"Walang nakakaalam kung babagsak ang apat na magagaling na Martial Arts Alliances kahit ilantad mo ang impormasyon sa publiko…”"Pero gagawin namin ang lahat para patayin ka!" Sabi ni Haru Miyamoto habang nagngangalit ang mga ngipin.Si Rowen Caddel at Gordon Moreno ay nagpakita ng kakilakilabot na mga ekspresyon ng hindi binigkas ang isang salita.“Oh? Sinasabi mo na parang hindi mo ako papatayin kung hindi ko ilantad ang mga Martial Arts Alliances!”Nagpakita ng mapaglarong ekspresyon si Harvey York.“Hindi ba kayo ang humihiling sa akin na ibunyag ang lahat ng natutunan ko bago ako lumuhod sa harap ng maharlikang pamilya ng India?”"Sinasabi mo na ikaw ay makatwiran …”“At ako ang may gawa ng kasalanan?”"Kung ayaw mong gawin ang isang bagay sa iyong sarili, dapat hindi mo ito ipinataw sa iba noong una.”“Halika! Malinaw na meron kang alas para labanan ako kung ikaw ay handa na pagbantaan ako ngayon,” Mahinahong katwiran ni Harvey.“Kung ganoon, gamitin mo lahat sa akin! T
Pak! "Ikaw ang prinsipe ng Osborne family. Ang tagapagmana ng royal family ng India! "Napakayabang mo, pero sinong mag-aakalang may kaduwagan ka rin pala?"Pinagsasampal ni Harvey York si Clyde Osborne hanggang sa namaga ang mukha niya. "H*yop ka…" Umatras si Clyde pagkatapos tanggapin ang lahat ng mga sampal na iyon. Isang masamang ekspresyon ang malinaw na nasa mukha niya sa sandaling iyon. Gustong-gusto na niyang bunutin ang baril niya at kalabitin ang gatilyo kay Harvey… Pero sa sandaling nahawakan niya ang baril niya, mabilis na sumigaw sina Emilio Garcia at ang iba pa, "Wag, Prince Osborne!" Natural na mas may pakialam sila sa interes nila kumpara sa dangal ni Clyde. Nagpunta sila rito para ipagyabang ang lakas nila, hindi para mamatay. "Manahimik kayo! Kayong lahat!"Galit na galit si Clyde. "Nakalimutan niyo na bang lahat kung sino ang nagsimula nito?! "Papatayin ko siya! Papatayin ko talaga siya!"Pagkatapos mabastos nang paulit-ulit, gustong-gusto na
"Hindi," sagot ni Harvey York nang may kalmadong ekspresyon. May masamang ekspresyon si Emilio Garcia. "Sisiguraduhin kong walang mga insidenteng kagaya nito ang mangyayari sa susunod na limang taon! "Hihinto rin kaagad ang pag-atake sa mga mamamayan ng Country H sa ibang bansa!"Galit na galit sina Haru Miyamoto pero wala silang nagawa kundi tumango. "Tama! Mula ngayon, mapayapa tayong mabubuhay. Mula ngayon, hindi na kami mangingialam sa usapin ninyo!" Nagngitngit ang ngipin ni Clyde Osborne pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Nagpakita lang siya ng malamig na ekspresyon nang hindi nagsasabi ng kahit na ano. Kapag nagsalita siya, ibig sabihin nito ay tumataliwas siya sa kasinungalingang sinabi niya noon tungkol sa kapakanan ng mga tao. Nag-iisip na siya ng isang milyong paraan para tapusin ang buhay ni Harvey sa sandaling ito… Gustong-gusto niyang makitang magkapunit-punit si Harvey! "Sa wakas!" Masayang naghiyawan ang mga empleyado ng Martial Arts Alliance
Tinupi ni Harvey York ang mga braso niya sa dibdib niya bago namumuhing pinalipad si Emilio Garcia sa isang sipa. Nang pinupunasan ni Harvey ang mga daliri niya gamit ng tisyu, nanginginig ang mga mata nina Emilio bago sila umtras nang takot na takot. Sa puntong ito, alam nilang tama si Harvey… Kahit na patayin sila ni Harvey, hindi man lang kukurap ang Martial Arts Alliances. Lalo na't alam ni Harvey ang pinakamalaki nilang kahinaan. Sobrang namuhi sina Emilio nang nakita nilang umasta nang dominante si Harvey. Nandito sila para magyabang at pahirapan ang Martial Arts Alliance ng Country H…Pero hindi sila naiiba sa mga aso kumpara kay Harvey sa sandaling ito. Taliwas ito sa naisip nila. Nang may mapait na ekspresyon, huminga nang malalim si Emilio at nagsabing, "Mas maganda kung wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo ngayon, Sir York…" Sinampal ni Harvey ang mukha ni Emilio gamit ng likod ng kamay niya. "Mas gugustuhin kong gawin yan." Nagngitngit ang ngi
