napalitan ng pagkabigla at hindi paniniwala,
“Paano kung ganito? Dahil nalutas ang problema pagkatapos mong magpanggap na tumawag sa phone…”"Hahayaan ko kayong maghiwalay ni Katy dahil napakaswerte ninyo!""Maaaring ipagpatuloy ni Katy ang pagiging pinuno ng head house.""Walang sinuman ang pinapayagang magsalita tungkol dito kahit saan pa!""Kung hindi, tatawagin ko ang mga pulis kung sino man ang gumawa niyan!"Medyo nabigla si Grandma Cobb kanina, pero naalala niya agad...Nakailang tawag na si Eden sa phone para makiusap sa mga tao na tumulong sa sitwasyon.Ang mga tao sa kabilang panig ng phone ay patuloy na nag iikot sa paksa, ngunit si Grandma Cobb ay umaasa pa rin.Natural, iisipin niya na si Eden ang humarap sa sitwasyon.Nagbago ang ekspresyon ni Katy. Hindi niya akalain na babalikan ni Grandma Cobb ang kanyang sinabi.Ng hindi binibigyan ng pagkakataon si Harvey na magsalita, sinulyapan ni Grandma Cobb si Eden na may ngiti sa labi.“Mahal kong anak! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nahaharap ka na sa sitwas
Upang ipagmalaki ang kanyang awtoridad at relasyon kay Gael, binuksan ni Eden ang mga speaker bago idial ang numero.Isang nanlalamig at madilim na boses ang maririnig sa kabilang banda."Ano ngayon?!"Nagalit si Gael. Nakatanggap lang siya ng balita na nagawa ni Trey na ibalik sa pamilya Cobb ang kanilang mga karapatan sa suplay.Ang kanyang ama ay ang vice leader ng Blackburn City Martial Arts Alliance, ngunit ang nangungunang talent ay nagsabi sa kanya ng isang bagay na nagpilit sa kanyang ama na ibalik ang mga karapatan sa supply.Matapos makuha ang tawag ni Eden, kumukulo sa galit si Gael.Sabi nga, hindi niya alam kung anong uri ng mga koneksyon mayroon ang pamilya Cobb, kaya hindi siya nangahas na bumukas ng buo.Ngumiti si Eden sa kabila ng hindi gaanong palakaibigan na tono ni Gael.“Young Master Padlow! Alam ko na ang tungkol sa Blackburn City Martial Arts Alliance na ibinalik sa amin ang aming mga karapatan sa supply.""Alam kong ginawa mo ang lahat para tulungan ka
"Alam ko hinahanap mo ang tunay na pag-ibig, Katy.""Pero bilang tagapagmana ng pamilya, nasa'yo ang lahat ng kadakilaan at karangyaan, kasama rin ang responsibilidad sa kapalaran ng pamilya!""Hindi na kita sisisihin sa mga bagay na nagawa mo noon…""Kahit pagkatapos mong maikasal, kaya ko pa ring tiyakin ang pwesto mo bilang head ng head house!"May mapagmataas na tingin sa mukha ni Granda Cobb na para bang isa siyang napakamapagbigay na babae. "Basta't papakasalan mo si Young Master Padlow, magkakaroon tayo ng malakas na kakampi!""Iniisip mo ba talaga na mahal ka talaga ng lalaking ito?""Kumakapit lang siya sa'yo para sa awtoridad at yaman ng pamilya!""Bibigyan ko lang ng isandaan at limampung libong dolyar ang lalaking to at babalik na siya sa Country H.""Aayusin natin ang lahat sa ganitong paraan!""Wala ka namang tutol sa suhestiyon ko, di ba?"Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Katy. Malamig na tumawa si Eden at mayabang na humakbang paharap. "Narinig mo ba
