Klak! Biglang sinipa pabukas ang pinto. Nakasuot si Harvey York ng mainit na sweater habang may dalang tasa ng Black Tea. Pagkatapos ay umupo siya sa kabilang dulo ng mesa habang naniningkit ang mga mata niya kay Jason Leo. Sa sandaling lumitaw si Harvey, isang namumuhing titig ang lumitaw sa mukha ni Jason. Wala na ang aroganteng ekspresyon sa mukha niya kasama ng lakas ng loob niya. Hindi siya natulog sa nagdaang ilang araw at hindi tumitigil ang katawan niya sa panginginig. Iniisip niya na kaya niyang tiisin ang matinding kondisyong ito gamit ng lakas at tibay ng loob niya… Pero dahil gumamit siya ng mild hypnosis bago ito, hindi siya nagtagal. Si Jason ang naglagay sa sarili niya sa sitwasyong ito. Kung hindi niya masyadong ginamit ang lakas niya noon, mas makakatagal pa sana siya. Sayang lang at hindi na siya pwedeng bumalik sa nakaraan. "Anong gusto mo, Harvey?" Malapit nang himatayin si Jason, ngunit nagawa niya pa ring magsalita habang nanginginig ang
Nanginig ang katawan ni Jason Leo. Alam na alam niya ang pagpipiliang binigay sa kanya ni Harvey York sa sandaling ito. Mamimili siya kung papatayin niya ang sarili niya o magiging alagad ni Harvey. Wala man lang makakaisip na gawing alagad ang isang God of War! Napuno ng hindi mapipigilang galit si Jason sa sandaling ito. Sinabi sa kanya ng natitira niyang dignidad at katwiran na hindi siya makakalaban kay Harvey kung luluhod siya. Habang nanginginig pa rin siya, nakikita ang galit sa mga mata niya habang diniinan niya ang revolver na nasa mesa. Hindi siya nagpunta rito para lang maging alagad ng kung sino! Gusto niyang maghiganti! Marami pa siyang bagay na kailangang gawin! Kung mamamatay siya dito, wala siyang makakamit na kahit ano! Ang lahat ng ginawa niya ay para lang sa wala! Kalmadong tinitigan ni Harvey si Jason nang may ngiti sa mukha niya. "Hinahangaan ko ang tapang mo, Young Master Leo. "Bilang isang lalaki mula Country H, umalis ka at naging aso ng
Kinabukasan, nitong umaga, sa Seaside Restaurant ng Victoria Harbor. Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ni Queenie at isa sq mga paboritong kainan ni Harvey York. Tinalo ni Harvey si Aurora Parker, isang sikat na celebrity na naging isa sa mga espiya niya sa lugar na ito. Natural lang para kay Harvey na talunin ang ikaapat na prinsesa dito. Upang ipakita ang kanyang katapatan, maagang nirentahan ng ikaapat na prinsesa ang restawran. Hindi lamang ang pinakamagandang sangkap ang dinala niya dito, mayroon pa siyang dalang bote ng 1982 Latour mula sa Empire. Walang balak na magpigil si Harvey. Pagkatapos makita ang lamesang puno ng masasarap na pagkain, kinumpas niya ang kanyang kubyertos at kumain. Hindi sumabay ang ikaapat na prinsesa sa pagkain. Kalmado nitong hawak ang kanyang baso habang umiinom. Ang kanyang maliit na katawan ay nakikita sa paglubog ng araw habang maaamoy ang isang mabangong halimuyak mula sa kanya. Tinawag ang kanyang mga guwardiya. Wala na ang kayabang
"Pangatlo, ibabalik ko sa'yo ang lahat. "Kapag kailangan mo ng tao at armas, ibibigay ko ang lahat ng ito sa'yo. "Pero, gusto kong magkaroon kayo ng madugong laban ni Vince York bago ka umalis sa lugar na ito. "Kahit anong mangyari, hindi mo pwedeng hayaan ang palaking nang-iwan sa'yo, diba?" Pagkatapos manahimik sandali, sumagot ang ikaapat na prinsesa, "Hindi sa hindi ko tatanggapin ang kondisyon mo, Sir York. "Alam ko kung paano ka kumilos. "Dahil kusang-loob mong ibibigay sa akin si Jason Leo, ibig-sabihin nito hawak mo na siya. "Parang patay na ang lalaking 'yan ngayon… "Sa ganitong sitwasyon, wala akong laban kay Vinnce. Kahit gaano karami pang tao at armas ang ibigay mo sa akin." "Iba na lang ang hingiin mo sa akin." Tuluyan nang nawala ang tapang ng ikaapat na prinsesa nang isipin niya ang sitwasyon. Ngumiti si Harvey. "Magaling. Gusto ko ang ugali mo. "Hindi ko gusto na tumanggi ka sa kondisyon ko, pero natutukoy kong tapat ka. "Kung ganoon, iba ang
