"Oh? Merong tao sa Flutwell na talagang may lakas ng loob na tanungin ako?" Suminghal si Stella Miller bago tinignan nang masama si Harvey York. "Tama ka! Sinaktan ko siya! Hindi ko lang siya pinagsasampal ng ilang beses, sinipa ko rin siya! "Ano? "Sa tingin mo di pa sapat ang ginawa ko? "May sasabihin ako sa'yo! Ang p*tang yun ang kumalaban kay Mrs. Lee! "Hindi man lang niya siya nirespeto kahit kaunti! "Hindi niya nirerespeto ang mga nakakatanda sa kanya! "Nararapat lang talaga sa kanya to! "Hindi pa tayo tapos! "Pagkatapos ng banquet, pupuntahan namin si Xynthia Zimmer sa ospital! "Sabi ni Mrs. Lee ay pagsisisihan niyang ipinanganak pa siya sa mundong ito kung hindi siya luluhod at hihingi ng tawad! "Ano? Sinusubukan ng isang probinsyanong kagaya mo na iligtas ang kawawang babae? "Iniisip mo bang isa kang bayani? "Galit ka ba para sa p*tang yun? "Sa tingin mo may karapatan kang gawin ang ganung bagay?"Tumawa si Stella habang pumalakpak bago lumitaw an
"Ikaw… "Ang lakas ng loob mong saktan ako!" Galit na sumigaw si Stella Miller nang may nalukot na mukha. "Kilala mo ba kung sino ako?!" "Wala ka talagang kwenta. Tinatanong ka ng junior mo ngayon. Hindi ba dapat may gawin ka?" kalmadong sabi ni Harvey York. Malamig na tumawa si Dillon Lee bago hinawakan si Stella sa kwelyo at pinagsasampal siya ulit. Hindi nagpigil si Dillon para ipakita ang katapatan niya sa head ng Law Enforcement ng Longmen. Hindi nagtagal, nagmukhang baboy ang mukha ni Stella sa sobrang maga. Tuluyang nasira ang maganda niyang mukha. Hindi man lang siya makapagsalita nang maayos sa puntong ito. "Dali… Dalian niyo…" Sinubukan ng mga disipulo ng Longmen na tumayong muli… Ngunit bago nila ito magawa, sinipa silang lahat ni Dillon. Kasabay nito, binali niya pa ang bawat isang tuhod ng mga disipulo nang may mabangis na ekspresyon sa mukha niya. Narinig ang mga sigaw nang tuluyang nawalan ang mga disipulo ng lakas na lumaban. Hindi man lang sila mak
Narinig ang mga hiyaw sa buong pasilyo. Napisa ng sipa niya ang chest implants ni Stella Miller. Tumalikod si Harvey York at naglakad papunta sa dulo ng pasilyo. Wala na siyang pakialam sa mga taong iyon. Hindi nagtagal, nakarating siya sa pintuan ng banquet. Narinig ang tawanan at tsismisan mula sa siwang ng pinto.Sinipa ni Dillon Lee ang pinto nang walang sinasabi si Harvey, na para bang tauhan na niya talaga siya sa puntong ito. Sa sipa niya lang ay yumanig ang lupa. Hindi lang ito nangangahulugang sinisira ang banquet ni Mrs. Lee… Nangangahulugan rin itong wala nang balikan para kay Dillon sa puntong ito. Tumingin ang lahat ng guest sa pintuan pagkatapos marinig ang malakas na ingay. Masiglang nagsasalita ang magandang host na may hawak sa birthday banquet… Ngunit kaagad siyang nanigas nang tumingin siya sa harapan niya. Hindi na niya maipagpatuloy ang mga linya niya. Hindi si Mrs. Lee ang pinakaprominenteng tao sa Flutwell… Ngunit ang asawa niya ay ang ma
Walang pakialam si Harvey York na tinititigan siya nang lahat. Kumumpas siya, sinenyasan niya ang isang natatakot na waiter na lumapit bago kumuha ng isang baso ng champagne para linisin ang lalamunan niya. "Bibigyan kita ng pagkakataon para sa champagne na'to, Mrs. Lee. "Lumabas ka rito ngayon din, at pag-iisipan kong hindi ka lumpuhin."Malamig na suminghal si Mrs. Lee nang may pagkamuhi sa mga mata niya. Hindi niya kilala kung sino si Harvey kaya inisip niya ay isa lang siyang aroganteng bata sa halip na isang prominenteng tao. Naniniwala siyang maraming tao rito ang kayang magligpit sa kanya. "Hindi ba magaling ka, Mrs. Lee? "Hindi ba may inutusan ka noon para iligpit ako? "Bakit ka nagtatago ngayon?"Hawak ni Harvey ang baso at naglakad papunta sa platform. "Ikaw ang asawa ng branch leader ng Longmen sa Flutwell! "Nakakadismaya ka talaga!" "Ang kapal ng mukha mo?! "Sino ka ba sa tingin mo?!"Isang lalaki ang tumayo at hinubad ang suit niya. Nakita ang mati
