Nagkatinginan ang mga bodyguard bago maingat na humakbang paharap. Bang!Hindi nagsayang ng oras si Katy Cobb na kalabitin ang gatilyo. Kaagad na dumaplis ang isang bala sa buhok ni Kim Moreno. "Sinabi ko na sa'yo! "Kapag humakbang pa kayo, papatayin ko siya!" Punong-puno ng galit si Katy. Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon niya. "Lumayas kayo ngayon din! Labas!" Kung mayroon lang paraan si Katy na tapusin ang mga taong iyon sa loob lang ng maikling oras, baka hindi siya magdadalawang-isip na tapusin na nang panghabang-buhay si Kim. Hindi nakakilos si Kim sa takot sa putok ng baril. Tinignan niya si Katy nang may napakaputlang mukha. "Tama na ang katigasan ng ulo mo, Katy! Paano mo aakuin ang responsibilidad kapag namatay si Elder Cobb dito?! "Paano mo bibigyan ng pahayag ang tatlong pinakamalaking pamilya ng Nanyang?! "Nagtiwala sa'yo ang lahat! Iyon ang dahilan kaya walang tumanggi noong dinala mo rito si Elder Cobb! "Pero talagang nadismaya ako sa'yo ngayon!
Gumulong ang dalaga sa lapag bago bumangga kay Katy Cobb. Pagkatapos makita ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan na sipain sa lapag, hindi napigilan ni Katy na iabot ang kamay niya sa kanya sa kabutihan ng puso niya. Sa sandaling iniunat niya ang kamay niya, nakaramdam siya ng panganib nang dahil sa karanasan niya sa underworld. Kusa siyang umatras, ngunit medyo nahuli pa rin siya. Bang!Sumipa ang babae. Nagkataon na lumapag ang paa niya sa pulso ni Katy Nabitawan ni Katy ang baril pagkatapos niyang makaramdam ng sakit. Bago pa magalit si Katy, sinipa siya ng babae sa baywang na kaagad na nagpalipad sa kanya. Malamig na tumawa si Kim Moreno bago kinuha ang baril ng isa sa mga bodyguard at tinutok ito sa ulo ni Katy. Bumaliktad na ang sitwasyon. Namanhid and katawan ni Katy. Hindi man lang siya makatayo kahit na gusto niya. Nagngitngit ang ngipin niya habang tinitigan nang masama si Kim na may malambing na ngiti. "Walanghiya ka, Kim!" Pagkatapos makitang gawin
Tumalon ang Dark Island bodyguard papunta kay Harvey nang may masasamang titig habang nagbibigay ng utos si Kim Moreno. Malinaw na naririnig ni Harvey ang gulo, pero wala siyang oras para ayusin ito dahil nasa importanteng sandali siya ng pagligtas kay Dean Cobb. Kapag huminto siya roon, mauuwi sa wala ang lahat. Lalo na't hindi siya isang pormal na doktor. Alam niya lang kung paano hawakan ang sining ng pagpatay. Hindi niya inasahan na ganito kagulo ang Nanyang Gang. Hindi kaya makapaniwala na gagawin ni Kim ang kahit na ano para lang sa sikreto ng God of War… Walang intensyon si Harvey na sumuko. Huminga siya nang malalim at kinuha ang scalpel bago hiniwaan ang siyam na magkakaibang parte ng katawan ni Dean. Clink clink clink clink!Nabunot ang lahat ng mga itim na taling kasing haba ng ice needles. Pagkatapos ng huling hiwa, natanggal na ang lason sa katawan ni Dean. Ngunit kahit na God of War si Dean, imposibleng maibabalik niya kaagad ang lakas niya. Namumula an
Snap!Kasabay ng pitik ng mga daliri ni Kim Moreno, isang dosenang bodyguards mula sa Moreno family ang lumapit sa isang iglap. Ang mga taong iyon ay hindi nagmula sa Dark Island. Mula silang lahat sa Nanyang. Lahat sila ay may dalang sandata at isang mahabang kutsilyo habang malamig na nakatitig kay Harvey York. Pinalibutan nila si Harvey sa lahat ng direksyon nang wala pang intensyon na kumilos. Bahagya lang silang humakbang para palibutan siya. Kumunot ang noo ni Harvey. Hindi niya malaman kung anong binabalak ni Kim. Malamig na tumawa si Kim. "Magaling ang lalaking to sa pakikipaglaban! Matiyagan niyo siya! "Kapag kumilos siya, patayin niyo si Katy Cobb! "Malamang may relasyon ang dalawang hayop na'to!"Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Kung papatayin ni Kim si Katy, mauuwi sa wala ang lahat ng ginawa ni Harvey. Nang ililigtas na niya si Katy, nakita niyang hindi siya pinansin ni Kim habang naglakad siya papunta
