Sa tanghali, naglakad si Harvey palabas ng garden villa habang hinihimas ang tiyan niya. Personal siyang hinatid ni Toby palabas. Gulat na gulat ang buong pamilya pagkatapos makita ang eksena. Si Governor Clarke, isang lalaking kilala sa pagiging patago at misteryoso, ay personal na nag-alok na ihatid ang isang bisita palabas? Anong klaseng karisma ba ang mayroon si Harvey? Hindi napigilan ng mga miyembro ng Clarke family na tumingin kay Harvey, nag-iisip na sila ng plano kung paano mapapalapit sa kanya. Sa mga mata nila, ang mga taong tinitingala ni Toby ay halatang mga magagaling na tao. Pagkatapos bumalik ni Toby sa hall, si Leslie, na halatang naiinis, ay nagdala sa kanya ng isang tasa ng kape. "Naiintindihan ko kung bakit mo pinapunta si Harvey dito, Papa, pero hindi ba pwedeng ibang tao na lang ang magpadala ng signal? Bakit ka gumagawa ng malaking palabas hanggang sa puntong pinapahayag mo ang suporta mo sa kanya? Kapag nalaman to ng mga York ng Hong Kong, hindi
"Kahit na hindi mo pansinin ang mga narating niya sa Country H, isipin mo ang mga bagay na nagawa niya sa loob ng ilang araw pagkatapos niyang pumunta sa Hong Kong at Las Vegas! Dahil sa kanya, bumaliktad ang sitwasyon ng Las Vegas! Hindi na mga hari ang mga Hamilton! Kahit na hindi nakipagbati ang Mendoza family sa Hamilton family, pareho silang nakasuporta kay Harvey! "Sa sandaling nilagay ni Harvey si Yoana sa posisyon bilang helm ng branch ng Dragon Palace, walang nagawa ang buong pamilya niya kundi sundan siya hanggang sa huli. At saka kahit ano pa ang iniisip ni Fabian, niligtas ni Harvey ang pinakamamahal niyang anak kagabi. Tandaan mo, pinapahalagahan ni Fabian ang reputasyon niya, at niligtas siya ni Harvey nang dalawang magkasunod na beses…"Hindi magiging tama sa kanya kung lalabanan niya si Harvey ngayon, di ba? Sa suporta ng dalawang pamilya na ito, malapit nang makuha ni Harvey ang buong awtoridad sa Las Vegas. Pagkatapos marinig ang lahat ng ito, iniisip mo pa rin ban
Napalunok ang lalaki at nagpatuloy na magsalita. "Tama. Hindi lang yun, nakahanap rin sa ng blade mark sa leeg niya. Ang una nilang spekulasyon ay ang sandata na nagsanhi ng marka ay isang blade. Naghahanap pa sila ng iba pang ebidensya sa ngayon. Pero sa sandaling ito, ang lahat ng nakuha nila at ang insidente kagabi ay tinuturo si Harvey bilang salarin."Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Toby. Alam niyang kikilos ang mga York ng Hong Kong, pero hindi niya inasahan na kikilos sila nang ganito kaaga. Plano niyang bigyan ng Good Citizen Award si Ahr eh pero sinusubukan ng mga York na kasuhan siya ng pagpatay. Base sa pagkakaintindi ni Toby sa mga York at kay Vince, tiyak na ibubuhos nila ang lahat kung nagpasya silang gumawa ng isang bagay. Sa madaling salita, tiyak na sisisihin si Harvey sa pagkamatay ni Naoto. Kahit na tumestigo si Toby, wala itong magagawa. Magkakaroon sila ng sapat na ebidensya para patibayin ang bintang kay Harvey sa puntong iyon. Hinimas ni Toby ang noo
Hindi pinansin ni Leslie ang pang-aaway ni Kaitlyn. Tinitigan niya nang may madilim na ekspresyon si Vince na kalmadong umiinom ng tsaa. "May gusto akong itanong sa'yo, Young Lord Vince." "Dadalhin mo ba ko pabalik sa police station? Sinabi ko na sa'yo ang lahat kagabi. Nagkataon lang na nandun ako. At saka, namagitan ako sa away para sa kaligtasan ng Hong Kong. Kahit na hindi mo ko bigyan ng Good Citizen Award, hindi mo naman pwedeng ipagpatuloy na sirain ang pangalan ko, di ba?" Kung naibang okasyon lang ito, kakalimutan na ni Leslie ang usapan pagkatapos marinig ang galit sa mga salita ni Vince, pero iba ang sitwasyon sa araw na iyon. Huminga siya nang malalim at nagsabing, "Young Lord York, nandito ako para tanungin ka kung bakit mo pinatay si Naoto at pinagbintangan si Harvey para rito.""Patay na si Naoto?" Lumitaw ang pagtataka sa mukha ni Vince. Mukhang hindi siya nagpapanggap. "Hindi ba kumuha ako ng mga doktor mula sa pamilya ko para gamutin siya sa Edward Hospit
