Umatras si Yvonne habang nag-aalalang nagsabi, "CEO, kailangan mo ring umalis dito! Hindi to nagkataon lang. Baka may iba pang alas ang kalaban!" Tumango si Harvey. "Umalis muna kayo dito. Susunod ako sa inyo!" Hinablot ni Harvey si Macy, binuhat siya, at umatras. Unti-unti nang nagkakamalay si Macy pero hindi pa rin niya namumukhaan si Harvey. Nagngitngit ang ngipin niya habang nagpatuloy siyang sumigaw, "Papatayin ko sila! Papatayin ko ang bawat isa sa inyong mga Islander!" "Pinatay nila ang buong pamilya ko!" "Nararapat silang mamatay!" "Wala kang magagawa sa desisyon ko!" Umatras ng isang hakbang si Harvey at sinagot si Macy. "Kung talagang kaya mo silang talunin, hindi ka dapat nagkaganito!" "At saka hindi kailanman posible sa kanila na makipagtrabaho sa mga Islander! Hindi ko alam kung anong nangyari, pero base sa itsura mo ngayon, malamang nararapat lang sa'yo ang nangyari!" Nanginig ang katawan ni Macy sa matatalim na salita ni Harvey. Tumulo ang luha sa m
Nagsalita ulit ang boses na may kakaibang accent, puno ng pangmamaliit ang tono niya. "Umaarte na parang Diyos?" "Hindi, hindi, hindi. Hindi lang ako umaarte, Diyos talaga ako!" "At nandito ako para patayin kayo!" "Kapag bumagsak kayong lahat, lalabas ako at pupugutan ko kayo ng ulo!" "Lalo ka na, magandang babae ng Country H! Ang ulo mo ang magiging pinakamahalaga kong pag-aari!" "Ang kapal ng mukha mo!" Sumigaw sa galit ang isang bodyguard at nagtapang na humakbang bilang sagot sa kanyang pang-iinsulto. Sa sandaling ginawa niya iyon, bumagsak siya sa lapag at hindi makakilos. Para bang wala siyang lakas ba manlaban. Laban sa lason na dahan-dahang bumabalot sa kanila, wala silang kalaban-laban. Sa puntong ito, maputlang-maputla ang mukha ni Macy. Gusto niyang magsalita pero di niya magawa. Naningkit ang mga mata ni Harvey habang tahimik na pinag-aralan ang paligid niya. Nang makita niyang nagsisimula na siyang mapalibutan ng lason, nilapag niya si Macy. Pagkatapos
Kahit na hindi mukhang masyadong matanda ang ninja na mukhang palaka, sapat na mukha niya para masuka ang kahit na sino sa pandidiri. Naglakad siya nang nakangisi habang tinitignan ang mga walang malay niyang biktima na nakahiga sa lapag. Lalo siyang natuwa nang makita niyang maging asul ang mukha ni Harvey na nanginginig ang katawan. "Magaling! Magaling!" "Ngayon magiging madali para sa'kin na iligpit kayong lahat." Mabigat ang boses niya kahit nakakabingi ito sa lakas. "Lalo na ang magandang babaeng ito…" "Sisiguraduhin kong paglalaruan kita, pagkatapos ay pupugutin ko ang ulo mo para gawing pinakamalaking kayamanan ko!" Bigla siyang tumawa nang walang humpay. Sa lahat ng tao roon, pinakainteresado siya kay Yvonne. Nagpunta siya sa Country H nang may misyon. Ang totoo, siya ang unang taong nilagay sa misyong ito. Hindi niya inasahang napakadali niyang matatapos ang trabaho. Kung mapapatay niya si Harvey, siya ang magiging pinakamalaking bayani sa paglalakbay na
