Nang dumating si Zack Zimmer sa villa, mabilis na sinabi sa kanya ni Senior Zimmer ang tungkol sa collaboration sa mga Naiswell.Kasabay nito, naging tuwid ang mukha si Senior Zimmer."Zack, posibleng pangasiwaan ni Rosalie Naiswell mismo ang collaboration na ito. Kailangan mong kunin ang pagkakataong ito. Kung kaya mo siyang maging iyo, ayos lang sa akin kahit maging live-in son-in-law ka nila!"Nanigas si Zack.'Kadalasang mabait sa akin ang lolo ko, bakit niya sasabihin saking maging live-in son-in-law ng ibang tao? May balak ba siyang sumuko sa akin?'Nakita ni Senior Zimmer ang iniisip ni Zack, pagkatapos ay tiniyak niya sa kanya at sinabi, "Zack, huwag kang mag-alala. Ang mga Zimmer ay palaging bukas sa iyo kahit maging live-in son-in-law ka pa ng mga Naiswell. Huwag kang mong alalahanin iyon!""Tungkol kay Rosalie Naiswell, pwede mong subukan kung gusto mo. Narinig kong baka siya ang susunod na tagapagmana ng mga Naiswell. Kung kaya mo siyang maging iyo, kahit na sa punton
Kumibot ang mga mata ni Harvey York, tumingin siya sa kisame, hindi naka-imik.'Bakit niya pa rin tinatanong ang tungkol dito pagkatapos ng mahabang panahon?'Hindi madaling ipaliwanag ang relasyong idto.Nang hindi nagdadalawang isip, bumuntong hininga siya.“Mandy, pagkatiwalaan mo sana ako dito. Mag-kaibigan lang talaga kami! Kung talagang meron kaming ganoong relasyon, mabundol na ako ng kotse paglabas ko!"Inunat ni Mandy Zimmer ang kanyang kamay at tinakpan ang bibig ni Harvey.“Shush! Huwag mong batiin, huwag ka nang magsalita nang kalokohan. Naniniwala ako sayo!"Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti, tila nawala ang yelo sa pagitan nila.Karaniwang maikli ang mga pagtatalo sa pagitan ng mga mag-asawa, ngunit masyadong kumplikado ang relasyon nina Harvey at Mandy. Ni hindi sila pwedeng tawaging tunay na mag-asawa, sa labas lang. Dahil maraming mga kontradiksyon sa kanilang dalawa.“Harvey, kailangan kong mag-trabaho. Mauna ka na, umuwi ka nang maaga.” Nahihiyang sinabi n
Kinagabihan, umalis si Harvey York sa opisina at minaneho ang kanyang Porsche para sunduin si Rosalie Naiswell.Sobrang excited si Rosalie na parang batang babae na may sorbetes nang makarating siya sa front passenger seat. Inakala niyang susunduin siya ni Harvey gamit lang ang isang electric bike, hinanda pa niya ang sarili na piliting ngumiti sa bisikleta. Hindi niya naisip na magmaneho siya ng Porsche dito.Ibig sabihin nito ay talagang pinahahalagahan ni Harvey si Rosalie, ‘di ba?"Anong pinagtatawanan mo?"Naguluhan si Harvey. Napaka-kumplikado ng isipan ng isang babae, madalas itong nagbabago kung nais nila.Tumingin si Rosalie sa bintana at ngumiti."Wala. Gusto ko lang ngumiti. May problema ba?""Wala namang problema! Ikaw ang binibini ng mga Naiswell. Hindi lamang sa Niumhi, kahit sa buong South Light, magagawa mo ang gusto mo." Sabi ni Harvey York.Hindi iyon sinabi ni Harvey para mambola. Kahit na hindi pa kontrolado ng mga Naiswell ang buong Niumhi, pambihira pa rin
Hindi nakilala ni Rosalie Naiswell ang dalawa. Tumingin siya saglit sa kanila saka tumango."Ay, kayo pala iyan. Hindi na tayo nagkita pagkatapos grumaduate sa university, isang pagkakataong magkita tayo dito sa Niumhi."Ngumiti si Ria Ferguson at lumakad papunta kay Rosalie habang nakatapak as kanyang high heels, saka siya tumingin mula ulo hanggang paa nang paulit-ulit."I know, right? Napakaliit ng mundong ginagalawan natin!”Sinubukan ng asawa ni Ria na ligawan si Rosalie sa noon sa university. Natural na magkakaroon siya ng poot kay Rosalie sa sandaling iyon.Masinsinang tinignan ni Ria si Harvey York at tumawa."Rosalie, narinig kong walang lalaki ang mga Naiswell na karapat-dapat na magmana sa family business sa henerasyong ito at nagpaplano kang maghanap ng live-in son-in-law.""Hindi mo talaga pinili ang lalaking nasa harapan ko, ‘di ba?""Kung tatanungin mo ang opinyon ko, maraming mga isda sa dagat noong nag-aaral pa tayo sa university. Bakit pumili ng isang hampaslu
