Ito ang unang beses na maharap ni Vince York sa ganito kabigat na sitwasyon sa buong buhay niya. Walang poprotekta sa kanya. Sa susunod na limang minuto, sarili niya lang ang masasandalan niya. Bang bang bang!Nang nagdadalawang-isip si Vince nung aakyat siya palabas ng kanal o hindi, narinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Malakas na yumanig ang cement board sa kanal bago ito nagkalamat… Nanahimik si Vince habang nagpapakita ng masamang ekspresyon sa mukha niya. Hindi niya kailanman kailangang magtago sa isang nakakadiring lugar noon! Ito ang pinakamalaking kahihiyan niya! Kumunot ang noo ni Vince habang nagngingitngit ang ngipin niya. Nagtataka siya. Bakit gagawa ng ganito kawalang-kwentang bagay ang sniper? Nakaupo si Vince sa isang blind spot. Alam ng sniper kung nasaan siya, pero imposibleng mabaril si Vince pansamantala. Sa madaling salita, ang cement board ay ang salbabida niya. Pwede niya itong gamitin para pangsalag sa susunod na atake… Kaagad na dumilim
Sa Maria Hospital ng Hong Kong. Nagngitngit ang ngipin ni Leslie York na nagmadaling nagpunta rito habang matiyagang naghihintay na matapos si Vince York sa operasyon niya. "L*che! Nilalabanan ng half-blood na yun si Vince?! "Papatayin ko siya! "Papatayin ko siya!!!" Akala ni Lexie ay masusunod si Vince at maloloko ang fourth princess at mamamatay si Jason Leo kasabay nito. Ngunit di niya inasahan na ang tinatawag na collaboration ay isa lang patibong na tinanim ng kalaban. Patay na ang ilang dosena ng pinagkakatiwalaang tauhan ni Vince. Maski si Vince ay nasa bingit din ng kamatayan. Kung wala ang Five Virtues Temple, guguho kaagad ang lahat ng pinaghirapan ni Vince. Maliban sa kaba, napuno ng matinding takot si Lexie. "Ang mga l*cheng yun, sina Harvey York at Queenie York… Kung hindi sila nag-utos na ipagawa sa iba ang maduming trabaho nila, hindi rin magtatangka ang fourth princess!" "Kailangang mamatay ng mga h*yop na yun! "Dali! Kunin niyo ang mga tao ko.
Isang namumuhing ekspresyon ang nasa mukha ni Vince York nang sinabi niya ang mga salitang iyon. Gusto ba niyang kalimutan na lang nang nangyari sa kanya?! Hindi! Pero wala siyang ibang magagawa! Kapag kumilos siya nang walang matibay na ebidensya, kakampi ang katwiran sa mga kalaban! Isa siyang lalaking maraming karanasan. Hindi siya magiging ganun kapusok para gumawa ng ganitong bagay. Walang nasabi si Lexie York. Napuno ng galit ang puso niya. Hindi niya hahayaang palampasin ang insidenteng ito nang ganun kadali. Pero kung magbibigay siya ng problema para kay Harvey York at sa fourth princess kagaya ng sinabi ni Vince, gagawa kang siya ng malaking gulo nang walang dahilan. Hindi sila magiging makatwiran. Baka gamitin pa ng kalaban ang pagkakataong ito para gumawa ng mga akusasyon. Kung mangyayari iyon, malaki ang mawawala kina Lexie at Vince. Nagawa ni Lexie na medyo pakalmahin ang sarili niya sa puntong ito. "Palalampasin na lang ba natin to? "Muntik ka n
