Hindi napigilan ni Mrs. Lee na maningkit ang mga mata niya pagkatapos makita ang eksena. Nagulat siya nang nakita niyang pabagsakin ng bodyguard ni Harvey York ang bawat isang taong sumugod sa kanya, pero hindi naman siya nabahala. Lalo na't naniniwala siyang mas mahalaga ang awtoridad at lakas kumpara sa martial arts sa modernong mundo. Hindi nagtagal, nagpadala si Mrs. Lee ng mensahe para magdala ng isang dosenang armadong bodyguard. "Hindi ka pa rin lalabas sa puntong to?" kalmadong tanong ni Harvey na parang hindi niya nakita si Mrs. Lee. "Gusto mo bang ako mismo ang humila sa'yo palabas?""Anong binabalak mong gawin dito, binata?!" Isang matandang lalaking naka-itim na suit ang tumayo nang may makatwirang itsura. "Naisip mo ba ang kahihinatnan ng paggawa mo ng ganitong bagay?!" "Anong binabalak kong gawin?" sagot ni Harvey. "Nandito lang ako para manghingi ng pahayag. "Sasabihin ko sa lahat ngayon na isa tong personal na hinanakit! "Nandito lang ako para sa
"Ikaw…" Sa sobrang galit ng matandang lalaki ay halos sumuka siya ng dugo. Hindi siya pinansin ni Harvey at tumingin sa madla. "Hindi ka pa rin lalabas ngayon, Mrs. Lee?" "Tama ka. Sinaktan ko ang sister-in-law mo. Pagkatapos makitang ibunyag ni Harvey ang buong katotohanan at bugbugin ang mga panauhin nang walang pag-aalinlangan…Alam ni Mrs. Lee na hindi siya pwedeng manatiling tahimik sa sandaling iyon. Sumandal siya sa sofa at sinindihan ang manipis at mahabang sigarilyo habang naningkit ang mga mata niya kay Harvey. "Pero siya mismo ang pumili ng script. Minalas siya. "Hindi mahala kung sinong naglagay ng bala sa prop firearm… "Siya ang kumalabit sa gatilyo! "Kailangan niyang magbayad para sa nangyari sa anak ko! "Leksyon lang ang nangyari kagabi. Simula pa lang ito. "Kapag may nangyari sa anak ko, ililibing kayo ng sister-in-law mo sa ilalim ng lupa!" Pagkatapos ay nagpakita ng namumuhing ekspresyon si Mrs. Lee sa mukha niya. "Hindi ka makakakuha ng p
Marami na ang nakarinig sa pangalang Bulldog bago pa ito. Hindi lamang ito napakalakas, ngunit malaki rin ang naiambag nito sa mithiin ni Branch Leader Lee. Madalas siyang nakikitang nasa tabi ni Branch Leader Lee… Ngunit malinaw na natuwa si Mrs. Lee ngayong nasa tabi na niya si Bulldog. Syempre, ibig-sabihin nito tapos na si Harvey York! Swoosh!Isang anino ang lumipad mula sa taas sa sandaling matapos sa pagsasalita si Mrs. Lee. Mabilis ang kanyang galaw. Lumitaw siya sa harapan ni Harvey at Dillon Lee sa isang iglap. Nang hindi nagsasayang ng oras, sumuntok siya nang napakalakas patungo kay Dillon. Hindi nagpigil si Bulldog. Gusto niyang gamitin si Dillon bilang halimbawa. Gusto niyang malaman ng lahat na ang sinumang kakalaban kay Mrs. Lee ay walang magagawa kundi mamatay! Swoosh!Ang suntok na iyon ay puno ng kagustuhang manakit. Isang nakakatakot na aura ang nakapaligid sa kanya, para bang isa siyang mabangis na hayop. Sa sandaling ito, nagulat ang lahat sa
Tumunog ang kamay ni Bulldog bago ito pumihit nang husto. “Aaagh!”Napasigaw sa sakit si Bulldog pagtalsik niya at bumahsak sa ilang tao bago siya tumama sa sahig. Tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanyang mukha!Tuluyan na siyang nalumpo!Nabigla sila Mrs. Lee nang makita nila ito. 'Paanong bigla na lang siyang nalumpo?' 'Dapat hindi natitinag si Bulldog, pero hindi man lang niya kinaya ang isang atake ni Harvey?''Totoo ba ito?'"Anong nangyari?""Anong nangyayari dito?!" "Talaga bang nakakatakot ang lalaking ito? Nalumpo niya si Bulldog sa isang palo lang!" "Namamalik-mata ba ako?" "Minaliit ba ni Bulldog ang kalaban niya?" "Baka napuruhan siya sa laban nila ni Dillon!" "Siguro nga! Kung hindi, hindi ito mangyayari!" Kinuskos ng mga panauhin ang kanilang mga mata pagkatapos makitang lumpuhin ni Harvey si Bulldog nang sobrang dali. Nakita nila ito gamit ng sarili nilang mga mata, ngunit hindi nila matanggap ang katotohanan. Si Bulldog ay isang kilalan
Kasinlamig ng yelo ang titig ni Mrs. Lee. "Tingin mo ba pwede kang umasal nang ganito dahil lang malakas ang sumusuporta sa'yo? "Tingin mo ba talaga hindi kami makakahanap ng taong makakapagpatumba sa'yo? "Sasabihin ko sa'yo! Ang Longmen ay puno ng mga eksperto!"Nakalamang ka ngayon, pero talaga bang balak mong banggain ang asawa ko at ako? "Wala kang karapatan! "Kilala mo ba ang mga taong nakatayo sa harapan mo ngayon?!Tumawa si Mrs. Lee. "Ipapakilala ko sila sa'yo! "Ito ay ang vice branch leader ng Longmen ng Golden Sands! "Ito naman ang second young master ng Third Outer Hall ng Longmen! "At ito naman ang disciple ng Law Enforcement ng Longmen! Bukod-tangi ang kanyang katayuan! Ilang dosenang tao ang tumayo nang taas-noo nang tawagin ni Mrs. Lee ang pangalan nila. Nakatitig sila nang masama at mukhang mabangis kay Harvey sa sandaling iyon. Nanumbalik ang kanyang tapang dahil sa mga taong ito. Naningkit ang mata niya bago lumapit kay Harvey nang nakangiti.