"Kapag sinabi kong may mali, eh di may mali sa kanya! "Kapag sinabi kong imbalido siya, yun lang ang katotohanan! "Ako na ang may-ari ng ng lugar na'to! Ako na ang magdedesisyon dito!" Matapang na lumakas si Kim Moreno. Nang nakita niya matandang lalaking nasa palayok na may mapulang mukha, bahagyang nagbago ang mukha niya. Hindi niya inasahan na ang lason sa katawan ni Dean Cobb ay para bang natanggal na. Hindi kaya mayroon talagang kakayahan ang pekeng doktor na ito? Nang hindi nagdalawang-isip, napuno ng kasamaan ang titig ni Kim. Matatanggap niyang maging imbalido si Dean. Sa ganitong paraan, aayon rin ito sa mga interes niya. Pero hindi niya siya hahayaang gumaling. Kung mangyayari iyon, kamatayan lang ang magiging kahulugan nito para sa kanya! Maibabalik kay Dean ang kontrol sa buong Nanyang. Hindi ito matatanggap ng Moreno family. "Tigil!" Pagkatapos makitang pipindutin na ni Kim ang gatilyo, kaagad na sinampal ni Harvey York ang bodyguard mula sa Moreno
“Hahaha! Basta maalis na ang lason, magiging madali na ang lahat.“Kaibigan ko ang top ten doctors ng Hong Kong! Wala kang dapat ikabahala.” Tumawa nang malakas si Dean Cobb. Pagkatapos maging paralisado sa loob ng halos sampung taon, paano niya mapipigilan ang kanyang saya ngayong nanumbalik na ang lakas niya?“Grandfather, muntik nang mabaril ni Kim Moreno si Sir York habang sinusubukan ka niyang iligtas!” Nagpumiglas si Katy Cobb sa sahig at itinaas si Dean nang nakangiti habang nagrereklamo.Namutla si Kim pagkatapos marinig ang mga salitang ito. Makikita ang kagipitan sa kanyang mukha. May gusto siyang sabihin ngunit hindi siya makapagsalita sa sandaling ito.Maaaring nagpakitang-gilas siya sa harapan ni Dean na nasa bingit na ng kamatayan…Ngunit ngayong nanumbalik na ang lakas ng Nanyang God of War, imposibleng gagawin niya ito kung hindi siya isang tanga.“Ang malaking utang na loob na ito ay hindi mababayaran ng salita, Kapatid.” Pinakita ni Dean ang kanyang paghan
“Alam kong baka hindi ka interesado dito, Brother York.“Higit sa lahat, sa kakayahan at lawak ng isipan mo, hindi mo na ito kailangan.“Pero isa lamang itong maliit na pagtanaw ko ng utang na loob. Kailangan mo itong tanggapin, kung hindi ay hindi ako makakatulog nang mahimbing!”Mukhang seryoso si Dean Cobb habang nilalagay niya ang badge sa kamay ni Harvey York.Nabigla sila Kim Cobb nang marinig nila ang salitang iyon.Walang nag-akalang ang isang manloloko ay pahahalagahan nang ganito sa puntong ibibigay sa kanya ang Cobb Badge.Gamit ng badge, wala nang babangga sa kanya sa buong karagatan ng Timog-Silangan sa hinaharap.Natulala saglit si Harvey. Hindi niya inakalang magiging ganito kabuti si Dean.Umiling siya.“Sobra naman ata ito, Elder Cobb. Hindi ko pwedeng tanggapin ito.” Alam na alam ni Harvey ang halaga ng gamit na ito.Si Dean ang Nanyang God of War. Isa siyang alamat sa buong karagatan ng Timog-Silangan.Kapag bumalik siya sa kanyang bansa, lahat ng mga na
Kinabukasan, nang alas dos nang hapon, nagpakita si Harvey York sa Longmen Budokan.Sobrang tahimik ng lugar, siguro dahil alam ng lahat ang pagdating ni Mitchell Bauer sa araw na iyon. Maging ang tagalinis ay hindi nagpakita ngayon. Walang bahalang umupo si Harvey sa loob ng isang gazebo sa likod ng bundok habang may hawak na tsaa. Makikita ang kapayapaan sa mukha niya…Para bang payaso lamang ang haharapin niya at hindi isang malaking bagyo.Bukod sa kanya, si Edwin Mendoza at Carrie Kennedy lamang ang tao doon.Nakatanggap ng lunas si Carrie noong gabing iyon upang masigurong makakaligtas siya. Nakakagalaw lamang siya gamit ng isang wheelchair.Gayunpaman, napupuno siya ng galit kapag tinititigan niya si Harvey.“Walang kwenta ‘yan, Harvey! Pagdating ng head ng Law Enforcement of Longmen, lagot ka na! “Bukod sa kanya, maging si Miyata Shinosuke, ang Sword Saint ng Shinkage Way ay papunta n rind ito!“Isa iyong tunay na God of War mula sa Island Nations! Mamamatay ka pa ri