Mahinang sinabi ni Harvey York, "Alam na alam ni Rosalie kung ano ang nangyari kanina. Dr. Graves, sabihin mo lang sa kanya kung ano ang nangyari ngayon lang. Alam kong medyo nahihiya ka. Pero kailangan mo ring maging matapang para sa iyong mga pasyente...”Bahagyang nanginig ang maliit na katawan ni Ella Graves. Talagang nahihiya siya. Walang kahit sinong babae ang kayang ilarawan ang ganoong bagay nang hindi nahihiya. Pero tama ang sinabi ni Harvey. Kailangan niyang maging matapang para sa kapakanan ng mga pasyente niya.Di nagtagal, detalyado niyang kinuwento kung anong nangyari pagkatapos dumating ni Harvey sa ospital. Habang sinasibi niya ang insidente, may takot pa rin siya matapos ang insidente.Nang malaman na halos matigil ang operasyon ni Senior Naiswell dahil kay Yulian, pumatak ang malamig na pawis ni Zeno Naiswell. Namutla ang mukha niya. Hanggang sa huli, lumala ang ekspresyon ng mukha niya. Si Yulian ay ang taong prinomote niya. Isa pa, meron pa siyang balak na iayos
Sa VIP ward. Sa sandaling iyon, nagising na si Shane Naiswell, at kaya na niyang umupo sa higaan.Sobrang kaakit-akit na dalaga si Rosalie Naiswell na kayang magayuma ang sinuman. Ngayon, nakaupo siya sa tabi ni Shane, nakikipag-usap sa kanya tulad ng isang maliit na batang babae."Rose, naisip ko ito ngayon lang. Kahit nangyari ang insidenteng ito dahil kay Harvey, hindi niya kasalanan lahat ng ito. Kung hindi ako madaling naniwala sa iba at pumunta sa teritoryo ni Liam, hindi ako magiging hostage doon. Pagkatapos ng lahat, ako ang nagdala nito sa sarili ko. Huwag mo siyang sisihin.""Sa kabilang banda, niligtas tayong dalawa ni Harvey. Dinala pa niya ako sa ospital para ipagamot. Bukod pa rito, narinig kong marami siyang taong nasaktan dahil sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagkakataong ito. Dapat mong tandaan iyon." Buong-loob na sinabi ni Shane.Sa una, may balak sana siyang subukan si Harvey York ngunit hindi na kailangan iyon ngayon. Dahil sa insidenteng iyon,
"Magaling!" Nang marinig iyon, tila nasiyahan si Shane Naiswell. May ilang mga bagay siyang hindi magawa dahil sa kanyang kanyang katayuan. Ngayon, medyo may katuturan ang mga bagay na ginawa ng kanyang junior, at nasiyahan din siya.Sa kabilang banda, nagpapasalamat na tumingin si Zeno Naiswell kay Harvey York. May mga bagay na hindi angkop para sa kanya na sabihin. Ngunit iba ang naging kahulugan nang sinabi iyon ni Harvey. Pwedeng masabi na naiintindihan ni Harvey kung paano kumilos nang maayos at mabuhay sa lipunan.Sa sandaling iyon, biglang nagsalita si Rosalie Naiswell at mahina niyang sinabi, "Lolo, baka maraming tao ang maka-alam ng balita tungkol sa atin dito dahil pagmamay-ari ng mga Naiswell ang ospital na ito. Kung hindi tayo mag-iingat, baka kumalat ito sa mga Naiswell. Bakit hindi tayo lumipat sa ibang lugar?"Matapos niyang sabihin iyon, medyo nag-alala siya at hindi mapalagay. Hindi niya alam kung bakit nag-aatubili siyang makita si Harvey na nakatayo kasama si Ella
"Siya nga pala, isa talagang alamat ang live-in son-in-law ninyong mga Zimmer. Hindi ko rin maisip kung gaano ka-walang kwenta ang taong iyon. Narinig kong sobrang baba at nakakalungkot ng katayuan niya sa pamilya niyo. Hindi lamang niya ginagawa ang lahat ng mga gawaing bahay, palagi din siyang pinagagalitan at binubugbog. Kahit na kailangan niya ng pera, pupunta siya at hihingi sa kanyang asawa. Isa talagang kahihiyan sa lahat ng mga kalalakihan ang ganoong klase ng tao!"Nang marinig iyon, malamig na ngumiti si Zack Zimmer at sinabi, "Hindi lamang iyon. Brother Chad, wala kang ideya kung ano siya ka-walang kwenta. Hindi lamang siya naglalaba at nagluluto, narinig kong nililinis pa niya ng mga mababahong sapatos ng mga bestfriend ng asawa niya. At saka, wala siyang karapatang kumain kasama sila sa hapag kainan. Puro tira-tira lamang ang pwede niyang kainin."Habang pinag-uusapan iyon, nakaramdam din ng pagkasuklam si Zack. Hindi niya maiwasang maduwal ng maraming beses.“G*go! Nap