Napatingin si Katy sa paligid niya. Malamig na tumatawa ang mga miyembro ng pamilya nang may malulupit at masasamang mukha. "Wag ka nang tumingin sa paligid mo, Katy. Walang maniniwala sa basurang yan…" dahan-dahang sabi ni Eden. "Isang taong kasing uto-uto mo lang ang maniniwala na kayang gumawa ng ganitong bagay ang walang kwentang lalaking to," mayabang sabi ni Valery. Bumuntong-hininga ang isang matandang may balbas. "Gumising ka na, Katy. Wag ka nang managinip."Durog na durog ang puso ni Katy. Ginawa niya ang lahat para sa pamilya niya sa loob nang napakatagal na panahon; pero walang kumakampi sa kanya at hindi rin sila naniniwala na kayang gawin ni Harvey ang kahit na ano.Napaatras siya nang may maputlang mukha. Mabilis na hinawakan ni Harvey Katy bago siya bumagsak at nag-aalalang bumulong, "Ayos ka lang?""Ayos lang ako."Huminga nang malalim si Katy para pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos, tumingin siya kay Grandma Cobb nang may mapait na ekspresyon. "
Kaagad na nagsalita ang buong pamilya; alam nilang makikinabang nang malaki ang pamilya kapag nakinig si Katy at pinakasalan niya si Gael. Wala namang kinalaman sa kanila ang nararamdaman ni Katy. Naniniwala ang pamilya na basta't kakampi nila ang Blackburn City Martial Arts Alliance, magiging napakaganda ng posisyon nila. Kahit na hindi nila panatilihin ang posisyon nila bilang isa sa great families ng South Sea, mabubuhay pa rin sila nang walang inaalala sa susunod na ilang taon ng buhay nila. Sa sandaling ito, walang kahulugan sa kanila ang nararamdaman ni Katy. Wala rin silang pakialam kung anong mangyayari sa kanya. Handa na silang ipadala si Katy sa kama ni Gael pagkatapos pag-usapan ang tungkol sa benepisyo na makukuha nila. Nang naramdaman ni Eden ang poot ng lahat, mayabang na tumawa si Eden. "Iniisip ng pamilya na dapat mong pakasalan si Young Master Padlow. Ano pa bang masasabi mo sa harapan ng pamilyang nagpalaki sa'yo?"Pagkatapos makita ang sakim na ekspr
'Hindi kami nararapat?!'Napahinto ang lahat. Pagkalipas ng wala pang isang segundo, tumawa silang lahat. Namumuhi nilang tinitigan si Harvey. Iniisip nilang isa lang siyang tanga sa pagsabi niya nang ganito. Daan-daang tao ang kumampi sa Cobb family habang mag-isa lang si Katy. 'Sinabi niyang hindi kami nararapat ngayong mag-isa lang siya?''Baliw ba siya?'Tumingin ang lahat kay Harvey na para bang nakatingin sila sa isang tanga; lalo na't hindi naman ito sasabihin ng isang taong nasa katinuan. Naningkit ang mga mata ng mga babae sa Cobb family habang tinitigan nila nang masama si Harvey. Pagkatapos nito, natawa sila nang malakas habang umiiling. Ito ang unang beses nilang makakita ng ganito kamangmang na tao buong buhay nila. Sa mga mata ng pamilya, isang payaso lang si Harvey. Nanigas si Katy at tumingin siya kay Harvey nang may gulat na ekspresyon; hindi niya alam kung anong ibig niyang sabihin. Ngumiti lang si Harvey. "Katy, hindi nakasalalay sa bilang ang pr
Hindi pinansin ni Harvey ang pulis at kalmadong tinignan kay Grandma Cobb. "Maghintay ka lang, Grandma Cobb.""Wala naman talaga akong kinalaman dito sa umpisa pa lang pero…""Pinilit mong ipakasal ang kaibigan ko, sinubukan mong lasunin si Elder Cobb, pagkatapos ipapakulong mo ako.""Tatandaan ko ang lahat ng to."Malagim ang mukha ni Harvey. "Pag nakalabas ako sa presinto, babalikan kita nang isandaang beses.""Sisiguraduhin kong mamamtay ang pamilya mo at ipapabali ko ang binti ni Eden bilang paghingi ng tawad!"Walang interes si Harvey na tapusin si Eden gamit ng sarili niyang kamay. Mas mabuti para kay Harvey na gamitin ang pagkataong ito na maghiganti sa pamilyang kagaya ng mga Cobb. "Gusto mong baliin ni Grandma Cobb ang mga binti ko?! Ano bang sinasabi mo?'Mayabang na suminghal si Eden. "Mag-isip ka dapat ng paraan para makalabas ng kulungan!""Maiintindihan mo na rin sa wakas ang kahihinatnan ng paglaban mo sa Cobb family pagkatapos nito!"Kalmadong umupo s