“Wha—”Nataranta ang ilan sa mga store clerk.Isa iyong Platinum Card!Hindi ito maikukumpara sa Amex Black Card, ngunit simbolo din ito ng identity at status. Ang mga taong nagmamay-ari ng card na ito ay sinasabing may mga assets na nagkakahalaga ng libo-libo.Hindi hihigit sa isang daan ang bilang nito sa buong Niumhi.Matapos ang isang sandali ng pagkagulat, yumuko ang store clerk sa harap niya at sinabi, "Magalang na ginoo. Sa card na ito, maibebenta namin sa iyo ang 'Emerald Fantasy'."Hindi marinig ang kanilang mga boses, ngunit ang mga taong malapit sa mga jewelry stores ay tumingin pa rin sa kanilang direksyon. Hindi nila naisip na ang isang limited edition product na tulad ng 'Emerald Fantasy' ay mabebenta na ilang araw pagkatapos itong i-release.Matapos itong marinig, mayabang na tumingin at ngumiti si Owen Hawkins kay Rosalie Naiswell.“Rosalie, dapat ay may standards ka kahit papaano sa paghahanap ng lalaki. Hindi pwedeng basta ka lang hahanap ng lalaki at asahang
Malamig na tumawa si Ria Ferguson.“Naku, Rosalie Naiswell. Natatandaan kong sinabi mo sa university na maghahanap ka ng sarili mong Prince Charming sa hinaharap.""At anong nangyari? Paanong hindi ka nahihiya na kumuha ka ng kept man na gumagamit ng pera mo para mag-shopping kasama ka?"Tumingin si Rosalie kay Ria na may expression na kasing lamig ng yelo saka umiling."Harvey, huwag mong hayaang sirain ng mga taong ito ang date natin. Umalis na tayo, iwanan mo na ang kwintas."Tumango si Harvey York. Nandoon lang siya para mamili kasama si Rosalie, hindi na kailangang gumawa ng malaking gulo. Tumalikod siya, handa nang umalis.Tumawa si Owen Hawkins."Itong diumano’y Amex Black Card na ito ay peke din, sa palagay ko?""Narinig kong mabibili mo lang ang isang pekeng Amex Black Card ng dalawampu't limang dolyar. Mukha ring totoo ang hitsura nito, talaga bang maswerte ako na makakita ng ganitong bagay?"Binawi ni Harvey ang kanyang card at tumingin si Owen."Kahit peke ito, an
Patuloy na umiling si Rosalie Naiswell.Nagustuhan niya ang kwintas, ngunit masyadong mataas ang presyo.Hindi lamang ang live-in son-in-law, si Harvey York, kahit na siya ay hindi kayang maglabas ang ganoong pera sa oras na iyon.Hinila ni Rosalie si Harvey palabas ng jewelry store.Ngumiti si Harvey habang hindi umiimik, alam niyang gusto talaga ni Rosalie ang kwintas.Talagang mahal ang kwintas, ngunit wala lang kay Harvey ang presyo. Naisip niyang bilhin lamang ito habang nakatalikod siya at ibigay sa kanya mamaya.Habang nag-uusap ang dalawa, sina Owen Hawkins at Ria Ferguson ay lumakad papunta mismo sa kanila.Tila nakalimutan ni Ria ang kahihiyang naranasan niya kanina at pagkatapos ay ipokritikong sinabi, "Naku Rosalie, isa yatang kapalaran na nagkakasalubong tayo dito sa Niumhi. Bakit hindi tayo maghanap ng pwesto para makapag-usap tayo?"Mula nang ikasal si Ria kay Owen, ang nag-iisa niyang hinanakit sa kanya ay ang panahong sinubukan niyang ligawan si Rosalie noong n
Nang makitang medyo nainis si Harvey York sa nangyari, hindi na naglakas-loob pa ang manager na magsalita pa ng walang katuturan at patuloy na tumango.“Oo! Syempre!"Mabilis na binalot ng mga store clerk ang 'Emerald Fantasy' at magalang na inabot ito kay Harvey.May isang store clerk na medyo mas maganda kaysa sa iba na patuloy sa pagbigay ng eye signals kay Harvey at kahit walang malay na hinawakan ang kanyang kamay.Ni hindi siya pinansin ni Harvey.Makalipas ang ilang minuto, nagbitbit si Harvey ng isang boutique box pabalik sa kinatatayuan niya kanina.Sa sandaling iyon, nag-uusap pa rin ang tatlo.Ngunit ayaw na ni Rosalie Naiswell na makipag-usap pa sa dalawa. Nag-atubili lang siyang manatili para magbigay ng respeto sa pamilya Hawkins sa Mordu.Sa sandaling iyon, ngumiti si Harvey at lumakad kay Rosalie dala ang boutique box at ibinigay sa kanya."Aalis ka na bukas. Heto ang isang maliit na token of appreciation ko para sayo, sasalubungin kita sa susunod na bibisita k