"Ito ..." Nag-aalangan si Shirley Ryan.Never pa siya nagkaroon ng boyfriend mula noong pagkabata. Kahit na lumabas siya ngayon, ito ay dahil sa patuloy na paghahabol sa kanya ni Jerry Zabel. Ginamit pa niya ang kanyang mga koneksyon at pinagbantaan siya gamit ang kanyang pamilya. Noon lamang siya atubiling pumayag na lumabas para kumain.Walang sense para sa kanya ang feelings at ito ay napaka-unreasonable. Pag sinabing walang feelings, walang feelings. Kung may feelings siya kay Jerry, papayag sana siyang maging girlfriend niya noong siya ay nasa kolehiyo.Gayunpaman, sa sandaling ito, ginagamit ni Jerry ang mga affair ni Harvey York upang pagbantaan siya, ngunit medyo nahihiya siya.Napakaganda ng pinagsamahan niya ni Harvey noong sila ay nasa kolehiyo. Minsan nga may namagitan pa sa kanilang dalawa. Gayunpaman, si Harvey ay naging live in na manugang ng pamilya Zimmer matapos siyang makapagtapos. Tuluyan na silang nawalan ng contact.Gayunpaman, ang makita niya si Harvey na gu
Samantala, sa parking lot, hindi mapigilang ngumiti ni Jerry Zabel nang makita ang cellphone ni Harvey York. Tumawa siya saka sinabi, “Ay naku, Harvey. Ginagamit mo pa ang old-model na cellphone na may kasamang three-year calling credit na fifteen dollars. Iba ka rin, no! "Pagkatapos ay sinulyapan niya si Shirley Ryan at walang kabig na sinabi, "Shirley, hindi mo ba nakikita sa puntong ito? Ang lalaking ito as iyang walang kwentang hampaslupa. Bakit mo pa rin siya tinutulungan? Sa palagay mo ba ay magpapasalamat siya? Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa noon, ngunit tingnan mo siya, wala siyang kwenta ngayon. Ni hindi siya karapat-dapat tumayo sa harapan ko. Posible bang iniisip mo pa rin ang kanyang kabaitan at tumanggi na maging girlfriend ko? "Oo naman, hindi rin bobo si Jerry. Alam niya na si Harvey ang sumira sa kanyang plano nang subukan niyang ligawan si Shirley noon. Tiyak na nais niyang mapahiya ng husto si Harvey dahil meron siyang pagkakataon ngayon.Hindi lamang
Si Willa White, ang chief manager ng Niumhi Grand Hotel ay kinonsidera bilang isang napaka-makapangyarihang tao sa Niumhi. Ang mga taong nakasalamuha niya ay pawang mga may mataas na ranggo at ginagalang siya ng maraming tao dahil sa kanyang mataas na posisyon.Sa Niumhi, ang ilang mga pinuno ng second-class at third-class na pamilya ang hindi man naglakas-loob na huminga sa harap niya.Gayunpaman, alam na alam ni Willa na wala siyang pundasyon sa Niumhi. Isa lamang siyang asong tinulak palabas ng ilang mga top family.Ang pinakamalaking pamilya sa mga pamilyang iyon ay ang mga York.Sa South Light, ang York Enterprise ang kumakatawan sa mga York.Nagpakita ang CEO ng York Enterprise sa Niumhi Grand Hotel na nasa ilalim ng kanyang pamamalakad. Panoong hindi siya magpapanic? At saka, kung papansinin ang tono ni Yvonne Xavier, baka bad mood ang CEO ngayon.Itutuloy dapat ng assistant manager ang panunuya kay Harvey York. Subalit sa oras na ito, nakita niya ang lahat ng mga security
Malabo ang ekspresyon ni Jerry Zabel. Napakabilis ng mga nangyayari at hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari dahil sa kanyang mababang IQ.Pagkaraan ng ilang sandali, galit niyang sinabi, "Bakit ko siya babayaran? Miyembro niyo rin ako. Nagbayad ako ng seven thousand six hundred dollars para sa pag-sign up sa membership card!""Hindi ba sinabi mong mga miyembro lamang ang pwedeng kumain sa Niumhi Grand Hotel? Bakit siya pwedeng pumasok at kumain kahit isa lamang siyang walang silbing lalaki na nakasakay sa electric bike?"Walang pakialam na sinabi ni Willa White, "Dahil ginawa ng aming top customer sa Niumhi Grand Hotel ang reservation para kay Mr. York. Sa madaling sabi, ang annual fee para sa pag-sign up sa membership card na ito ay halos eight hundred thousand dollars. Kaya, naiintindihan mo ba ang pagkakaiba ngayon?"Agad na naging maputla ang mukha ni Jerry. Nag-atubili siyang nag-apply para sa entry-level membership card na seven thousand six hundred dollars. Ano an