"Pangalawa, bayaran niyo ang lahat ng nawala sa mga mamamayan ng Country H sa ibang bansa. "Bayaran niyo ang mga pinsala nila at parusahan niyo ang mga taong may gawa nito! Walang labis, walang kulang, at walang palalampasing kahit isang tao! "Maliban pa roon, ang bawat isa sa inyo ay magbabayad ng isandaan at limampung milyon bilang pensyon at mental loss fees para sa mamamayan ng Country H! "Ang assistant kong si Elanor Stanton ang magdedesisyon kung paano kayo magpapatuloy sa sitwasyon."Nanginig ang mga mata nina Emilio Garcia. Ang puso ng mga tao ang pinupuntirya ni Harvey York. Kahit na ganun, matitiis pa nila ang mga kondisyong ito. Kahit na gaano pa sila kagalit, wala silang magagawa kundi tumango. "Tatanggapin din namin ang mga kondisyong ito." "Pangatlo, at ang pinakahuli…" Kalmadong nagsabi si Harvey, "Wala akong tiwala sa four great Martial Arts Alliances na tutupad kayo sa usapan. "Kaya hinihiling ko na kilalanin ng Far East at ng South Sea Martial Arts
Hindi rin lang kalokohan ang sinasabi ni Clyde Osborne. Palaging papanig ang four great directors sa Martial Arts Alliances ng Amerika at Empire of the Sun that Never Sets. Hindi lang nasa kanila ang monopolyo ng maraming martial arts resources sa mundo, pero madalas din silang nagtutulungan para pahirapan ang ibang Martial Arts Alliances ng matataas na bansa. Maituturing na halos perpekto ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig. Madaling sabihin na palaging susundin ng Martial Arts Alliances ng mundo ang four great directors. Dahil kumplikado ang sitwasyon ng Far East at South Sea, madalas na hindi sila nakikialam sa kanila. Sa kanila naman na ang iba pang bahagi ng mundo ng martial arts. Bakit hahayaan ng four great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H na umangat sa ilalim ng ganitong sitwasyon? Hindi lang may ibang taong hahawak dito, iba rin ang opinyon ng mga directors ulit. Kung ganun, paano nila gagamitin ang awtoridad nila para manamantala ng mga
Kaagad na nagdilim ang mukha ni Clyde Osborne. Hindi niya maisip kung paanong nangyari ang ganitong pagkakataon. Sa ganitong sandali, nagsasawa ng meeting ang World Martial Arts Alliance at binoto nila ang Martial Arts Alliance ng Country H bilang isa sa great directors. 'Paanong nangyari to?! 'Nangyari ang lahat kagaya ng sabi ng h*yop na Harvey York na yun!''Plinano niya ba ang lahat ng to?!'Para bang isang malaking alon sa pampang ang pagdating ng ideyang yun sa isipan ni Clyde. Mabilis niyang pinakalma ang sarili niya. Inisip niyang imposibleng mangyari yun. 'Walang magagawa sa World Martial Arts Alliance ang isang basurang kagaya ni Harvey. 'Nagkataon lang ang lahat ng ito!' "Kayong lahat, wag kayong matakot!" sigaw ni Clyde. "Nalaman niya siguro to mula sa sources niya! "Iyon ang dahilan kung bakit siya nakapag-isip ng ganitong kondisyon! "Wag kayong sumuko sa kondisyon niya! "Tayong mga tao ng Country H, alam natin ang hangganan natin. Wala tayong kar
Hindi ito gustong mangyari nina Gordon Moreno. Sinisigawan pa nila si Harvey York kanina lang pero yumuyuko na sila sa susunod na segundo. Wala silang ibang magawa. Nagdesisyon na ang mga amo nila. Dahil tatlo sa four great directors ng World Martial Arts Alliance ang pumayag sa kondisyon, ano pa bang magagawa ng representatives? Nanigas si Colton Torres. Nagulat din sina Dane Benett at ang iba pa. Sa puntong ito, hindi sila makapaniwala sa nangyayari sa harapan nila. "Tumututol ako! Hindi pwedeng maging isa sa great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H!" galit na sigaw ni Clyde. "Alam natin kung anong kaya nating gawin! Hindi nababagay ang Martial Arts Alliance ng Country H para diyan! "Hindi mo lang kami tinutulak na lumabas sa Far East at South Sea regions… "Sinusubukan mo pang patayin ang Martial Arts Alliance ng Country H dito! "Hindi ako papayag dito!" Pagkatapos, tinitigan nang masama ni Clyde sina Emilio Garcia at Haru Miyamoto. Malinaw ang i