Sumugod ang isang grupo ng mga taong naka-itim na balabal papasok ng Charity Garden nang may mga hawak na espada. Nakataas ang mga mukha nila at maraming kalyo sa mga kamay nila. Malinaw na mga eksperto sila. Maayos silang kumilos at pinalibutan ang mga tao ni Jeff sa sandaling nakapasok sila. Takot na takot ang itsura ni Langston. "Rachel?! Anong ginagawa mo rito kasama ng mga tao mo?" Kaagad na nagalit si Clare. "Walang dahilan ang Law Enforcement ng Longmen na pumunta rito!" "Akala niyo ba pwede kayong mangialam sa kahit na anong gusto niyo?!" Nanood ang lahat nang may nanginginig na mga mata. Alam ng lahat ng tao sa Flutwell kung anong kinakatawan ng Law Enforcement ng Longmen. Sila ang pulisya ng Longmen. Hindi lang sila malakas, mayroon rin silang mataas na awtoridad. Binigyan sila ng espesyal na permiso na burahin ang kahit na sinong kailangan burahin bago mag-ulat sa royal court. Kamakailan, tumataas ang posisyon ni Rachel sa loob ng upper social circl
"Gusto kong makita kung paano ka makakalabas sa sitwasyon pagkatapos mong magyabang!" "Pagsisisihan mo rin to! Magbabayad ka sa kamangmangan mo!" Masama at pangit ang itsura sa mukha ng mga mistress. Sanay na sila sa pagiging arogante at dominanteng pag-uugali ni Jeff. Kadalasan, sila ang namamahiya ng iba sa likod ni Jeff. Kailan pang sila ang nakakatanggap ng pamamahiya?Kung kaya't hindi nila matanggap ang katotohanang ito. Hindi nagpakita ng emosyon si Rachel, hindi siya naapektuhan sa mga sigaw nila. "Kahit na lumitaw pa sa harapan ko ang Diyos, kakampihan ko pa rin si Sir York!" "Mamamatay ang kahit na sinong lalaban sa kanya!" Natakot sina Langston at ang iba pa. Alam ng lahat na si Rachel ang vice head ng Law Enforcement ng Longmen. Itinuturing siyang kalahating mamamayan ng Flutwell. Sa kabila nito, nagtatrabaho siya para sa isang dayo nang walang pakialam! Magsasanhi lang ng pagtataka ang pag-uugali niya sa sitwasyon. "Aaminin ko, ang tapang mo!"
Muntik mapasigaw sa takot sina Clare at ang iba pang mga babae. Nanood sina Langston nang nanginginig ang mga mata; nanghina sila pagkatapos makita ang nangyayari sa harapan nila. Nakikita nilang isang dominanteng lalaki si Harvey… Pero di nila inakalang babarilin niya talaga si Jeff! Hindi ba talaga siya natatakot sa mangyayari? “Ngh!”Gumiwang ang katawan ni Jeff sa puntong halos matba siya, pero pinagngitngit niya ang ngipin niya. Desperado niyang pinigilan ang sarili niyang sumigaw. Hindi kakayanin ng isang prominenteng taong kagaya niya ang kahit na anong klase ng pagkapahiya. Tinutok ni Harvey ang baril niya sa kanang braso ni Jeff nang may malamig na mga mata. "Nasaan si Mandy?" Malamig na tumawa si Jeff. Napuno ng pagkamuhi ang mukha niya. "Hindi ko alam! "Barilin mo ko ulit kung kaya mo!" Nahalina ang mga panauhin sa pagpapakita niya ng tapang at tahimik silang namangha sa kanya. 'Ganyan ang tunay na lalaki!'Susuko na ang kahit na sinong pangkarani
Nagbago ulit ang ekspresyon ni Jeff. Marami siyang bagay na kaya niyang tanggapin… Pero hindi niya matatanggap ang katotohanang ang lahat ng pag-aari niya ay mapupunta sa dalawa niyang kapatid. Lalo na kay Joseph! Noon, si Joseph ang nag-iisa niyang tagasunod—ang alalay niya. Paano niya matatanggap na si Joseph ang papalit sa kanya? Pagkatapos pag-isipan ang sitwasyon, sa wakas ay isinantabi na niya ang walang kwentang yabang niya at pinakalma niya ang sarili niya Lalo na't mas masama ang kauuwian niya kung hindi. "May tatawagan ako," sabi niya nang may masamang ekspresyon. Ngumiti si Rachel, sabay kinuha ang phone mula sa bulsa niya. Pagkatapos ay may tinawagang numero si Jeff. Isang malamig na boses ang narinig sa kabilang linya. "Anong ipag-uutos niyo, Young Master Bauer?" Nagbago ang ekspresyon ni Jeff bago siya sumigaw, "Ipadala niyo si Mandy Zimmer pabalik ng Hearthstone Corporation ngayon din!" Dahan-dahang tinulak ni Jeff ang baril papalayo sa ulo niya
