Hindi kaagad nagsalita si Vance. Sa halip, nilagay niya ang binti niya sa mesa bago sinenyasan ang mga babae sa paligid niya na masahiin siya. Uminom siya ng red wine at interesadong tumingin kina Katy at Harvey. Nakatupi ang mga braso ng ilang bodyguards sa dibdib nila habang tinitigan nila sina Katy at Harvey; sinusubukan nilang malaman kung saan nakuha ng dalawa ang tapang para magyabang sa harapan ni Vance. "H*yop ka!"Bago pa makapagsalita si Vance, isang binatang may mahabang buhok ang humakbang paharap. Bastos na dinuro ng binata si Harvey nang mukhang galit na galit. "Ang sabi ni CEO Toft, mag-isa kang pumunta rito, pero nagsama ka ng lalaki rito?!" sigaw niya. Dala ng tono niya ang lakas ng awtoridad ng amo niya. "Palayasin mo ang lalaking to rito!""Kung hindi, wag mo kaming sisihin sa susunod na mangyayari!" Tumawa ang mga kaibigan ng binata ay tumayo habang pinapatunog ang mga daliri nila. Handang-handa silang patumbahin si Harvey kung hindi siya aalis. Simp
Naningkit ang mga mata ni Vance habang tinignan niya si Harvey nang may nangmamatang ekspresyon. Umasta siya na parang nakatingin siya sa isang patay nang tao. Bago nakasagot si Katy, ngumiti si Harvey at nagsabing, "Iniisip mo ba talaga may karapatan kang baliin ang braso't binti ko rito?"'Anong ibig niyang sabihin?'Namuhi ang ekspresyon sa kanya nina Lana at ng iba pang magagandang babae pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. 'Talagang ignorante ang mababang lalaking to!' 'Sino ba siya sa tingin niya?''Gusto niya yatang mamatay para magyabang siya sa harapan ni Vance!' "Wag mo kaming sisihin ngayong ikaw mismo ang gustong mamatay, bata!"Malamig na tumawa ang binata sa harapan niya. Tinaas niya ang bote ng alak na hawak niya at ginamit ito para ituro si Harvey. "Sugurin niyo siya!" utos niya. Tumawa ang tatlong bodyguard at sumugod. Handa nilang baliin ang bawat isang braso at binti ni Harvey. Sa sandaling nakalapit sila, bigla silang nakaramdam ng panganib.
"Ano naman?" Kalmadong sumagot si Harvey. Tumawa si Vance, pagkatapos ay tinuro si Harvey. "Ang lakas ng loob mong magyabang sa South Sea ngayong hindi ka naman mamamayan dito?!""Akala mo ba magaling ka na dahil nagawa mong pabagsakin ang ilan sa mga tao ko gamit ng baduy mong martial arts?" "Wag kang mangmang!" "Natural lang para sa'kin na pabagsakin ka! Kapag sinubukan mong manlaban, sisirain mo ang batas ng Blackburn City!""Makukulong ka pag pinagpatuloy mo to!""Kung ako sa'yo, tumigil ka na habang kaya mo pa!"Pumalakpak si Vance nang natapos siyang magsalita. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at sumugod papasok ang dose-dosenang tao. Isang babaeng naka-leather jacket na may maikling buhok ang naglakad sa tabi ni Vance. Pagkatapos, tinitigan niya nang masama si Harvey. Mas lalong yumabang si Vance pagkatapos lumitaw ang mga taong ito. "Ang talas ng dila mo, bata nang tibay mo rin, pero hindi kita gusto.""Pero dahil matapang ka, bibigyan kita ng pagkakatao
"Sinabi ko na sa'yo, walang kwenta ang mga tao mo."Bahagyang nakangiti si Harvey at naglagay pa siya ng kaunting pwersa sa kamay niya; kaagad na humiwa ang matalim na kutsilyo sa balat ni Vance. Tumulo ang isang patak ng dugo. Sapat na ang kalmadong mga kilos ng Harvey para pagpawisan nang matindi si Vance. Bahagya ring ngumiti si Katy. Humakbang siya nang ilang beses at tumayo sa tabi ni Harvey. Kaagad na sumugod ang mga bodyguard ni Vance sa lugar nang may masasamang ekspresyon. "Gusto mo bang mamatay, h*yop ka?!""Pakawalan mo si CEO Toft, kundi papatumbahin ka namin!""Ang lakas ng loob mong ihostage si CEO Toft! Sinong nagbigay sa'yo ng tapang?!"Humakbang si Zora paharap at galit na sumigaw, "Binabalatan kita! Kapag sinaktan mo si CEO Toft, pagpupunit-punitin kita!" "Kapag sinaktan ko siya?"Sinampal ni Harvey ang mukha ni Vance gamit ng likod ng kamay niya. "Pasok ba to?"Pak!"Eh ito?""O ito?"Naglagay pa ng kaunting pwersa si Harvey sa kamay niya; isang