Walang nasabi si Harvey. Tumingin siya sa ibang direksyon at nakita niya na nailigtas din si Macy kahit na mukhang nanghihina pa siya. Nilapitan siya ni Harvey. Sinenyasan niya ang doktor na nakatayo sa tabi niya para bigyan siya ng injection na magpapalakas sa kanya. Hindi nagtagal, gising na gising na si Macy. Nang makita niyang ang taong nakatayo sa harapan niya ay si Harvey, nagtaka siya. Kahit ano pa ang ginawa ni Lucas, si Harvey pa rin ang responsable sa pagpatay sa kanya. Bilang tapat na tao ni Lucas, dapat ay ipinaghihiganti ni Macy ang master niya. Pero nandito siya ngayon, iniligtas siya ng walang iba kundi si Harvey. Hindi alam ni Macy kung anong mararamdaman niya. "Magsalita ka. Anong nangyari?" Nagtanong si Harvey nang may malalim na boses at naniningkit na mga mata. Bumuntong-hininga si Macy bago malungkot na nginitian si Harvey. "Nangyari ang lahat ng ito dahil sa sarili kong desisyon." "Nang nagsabi ang prinsipe tungkol sa pakikipagtulungan niya sa Sh
Kinuha ni Harvey ang selyo at tinignan ito bago kalmadong nagsabi, "Dahil pakay ako ng mga Islander, syempre ililigpit ko sila." "Sapat na siguro to para ipaghiganti ka." "Isa pa. Manatili ka muna kasama ni Aiden sa ngayon kung wala kang ibang mapuntahan." Walang ekspresyon si Harvey. Totoo na kalaban si Macy, pero talentado siya at maparaan. Ngayon na mag-isa na lang siya, walang kukupkop sa kanya maliban kay Harvey. Kung magawa ni Harvey na panatilihin sa panig niya si Macy, tiyak siya na magagamit niya siya sa mga importanteng sitwasyon. Syempre, hindi ito kasama sa plano. Nagsisimula pa lang ang lahat kaya walang nakaaalam kung magagamit niya ito o hindi. … Hindi nagtagal ay malapit nang maghapunan. Lumabas si Yvonne mula sa kwarto. Ang isang magandang babaeng kagaya niya na nakasuot ng nightgown ay napakagandang tignan at hindi maikukumpara kahit na gaano pa kaganda ang itsura at katawan ng iba. Sa ngayon, tuluyan nang gumaling si Yvonne. Namumula ang mukha n
Tinignan ni Harvey ang matangkad at gwapong lalaki sa harapan niya at napansin niya ang magandang nameplate na nasa dibdib niya na may nakasulat na "Robin Baker". Kumunot ang noo ni Yvonne. "Muka sa Baker family ng San Francisco, ang First Squad Captain ng Dragon Cell." Nang nabanggit ang Baker family, kaagad itong naintindihan ni Harvey. Ang kalaban naman nila ngayon ay si Sam Baker, ang pinsan ni Hugh. Gustong-gusto siguro ng Baker family ang ulo ni Harvey. Hindi naisip ni Harvey ang isang mukhang pangkaraniwang top rated family ay magiging ganito kalakas. Lumabas na kahit ang mas nakababatang henerasyon ng pamilya nila ay nagawang makapasok sa Dragon Cell. Nang hindi nagdadalawang-isip, tahimik na nagpadala ng text si Harvey. “Harvey! Yvonne!”Kumumpas si Robin para senyasan ang mga tao niya na palibutan sina Harvey at ang iba pa sa villa. Pinagpatong niya ang mga braso niya sa dibdib niya at nagsabing, "Nakatanggap kami ng report!" "Binali mo ang braso't binti ng i
Bang!Hindi na nagsayang pa ng oras si Harvey at sumipa siya paharap. “Harvey!”Kaagad na pinigilan ni Yvonne si Harvey at nagmamadaling sinabi, “‘Wag kang magpadalos-dalos!”Hindi kilala ni Harvey kung sino si Robin, pero alam ni Yvonne ang reputasyon ni Robin. Ito ang First Squad Captain ng Dragon Cell na may lisensyang pumatay, isang malupit na pinuno. Sinadya nitong sampalin si Yvonne dahil gusto nitong makita ang magiging reaksyon ni Harvey.Kapag talagang pumalag si Harvey, siguradong ‘magkakamali ng putok’ ang mga baril ng Dragon Cell. Kahit ang isang makapangyarihang taong tulad ni Harvey ay hindi mabubuhay dito. Walang magawa si Harvey kundi tumigil dahil sa babala ni Yvonne. Naningkit ang mga mata niya at tinitigan nang masama si Robin habang sinasabi, “Tatandaan ko ang pagsampal mo sa kanya.” “Maniwala ka, pagsisisihan mo ‘yan.” “Ano? Sasampalin mo ba ako pabalik?” Tiningnan siya ni Robin nang mapagmataas. Simple lamang ang plano niya: gusto niyang pilitin
