Inunat ni Jensen Carlson ang kanyang kamay at sinenyasan ang lahat na manahimik. Ngumiti siya saka sinabi, "Tulad ng alam nating lahat, ang pinakamalaking sanhi ng myocarditis ay dahil sa pinsala sa myocardial!""Para tuluyang mapagaling ang myocarditis, ang tradisyunal na paraan ay ang sumailalim sa operasyon para maputol ang namamagang myocardium at pagkatapos ay sumailalim sa heart bypass operation!""Ngunit sobrang mapanganib ng paraang ito!""Sa isang banda, kailangang indahin ng mga pasyente ang malaking financial pressure. Sa kabilang banda, napakalaking pagsubok din nito para sa kakayahan nating mga doktor!""Marami sa mga nangungunang pigura sa surgical profession ang may napakaraming similar na mga ganitong operasyon. Nagdulot din ito ng kamatayan sa maraming pasyenteng may kritikal na sakit dahil hindi nila kayang mag-ayos ang petsa para sa operasyon. Responsibilidad natin ito!"Nagdalamhati si Jensen at nagpatuloy, "Gayunpaman, may limitasyon sa enerhiya ng tao! Kahit
Sa oras na ito, ngumiti si Gregory Clarke sa madla at sinabi, "Bweno, hahayaan ko lang na sila na sila mismo ang mag-ayos niyan. Syempre, masisiyahan akong gawin ito!""Gayunpaman, dahil ang pangunahing paksa ngayon ay ang medical seminar, magpatuloy na tayo ngayon!""Sige! I-welcome na natin si Director Carlson na magbibigay ng lecture!""Please!""Isa talagang karangalan para sa amin na lumahok sa makasaysayang sandaling ito sa medical profession!”Sumabog ang hiyawan sa madla. Pagkatapos ay naglakad si Jensen Carlson papunta sa podium at sinimulang i-play ang video.Habang naka-play ito, pinaliwanag niya, "Mga minamahal kong hinalinhan sa medical profession, sobrang matagumpay ang eksperimento ko sa pagkakataong ito. Ang resulta ng eksperimento ay nagpapahiwatig ng isang bagay, iyon ay, hangga't ang regeneration ng mga cardiomyocytes ay pinabilis sa pamamagitan ng technical na paraan, ang mga bagong cell ay kayang palitan ang mga necrotic cell. Kung kaya, ang mga problema ng m
Bahagyang kumislap ang mga mata ni Jensen Carlson na nasa podium at nayayamot siya.Gayunpaman, tinago niya ang kanyang mga card malapit sa kanyang dibdib. Hindi siya masyadong nagsalita sa sandaling ito.“Ella, sino ang lalaking ito? Paano siya nagsasalita ng kalokohan dito? Hindi kaya niya alam kung gaano ito ka-pormal at ka-seryoso?!” Hindi masayang sinabi ni Gregory Clarke sa hindi kalayuan.Anong nangyayari?Ayos lang para kay Ella Graves na magdala ng lalaki dito. Hindi siya nagtanong pa. Gayunpaman, pinahiwatig ng lalaking ito na nagnakaw si ng mga resulta ng ibang tao at inangkin ito noong una.Pumunta ba siya rito para gumawa ng gulo?Galit na galit si Gregory sa sandaling ito!Hindi siya dapat nagsasalita nang kalokohan, lalo na sa makasaysayang sandaling ito!Posibleng naopaka-seryoso ng mga kahihinatnan nito.Gagawin din nito ang pormal na sandali na dapat maging isang magandang kwento na isang katawa-tawa."Ano ng problema ng binatang ito? Mukhang hindi ka nagtat
