Nang gabing iyon, maagang umuwi si Harvey York.Puno ng labis na sama ng loob at galit si Mandy Zimmer nang makita niya si Harvey na mukhang walang pakialam at walang kabuluhan. Kung sabagay, umuwi siya sa kalagitnaan ng gabi noong isang araw. Kung kaya, tinitigan siya ni Mandy at lumingon para pumasok sa kanyang kwarto."Mom, anong nangyayari sa pagkakataong ito?" Naguluhan si Harvey. 'Hindi ko ininis si Mandy.'“Alam mo bang kailangan mo pa ring mag-alala sa asawa mo? Sabihin mo sa akin. Nasaan ka nitong dalawang nakalipas na gabi? Hindi ka pa nakapaglaba o naglinis man ng banyo. Hindi ka pa nagluto ng hapunan. Anong gusto mong kainin ko ngayon?" Sa sandaling iyon, nanonood si Lilian Yates ng TV sa sala. Masama rin ang tingin niya kay Harvey.Dahil gumastos si Harvey ng fifteen dollars para matulungan si Mandy na makuha ang investment funds mula sa York Enterprise, naging mas mabait si Lilian sa kanya. Pero parang wala pa ring pagkakaiba sa dati.“Busy ako sa trabaho.” Paliwanag
"Mukhang hindi ito tama, hindi ba?" Mukhang kalmado si Harvey York. Pero sa katunayan, labis siyang kinakabahan. 'Ibig bang sabihin ay gagawin na namin ang hindi pa namin nagawa noong wedding night namin tatlong taon na ang nakalipas? Excited ako masyado.'“Alis… ka na at maligo ka na muna. Sira ang banyo sa baba, at hindi pa iyon napapa-ayos " Naghanap agad ng palusot si Mandy Zimmer.Walang sinabi si Harvey. Pagkatapos ay umalis siya at mabilis na naligo. Nang makita niya si Mandy na papasok sa banyo na may dalang mga damit, nagsimula siyang mag-push-up sa sahig bilang isang uri ng pag-warm-up.Wala pang kalahating oras, lumabas si Mandy mula sa banyo.Sinuot niya ang kanyang cute na bear pajamas, at malinaw na nakita ang mala-kristal na mga patak ng tubig sa kanyang balat. Mukhang sobrang kaibig-ibig at kaakit-akit.Tumalon si Harvey mula sa sahig. Hindi man niya maiwas ang kanyang tingin habang nakatingin siya kay Mandy. Pagkatapos ay sinabi niya nang walang malay, "Ang cute!
Tumawa nang malakas si Covey Chad. "Magaling, kapatid! Isa ka talagang tunay na kaibigan!" Tinapik ni Covey ang balikat ni Zack Zimmer. "Mabuti talaga kung ganito. Gustong-gusto kong ipaalam sa lahat na ang diyosa ng Niumhi ng taong yun ay nakuha ko na! Atsaka, gusto kong malamang ng live-in son-in-law ang isang bagay. Ang isang babaeng hindi niya nalalapitan ay walang magagawa kundi sumunod sa mga gusto ko!" "Wag kang mag-alala. Basta masira ang pangalan ni Mandy, gugustuhin niyang makasama ako. Kung hindi, paano ko siya mapapanatiling akin?" Sinabi ni Covey at tumawa siya nang nakakakilabot. Ngumiti si Zack. "Kung ganon, gagawin ko ito. Sa makalawa, siguradong maraming mga lalaki ang magseselos sa'yo. Atsaka, ang pinsan kong iyo ay talagang isang diyosa sa Niumhi! Tawagin na ba kitang bayaw? Sana maging masaya ang kasal mo at maging masaya ka!" Nang marinig kung paano siya tinawag ni Zack, hindi mapigilan ni Covey na matawa. Sa sandaling yun, tuso siyang ngumiti. Di siya mapaka