Hindi napigilan ni Mrs. Lee na maningkit ang mga mata niya pagkatapos makita ang eksena. Nagulat siya nang nakita niyang pabagsakin ng bodyguard ni Harvey York ang bawat isang taong sumugod sa kanya, pero hindi naman siya nabahala. Lalo na't naniniwala siyang mas mahalaga ang awtoridad at lakas kumpara sa martial arts sa modernong mundo. Hindi nagtagal, nagpadala si Mrs. Lee ng mensahe para magdala ng isang dosenang armadong bodyguard. "Hindi ka pa rin lalabas sa puntong to?" kalmadong tanong ni Harvey na parang hindi niya nakita si Mrs. Lee. "Gusto mo bang ako mismo ang humila sa'yo palabas?""Anong binabalak mong gawin dito, binata?!" Isang matandang lalaking naka-itim na suit ang tumayo nang may makatwirang itsura. "Naisip mo ba ang kahihinatnan ng paggawa mo ng ganitong bagay?!" "Anong binabalak kong gawin?" sagot ni Harvey. "Nandito lang ako para manghingi ng pahayag. "Sasabihin ko sa lahat ngayon na isa tong personal na hinanakit! "Nandito lang ako para sa
"Ikaw…" Sa sobrang galit ng matandang lalaki ay halos sumuka siya ng dugo. Hindi siya pinansin ni Harvey at tumingin sa madla. "Hindi ka pa rin lalabas ngayon, Mrs. Lee?" "Tama ka. Sinaktan ko ang sister-in-law mo. Pagkatapos makitang ibunyag ni Harvey ang buong katotohanan at bugbugin ang mga panauhin nang walang pag-aalinlangan…Alam ni Mrs. Lee na hindi siya pwedeng manatiling tahimik sa sandaling iyon. Sumandal siya sa sofa at sinindihan ang manipis at mahabang sigarilyo habang naningkit ang mga mata niya kay Harvey. "Pero siya mismo ang pumili ng script. Minalas siya. "Hindi mahala kung sinong naglagay ng bala sa prop firearm… "Siya ang kumalabit sa gatilyo! "Kailangan niyang magbayad para sa nangyari sa anak ko! "Leksyon lang ang nangyari kagabi. Simula pa lang ito. "Kapag may nangyari sa anak ko, ililibing kayo ng sister-in-law mo sa ilalim ng lupa!" Pagkatapos ay nagpakita ng namumuhing ekspresyon si Mrs. Lee sa mukha niya. "Hindi ka makakakuha ng p
Marami na ang nakarinig sa pangalang Bulldog bago pa ito. Hindi lamang ito napakalakas, ngunit malaki rin ang naiambag nito sa mithiin ni Branch Leader Lee. Madalas siyang nakikitang nasa tabi ni Branch Leader Lee… Ngunit malinaw na natuwa si Mrs. Lee ngayong nasa tabi na niya si Bulldog. Syempre, ibig-sabihin nito tapos na si Harvey York! Swoosh!Isang anino ang lumipad mula sa taas sa sandaling matapos sa pagsasalita si Mrs. Lee. Mabilis ang kanyang galaw. Lumitaw siya sa harapan ni Harvey at Dillon Lee sa isang iglap. Nang hindi nagsasayang ng oras, sumuntok siya nang napakalakas patungo kay Dillon. Hindi nagpigil si Bulldog. Gusto niyang gamitin si Dillon bilang halimbawa. Gusto niyang malaman ng lahat na ang sinumang kakalaban kay Mrs. Lee ay walang magagawa kundi mamatay! Swoosh!Ang suntok na iyon ay puno ng kagustuhang manakit. Isang nakakatakot na aura ang nakapaligid sa kanya, para bang isa siyang mabangis na hayop. Sa sandaling ito, nagulat ang lahat sa
Tumunog ang kamay ni Bulldog bago ito pumihit nang husto. “Aaagh!”Napasigaw sa sakit si Bulldog pagtalsik niya at bumahsak sa ilang tao bago siya tumama sa sahig. Tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanyang mukha!Tuluyan na siyang nalumpo!Nabigla sila Mrs. Lee nang makita nila ito. 'Paanong bigla na lang siyang nalumpo?' 'Dapat hindi natitinag si Bulldog, pero hindi man lang niya kinaya ang isang atake ni Harvey?''Totoo ba ito?'"Anong nangyari?""Anong nangyayari dito?!" "Talaga bang nakakatakot ang lalaking ito? Nalumpo niya si Bulldog sa isang palo lang!" "Namamalik-mata ba ako?" "Minaliit ba ni Bulldog ang kalaban niya?" "Baka napuruhan siya sa laban nila ni Dillon!" "Siguro nga! Kung hindi, hindi ito mangyayari!" Kinuskos ng mga panauhin ang kanilang mga mata pagkatapos makitang lumpuhin ni Harvey si Bulldog nang sobrang dali. Nakita nila ito gamit ng sarili nilang mga mata, ngunit hindi nila matanggap ang katotohanan. Si Bulldog ay isang kilalan