May maliit na ngiti si Elanor nang nakita niyang kumalma si Harvey. Tumingin siya kay Harvey nang may makahulugang ekspresyon sa mukha niya, sabay tahimik na nagsabi, "Aaminin ko, matapang ka. Hindi pangkaraniwan ang ginagawa mo." "Pinatay mo ang lahat ng humarang sa'yo sa Charity Garden nang mag-isa, pagkatapos pinahiya mo si Young Master Bauer bago mo siya binaril sa mga braso." "Hindi ka ba natatakot na magwala siya?" Para bang medyo lumamig ang boses ni Elanor. "Dapat ba kitang tawaging mapusok o matapang?" May bakas ng galit na nakikita sa malayong ekspresyon ni Elanor. Sa halip na mawala ang sosyal niyang personalidad, pinalakas ng emosyon niya ang aura niya. Nanghihingi ng parusa ang ekspresyon niya, pero gugustuhin siyang makasama ng kahit na sinong lalaki. Kamumuhian muna siya sa umpisa, pero gugustuhin siyang makuha ng kahit na sinong lalaki pagkatapos siyang makasama sandali. "Tapos ka na bang magsalita?" Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey. "Umupo k
Nagbago ang mukha ni Elanor at makikitang tumatagaktak ang kanyang pawis.Hindi niya inakalang ganito pala kahirap kalabanin si Harvey, at madali nitong nahalata si Jeff.Sa madaling salita, malinaw na malinaw ang mga ginagawa ni Jeff para kay Harvey.Tinitigan ni Harvey si Elanor sandali bago ngumiti.“Pero huwag kang mag-alala.”“Dahl nandito na ako, ibig-sabihin niyan handa akong makipagtulungan sa young master mo sa kabila ng lahat ng mga plano niya.”“Kahit anong mangyari, makukuha natin ang kailangan natin sa pagtutulungang ito.”“Sapat na ang pananatili mo dito para ipakita ang pag-uugali ni Jeff sa sitwasyong ito.”“Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung anong gustong gawin ni Jeff?”“Mapapalampas ko ang inis ko ngayong araw, at masaya akong makikipagtulungan sa kanya.”Suminghal si Elanor nang marinig ang sinabi ni Harvey.Akala niya kakalabanin kaagad ni Harvey si Jeff dahil sa pagkakadakip ni Mandy. Ngunit mula sa sitwasyon, may sarili ring pamamalakad si H
Nanigas si Elanor.“Bakit? Sa tingin mo bakit ko sasabihin ‘yan?”Tumayo si Harvey at dinampot ang check nang nakangiti.“Ikaw ang fifth mistress. Hindi ka kailanman magiging lady ng Bauer family…”Lumingon si Harvey at umalis pagkatapos nito.Habang nagbabago ang mukha ni Elanor, pumasok si Rachel ng kwarto.Inilapag niya ang isang check sa harapan ni Elanor.Kumirot ang mata ni Elanor pagkatapos niya itong tingnan.Nakasulat dito ang pitompung milyong dolyar.Malinaw na pinirmahan na ito ni Harvey.Sumama ang titig ni Elanor.“Anong ibig-sabihin nito?” seryoso niyang tanong. “Balak niya ba akong bilhin?”“Sasabihin ko sa’yo! Hindi nabibili ang mga babae ni Young Master Bauer!”“Nabubuhay lang kami para kay Young Master Bauer!”“Kalma.”Kalmadong tinapik ni Rachel ang balikat ni Elanor. “Hindi ka balak bilhin ni Sir York.”“Gusto niya lang malaman mo na may mga pagkakataon kung saan napupunta sa kawalan ang mga kabit ng emperador.”“Lalo na ang isang mayamang baba
Mayroong isang matandang nakaupo sa gitna ng bulwagan.Nakaluwa ang mga mata niya, hindi na ito humihinga o kumikibo. Para bang patay na ito.“Magbayad kayo sa mga utang niyo, hayop ka! Hindi niyo ba kami naiintindihan?!”Isang lalaking malaki ang katawan ang sumisigaw nang malakas kay DIllon.“Mahal ng ama ko ang martial arts, pero hindi siya hinayaan ng pamilya ko dahil sa katandaan niya!”“Tapos bigla kayong lumitaw!”“Nagbibigay kayo ng mga flyer sa kanto! Nakakuha ang tatay ko ng isa dito!”“Nagpunta siya dito para magsanay pagkatapos makitang pwede siyang magsanay dito nang libre sa loob ng tatlong araw!”“Tapos anong nangyari? Hindi man lang siya makapagsanay ng isang atake bago siya mamatay!”“Budokan ba ito o isang morge?!”“Pumapatay kayo ng tao!”Galit na galit ang ibang miyembro ng pamilya nang marinig ang sinabi ng lalaki.“Tama! Huwag niyong iligaw nang landas ang mga estudyante niyo kung hindi niyo sila maturuan nang maayos!”“Pagbabayaran niyo ang pagkamata