Kalmadong tinignan ni Harvey York si Vince York nang may nagtatakang ekspresyon. "Iniisip ko pa naman kung sino yun! Si Young Lord York pala mismo! "Hindi ako interesado sa kamay ni Jason Leo noon!"Pero narinig kong may tao mula sa mga York ng Hong Kong ang palihim na magbibigay ng reward, na nagsasabing ang kung sinomang makakaputol sa kamay niya ay makakatanggap ng fifteen billion dollars mula sa'yo!"Hindi ko alam kung totoo to, pero di naman masamang subukan, tama?" Takang-taka ang lahat pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey bago nilipat ang kanilang mga titig papunta kay Vince. Alam ng lahat mula sa Hong Kong at Las Vegas ang tungkol sa tatlong kondisyon na nilagay ni Jason. Dahil dito, posible ngang si Vince ang nanghihingi sa kamay ni Jason! Masasabing ang tinatawag na sworn brothers na ito ay walang iba kundi mga peke! Ang isa ay gustong nakawin ang posisyon ng brother niya, habang ang isa ay pinupuntirya ang kamay ng brother niya… Gustong ituntof ni Vi
Wala nang atrasan sa puntong ito. Nang nakapirma na si Harvey York at tinatak ang daliri niya sa papel, walang nagawa si Jason Leo kundi gawin rin iyon. Pagkatapos makuha ng dalawa ang mga kontrata nila, may kopya rin ang notary charges na may hawak sa ruling. Sumigla ang mga mata ni Vince York nang nakita niya ang nangyari bago siya humakbang sa gilid nang walang sinasabi, na para bang papanoorin niya lang ang pangyayari. "Magsimula na tayo!" Kasabay ng mga salita ni Harvey, isang bilog na platform ang umangat mula sa makinis na lapag. Isang makitid at mahabang gambling table ang nakikita sa bilog na platform. Isandaan at walong surveillance cameras ang nakalagay sa buong venue. Kahit langaw ay hindi makakatakas sa tingin ng mga ito. Nakatayo sa mga gilid ng mesa ang ilang piniling security guards at naghihintay para kina Harvey at Jason na pumasok. Humakbang paharap si Jason habang malamig na tumatawa bago siya kinapkapan. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa cen
Lumapit ang isang dealer na mukhang nasa dalawampung taong gulang. Mukhang napakasimple ng damit niya. Halatang baguhan siya. Ayon sa impormasyong ibinigay, pinili lang siya bigla mula sa mga turista para maging dealer. Tinuruan lang siya nang halos labinlimang minuto at sinabihan ng simpleng impormasyon at mahahalagang bagay na dapat alalahanin. Ang nakakainteres doon ay inalok siya ng isandaan at limampung libong dolyar para maging dealer. Kahit na takot na takot ang maswerteng turista, nagawa pa rin niya nang maayos ang trabaho niya. Bumunot siya ng sampung bagong deck ng baraha para kay Harvey York at Jason Leo para pagpilian ng bawat isa. Hindi sila pareho nagsayang ng oras at ginawa ang pinapakiusap sa kanila. Hinati ng dealer ang mga baraha at tinanggal ang mga joker sa loob bago binalasa ito nang magkasama. Pagkatapos, hinayaan sina Harvey at Jason na mag-cut ng deck. Hindi sanay ang mga kilos niya. Aksidente niyang maipapakita ang isa o dalawang cards paminsan-mins
Binigyan ng dealer si Harvey ng isa pang baraha. Isa na naman itong alas. Mayroon siyang kabuuang labing-isang puntos. Nanlaki ang mata ng madla. Maging si Jason Leo ay nanigas sa sandaling iyon. Kapag mas mababa pa rin sa dalawampu't-isa ang puntos ni Harvey pagkatapos ng isa pang baraha, panalo na siya! "Isa pa!" sinabi ni Harvey habang nakatingin sa kanya ang lahat. Mayroon siyang kabuuang dalawampu’t-isang puntos. Kahit ano pa ang nakatagong baraha, pinatalo ni Harvey ang sarili niya.Nagulat nang sobra ang madla pagkatapos ibunyag ni Harvey ang nakatago niyang baraha.Si Harvey ay may siyam, isang sampu, at nakakuha siya ng alas. Ang kabuuang dalawampung puntos ay isang malaking numero, pangalawa lamang sa Blackjack.Sa ganito kagandang sitwasyon, humingi pa rin siya ng isa pang baraha at natalo dahil dito! Anong ibig-sabihin nito? Gusto bang mamatay ni Harvey?“Hahaha! Ganyan ka ba katakot sa akin?“Humihingi ka pa ng isa pang baraha kahit may twenty points ka na