"Sa tingin mo ba talaga tutulungan ko si Mandy?" Nangungutyang sinabi ni Zack. "Ibig-sabihin mo ba isa itong patibong?" Sumagot si Sean Zimmer. Hindi na naglihim si Zack sa kanyang tatay. Ngumiti siya at sinabi, "Atsaka, ikaw ang nagpaalala sa akin nun. Sasabihin ko sa'yo ang totoo. Ako ang nag-utos sa mga taong yun na hanapin ang mga mali ng Zimmer at gumawa ng gulo." Kumunot ang noo ni Sean at tinitigan si Zack. Pagkatapis ay sinabi niya, "Gumamit ka pala ng mga tigalabas para hanapan ng butas si Mandy. Maiintindihan ko yan. Pero talaga bang dapat mo siyang iligtas ngayon? Bakit gusto mo pa rin tulungan si Mandy?" "Dad, anong magagawa ng pagtulong ko? Hawak pa din ni Mandy ang commercial centre project. Paano makakatulong sa atin yun? Ang gusto kong gawin ay sirain nang tuluyan ang babaeng ito. Kapag nangyari yun, wala nang sagabal sa akin kapag may kapangyarihan na ako sa hinaharap. Mukhang kampante si Zack. Hindi niya pwedeng sabihin sa iba ang tungkol sa insidente kaya d
Noong hapon na yun, pinaandar ni Harvey York ang kanyang Porsche at umalis para sunduin si Mandy Zimmer mula sa trabaho tulad ng ipinangako niya. Nung una, ayaw niya masyadong maging kapansin-pansin. Pero siguradong di sila pwedeng sumakay ng motor para pumunta sa isang okasyon na tulad ng pakikipagkasundo. Pagkatapos niyang sunduin si Mandy, bumiyahe si Harvey patungo sa agritainment na nasa labas ng siyudad sa tulong ng GPS. Medyo nag-aalala si Mandy. Sa sandaling iyon, ang kanyang magandang mukha ay tila namutla. Tapos sinabi niya, "Harvey, napag-isipan ko na ito nang maigi ngayong araw. Parang pakiramdam ko may kakaiba. Tingin mo ba na isa itong patibong na inihain ni Zack? May mangyayari bang masama sa atin mamaya?" Ngumiti si Harvey at dahan-dahang sinabi, "Wag kang mag-alala. Hangga't nandito ako, walang makakapanakit sa'yo. Bukod na lang kung mauuna nila akong patayin." Pagkatapos sabihin ito, mukhang mapagbanta ang mga mata niya. Ayos lang sa kanya kahit ano pa ang tra
"Siya ang asawa ko, si Harvey." Kalmadong sinabi ni Mandy Zimmer. Pagkatapos niyang sabihin ito, halos matawa ang lahat, kasama si Harvey York. Hindi maitatanggi na talagang kilala si Harvey bilang isang live-in son-in-law na patapon at walang kwenta. Kilalang-kilala siya sa buong Niumhi. Ngumisi si Covey Chad. "Ang pangit mo, para kang isang aso. Bukod diyan, mukha ka ring maingat. Bakit mo piniling maging isang live-in son-in-law? Paano mo nagawang ipahiya kaming mga lalaki nang ganito? G*go, di kaya isa kang bading?" Sinabi ni Covey na may halong pasaring. "Kumpareng Chad, nakakadiri ang taong ito. Gusto ko din siyang bugbugin!" "Hayaan mo ako. Ikinakatakot ko na baka masyado kang malakas at mapatay mo siya sa isang suntok. Mas mahinahon ako. Ako na!" "Bahala ka diyan sa pagiging mahinahon mo! Di naman siya babae. Bakit ka dapat maging mahinahon sa kanya? Mas mabuting ako na ang mambugbog sa babading-bading na ito." Nang makita na nagkakagulo ang mga tauhan niya, ikinump
25 milyong dolyar! Medyo nagbago ang mukha ni Mandy. Kahit na ang oera ng Zimmer family ay higit sa ilang milyong dolyar, kapag nagkaroon sila ng ganoon kalaking kapital, di na nila kakailanganin nang sobra ang investment ng York Enterprise. Atsaka, 7.6 milyon lang ang binayad nh York Enterprise sa unang bahagi. Humingi si Covey ng 25 milyong dolyar sa ganitong kondisyon, talagang ninanakawan sila. Ayaw talaga nitong makipagnegosyo nang maayos. "Kapag may ganito kalaking pera ang Zimmer family para ibigay sa'yo, di na namin kailangang humanap ng mga external investment. Ano bang gusto mo Mr. Chad? Diretsahin mo ako. Wala kaming ginawang masama sa inyo kaya bakit pinag-iinitan mo kami?" Pinilit ni Mandy na magsalita nang kalmado. "Ano ngayon? Pumunta ako sa'yo kasi sineseryoso kita, gets mo? Bakit kailangan ko magdahilan o magpalusot ss'yo? Sino ba talaga ang Zimmer family? Gusto mo pa akong magpaliwanag." Sumimangot si Covey at naiinis na tinignan si Mandy. Huminga nang malalim