Si Ella Graves, na nasa gilid, ay tuliro at nagsalita bago magsalita si Harvey York. "Harvey, hindi ba niya sinabi niya sa mga security guard na bugbugin ka ngayon? Nagsabi pa siyang magbayad ka para sa mga pinsala ng iyong senior at tumangging tulungan ka para tingnan ang ating reservation. Bakit bibigyan pa rin siya ni Mr. White ng isang promotion?"Sobrang nagtataka ni Ella. Hindi kaya ganito ang pagpapatakbo ng Niumhi Grand Hotel?Si Willa White, na nasa tabi ni Harvey, ay may mabigat damdamin sa kanyang puso bagaman nakangiti pa rin siya. Halos magsuka siya ng dugo. Matalino siyang tao, at malamang ay alam niya kung anong nangyayari.Malamang ay minaliit siya ng assistant manager at hindi tinulungang i-check ang reservation. Tinulungan din niya ang ibang lalaking iyon na kutyain si kay Harvey ngayon lang. Talagang nakakagalit iyon. Naglalaro siya ng apoy.Sa sandaling ito, nagsimulang pumatak ang malalamig na pawis ni Willa. Sa kabutihang palad, hindi nasaktan si Harvey. Nagpa
Ang revolving restaurant na nasa top floor ng Niumhi Grand Hotel ay ang lokasyon din ng western restaurant. Ang mga nais na magpareserba ay kailangang mag-sign up para sa membership card. Kinakailangan ng isang linggo in advance para magpa-reserba.Ang elevator ay ang nag-iisang paraan para marating ang top floor at ito rin ang kauna-unahang beses na nandito si Harvey York.Samantala, hiniling ni Harvey kay Willa White na umalis at huwag silang abalahin. Pumunta naman si Ella Graves sa washroom para ayusin ang kanyang makeup. Medyo nainip si Harvey habang nakatayo sa harap ng elevator.Sa sandaling ito, isang pigura na naka-suit ang biglang huminto sa harap ni Harvey. Matapos sandaling tingnan si Harvey mula ulo hanggang paa, nakasimangot siya at tinanong, "Harvey, bakit ka nandito?"Napasimangot si Harvey. Zack Zimmer iyon na nakatayo sa harapan niya, at sa tabi niya ay isang babaeng may 'plastic' na mukha.Medyo hindi naka-imik si Harvey. ‘Nagpunta lang ako dito para kumain. Bak
Nang makita kung paano nagbago ang reaksyon ng lahat, natuwa si Zack Zimmer sa sarili siya.Hindi pa rin siya nakaka-recover mula sa kanyang galit sa pagkabigong ligawan sina Yvonne Xavier at Wendy Sorell ilang araw na ang nakalipas.Napakaswerte niya na makita niya si Ella Graves - isang dyosa na may kurbadang katawan at nakaka-akit na mukha, syempre hindi niya papakawalan ang pagkakataong ito!Sa wakas ay itinaas ni Ella ang kanyang ulo at tinitigan si Zack saka nagtanong, "Kahit ano?"Itinuro ni Zack ang VIP elevator na hindi kalayuan sa kanila at sinabi, "Miss Pretty, maghahapunan ako sa Western restaurant sa top floor, tsaka pinai-book ko ang pinakamagandang puwesto, pwede ba kitang yayaing mag-hapunan?"Nang hindi man lang hinintay ang sagot ni Ella, nagmadaling sumugod ang babaeng may plastik na mukha sa tagiliran ni Zack. "Mr. Zimmer, wala akong pakialam kung pakikipag-landian ka sa ibang mga babae, pero ako mismo ang inimbitahan mong lumabas para mag-hapunan ngayong gabi
Ngumuso si Zack Zimmer. "Harvey York, gaano ka kagaling sa pagmamayabang, bago ito ay ipinagyabang mo na ikaw talaga ang CEO ng York's Enterprise, at ngayon sinasabi mo na kaming mga Zimmer ay hindi kwalipikado na ipareserba ang spot na kinukuha mo? Sino ka ba sa akala mo? Kung ganoon ka nga kagaling, paanong isa ka pa ring live-in na manugang sa pamilya Zimmer? ""Ganoon man ako kagaling o hindi ano'ng pakialam mo? Ano ngayon sa'yo kung saan ko man gustuhing mag-dinner? Mind your own business. "Malamig na sumagot si Zack, "Ako ang vice CEO ng family business ng pamilya Zimmer, hindi ba ako pwedeng makialam kung may pangahas na gumagastos ng pera namin para mag pick up ng mga babae?"Nakita kung paano pinasaringan si Harvey nang maraming beses, sinuggest niya, "Harvey, bakit hindi na lang tayo kumain sa iba?""Hindi na kailangan iyon, kumakain na tayo dito." Nagdecide si Harvey na huwag nang pansinin ang mga kalokohan ni Zack at hinatid si Ella Graves sa elevator."Okay, tingnan
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor
”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?
Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n