Napalunok ang lahat nang marinig ang sinabi ni Jason Leo.Hindi na ito ang King of Gambling Tournament. Ang laban na ito ang magdidikta kung sinong magiging bagong hari ng Hong Kong at Las Vegas! Kapag nanalo si Harvey York, ang top four family ng Hong Kong ay magbibigay-galang sa kanya sa pagtataboy kay Jason! At kapag nanalo si Jason, makukuha niya ang lahat ng pinaghirapan ni Harvey.Sa lakas niya, hindi problema sa kanya na sirain ang mga York ng Hong Kong at bumuo ng isang bagong tagong pamilya.Kalmadong sumulyap si Harvey kay Jason. “Hanggang ngayon ang liit pa rin ng mga taya mo, Young Master Leo? Minamaliit mo pa rin ba ako?“Kung gusto mong maglaro, kailangan nating taasan ang taya.“Kapag natalo ako, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng mayroon ako, kasama na ang nasa Mordu at Buckwood!“Makakagawa ka ng isang bagong hidden family gamit ang lahat ng ito! “Pero kapag natalo ka, isa lamang ang gusto ko, ang buhay mo.“Handa ka bang maglaro?”Sapat na ang mga salita n
Kalmadong tumingin si Harvey sa kanyang nakatagong baraha. Mukhang wala siyang balak na magdagdag. Napalaktaw ng tibok ang puso ni Jason Leo nang makita niya ito. Pinatunog niya ang kanyang daliri pagkatapos. Klak! Naging mapanglaw ang mga mata ni Harvey. Pagkatapos ay bumalik sa dati ang kanyang ekspresyon. Tumawa nang malakas si Jason nang makita niya ang nangyari. "Harvey, kung gusto mong manalo, mabuti pa at magdagdag ka ng baraha! Kung hindi, siguradong matatalo kita dito!" Malinaw na naniniwala talaga si Jason na mapapabunot niya ulit ng baraha si Harvey gamit ng kanyang mild hypnosis. Makikitang nahihirapan si Harvey bago niya isigaw, "Isa pa!" Ngumiti ang dealer bago muling magbigay ng baraha kay Harvey. Ito ay isang dos. Nanigas si Jason pagkatapos makita ang baraha. Hindi niya inakalang makakakuha si Harvey ng ganito kababang numero. Pagkatapos huminga nang malalim, kumalma si Jason. "Mayroon ka na lamang tatlong puntos sa ngayon, Harvey! Kahit mayroon
Malakas ang epekto pagkatapos ng tatlong pitik. Nagsimulang tumagaktak ang malamig na pawis sa noo ni Harvey Hork habang mukha siyang nababahala. Pagkatapos makita ang nangyari, alam na ni Jason Leo na hindi na masyadong tumatalab ang mild hypnosis kay Harvey. Kailangan niyang pahirapan si Harvey…Wala siyang magagawa kundi gumatong sa apoy.“Bakit hindi natin taasan ang taya?”Makikita ang ngiti sa mukha ni Jason. “Kapag nagdagdag ka pa ng isa pang baraha at nanalo laban sa akin, i-cacancel ko ang engagement namin ni Queenie York! Ano sa tingin mo?!”Galit na tumayo si Queenie.“Huwag mong gawin ‘yan, Harvey!” sigaw ni Queenie.Matutukoy ng kahit sino na masyado nang maraming baraha si Harvey.“Kapag nanalo tayo ngayong round, mapapanalunan natin ang lahat! Walang kwenta ang kasal kumpara dito!” sigaw ni Leslie Clarke. “Huwag kang magpadalos-dalos, Sir York!” sigaw ni Yoana Mendoza. “Bukod diyan, pwede akong maging alipin mo! Kakagatin ko kahit sinong gusto mo!” kalmado
Nang lumabas si Vince York para gumawa ng gulo, tiningnan siya ni Harvey York nang seryoso.Si Vince, na gustong hamunin si Harvey, ay hindi mapigilang kahaban.Kusa siyang tumingin kay Jason Leo bago siya biglang may naisip.Tuluyan nang namutla ang mukha ni Jason. Inabot niya ang kanyang kamay habang nakatitig sa mata ni Harvey, pagkatapos ay muli niyang pinatunog ang kanyang daliri.Ang kanyang mild hypnosis, na laging tumatalab noon, ay wala nang epekto. Walang nangyari bukod sa dugo sa bibig ni Jason.Kalmadong ngumiti si Harvey.“Hindi mo na kailangang patunugin ulit ang daliri mo. Walang kwenta ‘yan.“Walang epekto sa akin ang mild hypnosis mo.”Nagbago nang husto ang mukha ni Jason, para bang napansin niyang nahalata na ni Harvey ang ginagawa niya.Huminga siya nang malalim at pinilit na kumalma.“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Harvey.“Kung pagbibintangan mo akong nandadaya, mabuti pa at magpakita ka ng matibay na ebidensya!“Kung hindi kakasuhan kita ng pan