Kahit na natatakot si Robin sa katayuan ni Kait, kumunot pa rin ang noo nito at nangatwiran, “CEO Walker… o hindi kaya, Chairman Walker, trabaho ito ng Dragon Cell. Isa ka lang negosyante, hindi isang tauhan ng gobyerno. Hindi naangkop para sa’yong makisali sa ganito, tama?” “Alam ba ni Senior Anton Walker na pinagtatanggol mo ang isang tagalabas?” Kalmadong sumagot si Kait, “Hindi ko kailangang ibalita ang lahat ng ginagawa ko sa aking lolo. Atsaka, boyfriend ko si Harvey. Kasama ako lagi sa mga ginagawa niya!” “Madadamay ang Walker family sa sitwasyong ito, kahit anong mangyari!” Palihim na kinurot ni Yvonne si Harvey sa sinabi ni Kait.Umirap si Harvey at tahimik na tumitig sa kisame.‘Di naman ikaw ang asawa ko, kaya bakit mo ako kinukurot nang ganyan?’ Kumirot nang husto ang mga mata ni Robin sa tapang ni Kait. Natural mararamdaman niya ang matinding galit sa tono ni Kait.Kahit anong mangyari, hindi madaling kalabanin ang Walker family.Ngunit ganito rin kalakas ang
Sa gitna ng bulwagan, may isang guwapong lalaki na nakasuot ng balabal na may pinitas ng pulang agata.Mayroon siyang pambabaeng anyo, at nakangiti.Ang mga bato sa kanyang kamay ay walang gasgas; ito ay talagang isang tunay na pamana. Ang pulseras ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon at milyon-milyong dolyar kung ito ay lumabas sa isang auction, ngunit nilalaro-laro lang niya ito sa kanyang kamay.Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang young master ng Lowe family, si Calvin Lowe!May isang babae ring nakasandal sa kanya.Nakasuot siya ng Chanel na evening dress habang ipinapakita ang kanyang malalim na cleavage. Isang kwintas na diyamante na hindi bababa sa sampung karat ang nakasabit sa kanyang magandang leeg. Ito ay talagang kapansin-pansin.Ang babae ang pangunahing tauhan ng stag party, si Emory Bowie.Ang dalawa ay talagang bagay na bagay!“Halika! Mag-toast tayo, Young Master Calvin!"Hindi ko akalain na ang pinakamaliwanag na hiyas ng Heaven’s Gate ay kukunin mo! Na
Bago pa makabawi si Devon, agad niyang ibinagsak ang kanyang mga tuhod sa lupa.Nang tumingin siya kay Harvey, parang nakatitig siya sa mukha ng Diyos. Ang mahihinang depensa sa kanyang puso ay gumuho sa sandaling ito."S… Syempre…“Sinabi sa akin ni Young Master Calvin na pumunta ako…"Nakatanggap siya ng mga ulat.“Ang taong may hawak ng mental cultivation technique ay bumalik sa tahanan ng Gibson family."Lamang siya sa lahat..."Wala ni isang pag-iisip si Devon na gumanti kay Harvey. Wala siyang magagawa; ano bang halaga niya kung si Ricky mismo ang lumuhod?"Nasaan si Calvin?" tanong ni Harvey.Nanginginig ang mga mata ni Devon."Nasa Heaven's Hotel siya... May bachelor party siya kasama si Ms. Emory. Nandoon din ang mga kilalang tao ng mas batang henerasyon ng Heaven’s Gate…”"Ah, nagtipun-tipon na pala silang lahat, ano...?"Ngumiti si Harvey, pagkatapos ay tumingin siya kay Alani."Bibisita ako kay Young Master Calvin. Sasama ka ba?”Kumibot ang mga mata ni Alani