"Sa totoo lang, hindi ito malaking bagay. Magandang bagay ito, at umaasa akong magagawa mo ito." Masayang ngumiti si Shane Naiswell. Para siyang isang mabait na matandang lalaki. Ngunit bahagyang nakasimangot si Harvey York. Si Shane ay lumitaw na magaling at kakaiba, ngunit hindi madaling harapin ang isang tusong matandang lalaking tulad niya. Gayunpaman, wala pa ring ideya si Harvey kung ano ang mga motibo ni Shane sa sandaling iyon.Matapos pag-isipan ito sandali, mahinang sinabi ni Harvey, "Noong una, kung may magagawa ako para sa iyo, nangangako akong gagawin ko iyon agad. Ngunit palagi akong maingat kumikilos. Kung kaya, may kailangan akong sabihin muna. Kung taliwas ito sa mga prinsipyo ko sa buhay, hindi ko maibibigay sa iyo ang pangako ko."Tumawa si Shane. Sinabi niya pagkatapos, "Talagang napaka-espesyal mo, at gusto ko iyan. Pinapakita ng special character ng isang binata ang kanyang kakayahan. Sa kabilang banda, ang taong laging masunurin kung kumilos, ibig sabihin ay wa
"Hindi ako interesado sa mga Zimmer, pero isang Zimmer ang asawa ko." Mukhang kalmado si Harvey York. "Kailangan kong siyang mahalin ng buong puso at kaluluwa dahil asawa ko siya. Ito ang pinakasimpleng dahilan.""Master Naiswell, kung wala ka nang sasabihin pa, aalis na ako dahil naghihintay pa rin sa akin ang asawa ako sa bahay."Pagkatapos nito, marahang ngumiti si Harvey kay Rosalie Naiswell, tumalikod at umalis.Hindi siya pinigilan ni Shane Naiswell. Tumingin lamang siya sa likod ni Harvey na may ilang pagbabago sa kanyang facial expression.'Lalaki lang siya, at medyo bata pa. Ngunit sobrang kalmado niya nang tinukso siya ng pera, kapangyarihan at kagandahan. Paanong ang isang lalaking tulad niya ay may ganoong kataas na kumpiyansa? Medyo mapursige rin siya.''Mukhang madali niyang makukuha ang pera pati na rin ang kapangyarihan kung nanaisin niya.''Sa ngayon, ayaw niya ang mga bagay na iyon dahil lang hindi siya interesado.'‘Dahil ba sa kanyang kumpiyansa? O mataas ang
"Tama si Zack. Napakahalaga ng commercial center project. Dito nakasalalay ang hinaharap ng mga Zimmer. Hindi natin pwedeng hayaang may sumira nito!""Baka gusto kang bullyin ng mga taong iyon na gumawa ng gulo kasi babae ka lamang. Siguro hindi magkakaroon ng ganitong kaguluhan kung babaguhin natin ang person-in-charge sa isang lalaki."“Mandy, natatakot ka ba? Kung natatakot ka, sabihin mo lang sa amin. Tutulungan ka namin."Tila mabait na may magandang intensyon ang mga taong iyon mula sa mga Zimmer sa sandaling iyon. Ngunit nais nilang makuha ang pwesto bilang person-in-charge para sa commercial center project. Hinggil sa problemang hinaharap nila sa kasalukuyan, walang sinuman ang nais na mag-isip ng isang resolusyon.Nagkaroon sila ng kuru-kuro na si Mandy Zimmer ang nagdala ng gulo na iyon. Kahit na bumaba siya mula sa pwesto, kailangan pa rin niyang harapin ang isyung iyon nang mag-isa.Mukhang malungkot si Senior Zimmer dahil sobrang dismayado siya. Noong una, wala siyang
Nang gabing iyon, maagang umuwi si Harvey York.Puno ng labis na sama ng loob at galit si Mandy Zimmer nang makita niya si Harvey na mukhang walang pakialam at walang kabuluhan. Kung sabagay, umuwi siya sa kalagitnaan ng gabi noong isang araw. Kung kaya, tinitigan siya ni Mandy at lumingon para pumasok sa kanyang kwarto."Mom, anong nangyayari sa pagkakataong ito?" Naguluhan si Harvey. 'Hindi ko ininis si Mandy.'“Alam mo bang kailangan mo pa ring mag-alala sa asawa mo? Sabihin mo sa akin. Nasaan ka nitong dalawang nakalipas na gabi? Hindi ka pa nakapaglaba o naglinis man ng banyo. Hindi ka pa nagluto ng hapunan. Anong gusto mong kainin ko ngayon?" Sa sandaling iyon, nanonood si Lilian Yates ng TV sa sala. Masama rin ang tingin niya kay Harvey.Dahil gumastos si Harvey ng fifteen dollars para matulungan si Mandy na makuha ang investment funds mula sa York Enterprise, naging mas mabait si Lilian sa kanya. Pero parang wala pa ring pagkakaiba sa dati.“Busy ako sa trabaho.” Paliwanag