Napabuntong hininga si Harvey York. Ang tatalino ng mga matandang fox na iyon. Kayang makita ng kanilang mga mata ang anumang layunin o pag-iisip na maaaring meron siya.Nang walang pagdadalawang isip, kinuha ni Harvey ang isang tasa ng tsaa sa mesa at ininom ito. Bumuntong hininga siya pagkatapos."Nagbibigay talaga ng lunas sa tiyan ang klase ng tsaang ito. tiyak na gastos ka ng daan-daan para sa isang pound nito, ‘di ba?”"Daan-daan?"Galit na tumawa si Shane Naiswell matapos makinig kay Harvey."Ito ang Big Red Pouch mula sa Walno, ang strain sa mga bangin, may mga bodyguard na pinoprotektahan ito habang may mga baril. Makakakuha ka lamang ng halos ten pounds ng tsaang ito kada taon, ang mga binebenta sa labas ay wala png five pounds, ang isang pound ay nagkakahalaga ng higit sa walong libo.""Sinasabi mo sa akin na ang isang pound nito ay nagkakahalaga ng libu-libo?"Wala masyadong alam si Harvey sa mga tsaa, ngunit sa sandaling iyon ay namangha rin siya.Nakakabilib ang n
"Bata, sa palagay mo ba ay may halaga ang pabor mo?"Tumawa si Shane Naiswell."Siguro," mahinahong sagot ni Harvey York."O sige, dahil may kumpiyansa ka rito. May ilang industriya ang pamilya na nakabase dito, kukuha lang ako ng isa para mag-trabaho kasama ang mga Zimmer. Isipin mo ito bilang pagrespeto ko," sabi ni Shane habang kumakaway, na parang hindi ito malaking bagay.Ngunit para sa isang second-class na pamilya, talagang napakahalaga nito.Kahit na walang pagkilala ng mga Naiswell, ang maka-trabaho sila, kahit na para sa isang maliit na proyekto ay magiging sapat na para patunayan ang halaga ng mga Zimmer."Master Naiswell, hindi sapat ang pasasalamat ko sa iyo. Kung may kailangan ka sa akin sa hinaharap, tutuparin ko iyan," sinabi ni Harvey na may seryosong mukha.Ngumiti si Shane, hindi niya rin ito isinapuso. Tinulungan lang niya si Harvey dahil sa kanyang potensyal. Hindi man niya inisip sa sandaling iyon na may kapangyarihan si Harvey na gumawa ng kahit ano."Tap
"Hindi mo na kailangang malaman." Sinabi ni Rosalie Naiswell na may ekspresyong kasing lamig ng yelo."Nandito ako upang kumatawan sa pamilya Naiswell at pag-usapan ang tungkol sa future collaboration natin."Nanigas si Senior Zimmer, hindi niya inakalang magsasabi si Rosalie ng ganito.Ang walang silbing basura, ganoon ba kahalaga ang lugar ni Harvey sa puso ni Shane? Kakailanganin ba ng pamilya Zimmer ng tulad ng isang live-in son-in-law para umangat ang ranggo?Sa sandaling iyon, hindi ito kayang isipin ito kahit para kay Senior Zimmer.Patuloy na nagsalita si Rosalie. "Marami pa akong aasikasuhin, kaya't gagawin ko itong maikli.""Nagkataong may utang na loob ang mga Naiswell kay Harvey dati.""Pumunta siya sa bahay namin ngayon para hilingin sa amin na ibalik ang pabor sa pamamagitan ng pagkilala sa pamilya Zimmer.""Hindi tinanggap ng aking lolo ang request nang una, pero nangako siyang pipili ng isang project para makatrabaho ang pamilya Zimmer. Ang effectiveness ng atin
Hindi na halos mapigilan ni Senior Zimmer ang tawa niya.Kapag pirmado na ang kontrata, ibig sabihin niyon ay opisyal nang makikipag-collaborate ang mga Zimmer sa mga Naiswell.Kahit na hindi si Shane Naiswell ang pumunta mismo para sa collaboration, ang magkaroon ng pagkakataong maka-trabaho ang mga Naiswell ay isang pambihirang pagkakataon para sa mga Zimmer.Sa buong South Light, ang mga tao na nagkaroon ng pagkakataong makipag-collaborate sa mga Naiswell ay mga mula lamang first-class na pamilya sa buong lungsod.Ibig sabihin din niyon na ang mga Zimmers na mayroong mga kwalipikasyon para makipag-collaborate sa ang Naiswell ay magkakaroon ng pagkakataong umakyat sa tuktok ng mga ranggo, kasama ang tulong ng Commercial Center Project.Sinusuportahan ang Zimmers ng York Enterprise at ng mga Naiswell, ang dalawang higante nang sabay. Gaano kahirap umakyat ng mga ranggo sa sitwasyong iyon?"Salamat, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong makipagtulungan sa mga Naiswell." Mapagpaku
