Habang pinagsasampal ni Harvey si Jeff… Matapang na sumugod ang isang bodyguard ng Bauer family habang tinanggal niya ang safety ng baril niya. "H*yop!" mabangis niyang sigaw habang tinuro niya si Harvey. "Ang lakas ng loob mong magsalita sa young master nang ganyan! Sinong nagbigay sa'yo ng tapang?!" "Hindi mo lang pinagbibintangan si Young Master Bauer sa bagay na hindi niya ginawa, pinapahiya mo rin siya sa harapan ng lahat!" "Ang bait na nga ni Young Master Bauer at pinapalampas ka niya!" "Pero hindi kita hahayaang kumilos nang ganito sa harapan niya kahit na anong mang!" Natural na galit na galit na ang bodyguard kay Harvey. Winasiwas niya ang baril niya nang mukhang kampante. "Subukan mo ko kung kaya mo!" "Kung hindi, papatayin kita!" Ngumiti si Harvey sa bodyguard. Bang!Mabilis niyang ginalaw ang baril na nakatutok sa ulo ni Jeff at kinalabit ang gatilyo nito. “Aaagh!”Sumigaw sa sakit ang bodyguard bago humiga sa lapag habang hawak ang nasugatan niy
Para bang natatakot si Jeff, ngunit hindi nawala ang pangmamata sa mga titig niya. "Hindi ko kayang patunayan ang kawalan ko ng sala.""Hindi ko rin kailangang gawin yun.""Kung gusto mo talaga akong sisihin para rito, barilin mo na lang ako!" "Kumunot pa ang noo ko ngayon, magmumukha lang akong duwag!" Kumuha si Jeff ng isang baso ng 1982 Lafite wine sa mesa at nilagok ito. Pagkatapos ay iniunat niya ang mga braso niya nang may ngiti sa mukha niya. "Naniniwala ako na may hustisya sa mundo." "Tiyak na bibigyan ako ng hustisya ng lahat ng tao rito!" Nang marinig ang mga salita ni Jeff, nagpabago-bago ang ekspresyon ni Clare. Tumayo siya nang nagngingitngit ang ngipin. "Kapag tinangka mong saktan kahit hibla ng buhok ni Young Master Bauer…" "Hindi lang ang Bauer family, lalabanan ka rin ng Osborne family hanggang kamatayan!" malamig niyang sigaw. "Alam mo dapat kung anong kinakatawan ng top ten families at ng five hidden families!" "Sigurado ka bang gusto mong map
Sumugod ang isang grupo ng mga taong naka-itim na balabal papasok ng Charity Garden nang may mga hawak na espada. Nakataas ang mga mukha nila at maraming kalyo sa mga kamay nila. Malinaw na mga eksperto sila. Maayos silang kumilos at pinalibutan ang mga tao ni Jeff sa sandaling nakapasok sila. Takot na takot ang itsura ni Langston. "Rachel?! Anong ginagawa mo rito kasama ng mga tao mo?" Kaagad na nagalit si Clare. "Walang dahilan ang Law Enforcement ng Longmen na pumunta rito!" "Akala niyo ba pwede kayong mangialam sa kahit na anong gusto niyo?!" Nanood ang lahat nang may nanginginig na mga mata. Alam ng lahat ng tao sa Flutwell kung anong kinakatawan ng Law Enforcement ng Longmen. Sila ang pulisya ng Longmen. Hindi lang sila malakas, mayroon rin silang mataas na awtoridad. Binigyan sila ng espesyal na permiso na burahin ang kahit na sinong kailangan burahin bago mag-ulat sa royal court. Kamakailan, tumataas ang posisyon ni Rachel sa loob ng upper social circl
"Gusto kong makita kung paano ka makakalabas sa sitwasyon pagkatapos mong magyabang!" "Pagsisisihan mo rin to! Magbabayad ka sa kamangmangan mo!" Masama at pangit ang itsura sa mukha ng mga mistress. Sanay na sila sa pagiging arogante at dominanteng pag-uugali ni Jeff. Kadalasan, sila ang namamahiya ng iba sa likod ni Jeff. Kailan pang sila ang nakakatanggap ng pamamahiya?Kung kaya't hindi nila matanggap ang katotohanang ito. Hindi nagpakita ng emosyon si Rachel, hindi siya naapektuhan sa mga sigaw nila. "Kahit na lumitaw pa sa harapan ko ang Diyos, kakampihan ko pa rin si Sir York!" "Mamamatay ang kahit na sinong lalaban sa kanya!" Natakot sina Langston at ang iba pa. Alam ng lahat na si Rachel ang vice head ng Law Enforcement ng Longmen. Itinuturing siyang kalahating mamamayan ng Flutwell. Sa kabila nito, nagtatrabaho siya para sa isang dayo nang walang pakialam! Magsasanhi lang ng pagtataka ang pag-uugali niya sa sitwasyon. "Aaminin ko, ang tapang mo!"
