"Tatlong bagay! "Una: Gusto ko ng 1.5 billion dollars mula sa'yo! "Pangalawa: lumuhod ka at baliin mo ang isa sa mga braso mo, pagkatapos, humingi ka ng tawad kay Mr. Kamino! "Pangatlo: ibigay mo sa'min ang asawa mo at sister-in-law mo para paglingkuran kami ng isang buong buwan! Walang labis, walang kulang!" Tinaas ni Commissioner Thompson ang tatlo sa daliri niya nang may malamig na ngisi sa mukha niya. "Syempre, hindi ka obligadong pumayag sa mga kondisyon ko! "Pero kung hindi ka papayag, wala akong magagawa kundi isama ka at makausap ka nang matagal!" Dose-dosenang nakaunipormeng lalaki ang humakbang paharap nang may mabangis na mga titig, para bang handa silang patumbahin si Harvey York at durugin ang Martial Hall. Bumuntong-hininga si Harvey. "Palalampasin ko sana kayo kung ang ginawa niyo lang ay magyabang sa harapan ko… "Gusto niyo yatang mamatay sa pananamantala niyo nang ganito sa ibang tao!" "Ang kapal ng mukha mo!" Lumapit si Senior Miller nang umuus
Kumukulo ang dugo ni Commissioner Thompson sa galit!'Iniisip ba ng h*yop na'to na dekorasyon lang ako?!'Nagmula si Commissioner Thompson sa isa sa top ten families! Hindi palalampasin ng isang lalaking kagaya niya ang pagpapahiyang ito! "H*yop ka! "Ang kapal ng mukha mo!"Walanghiya ka!"May malamig ekspresyon si Commissioner Thompson sa mukha niya. "Akala mo ba wala ako rito, Harvey?!" Dose-dosenang lalaking nakauniporme ang humakbang paharap sa sandaling narinig nila ang sigaw ni Commissioner Thompson. Mababangis ang mga mukha ng mga lalaki habang pinalibutan nila si Harvey. Kumibit-balikat lang si Harvey. "Wala bang nakarinig sa inyo? Napakarami niyo rito!"Nagmakaawa ang lalaking yan na saktan ko siya! "Ginawa ko lang ang sinabi niya! Paanong ako ang mali?""Masyado mo kong ginagalit, h*yop ka! Tapos ka na!" Binunot ni Commissioner Thompson ang baril niya at tinanggal ang safety bago ito tinutok kay Harvey. "Tatapusin na kita ngayon din! "Pwede kang
Natural na alam ni Commissioner Thompson na may makapangyarihang pagkatao sa likod ni Rachel na hindi niya kayang banggain… Ngunit wala siyang magagawa kundi pabagsakin si Harvey York. Kung hindi, wala siyang maipapakita kay Clyde. Tumawa si Rachel. "Kung ganun, sinasabi mong lalabanan mo ako kahit na anong mangyari?" Nanigas si Commissioner Thompson bago malamig na nagsabi, "Tinatawag lang kitang vice head dahil nirerespeto kita!"Wag mong isiping magaling ka talaga! "May ilang mga bagay na hindi mo pwedeng pakialaman!"Halimbawa, wala kang karapatang sabihin sa'kin kung anong dapat kong gawin!" Ngumiti si Rachel. "Sa tingin ko nagkakamali ka ng akala. "Akala mo ba pakialamera lang ako? Nandito lang ako para bigyan ka ng babala para sa kapakanan ng pagkakakilala natin. "May ilang mga bagay na may mabigat na kapalit… "Kapag nagpatuloy ka sa landas na'to, wala nang balikan para sa'yo."Kumunot ang noo ni Commissioner Thompson bago niya hinimas ang malagkit niyan
Habang mukhang hindi makapaniwala si Commissioner Thompson, lumapit si Nelson Torres at tinapik ang kanyang balikat. “Si Sir York ay mabuting kaibigan ng kapatid ko. Mataas rin ang tingin ko sa kanya. Hgit pa rito, malaki ang utang na loob ng ama ko sa taong ito.“Kasama ni Head Balmer at Vice Head Hardy dito…“Hindi ka ba dapat nagbibigay-galang sa aming lahat?”“O sinasabi mo bang gusto mo ring pumunta ang tatay ko dito?“O kaya, gusto mo bang imbitahan ang taong dapat na prinoprotektahan niyo?”Sa sandaling iyon, tuluyan nang namutla ang mukha ni Commissioner Thompson.Tumawa si Nelson bago sampalin si Commissioner Thompson gamit ng likod ng kanyang palad.“Aaagh!”Namaga nang husto ang mukha ni Commissioner Thompson pagbagsak niya sa sahig. Natanggal pa ang ngipin niya pagkatapos masampal sa mukha.Kung hindi dahil sa tulong ni Ai Kamino, hindi na siya makakatayo sa sandaling iyon.Kung titingan ito, malinaw na pinagtatanggol ni Nelson si Harvey. Sobrang lakas rin ng sa