Walang pakeng ngumiti si Harvey, tapos kumuha siya ng bote ng alak sa lamesa at ipinukpok ito sa ulo ng gangster. Napahinto ang gangster at bumagsak sa sahig at di na makatayo. "Itong mokong na ito…" "Oh shit! Mukhang walang-awa ang gag*ng ito!" "Paano nangyari yun? Diba basura siya?" "Di kayo dapat matakot sa kanya! Siguro natutunan niya yan sa mga palabas. Sineswerte lang siya…" Lahat ng mga tauhan ni Covey at nagmumura pero walang naglakas-loob na lumapit. Sa tingin nila, ang live-in son-in-law na ito ay walang kwenta, at hindi mangangahas na labanan sila. Ibang-iba ito sa pagkakaalam nila. Nabigla din si Mandy. Kahit na natalo na ni Harvey si Don ng Zimmer family noon, hindi niya ito gaanong pinansin noon. Atsaka, nagwork-out lang si Don sa loob ng ilang taon. Pero iba ang mga gangster na ito. Matagal na silang nakikipagsapalaran sa lipunan at mahuhusay na sa pakikipaglaban. Hindi niya inakala na madaling mapapatumba ni Harvey ang isa sa kanila. Nabahala si Mandy. H
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor
”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?
Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n
"Maraming pera at mga yaman ito. Ang ganitong kayamanan ay maaaring gawing katapat ng isang ordinaryong tao ang isang bansa…"Pero mukha ba akong tao na kailangan pa ng ganoon?"Si Amora Foster ay natigilan na may kakaibang ekspresyon."Walang pakialam kung sinusubukan mo akong lokohin.""Basta't gawin mo nang maayos ang trabaho ko, makakatulong pa ako sa pamilya sa mga pagsubok bilang pangunahing shareholder.""Kung lalabanan mo ako, madali kong makokontrol ang pamilya tulad ng ginawa ko sa iyong ama.""Kung gusto ko, maaari ko ring alisin ang pamilya mula sa nangungunang sampung pamilya.""Naiintindihan mo ba ako?"Sa ugali ni Amora, magliliparan siya sa paligid habang sumisigaw kay Harvey York dahil sa mga salitang iyon...Pero sa hindi malamang dahilan, naniwala siya na ang sinabi ni Harvey ay totoo!Naniniwala siya na kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang sirain ang pamilya sa loob lamang ng ilang minuto!“Naiintindihan ko!" sigaw niya, habang kumikibot ang kanyang m
Sa wakas itinikom na ni Amora Foster ang kanyang bibig.Isang pakiramdam ng katapatan ang agad na pumalit sa paghihiganti laban kay Harvey York. Nagpasya siyang sumama sa kanya hanggang sa pinakamasakit na dulo.“Salamat sa pagtitiwala sa akin, Master York!" sigaw niya nang masigla."Pero sa tingin ko, wala akong sapat na kapangyarihan para kumbinsihin ang buong pamilya...""Tulad ng sinabi mo, natatakot akong hindi susuportahan ng pamilya ang hindi tamang pag-angat ko."Hinaplos ni Harvey ang mukha ni Amora na may ngiti."Huwag kalimutan, ako ang pinakamahusay na eksperto sa geomancy sa lungsod.""Destinado kang mapunta sa mataas na posisyon."Maging tiwala sa sarili mo."Bumalik ka at kausapin mo ang iyong ama."Sabihin mo sa kanya na makinig sa iyo kung gusto niyang ipamuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa karangalan at kayamanan."Makikinabang tayong tatlo dito."Malakas na inalog ni Amora ang kanyang kamay, na hindi pinapansin ang kanyang mga sugat."Huwag m