Muntik mapasigaw sa takot sina Clare at ang iba pang mga babae. Nanood sina Langston nang nanginginig ang mga mata; nanghina sila pagkatapos makita ang nangyayari sa harapan nila. Nakikita nilang isang dominanteng lalaki si Harvey… Pero di nila inakalang babarilin niya talaga si Jeff! Hindi ba talaga siya natatakot sa mangyayari? “Ngh!”Gumiwang ang katawan ni Jeff sa puntong halos matba siya, pero pinagngitngit niya ang ngipin niya. Desperado niyang pinigilan ang sarili niyang sumigaw. Hindi kakayanin ng isang prominenteng taong kagaya niya ang kahit na anong klase ng pagkapahiya. Tinutok ni Harvey ang baril niya sa kanang braso ni Jeff nang may malamig na mga mata. "Nasaan si Mandy?" Malamig na tumawa si Jeff. Napuno ng pagkamuhi ang mukha niya. "Hindi ko alam! "Barilin mo ko ulit kung kaya mo!" Nahalina ang mga panauhin sa pagpapakita niya ng tapang at tahimik silang namangha sa kanya. 'Ganyan ang tunay na lalaki!'Susuko na ang kahit na sinong pangkarani
Nagbago ulit ang ekspresyon ni Jeff. Marami siyang bagay na kaya niyang tanggapin… Pero hindi niya matatanggap ang katotohanang ang lahat ng pag-aari niya ay mapupunta sa dalawa niyang kapatid. Lalo na kay Joseph! Noon, si Joseph ang nag-iisa niyang tagasunod—ang alalay niya. Paano niya matatanggap na si Joseph ang papalit sa kanya? Pagkatapos pag-isipan ang sitwasyon, sa wakas ay isinantabi na niya ang walang kwentang yabang niya at pinakalma niya ang sarili niya Lalo na't mas masama ang kauuwian niya kung hindi. "May tatawagan ako," sabi niya nang may masamang ekspresyon. Ngumiti si Rachel, sabay kinuha ang phone mula sa bulsa niya. Pagkatapos ay may tinawagang numero si Jeff. Isang malamig na boses ang narinig sa kabilang linya. "Anong ipag-uutos niyo, Young Master Bauer?" Nagbago ang ekspresyon ni Jeff bago siya sumigaw, "Ipadala niyo si Mandy Zimmer pabalik ng Hearthstone Corporation ngayon din!" Dahan-dahang tinulak ni Jeff ang baril papalayo sa ulo niya
May maliit na ngiti si Elanor nang nakita niyang kumalma si Harvey. Tumingin siya kay Harvey nang may makahulugang ekspresyon sa mukha niya, sabay tahimik na nagsabi, "Aaminin ko, matapang ka. Hindi pangkaraniwan ang ginagawa mo." "Pinatay mo ang lahat ng humarang sa'yo sa Charity Garden nang mag-isa, pagkatapos pinahiya mo si Young Master Bauer bago mo siya binaril sa mga braso." "Hindi ka ba natatakot na magwala siya?" Para bang medyo lumamig ang boses ni Elanor. "Dapat ba kitang tawaging mapusok o matapang?" May bakas ng galit na nakikita sa malayong ekspresyon ni Elanor. Sa halip na mawala ang sosyal niyang personalidad, pinalakas ng emosyon niya ang aura niya. Nanghihingi ng parusa ang ekspresyon niya, pero gugustuhin siyang makasama ng kahit na sinong lalaki. Kamumuhian muna siya sa umpisa, pero gugustuhin siyang makuha ng kahit na sinong lalaki pagkatapos siyang makasama sandali. "Tapos ka na bang magsalita?" Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey. "Umupo k
Nagbago ang mukha ni Elanor at makikitang tumatagaktak ang kanyang pawis.Hindi niya inakalang ganito pala kahirap kalabanin si Harvey, at madali nitong nahalata si Jeff.Sa madaling salita, malinaw na malinaw ang mga ginagawa ni Jeff para kay Harvey.Tinitigan ni Harvey si Elanor sandali bago ngumiti.“Pero huwag kang mag-alala.”“Dahl nandito na ako, ibig-sabihin niyan handa akong makipagtulungan sa young master mo sa kabila ng lahat ng mga plano niya.”“Kahit anong mangyari, makukuha natin ang kailangan natin sa pagtutulungang ito.”“Sapat na ang pananatili mo dito para ipakita ang pag-uugali ni Jeff sa sitwasyong ito.”“Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung anong gustong gawin ni Jeff?”“Mapapalampas ko ang inis ko ngayong araw, at masaya akong makikipagtulungan sa kanya.”Suminghal si Elanor nang marinig ang sinabi ni Harvey.Akala niya kakalabanin kaagad ni Harvey si Jeff dahil sa pagkakadakip ni Mandy. Ngunit mula sa sitwasyon, may sarili ring pamamalakad si H