Ang gabing-tanawin ng Victoria Harbor ay pinakanakakahumaling tuwing alas diyes nang gabi. Ang mga magkasintahan ay naglalakad sa kalye upang masaksihan ang tanawin sa siyudad. Kumakalat ang mga usap-usapan mula sa mga matataas na nightclub at restawran. Mayroong nagbabalak na sumira sa kaarawan ni Grandma York! Binuwis ng young lord ang lahat upang panatilihin siyang ligtas, ngunit dahil dito, nagtamo ito ng matinding pinsala. Sa puntong ito, nagpadala na ng tatlong kritikal na paalala ang Maria Hospital. Napakabuting tao!Isa talaga itong nakakaantig na kwento! Kapag patuloy na kumalat ang balita, malamang malulungkot si Grandma York kapag hindi niya nagawang bagong lord ng pamilya si Vince York. Habang pinag-uusapan ng lahat ang sitwasyon, biglang bumukas ang mga kurtina ng plaza. Isang grupo ng mga kabalyerong maayos ang kasuotan ang naglalakad sa bagong-gawang entablado. Akala ng mga turista may palabas na magaganap. "Anong okasyon?! Bakit may palabas?!" "Is
Hindi naman lihim ang itsura ni Vince York. Natutukoy ng lahat na siya ang nasa larawan. Pagkatapos mapagtantong si Vince ang taong nang-iwan sa ikaapat na prinsesa, nagulat ang lahat. Mula pa noong sinaunang panahon, ang mga prinsesa ay natatambal sa mga prinsipe! Natural lamang ito! Kaagad na nakuha ng ikaapat na prinsesa ang atensyon ng lahat. "Dahil alam ng lahat kung sino ang taong ito, mas magiging madali na magpaliwanag!" sigaw niya. "Nandito ako para akuin ang responsibilidad sa nangyari sa abandonadong villa ngayong araw! "Planado ko ang lahat ng ito para lang itumba si Vince! "Gusto kong hilahin pababa ang siraulong ito kasabay ko! "Pero nagpapanggap pa rin siyang wala itong kinalaman sa akin! "Hindi ko siya hahayaang makatakas! "Kahit tuluyan pang masira ang reputasyon ko, sisiguraduhin kong magdudusa siya kasama ko! "Sinasabi ko sa'yo ngayon na, Vince… "Dahil iniwan mo ako, papaslangin kita hanggang sa magsawa ako! "Hintayin mo lang! "Dali!" Tu
“Hindi mo ba alam na hindi ka dapat maging malapit sa royal family ng The Empire?!“Pwede mong gustuhin ang kahit sinong babaeng mau magandang angkan.“Pero hindi naman siya isang puro! Wala kang makukuha sa kanya!‘Baka sinusubukan niyang kunin ang lahat ng kapangyarihang mayroon ka!“Paano mo nagawang maging ganito katanga, Vince York?! Bakit ka sasama sa isang babaeng ganyan…?“Sa pagkatao mo, pwede mong makuha ang kahit sinong babaeng gusto mo… Pero bakit sa lahat siya pa?“Ang masama pa dito ay walang hiya din siya tulad ng mga tao ng The Empire!“Binubunyag niya ang relasyon niyo sa publiko!“Paano niya ito nagawa?!“Ang kapal naman ng mukha niya?!“Ngayon tingin na ng lahat na isa kang siraulong nang-iiwan ng babae!“Walang masyadong mangyayari kung kumalat ito sa upper social circle, pero kapag nalaman ito ni Grandma York…”Patuloy na nagsalita si Lexie York habang mukhang masama ang loob. Wala na ang kanyang pagiging kalmado.Babae lamang ang makapagsasabi kung g
Nagtinginan ang lahat.“Young Lord York, delikado talaga ito,” sinabi ni Quinton York pagkatapos maglakad paharap.“Hindi mahalaga kung totoo ba ito o hindi.“Nakasalalay dito ang reputasyon mo.“Sa ganitong oras, siguradong gagamitin ito ni Lord York laban sa’yo kapag kumalat nang mabilis ang balitang ito.“Dapat humanap ka kaagad ng mga taong may kinalaman sa media at plaza. Kausapin mo ang bawat isa sa kanila! Bigyan mo sila ng kahit magkanong gusto nila!“Kukuha tayo ng mga ghostwriter para ayusin ang imahe mo sa online pagkatapos nito.“Mas mabuti nang mahuli kaysa walang magawa…”Huminga nang malalim si Vince York. Ayaw niyang magpakababa sa mga tao ng media gamit ng kanyang pagkatao…Ngunit dahil umabot na sa ganito ang mga bagay, alam niyang kailangan niyang kainin ang kanyang dangal para iligtas ang kanyang sarili.Nang walang-alinlangan, huminga nang malalim si Vince.“Kung ganoon, kailangan kong…”Ding!Biglang umilaw ang phone ni Matthew Flynn.Kaagad na sumam