"Sige, Tita. Gusto kong magpadala ka ng magandang regalo para sa Five Virtues Temple para sa'kin." Sumigla ang mga mata ni Vince York. Kahit sa sandaling ito, naramdaman niya ang isang nagliliyab na damdamin sa loob niya. "Maliban roon, papalampasin na natin ang lahat ng bagay na ipinipilit natin sa Five Virtues Temple. Magbabayad tayo ng malaking utang na loob sa kanila. "Sabihan mo sila na nagpapasalamat ako sa pagligtas nila sa buhay ko. "At mananatili ang Five Virtues Temple bilang sacred martial art training ground hanggang sa nabubuhay ako! "Walang makakalaban sa awtoridad natin!" Kumunot ang noo ni Lexie York. Palihim siyang bumuntong-hininga pagkatapos mapansin kung anong binabalak gawin ni Vince. "Wag kang mag-alala Vince. "Ang Five Virtues Temple ay ang matapat mong kalasag matagal na. "Gagawin kong sila ang pinakamalaki mong suporta kahit na kailangan ko pang magmakaawa na lumitaw ang matandang iyon." Malambing na tinignan ni Lexie ang lalaki na para bang
Naningkit lang ang mga mata ni Harvey York nang hindi masyadong nagpapakita ng emosyon. "Narinig ko na mabangis din si Grandma York noong kabataan niya," sabi ni Harvey nang may maliit na ngiti. "Maraming tao ang kumalaban sa kanya, ngunit lahat sila ay itinapon sa isang bundok ng mga bangkay… "Nangyari ba talaga yun? "Sa puntong ito, lumang balita na ang lahat ng yun. Naglabas ng gag order and dating lord ng mga York maraming taon ang nakaraan. Kaya puro haka-haka na lang ang meron tayo. Walang nakakaalam kung yun ang totoo."Kahit na ganun, isang malakas na kalaban si Grandma York. "Kung magawa ni Vince na palabasin siya sa pamamagitan ng pag-arte bilang biktima, mahaharap si Queenie York sa matinding problema." Tumawa si Harvey. "Wala tayong dapat ikatakot. Hindi naman tayo ang nagtatangkang sirain ang banquet niya. Mabuti tayong mamamayan dito."Wag mong kalimutan, hindi pa binibigay sa'kin ni Leslie Clark ang Good Citizen Award ko! "Pero kung kikilos si Grandma Y
Klak! Biglang sinipa pabukas ang pinto. Nakasuot si Harvey York ng mainit na sweater habang may dalang tasa ng Black Tea. Pagkatapos ay umupo siya sa kabilang dulo ng mesa habang naniningkit ang mga mata niya kay Jason Leo. Sa sandaling lumitaw si Harvey, isang namumuhing titig ang lumitaw sa mukha ni Jason. Wala na ang aroganteng ekspresyon sa mukha niya kasama ng lakas ng loob niya. Hindi siya natulog sa nagdaang ilang araw at hindi tumitigil ang katawan niya sa panginginig. Iniisip niya na kaya niyang tiisin ang matinding kondisyong ito gamit ng lakas at tibay ng loob niya… Pero dahil gumamit siya ng mild hypnosis bago ito, hindi siya nagtagal. Si Jason ang naglagay sa sarili niya sa sitwasyong ito. Kung hindi niya masyadong ginamit ang lakas niya noon, mas makakatagal pa sana siya. Sayang lang at hindi na siya pwedeng bumalik sa nakaraan. "Anong gusto mo, Harvey?" Malapit nang himatayin si Jason, ngunit nagawa niya pa ring magsalita habang nanginginig ang
Nanginig ang katawan ni Jason Leo. Alam na alam niya ang pagpipiliang binigay sa kanya ni Harvey York sa sandaling ito. Mamimili siya kung papatayin niya ang sarili niya o magiging alagad ni Harvey. Wala man lang makakaisip na gawing alagad ang isang God of War! Napuno ng hindi mapipigilang galit si Jason sa sandaling ito. Sinabi sa kanya ng natitira niyang dignidad at katwiran na hindi siya makakalaban kay Harvey kung luluhod siya. Habang nanginginig pa rin siya, nakikita ang galit sa mga mata niya habang diniinan niya ang revolver na nasa mesa. Hindi siya nagpunta rito para lang maging alagad ng kung sino! Gusto niyang maghiganti! Marami pa siyang bagay na kailangang gawin! Kung mamamatay siya dito, wala siyang makakamit na kahit ano! Ang lahat ng ginawa niya ay para lang sa wala! Kalmadong tinitigan ni Harvey si Jason nang may ngiti sa mukha niya. "Hinahangaan ko ang tapang mo, Young Master Leo. "Bilang isang lalaki mula Country H, umalis ka at naging aso ng