Paulit-ulit na nagbago ang mukha ni Gregory Clarke. Malamig niya sinabi sa sandaling ito, "Anong ibig mong sabihin, binata?""Sinasabi mo bang ninakaw ni Jensen Carlson ang research results ng ibang tao?""Mas mabuti kung mag-iisip ka nang mabuti bago ka magsalita!""Tinulungan ko siyang makipag-coordinate noong na-setup niya ang research project limang taon na ang nakararaan!""Sa mga unang araw ng pag-setup ng proyekto, sinuri ko rin ang impormasyon sa database. Wala namang gumawa ng similar na research!”"Ako, si Gregory Clarke, ay meron pa ring tiyak na katayuan sa medical profession ng Country H. Itataya ko ang aking reputasyon para sa kanya! Totoo ang mga resulta. Pinanood ko rin si Jensen na unti-unting makuha ang mga medical results!”"Ang lahat ng mga nangungunang pigura ngayon ay alam na pinaka-ayaw ko ang medical falsification sa buong buhay ko. Kapag nalaman ko ito, hindi ko pakakawalan ang mga ganitong tao!"Maraming mga doktor sa paligid ang tumango agad pagkasabi
Tila nagsabi ng napakalaking kasinungalingan ang brat na ito dahil sinusubukan niyang kunin ang pansin ni Ella Graves.Gayunpaman, naisip ba niyang ang medical profession ay isang lugar na pwede magsalita at humusga ang isang outsider kung kailan niya gusto?Hindi napigilan si Harvey York ng momentum ni Jensen. Sa halip, ngumiti siya at malayang sinabi, "Nabasa ko lang naman ang research project ni Dr. Carlson mula simula hanggang katapusan... Napansin mo bang may problema sa dokumentong ito? Ang mga academic materials at texts na binanggit sa kamangha-manghang obra maestrang ito ay mula nng limang taon na ang nakalipas. Walang data sa nakaraang limang taon.”"Kaya ko lang sabihin na bobo talaga siya. Kahit na gusto niyang nakawin ang mga research results ng ibang tao, dapat binago niya ang mga cited documents at materials sa mga recent documents, ‘di ba?""Subalit, kaya niya ginawa ito ay dahil hindi niya masyadong alam mismo ang tungkol sa research project. Natatakot siyang mawaw
Ngumiti si Harvey York at naglakad papunta sa podium. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang pointer mula sa kamay ni Jensen Carlson. Saka itinuro niya ang ilang lugar sa screen.Hindi maipaliwanag ng maraming doktor at eksperto ang kanyang mga kilos.Anong ginagawa niya?Ano ang gamit ng pagtuturo sa ilang may-akda sa cited literature sa halip na sa nilalaman ng papel?Gayunman, biglang nagbago ang mukha ni Gregory Clarke, at gusto niyang pigilan siya, pero hindi niya nagawa.Sa sandaling ito, napahingal rin si Jensen na para bang may naisip siya!Hindi tinuro ni Harvey ang mga pangalan ng mga may-akda. Sa halip, tinuro niya ang kanilang mga petsa ng kapanganakan at kamatayan!Sa sandaling ito, karamihan sa mga tao medyo nalilito.Anong mapapatunayan mo sa pagturo niyon?Magagawa pa rinng ipaliwanag ang ilang problema kung ituturo ang mga pagkukulang at fraud sa papel.Subalit, ano ang ibig niyang sabihin sa pagturo sa mga iyon?Pinaparatangan ba niya si Jensen ng fraud dahil
"Totoo nga! Namatay ang mga ekspertong ito mula sa iba pang mga bansa sa nakaraang ilang taon...""Ang ilang literature ay na-update sa ikatlong edisyon, ngunit ang datos na nakalagay ay galing pa rin sa unang edisyon!""At tungkol sa cited literature na ito, sinabi ng orihinal na author na nagkamali siya sa kanyang thesis at hiniling sa lahat na huwag itong banggitin. At heto..."Maraming eksperto at iskolar sa paligid ang excited na nakatuon sa nilalaman ng thesis report.Ngunit nang bigyang-pansin ng lahat ang mga karaniwang detalye na mabilis lang nilang tiningnan, maraming butas ang nakita.Kahit sina Gregory Clarke at Ella Graves ay nagulat matapos tingnan nang mabuti ang thesis report.'Talaga bang naglalaman ang thesis report ng mga research result ng iba?''Dahil hindi alam ni Jensen Carlson kung aling literature ang na-cite mula sa mga thesis at data na ito, iyon ang dahilan kung bakit hindi ito binago nang hindi sinasadya at ito ang naging pinakamalaking butas?'Lumi