Pero kahit ano pa ang katayuan nila, hindi iyon mahalaga sa sandaling ito. Tumayo si Ellis nang may ngiti sa kanyang mukha. "Wag kang mag-alala, Young Lord York. Tinawagan na namin ang Shinkage Way gamit ng koneksyon ng pamilya ko. Narinig ko na ang Elder ng Shinkage Way, si Maki Takei, ay darating dito ngayong gabi kasama ng anak niyang lalaki at babae, sina Makoto at Rumiko Takei. Tiyak na maghahanap sila ng hustisya para sa minamahal nilang si Naoto." Mapagpanggap na bumuntong-hininga si Vince. "Hay. Hindi to patas. Hindi na pinapatupad ng gobyerno ang batas ngayon. Sarili lang natin ang masasandalan nating mga mamamayan. Talagang nadismaya natin ang mga kaibigan natin mula sa Island Nations! Patuluyin mo ang mga importanteng bisita natin sa lugar ko, Ellis. Ibigay mo sa kanila ang kahit na anong gusto nila. Syempre siguraduhin mo na malinis ka. Wag kang mag-iiwan ng kahit na anong bakas." Naningkit ang mga mata ni Ellis. "Syempre, Young Lord York. Ang pinagkakabuhayan ng
Tack tack tack!Simpleng nag-text si Harvey habang naglalakad siya. Nagpunta siya sa morge na nasa dulo ng hallway. May dalawang inspectors ng Hong Kong Police Station na nakatayo sa pintuan. Alam nila kung sino si Harvey, kaya tumango sila bago hinayaan si Harvey na makapasok. Nakatali ang buhok ni Leslie habang nakasuot ng puting medical gloves sa loob ng morge. Nakikita ang kanyang manipis na leeg. Nang makalapit si Harvey, nasa gitna siya ng maingat na pagsusuri sa sugat na nasa leeg ni Naoto. Dahil na katawan ni Naoto ang lahat ng atensyon niya, hindi man lang niya napansin na nagpapakita siya ng balat sa bandang dibdib niya. Pinakalma ni Harvey ang sarili niya bago nagpatuloy na lumapit. "Leslie, bakit mo ginagawa ang trabaho ng mga coroner? Paano sila kikibo kapag nalaman nila?" Huminto si Leslie sa ginagawa niya at tumingin kay Harvey. Ang simpleng tingin niya ay puno ng lahat ng karisma sa mundo. "Nailabas na ang autopsy report. Nakuha na rin namin ang lahat ng eb
"Doc, kaibigan ko si Mr. York. Pakiusap pagbigyan mo na siya." "Pagbigyan? Hindi ko magagawa 'yan!" Galit na suminghal ang forensic scientist. Pagkatapos makita ang badge sa dibdib ni Leslie, natulala ito saglit. "Ikaw pala si Ms. Clarke. Pero kahit ganoon, hindi ka pwedeng lumabag sa patakaran dito! Ayos lang kung gusto mong nandito si Mr. York, pero kailangan niya munang mag-register." Naningkit nang bahagya ang mata ni Harvey bago ngumiti nang maamo sabforensic scientist. “Walang problema. Kung ganoon, pupunta na ako doon. Saan pala ang registration room?”Lumabas ng pinto ang forensic scientist at tinuro kay Harvey ang daan papunta sa registration room.“Diyan lang ‘yun. May nakapaskil sa labas. Isang doktor na nagngangalang Shaun Sorell ang in charge sa registration. Hanapin mo lang siya.” “Salamat Doc.” Tumango si Harvey bago tumungo sa bulwagang walang tao. Pagkatapos makitang umalis si Harvey, binaling ng forensic scientist ang titig nito sa dalawang inspektor
“Makakaasa ka. Hindi kita papahirapan. Pinagbalaan na kami ni Young Lord York tungkol dito. Kahit na nakipagkampihan na ang pamilya mo kay Harvey, para sa kapakanan ni Young Lord York, ang magagawa lang namin ay gamitin ka bilang hostage. Hindi ka namin sasaktan. Kaya mabuti pa ay magpakabait ka na lang at sumunod sa akin. Huwag kang magpupumiglas. Kung hindi, pasensya na kung nasira ko ang maganda mong mukha!” Kalmadong naglabas ng patalim si Rumiko. Gusto niyang itumba si Leslie bago gamitin ang pagkakataong ito na pagbantaan si Harvey.Swoosh!Sa sandaling ito, isang tao ang bumaba sa karo ng katawan ni Naoto bago saksakin si Rumiko sa kanyang sikmura. Splat!Sumuka ng dugo si Rumiko bago siya umatras. Wala siyang oras na makakibo sa sitwasyong ito. Hindi niya inakalang may ibang tao sa kwarto bukod sa kanila ni Leslie. Huli na para pagsisihan ang desisyon niya. Sinubukan niyang lumabas ng morgue dahil wala na siyang oras para tanungin si Leslie. Pak! Isa pang tao ang n
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”