"Hindi," sagot ni Harvey York nang may kalmadong ekspresyon. May masamang ekspresyon si Emilio Garcia. "Sisiguraduhin kong walang mga insidenteng kagaya nito ang mangyayari sa susunod na limang taon! "Hihinto rin kaagad ang pag-atake sa mga mamamayan ng Country H sa ibang bansa!"Galit na galit sina Haru Miyamoto pero wala silang nagawa kundi tumango. "Tama! Mula ngayon, mapayapa tayong mabubuhay. Mula ngayon, hindi na kami mangingialam sa usapin ninyo!" Nagngitngit ang ngipin ni Clyde Osborne pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Nagpakita lang siya ng malamig na ekspresyon nang hindi nagsasabi ng kahit na ano. Kapag nagsalita siya, ibig sabihin nito ay tumataliwas siya sa kasinungalingang sinabi niya noon tungkol sa kapakanan ng mga tao. Nag-iisip na siya ng isang milyong paraan para tapusin ang buhay ni Harvey sa sandaling ito… Gustong-gusto niyang makitang magkapunit-punit si Harvey! "Sa wakas!" Masayang naghiyawan ang mga empleyado ng Martial Arts Alliance
Tinupi ni Harvey York ang mga braso niya sa dibdib niya bago namumuhing pinalipad si Emilio Garcia sa isang sipa. Nang pinupunasan ni Harvey ang mga daliri niya gamit ng tisyu, nanginginig ang mga mata nina Emilio bago sila umtras nang takot na takot. Sa puntong ito, alam nilang tama si Harvey… Kahit na patayin sila ni Harvey, hindi man lang kukurap ang Martial Arts Alliances. Lalo na't alam ni Harvey ang pinakamalaki nilang kahinaan. Sobrang namuhi sina Emilio nang nakita nilang umasta nang dominante si Harvey. Nandito sila para magyabang at pahirapan ang Martial Arts Alliance ng Country H…Pero hindi sila naiiba sa mga aso kumpara kay Harvey sa sandaling ito. Taliwas ito sa naisip nila. Nang may mapait na ekspresyon, huminga nang malalim si Emilio at nagsabing, "Mas maganda kung wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo ngayon, Sir York…" Sinampal ni Harvey ang mukha ni Emilio gamit ng likod ng kamay niya. "Mas gugustuhin kong gawin yan." Nagngitngit ang ngi
"Pangalawa, bayaran niyo ang lahat ng nawala sa mga mamamayan ng Country H sa ibang bansa. "Bayaran niyo ang mga pinsala nila at parusahan niyo ang mga taong may gawa nito! Walang labis, walang kulang, at walang palalampasing kahit isang tao! "Maliban pa roon, ang bawat isa sa inyo ay magbabayad ng isandaan at limampung milyon bilang pensyon at mental loss fees para sa mamamayan ng Country H! "Ang assistant kong si Elanor Stanton ang magdedesisyon kung paano kayo magpapatuloy sa sitwasyon."Nanginig ang mga mata nina Emilio Garcia. Ang puso ng mga tao ang pinupuntirya ni Harvey York. Kahit na ganun, matitiis pa nila ang mga kondisyong ito. Kahit na gaano pa sila kagalit, wala silang magagawa kundi tumango. "Tatanggapin din namin ang mga kondisyong ito." "Pangatlo, at ang pinakahuli…" Kalmadong nagsabi si Harvey, "Wala akong tiwala sa four great Martial Arts Alliances na tutupad kayo sa usapan. "Kaya hinihiling ko na kilalanin ng Far East at ng South Sea Martial Arts
Hindi rin lang kalokohan ang sinasabi ni Clyde Osborne. Palaging papanig ang four great directors sa Martial Arts Alliances ng Amerika at Empire of the Sun that Never Sets. Hindi lang nasa kanila ang monopolyo ng maraming martial arts resources sa mundo, pero madalas din silang nagtutulungan para pahirapan ang ibang Martial Arts Alliances ng matataas na bansa. Maituturing na halos perpekto ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig. Madaling sabihin na palaging susundin ng Martial Arts Alliances ng mundo ang four great directors. Dahil kumplikado ang sitwasyon ng Far East at South Sea, madalas na hindi sila nakikialam sa kanila. Sa kanila naman na ang iba pang bahagi ng mundo ng martial arts. Bakit hahayaan ng four great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H na umangat sa ilalim ng ganitong sitwasyon? Hindi lang may ibang taong hahawak dito, iba rin ang opinyon ng mga directors ulit. Kung ganun, paano nila gagamitin ang awtoridad nila para manamantala ng mga