Kinabukasan, nitong umaga, sa Seaside Restaurant ng Victoria Harbor. Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ni Queenie at isa sq mga paboritong kainan ni Harvey York. Tinalo ni Harvey si Aurora Parker, isang sikat na celebrity na naging isa sa mga espiya niya sa lugar na ito. Natural lang para kay Harvey na talunin ang ikaapat na prinsesa dito. Upang ipakita ang kanyang katapatan, maagang nirentahan ng ikaapat na prinsesa ang restawran. Hindi lamang ang pinakamagandang sangkap ang dinala niya dito, mayroon pa siyang dalang bote ng 1982 Latour mula sa Empire. Walang balak na magpigil si Harvey. Pagkatapos makita ang lamesang puno ng masasarap na pagkain, kinumpas niya ang kanyang kubyertos at kumain. Hindi sumabay ang ikaapat na prinsesa sa pagkain. Kalmado nitong hawak ang kanyang baso habang umiinom. Ang kanyang maliit na katawan ay nakikita sa paglubog ng araw habang maaamoy ang isang mabangong halimuyak mula sa kanya. Tinawag ang kanyang mga guwardiya. Wala na ang kayabang
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai
"Si Mr. Quill ay isang senior ng Golden Sands! Akala mo ba ikaw na ang hari ng lungsod dahil nagdulot ka ng gulo sa kanyang libing na gaya nito?!”Syempre, handa si Blaine na gawing scapegoat si Harvey anuman ang mangyari."Ano? Nakikipaglaban ka ba para sa atensyon?Ngumiti si Harvey."Gaya ng inaasahan sa isang lalaking tulad mo. Akala ko hindi ka darating ngayon.Hindi ko akalain na gagawa ka ng ganito ngayon!"Gayunpaman, ayokong makipaglokohan ng matagal sayo ngayon.""Kung hindi ka masaya... Kung gusto mo ng katarungan, sugurin mo ako. Nandito ako para sayo."Pagkatapos marinig ang kanyang mga salita, lumapit si Wanda kay Blaine na may kaawa-awang itsura.“Young Master John! Kailangan mo kaming tulungan!"Sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Alani, kami mula sa World Civilization Department ay dumating dito upang pag-aralan ang kultura ng mga tao dito.""Gusto lang naming maranasan kung paano ginagawa ng mga lokal ang kanilang natatanging libing dito!"“At sa kabila nito, patulo
“Hell’s Cut!”Sumigaw si Alani, may pumatay na intensyon na lumalabas mula sa kanyang espada habang sinugod niya si Harvey. Labindalawang iba't ibang saksak ang pinagsama-sama sa isang iglap, determinado na pumatay. Ang hangin ay nagsimulang lumamig.“Aaah!”Lahat ay nagulat nang makita ito. Sa kanilang mga mata, si Alani ay isang tunay na eksperto. Ang mga sumalungat sa kanya ay tiyak na mamamatay.Gayunpaman, nanatiling walang emosyon si Harvey nang harapin ang pag-atake. Pinaikot niya ang kanyang espada, pagkatapos ay inihampas ito sa harap niya.Bam!Isang malalakas na tunog ang narinig.Tumilapon si Alani, at bumagsak sa lupa.Ang kanyang mukha ay lubos na namamaga, na may pulang marka dito. Sinubukan niyang bumangon, ngunit wala siyang nagawa."Ito ang pinakamalakas mong atake?" Ngumiti si Harvey. "Parang wala namang kwenta.""Hayop ka! Ikaw…”Si Alani ay nagngangalit, ngunit bigla siyang sumuka ng maraming dugo.Humakbang si Harvey pasulong at sinipa siya."Sabihin mo