Kalmadong ngumiti si Harvey. "Sa totoo lang, hindi ako kayang sugatan ng mga tauhan mo." "Wala kang magagawa kahit na nandito sila.""Pakawalan mo si CEO Toft at labanan mo ko kung matapang ka!" galit na sumigaw si Zora nang nakita niya ang mayabang na ekspresyon ni Harvey. "Gagawin kong kapareho ng sa'yo ang apelyido ko kapag nakaligtas ka rito!"Galit na galit siya. Naniniwala talaga siya na isa siyang eksperto ng henerasyon at madali lang para sa kanya na patayin si Harvey. Gayunpaman, hindi niya inasahang magiging ganito kakapal si Harvey para gawin niyang bitag si Vance at napilitan siyang magdalawang-isip. Kung hindi, sigurado siyang isandaang beses nang namatay si Harvey. Ngumisi si Harvey kay Zora. "Wag kang mag-alala. Palaging mayroong pagkakataon.""Pero kapag nakita mo yun, wag mo sanang pagsisihan."“Heh, heh!”Namumuhing tumawa si Zora na para bang sasakalin niya si Harvey anomang sandali ngayon. Hindi pinansin ni Harvey si Zora at kalmadong tumingin
Bam!Bago pa tumama ang atake ni Zora, sinipa ni Harvey ang isang bote ng alak mula sa lapag. Pagkatapos ay hinawakan niya ang bote at binasag ito sa ulo ni Zora. Kaagad na tumalsik si Zora habang sumisigaw sa sakit. Gulat na gulat ang lahat; hindi nila inasahang ganito pala kagaling si Harvey. Napuno ng galit si Zora nang napagtanto niyang wala siyang laban kay Harvey; kaagad siyang tumalsik sa isang bote ng alak. "Sinabi ko na sa'yo, hindi ka pa magaling."Kalmadong ngumiti si Harvey at inapakan ang pulso ni Zora. Krak!Narinig ang tunog ng mga nababaling buto. Hindi pinansin ni Harvey si Zora habang nanginig siya sa lapag. Kalmado siyang naglakad papunta kay Vance at tinapik niya siya sa mukha. "Akala ko nagkaintindihan na tayo, CEO Toft.""Hindi ko inakalang tatraydurin mo ko nang ganito.""Kakalimutan ko to ngayon, pero hindi na ako magiging mabait sa susunod."Pak!Sinampal ni Harvey si Vance at sinipa ang ilang dosenang bodyguard sa lapag, pagkatapos ay um
Para makipagkumustahan…Naghanda si Julian para kina Harvey ng hapunan sa isang pribadong club. Tinignan ni Harvey ang vintage na dekorasyon, pagkatapos ay tumingin sa pagkakaibigang ekspresyon ni Julian. "Pamilyar ka ba sa Blackburn City, Julian?" "Parang ganun."Malaki ang ngiti ni Julian. "Sa totoo lang, bago ako maging makapangyarihan, binuhos ko ang puso't kaluluwa ko sa pamilya ko.""Wala akong masyadong ari-arian dito sa Blackburn City, pero hindi ibig sabihin nito ay wala akong kahit na ano. Kaya sinabi sa'kin ni Queenie na tulungan ka.""Siya nga pala, anong ginagawa mo rito, Sir York?"Handang-handa si Julian sa laban. Basta't magsabi si Harvey, gagawin niya ang lahat para makumpleto ang misyon. Tumango si Harvey; may maliit na ngiti sa mukha niya habang kumuha siya ng istik na puno ng mga lokal na pagkain. "Wala lang talaga yun.""Nagpunta ako rito para iligtas si Dean Cobb pagkatapos niyang mabugbog ni Julio, ang Demon Monk ng India. Nandito ako para sigu
Isang dalagang nakasuot ng itim na Chanel dress ang pumasok bago tumumba sa harapan ni Harvey. Lumamig ang mga mata nina Julian at Irene. Pagkatapos, ilang malalaking lalaking nakasuot ng suits ang lumitaw nang may malalagim na titig. Hinawakan nila ang dalaga para kaladkarin siya palabas ng kwarto. Tinakpan ng magulong buhok ng dalaga ang buo niyang mukha, pero para bang pamilyar kay Harvey ang balingkinitan niyang katawan. Basa ng alak ang buong katawan niya; mabilis ang paghinga niya at kaawa-awa ang mga mata niya. "Tumatakbo ka pa rin, p*ta ka?!""Gusto mo bang mamatay?!" Isang lalaking may mahabang buhok ang humila sa buhok ng babae at walang awa siyang pinagsasampal. “Aaagh!”Sumigaw siya sa sakit. Hindi nagtagal, nakita ang mukha niya. Napahinto si Harvey; nakilala niya siya kaagad. ‘Ellen?’'Hindi ba siya ang kaibigan ni Katy?'"Binigyan ka ni Young Master Lee ng alak bilang respeto!""Ang lakas ng loob mong magyabang! Ang sabi mo madali kang malasing?!"