Nang dumating si Zack Zimmer sa villa, mabilis na sinabi sa kanya ni Senior Zimmer ang tungkol sa collaboration sa mga Naiswell.Kasabay nito, naging tuwid ang mukha si Senior Zimmer."Zack, posibleng pangasiwaan ni Rosalie Naiswell mismo ang collaboration na ito. Kailangan mong kunin ang pagkakataong ito. Kung kaya mo siyang maging iyo, ayos lang sa akin kahit maging live-in son-in-law ka nila!"Nanigas si Zack.'Kadalasang mabait sa akin ang lolo ko, bakit niya sasabihin saking maging live-in son-in-law ng ibang tao? May balak ba siyang sumuko sa akin?'Nakita ni Senior Zimmer ang iniisip ni Zack, pagkatapos ay tiniyak niya sa kanya at sinabi, "Zack, huwag kang mag-alala. Ang mga Zimmer ay palaging bukas sa iyo kahit maging live-in son-in-law ka pa ng mga Naiswell. Huwag kang mong alalahanin iyon!""Tungkol kay Rosalie Naiswell, pwede mong subukan kung gusto mo. Narinig kong baka siya ang susunod na tagapagmana ng mga Naiswell. Kung kaya mo siyang maging iyo, kahit na sa punton
Kumibot ang mga mata ni Harvey York, tumingin siya sa kisame, hindi naka-imik.'Bakit niya pa rin tinatanong ang tungkol dito pagkatapos ng mahabang panahon?'Hindi madaling ipaliwanag ang relasyong idto.Nang hindi nagdadalawang isip, bumuntong hininga siya.“Mandy, pagkatiwalaan mo sana ako dito. Mag-kaibigan lang talaga kami! Kung talagang meron kaming ganoong relasyon, mabundol na ako ng kotse paglabas ko!"Inunat ni Mandy Zimmer ang kanyang kamay at tinakpan ang bibig ni Harvey.“Shush! Huwag mong batiin, huwag ka nang magsalita nang kalokohan. Naniniwala ako sayo!"Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti, tila nawala ang yelo sa pagitan nila.Karaniwang maikli ang mga pagtatalo sa pagitan ng mga mag-asawa, ngunit masyadong kumplikado ang relasyon nina Harvey at Mandy. Ni hindi sila pwedeng tawaging tunay na mag-asawa, sa labas lang. Dahil maraming mga kontradiksyon sa kanilang dalawa.“Harvey, kailangan kong mag-trabaho. Mauna ka na, umuwi ka nang maaga.” Nahihiyang sinabi n
Kinagabihan, umalis si Harvey York sa opisina at minaneho ang kanyang Porsche para sunduin si Rosalie Naiswell.Sobrang excited si Rosalie na parang batang babae na may sorbetes nang makarating siya sa front passenger seat. Inakala niyang susunduin siya ni Harvey gamit lang ang isang electric bike, hinanda pa niya ang sarili na piliting ngumiti sa bisikleta. Hindi niya naisip na magmaneho siya ng Porsche dito.Ibig sabihin nito ay talagang pinahahalagahan ni Harvey si Rosalie, ‘di ba?"Anong pinagtatawanan mo?"Naguluhan si Harvey. Napaka-kumplikado ng isipan ng isang babae, madalas itong nagbabago kung nais nila.Tumingin si Rosalie sa bintana at ngumiti."Wala. Gusto ko lang ngumiti. May problema ba?""Wala namang problema! Ikaw ang binibini ng mga Naiswell. Hindi lamang sa Niumhi, kahit sa buong South Light, magagawa mo ang gusto mo." Sabi ni Harvey York.Hindi iyon sinabi ni Harvey para mambola. Kahit na hindi pa kontrolado ng mga Naiswell ang buong Niumhi, pambihira pa rin
Hindi nakilala ni Rosalie Naiswell ang dalawa. Tumingin siya saglit sa kanila saka tumango."Ay, kayo pala iyan. Hindi na tayo nagkita pagkatapos grumaduate sa university, isang pagkakataong magkita tayo dito sa Niumhi."Ngumiti si Ria Ferguson at lumakad papunta kay Rosalie habang nakatapak as kanyang high heels, saka siya tumingin mula ulo hanggang paa nang paulit-ulit."I know, right? Napakaliit ng mundong ginagalawan natin!”Sinubukan ng asawa ni Ria na ligawan si Rosalie sa noon sa university. Natural na magkakaroon siya ng poot kay Rosalie sa sandaling iyon.Masinsinang tinignan ni Ria si Harvey York at tumawa."Rosalie, narinig kong walang lalaki ang mga Naiswell na karapat-dapat na magmana sa family business sa henerasyong ito at nagpaplano kang maghanap ng live-in son-in-law.""Hindi mo talaga pinili ang lalaking nasa harapan ko, ‘di ba?""Kung tatanungin mo ang opinyon ko, maraming mga isda sa dagat noong nag-aaral pa tayo sa university. Bakit pumili ng isang hampaslu
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai