Habang naghihintay si Clyde Osborne sa muling pagtatapat nila ni Harvey York habang siya ang pinakamalakas, tahimik na binabantayan ni Jeff Bauer ang bawat galaw ni Harvey…Kinabukasan, nitong umaga, kaagad na pinakilos ni Harvey si Kayden Balmer pagkagising nito.Nakalamang si Harvey sa laban nila ni Joseph Bauer, ngunit hindi pa ito sapat.Makikita sa mga senyales na hindi pa sumusuko si Joseph Bauer. Malinaw na may binabalak siyang malaki. Ang lahat ng nangyari kailan lang ay tila ba konektado sa kanya.Napagpasyahan ni Harvey na sirain muna ang pundasyon ni joseph para mapigilan si Joseph, Clyde at ang iba na magtulungan. Sa isang banda, maaga niyang maaalis ang mga inaalala niya. Sa kabilang banda, masisiguro niya ang sitwasyon sa pagitan ng Bauer family at Longmen.Bago pa makaalis nang matagal si Kayden, nagising si Joseph sa nagmamadaling yabag habang nakahiga pa siya sa kanyang manor.“Masama ito, Young Master Bauer! Hindi talaga ito maganda!”Natataranta na si Ruby
Ang mga chain Budokan ay ang pinakamalaking alas ni Joseph Bauer. Ayon sa kanyang tantya, lalangoy na siya sa pera bawat taon hanggat bukas pa ang mga Budokan.Ito ang dahilan kung bakit nagawa niyang manatiling kalmado pagkatapos niya mawalan nang malaki sa Flutwell’s new district. Hanggat nandito pa ang mga tao ng Flutwell at ang lahat ay mahilig pa rin sa martial arts, mananatili ang mga chain Budokan. Mananatili pa ring nasa itaas si Joseph. Sa madaling salita, habang-buhay nang tatakbo ang negosyong ito.Ngunit hindi niya inakalang ang bawat chain Budokan ay magkakaroon ng problema sa sandaling ito. Paanong nawalan ng malay ang mga estudyante sa loob?Alam na alam ni Joseph na hindi mura ang kanyang presyo. Ang mga taong nagpunta para magsanay sa mga Budokan ay hindi karaniwang tao. Ang lahat ng ito ay nagmula sa mga middle-class family o higit pa.Ang mga taong iyon ay hindi problema, ngunit nakakatakot kung libu-libo sa kanila ang nagsama-sama.Hindi lamang siya,
Gayunpaman, hula ni Joseph Bauer na aabutin ng ilang dekada muna bago may mangyaring ganito.Kapag nangyari iyon, wala na talaga siyang kinalaman sa pagbula ng bibig at pagkalumpo ng mga estudyante.Nasa kanya na ang pera. Pero kapag may nangyaring masama tulad nito nang maaga, malaki ang magiging epekto nito…Hindi lamang ang reputasyon niya ang magiging problema niya!Kapag nasangkot dito ang gobyerno at ang Martial Arts Alliance at nahalungkat ang sikreto ng teaching manual, lagot na siya!Nang walang-alinlangan, ang kalmadong si Joseph ay nanginig bago magmukhang malungkot. “Tawagan mo ang pulis para sa akin.“Hindi. Wala ‘yang kwenta. Tawagan mo si Elder Lee sa kanyang phone…”Gustong asikasuhin ni Joseph ang sitwasyon habang maaga, ngunit huli pa rin siya.Naibalita na ng bawat malaking media ang tungkol sa insidente.Nasa panganib ang mga chain Budokan! Lahat ng mga estudyante ngayong semester ay walang malay! May posibilidad na hindi sila tumagal!Nagkaroon ng kag
Pagkatapos hipan nang mahina ang tsaa, kalmadong sinabi ni Harvey York, “Ayon sa aking impormasyon…“Ang mga insidente ng paninira ng mga tao sa lugar ko at ang car accident…“Maging ang paglitaw ni Clyde Osborne ay may kinalaman kay Joseph Bauer.“Matagal nang gumagamit ng maduming paraang tulad nito ang inyong young master dahil dehado siya. Nakakabagot naman.“Ngunit dahil gusto niyang lumaban nang hindi patas, handa rin akong makisabay.Natawa si Harvey.“Oo nga pala, paano nalaman ni Young Master Bauer na may problema ang mga chain Budokan ni Joseph sa kanilang teaching manual?“Alam rrin niya na ganito rin ang mangyayari sa kanyang mga estudyante kapag kinulang sila sa naiinom na protein.“Ang ginawa ko lamang ay palitan ang kanilang almusal. Hindi ko inakalang ganito kalaking pinsala ang magagawa nito…”“Bago pa umangat si Joseph, siya ang tauhan ni Young Master Bauer,” sagot ni Elanor.“Kilalang-kilala siya ni Young Master Bauer na parang likod ng kamay nito.“Hindi
Napangiti si Harvey."Wala itong kinalaman sa akin.""Gayunpaman, hindi ako pumapatay ng mga inosente.""Hindi lang iyon, pinaplano ko rin na ayusin ang mga taong ito para makapagsanay silang muli at hindi maging lumpo pagkatapos ng isa o dalawang dekada.""Madaling pumatay, ngunit mas mahirap mag ligtas.""Sinasabi ito, pipiliin kong gawin iyon!""Ito ang dahilan kung bakit tayo magkaiba."…Habang lumalaki ang insidente ng chain Budokans...Na coma rin ang mga estudyanteng nagtapos sa kanila, dahil hindi nila mabili ang mga supplement na ibinibigay ng business alliance ng Flutwell.Ang mga taong ito ay ipinadala lahat sa ospital. Wala ni isa sa kanila ang nagising kahit na lumipas ang mahabang panahon.Lahat ng tao sa lungsod ay nagpapakita na ng kanilang mga pagdududa. Ang sitwasyong ito ay nagbigay ng hindi kapanipaniwalang stress sa business ng Flutwell.Ang solusyon ay hindi kasing simple ng pagpapahinto sa kanilang mga negosyo. Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya at
Hindi nagtagal, binaha ng mga estudyante at kanilang mga pamilya ang Martial Hall na parang isang malaking alon.Pinaghandaan na ni Harvey ang sitwasyon. Desidido siyang singilin ang mga estudyante ng labing apat na libong dolyar; ayaw niyang magpanggap na mabait. Kung walang pera ang mga pamilya, sasabihin niya sa kanila na hingin ito sa business alliance ng Flutwell.Kasabay nito, itinuro niya kay Layne at sa iba pang mga instruktor ang mga trick na ginamit niya upang iligtas ang mga estudyante ng chain Budokans.Sa kanyang pamumuno, ganap na bumalik sa normal ang mga estudyante matapos umubo ng dugo.Ang ilan sa media ay hindi naniniwala na mayroong isang tao na may kapangyarihang pagalingin ang mga estudyante. At kaya, kinaladkad nila ang mga estudyante upang siyasatin ang kanilang mga katawan, at nauwi sa pagkagulat.Yung mga estudyanteng parang siguradong patay na ay merong mga ordinaryong body readings. Ang mga reporters ay ganap na nataranta.Hindi nagtagal, umalingawngaw
"Di ba sinabi ko na sa mga g*go na yan?!""Ang mga pagkain ng mga estudyante ay may mga nutritional supplement sa loob! Kailangan din nilang inumin ang mga supplement na binebenta namin pagkatapos ng graduation!”“Magagawa nating kumita ng pera ng walang katapusan sa ganoong paraan! Magiging ligtas at maayos din sila!""Bakit nangyari ito?!"Ang mga mata ni Joseph ay malamig. Ang kanyang manual sa pagtuturo at mga pandagdag ay magkasabay.Maliban sa pagpapalakas ng mga estudyante, maaari rin niyang anihin ang kanilang pera...Bakit kailangang mangyari ang ganito sa halos walang kamali mali niyang plano?“May nangyari ba sa supplements natin? Hindi! Imposible!"“Ito ang lifeline natin! Napakahigpit ng aming assembly line! Hindi tayo gagawa ng anumang kadiliman sa umpisa pa lamang!"“Ang g*go na si Harvey na iyon ay pumili pa ng perpektong oras para iligtas ang mga estudyante! Walang paraan na magsasanay sila muli sa atin…”"Ito ay malinaw na isang pag atake!"Kumunot ang noo
"May malaking nangyayari, Young Master Bauer!"Ng tatawag na sana si Ruby, biglang pumasok si Ozzy na may halong excited na tingin.“Tingnan mo! Tingnan mo ang balita! May nagtangkang pumatay kay Harvey!"Natigilan si Joseph. Pagkatapos, tumingin siya sa TV.Kinuha ni Ruby ang remote at pinalitan ang channel.Agad na nagdilim ang mukha ni Joseph pagkatapos.Dumating ang daan daang lalaking may maskara.Lahat sila ay may dalang kutsilyo, metal na tubo, at kahoy na patpat, at mabangis na itinataboy ang mga estudyante at ang kanilang mga pamilya.Sinabi pa nilang susunugin nila ang Martial Hall!Higit sa lahat, lahat sila ay nakasuot ng mga damit na kabilang sa business alliance ng Flutwell.May mapagmataas silang mga mukha ng ipahayag nila na si Joseph ang kanilang panginoon, at na siya ang tunay na panginoon ng pamilya Bauer.May sumipa pa nga at dinurog ang mga bagay sa paligid kung kailan nila kaya.Nawasak na naman ang bagong ayos na pinto.Sabi nga, hindi lang nila naga
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”