Tumingin si Harvey nang kalmado kay Ricky, at tinawagan si Rachel na buksan ang kamera.“Magsalita ka. May isa ka lang pagkakataon."Sana lahat ng sinasabi mo ngayon ay eksaktong pareho ng sinabi mo sa kanila."Sibilisadong tao ako. Ayaw kitang patayin, pero huwag mo akong lokohin.”Nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey, agad na nanginig si Ricky. Kung ang Great Protector ay nakakatakot para sa kanya, ang ekspresyon ni Harvey ay sapat na upang makaramdam siya ng kawalan ng pag-asa."Magsasalita ako... Sasabihin ko sa iyo ang lahat," sabi niya matapos huminga ng malalim, ang boses niya ay magaspang."Si Quill ay pumunta sa headquarters upang harapin ang pagkamatay ng outer elder."“Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay nagkaroon na ng pagkakataong harapin siya. Kaya, humiling sila na kunin ang badge ng lider."Pero tumanggi si Quill, at nagkaroon ng malaking laban pagkatapos noon.“Ang great elder at ang second elder ay walang laban sa kanya."Pagkatapos ng laban,
Si Ricky ay patuloy na nagpapalit ng ekspresyon, parang may gusto siyang sabihin.Ngunit naintindihan niya na ang pamilya Lowe ay hahabulin siya hanggang sa dulo ng mundo, kahit na pinatawad siya ni Harvey.Harvey ay tahimik na tumingin kay Ricky; alam na alam niya kung ano ang iniisip ng isang maliit na isda tulad niya."Dalhin niyo siya. Bigyan siya ng kalahating oras. Maghukay ng mas malalim na butas kung wala siyang maibigay na kapaki-pakinabang.”Ang Great Protector at ang iba pa ay tumango nang may paggalang bago mabilis na hilahin si Ricky palayo.Si Devon, na nanonood ng lahat, ay kusang nanginginig.Gusto niyang sumigaw kina Harvey at sa iba pa na pakawalan si Ricky; sa lahat ng bagay, ito ay isang hayagang nakakahiya na bagay para sa kanya na panoorin ang lahat ng nangyayari sa kanyang harapan.Gayunpaman, hindi siya tanga. Alam niyang mas malala ang mangyayari sa kanya kaysa kay Ricky kung magsasalita siya kahit isang salita.Kahit na ang Great Protector, si Kaysen,
Ang kanyang mga kamay ay nakatali, at may mabahong medyas sa kanyang bibig. Ito ay isang nakalulungkot na tanawin.Gayunpaman, ang kanyang mapaghiganting tingin ay sapat na upang ipakita na hindi pa siya ganap na sumusuko.Tumango si Harvey; isang disipulo ng Longmen ang humugot ng medyas mula sa bibig ni Ricky."Hayop ka! Paano mo nagawa 'to?"Hindi mo ba alam na ito ay lubos na kasuklam-suklam?""Kinidnap mo ako, Ricky Lowe?!""Naunawaan mo ba ang mga magiging resulta ng mga aksyon mo?!"Pinagpag ni Ricky ang kanyang mga ngipin habang sumisigaw siya ng buong lakas."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ito! Ako ay kabilang sa Heaven’s Gate!"Ang katayuan ko sa pamilya ay tanging mas mababa lamang kay Calvin!“Maaari kong sirain ang buong pamilya mo dahil sa ginawa mo sa akin!”Tumingin si Harvey sa Great Protector at sa iba pa. "Mukhang may mali sa mga pamamaraan niyo. Ang young master na ito ay hindi alam kung anong sitwasyon niya ngayon."Kasalanan ko ito! Humihingi ako ng taw
”Anong nangyari?‘Ang Great Protector?‘Ang head ng Law Enforcement Hall?‘At ang warden ng Imperial Prison?‘Sila lahat ay mga kilalang tao sa Heaven’s Gate!‘Bakit sila dumating dito ngayon?‘Bakit sila sobrang magalang?‘Kahit si Quill ay hindi nakapagpasunod sa mga taong ito! ’Nanginginig ang mga mata ni Devon, at kusang-loob niyang binitiwan ang kanyang espada.Hindi rin mga tanga ang mga tao niya; alam nilang humaharap sila sa isang taong mas malakas kaysa sa kanila. Mabilis silang natumba palayo bago nagtago sa sulok."Hindi na masama. Medyo maaga kayo," sabi ni Harvey, habang tinitingnan ang Great Protector at ang iba pa."Aalisin ko muna ang inyong mga restriksyon, pero hindi ito madaling mawawala.“Kailangan niyo akong tawagan para alisin ito tuwing taon."Kung hindi, magiging mga lumpo kayo."Humakbang si Harvey at hinaplos ang apat."Sana marunong kayong gumawa ng mga utos."Ang sumisiklab na enerhiya sa kanilang mga katawan ay humina, at halos hindi na nil