Ang Law Enforcement Badge ng Longmen?! Ang badge na ito ang kumakatawan sa pinuno mismo ng Law Enforcement! Sa isang saglit lamang… Nabigla sila Mrs. Lee, para bang tinamaan sila ng kidlat. Namutla ang kanilang mukha at nanghina ang kanilang mga tuhod. Sa puntong ito, hindi nila mapigilang makaramdam ng ginaw… Hindi nila inakalang hawak pala talaga ni Harvey ang badge! 'Paano…?''Paano nangyari 'to?!'Dose-dosenang tao ang sabay-sabay na napatayo. Patuloy na umatras ang mga taong ipinagmamalaki ang kanilang lakas gamit ang pangalan ng Longmen. Lahat sila ay lubusang natakot sa sandaling ito. Siguro hindi sila matatakot sa isang napakalakas na eksperto… Ngunit sa badge pa lamang ay matatakot na sila nang ganito. Kahit anong mangyari, ito ang Law Enforcement Badge ng Longmen! Ito ang kumakatawan sa pinuno ng Law Enforcement! Hindi ito biro! Hindi nangahas ang disipulo ng Law Enforcement ng Longmen na tumayo. Ang nagawa lamang niya ay lumuhod habang kumikirot ang kan
Napuno ng kagipitan ang mga disipulo ng Longmen ng Flutwell. Alam nila kung anong kinakatawan ng Law Enforcement ng Longmen, ngunit hindi nika inakalang kaagad na lilipat ng panig ang mga kakampi nila pagkatapos makita ang badge. Tuluyan nang namutla ang magandang mukha ni Mrs. Lee. Tinikom niya nang mahigpit ang kanyang kamao, sa puntong halos bumaon na ang kanyang kuko sa kanyang palad. Pagkatapos sipain ang ilang mga guwardiya ng Lee family habang pinaglalaruan ang badge, kalmadong lumapit si Harvey York kay Mrs. Lee nang nakangiti. "Bakit hindi mo sabihin sa akin ngayon kung sinong binabangga ko, Mrs. Lee?" kalmadong sinabi ni Harvey… Ngunit ang bawat isang salita ay sapat na para kumirot ang mga mata ni Mrs. Lee at kumabog ang kanyang puso. "Anong gusto mo, bata? Sumama ang mukha ni Mrs. Lee. "Balak mo ba talaga akong banggain?" Napuno ng takot si Mrs. Lee nang makita niya ang badge… Ngunit alam niyang hindi siya pwedeng lumuhod! Bukod sa dangal at dignidad n
Habang nakangiting nagyayabang si Mrs. Lee… Ihinahis ni Harvey York ang isang phone sa sabig. "Dali. Bibigyan kita ng pagkakataon. "Tawagan mo ang young master mo! "Makiusap ka sa kanya nang maayos. "Tingnan natin kung handa pa siyang suportahan ka ngayon!" Nanigas si Mrs. Lee. Hindi niya inasahang mananatiling kalmado si Harvey kahit pagkatapos marinig ang pangalan ni Joseph Bauer. Gayunpaman, wala siyang oras para isipin ito. Sa ganitong sitwasyon, wala siyang magagawa kundi tawagan ang numerong ito. Pagkatapos ng ilang pagtunog, ang tawag ay sinagot bago marinig ang isang malayong boses. "Sino 'to?" Magalang na yumuko si Mrs. Lee kahit na nasa kabilang linya siya ng phone. "Ako si Mrs. Lee ng Longmen's Flutwell branch. Nagkaroon ako ng problema sa taong may hawak ng Longmen's Law Enforcement Badge. "Gusto niya akong lumpuhin." "Ang Law Enforcement?Parang walang pakialam si Joseph. "Kailan pa nagkaroon ng karapatang magyabang ang isang taong may hawak