Malaki rin ang pagkatao ng mayamang babae mula sa isang second-rate family…Ngunit alam rin niyang isa lamang siyang laruan para kay Commissioner Thompson at sa mga taong tulad nito.Hindi siya magtatanim ng sama ng loob kay Commissioner Thompson, at hindi rin niya kakalabanin ang mga taong mukhang mas malakas dito.Wala siyang magagawa kundi titigan nang masama si Harvey York.Naniniwala siyang napahiya lamang siya dahil sa lalaking ito.Kung wala ito, bakit siya masisipa sa sikmura ng taong hinahangaan niya?Hindi ito mapapatawad!Nararamdaman ni Harvey ang poot sa mga mata ng babae, ngunit wala siyang pakialam dito.Lumilipad na ang mga biik kapag nagawang umasenso ng isang babaeng walang kayang gawin bukod sa mang-api ng mahihina.Kinuskos ni Commissioner THompson ang kanyang mukha bago ngumiti.“Patawad, Mr. Torres at sa lahat ng nandito.“Masyado lamang arogante ang bruhang ito.“Humihingi ako ng tawad para sa kanya.”Pagkatapos, magalang na yumuko si Commissioner Th
Nagbago ang ekspresyon ni Commissioner Thompson.Ang bawat isang makapangyarihang tao sa panahon ngayon ay siguradong may madilim na nakaraan.Ang mga bagay na ito ay hindi talaga masyadong malaki, ngunit siguradong guguho sila kapag inimbestigahan ito nang maigi.Nang makita ang mukha ni Nelson Torres, nagbago nang husto ang mukha ni Commissioner Thompson.Gusto niyang sumuko at makita kung maisasalba pa ba niya ang kanyang sarili…Ngunit sinong mag-aakalang mauuwi ito sa ganito?Katapusan na niya!Hindi lamang ang kinabukasan niya, kundi pati ang kanyang yaman ay mawawala sa kanya!Tinitigan ni Commissioner Thompson nang masama si Ai Kamino.Hindi sana niya babanggain si Harvey kung hindi dahil sa tao sa harapan niya.Hindi sana mangyayari sa kanya ang ganito.Napahawak ang mga mayayamang babae sa kanilang bibig sa pagkabigla.Hindi nila inakalang kayang pigilan nila Nelson ang isang taong tulad ni Commissioner Thompson.Hinawakan ni Senior Miller ang namamaga niyang muk
Walang makikitang ngiti sa mukha ni Nelson Torres. Makikita lamang ang seryosong mukha nito, na para bang siya mismo ang kumakatawan sa batas.“Kung ang Torres family o ako sana ang kinalaban mo, palalampasin sana namin ito para kay prince Osborne.“Pero dahil binangga niyo si Sir York, nagbitaw kayo ng mga salita at gumawa ng mga bagay na hindi niyo dapat pinarinig sa akin…“Hindi ko ito pwedeng palampasin sa ngalan ng hustisya at pagiging patas!“Magre-resign si Commissioner Thompson bukas!“Syempre, kung wala kang dapat katakutan, pwede mong balewalain ang katotohanang magsasagawa ako ng masigasig na imbestigasyon sa bawat isa sa inyo dito.”Kumirot nang husto ang mga mata ni Commissioner Thompson.‘Walang dapat ikatakot?!’Alam na alam niya ang mga bagay na ginawa niya.Siguradong magdudusa siya kapag inimbestigahan siya.Kumpara dito, mas gusto niyang isuko na lang ang kanyang posisyon nang walang problema.Nang walang-alinlangan, napuno ng matinding galit ang mukha ni
Hindi madaling itumba si Kayden Balmer…Pati si Rachel Hardy ay mahirap rin labanan…Pero sa Torres family…Siguradong magiging ayos lang si Clyde Osborne.Ngunit siguradong kailangang isuko ni Commissioner Thompson ang kanyang posisyon.Ang Capital Gang ni Ai Kamino ay maitutumba na rin. Siguradong magbabago na ang Gang of Six.Hindi nila matanggap ang katotohanang ito…Ngunit hindi rin sila makakatakas sa sitwasyong ito.“Hindi mo babaguhin ang isip nila, Harvey York?!“Nagdedeklara ng digmaan ang mga taong ito dahil sa’yo! Ano sa tingin mo ang mapapala mo dito?!Hindi mapigilan ng mayamang babae na magsalita. Puno ng poot ang kanyang titig habang nakatingin siya nang masama kay Harvey.“Ang laki na ng nakuha mo dahil sa babae mo!“Hindi ka ba titigil?!“Alam mo ba na maraming mamamatay kapag naglaban ang mga taong ito?! Magkakagulo sa Flutwell!“Hindi mo lamang hindi pinapaigi ang sitwasyon, nakatunganga ka pa diyan at nanonood! Pinapalala mo lang ang mga bagay!“Huwa