Nanginginig sa galit si Devon matapos marinig ang mga salitang iyon."Gusto mong mamatay, hayop ka?!"Dumating lang siya dito pagkatapos makatanggap ng lihim na ulat. Isang disipulo ni Quill mula sa labas ng pamilya ang nakapag-alis kina Darwin at ang iba pa.Ang disipulo na iyon ay mayroon din ng teknik sa mental na pagsasanay.Dahil dito, dumating si Devon kasama ang kanyang mga tao sa lalong madaling panahon. Hindi lamang niya balak durugin ang pamilya Gibson, kundi balak din niyang makuha ang teknik at maging Diyos ng Digmaan.Hindi siya basta aalis dahil may isang walang kwentang tao na nag-insulto sa kanya.Anong kalokohan naman iyon!“Go! Dalhin silang lahat! Patayin ang lahat ng lalaban!”Nagbago ang ekspresyon ni Devon, at galit na galit na inalog ang kanyang kamay.Napaluhod ang pamilya Gibson, at lahat sila ay parang gustong sumigaw kay Harvey. Ngunit bago pa man nila magawa iyon, humakbang si Rachel sa harap ni Harvey, handang labanan ang Forbidden Army.Bang, ban
Noong nakaraan, ang pamilyang Gibson ay makapangyarihan.Sa proteksyon ni Quill, nakakuha ng kapangyarihan ang pamilya sa Heaven’s Gate.Pero ngayon…Tumawa si Devon.Gaano ba kalaking kamangmangan ang kayang ipakita ng pamilyang ito?‘Wala na ang pamilya Gibson!’ Bakit hindi nila makita iyon?‘Paano nila naglakas-loob na magpakuha ng dayuhan para makialam sa Imperyal na Piitan!‘Nakuha rin nila sina Darwin at Prince!"Walang batas sila!"‘Ayos lang. Wala nang dahilan ang Forbidden Army para salakayin ang tahanan ng pamilyang Gibson para sa mental na teknik ng paglinang noon…‘Pero ngayon, maaari na nating gawin ang kahit anong gusto natin!’ Ngunit ngayon, maaari na nating gawin ang kahit anong gusto natin!Walang pag-aalinlangan, nagpakita si Devon ng seryosong ekspresyon bago niya itinutok ang daliri kay Lance at Clover."Kayong dalawa! Ibigay niyo sa amin ang salarin na pumasok sa Forbidden Place!“Kung hindi, sisingilin ka rin sa pagtatago ng mga kriminal!"Yan pa lan
Kinabukasan…Matapos manatili sa emergency room ng isang buong gabi, sa wakas ay nagising din sina Darwin at Prince. Gayunpaman, kailangan pa rin nilang magpahinga dito sa ngayon.Nagbigay si Harvey ng daan-daang libong piso pa para ilipat sila sa pinakamalaking VIP ward ng ospital, at nag-ayos ng ilang Longmen disciples para panatilihing ligtas ang dalawa.Lampas alas-diyes na nang maayos ang lahat.Medyo pagod si Harvey pagkatapos magpuyat ng buong gabi.Ang iba ay bumalik sa tahanan ng pamilyang Gibson.Ang libing ni Quill ay inaasikaso na ni Shinsuke.Nakita ang pekeng ngiti sa mukha ni Shinsuke, hindi nagsalita si Harvey tungkol sa sinabi niyang tulungan si Kaiser. Siyempre, gusto lang niyang masiguro na hindi gagawa ng kahit anong hindi tama si Shinsuke. Bukod pa rito, hindi siya gaanong nagtitiwala kay Kaiser.Mas mabuti kung maglalaban ang dalawa.Alani ay nagalit nang makita niyang si Harvey ang gumawa ng lahat; natatakot siyang siya ang makikinabang sa mga gantimpala