Kaagad na nagdilim ang mukha ni Clyde Osborne. Hindi niya maisip kung paanong nangyari ang ganitong pagkakataon. Sa ganitong sandali, nagsasawa ng meeting ang World Martial Arts Alliance at binoto nila ang Martial Arts Alliance ng Country H bilang isa sa great directors. 'Paanong nangyari to?! 'Nangyari ang lahat kagaya ng sabi ng h*yop na Harvey York na yun!''Plinano niya ba ang lahat ng to?!'Para bang isang malaking alon sa pampang ang pagdating ng ideyang yun sa isipan ni Clyde. Mabilis niyang pinakalma ang sarili niya. Inisip niyang imposibleng mangyari yun. 'Walang magagawa sa World Martial Arts Alliance ang isang basurang kagaya ni Harvey. 'Nagkataon lang ang lahat ng ito!' "Kayong lahat, wag kayong matakot!" sigaw ni Clyde. "Nalaman niya siguro to mula sa sources niya! "Iyon ang dahilan kung bakit siya nakapag-isip ng ganitong kondisyon! "Wag kayong sumuko sa kondisyon niya! "Tayong mga tao ng Country H, alam natin ang hangganan natin. Wala tayong kar
Hindi ito gustong mangyari nina Gordon Moreno. Sinisigawan pa nila si Harvey York kanina lang pero yumuyuko na sila sa susunod na segundo. Wala silang ibang magawa. Nagdesisyon na ang mga amo nila. Dahil tatlo sa four great directors ng World Martial Arts Alliance ang pumayag sa kondisyon, ano pa bang magagawa ng representatives? Nanigas si Colton Torres. Nagulat din sina Dane Benett at ang iba pa. Sa puntong ito, hindi sila makapaniwala sa nangyayari sa harapan nila. "Tumututol ako! Hindi pwedeng maging isa sa great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H!" galit na sigaw ni Clyde. "Alam natin kung anong kaya nating gawin! Hindi nababagay ang Martial Arts Alliance ng Country H para diyan! "Hindi mo lang kami tinutulak na lumabas sa Far East at South Sea regions… "Sinusubukan mo pang patayin ang Martial Arts Alliance ng Country H dito! "Hindi ako papayag dito!" Pagkatapos, tinitigan nang masama ni Clyde sina Emilio Garcia at Haru Miyamoto. Malinaw ang i
Sobrang natulala ang iba pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi inasahan ng lahat na si Clyde Osborne, na mukhang nagsimula ng lahat, ay sasampalin ni Gordon Moreno. 'Ano ba talagang nangyari rito…?' "Ang lakas ng loob mong saktan ako, h*yop ka…?" Gustong patayin ni Clyde si Gordon, pero nagawa niyang pigilan ang sarili niya. Kaya niyang patayin ang isang kagaya ni Gordon sa isang kurap… Pero sinusuportahan siya ng South Sea Martial Arts Alliance. Hindi rin sila kayang labanan ni Clyde. "Ano? Iniisip mo ba magaling ka na dahil tinatawag ka naming 'Prince'?"Gusto mo ba akong labanan ngayon?!"Namumuhing tinulak ni Gordon si Clyde sa tabi. "Wala kang kwenta! Ang alam mo lang gawin ay dumada! "May sasabihin ako sa'yo! Kahit na gaano pa kahirap ang desisyon o kung gaano karaming tao ang laban sa amin, kakampi ng Country H ang Far East at South Sea Martial Arts! "Ipapapirma namin sa mga miyembro namin ang kontrata para iboto ang Martial Arts Alliance ng Count
Sa susunod na tatlong araw, kailangang asikasuhin ni Harvey York ang Martial Arts Alliance ng Country H kasama ni Colton Torres. Kasama ng pagpapadala ng Far East at South Sea Martial Arts Alliance ng mga inaalok nila… Ang Martial Arts Alliance ng Country H ay matagumpay nq naging isa sa magagaling nq direktor. Bukod pa rito, hindi lamang tumigil ang pag-atake ng mga tao sa mga mamamayan ng Country H, lahat sila ay binayaran rin sa mga naging pinsala.Pagkatapos itong asikasuhin, sinabihan ni Harvey sila Rachel Hardy na manatili sa Flutwell at makipagtulungan kay Mandy Zimmer sa pagpapatakbo ng Hearthstone Corporation.At para naman sa Martial Hall, si Elanor Stanton at Layne Naiswell ang naatasan nito.Ngayong magkasama ang dalawa, mayroon silang koneksyon at lakas para magawa ang kahit ano.Natural na aayos na muli ang pag-usad ng Martial Hall, kasama ang suporta ng Torres family. Pagkatapos nito, sinabihan ni Harvey si Rachel na bilhan siya ng plane ticket bago siya umal