Napilitang ngumiti si Harvey York at sinabi, "Isang diyos si Senior Oskar Armstrong sa mga lalaki. Kung binitawan niya research na akala niya ay hindi feasible, bakit ka niya bibigyan ng pointers tungkol dito kalaunan?""Pinahihiwatig mo bang sinubukan ni Senior Armstrong na i-frame ka?""Ikaw..."Tinuro ni Jenson Carlson si Harvey, nanigas ang kanyang mukha."Tatawagin ko na si Senior Armstrong ngayon para patunayan na ikaw lang ang lumalapastangan!""Ano? Tatawagan si Senior Armstrong?""May phone number ni Senior Armstrong si Director Carlson?""Narinig kong walang sinumang makakontak kay Senior Armstrong sa bansang ito. Paano kaya ito magagawa ni Director Carlson?"Kahit si Gregory Clarke ay nagulat, hindi niya naisip na magkakaroon ng koneksyon ang kanyang estudyante kay Senior Armstrong.At ang research project ay talagang ideya ni Senior Armstrong!Salamat sa mga diyos!Isa talagang pagpapala ang magkaroon ng estudyanteng katulad nito!Nang walang alinlangan, umubo s
Hindi man lang niya mapapanatili ang kanyang posisyon kung lalala ang mga pangyayari.Isang nakakakilabot na ekspresyon ang ipinakita ni Soren Braff bago huminga ng malalim.“Representative Abe, tama ba?"Alam ko na ito ang teritoryo ng Island Nations. Alam ko rin na ikaw ang kinatawan ng Island Nations Embassy!"Ngunit kailangan mong bigyan ako ng isang patas na pahayag para sa pinsala sa aking mga tao nang ganoon!""Sa tingin mo ba may karapatan kang hilingin iyon?!"Ngumisi si Sakamoto bago itinapat ang likod ng palad sa mukha ni Soren.Pak!Isang malakas na sampal ang narinig.Napaatras ng ilang hakbang si Soren na hindi makapaniwala. Ni wala siyang panahon para ihanda ang sarili.Hindi niya inaasahan na magiging walang ingat ang mga taga-isla para labanan siya ng ganito!Isang matingkad na pulang palm print ang makikita sa kanyang mukha nang siya ay lubos na nagalit."Mukhang pinaplano mong palakihin ang sitwasyon kahit anong mangyari, Young Master Abe!Malamig na nap
”Hayy.”Napabuntong-hininga si Kairi Patel bago inilabas ang kanyang telepono."Baka may nakalimutan ka, Young Master Abe.“Galing ako sa pamilya Patel!“Ang pamilya ay kabilang sa isa sa limang nakatagong pamilya."Sa tingin mo ba makakaalis ka pa rito ng buhay kung magpasya akong pigilan ka anuman ang kahihinatnan?"“So ano?“Kaya mo bang labanan ang pamilya Tsuchimikado?"Kami ang tunay na maharlikang pamilya na may libu-libong taon ng angkan!"Ang Bansa H ay hindi pa naitayo sa loob ng isang daang taon! Paano ka makakaasa na lumaban sa Island Nations?!“Sige lang! Subukan mo ako!"Gusto kong makita kung gaano kahanga-hanga ang pamilya Patel!"Bam!Bumukas ang pinto bago pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme.Ang nasa harap ay si Soren Braff mismo."Anong karapatan mong saktan ang pamangkin ko sa ilalim ng hurisdiksyon ng Golden Sands Police Station?" malamig na bulalas ni Soren habang humahakbang."Natanong mo na ba muna ang opinyon ko?"Mabilis na
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor