Sa isang saglit, hindi alam ni Ella Graves kung dapat ba siyang magpasalamat o kamuhian si Harvey York. Tinitigan niya si Harvey nang may kalituhan sa kanyang mata. Ang isang diyosa na obsess sa larangan ng medisina para sa kanyang buong buhay ay naguluhan sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi alam ng puso niya ang gagawin dahil sa lalaking ito. Pero sa pangyayaring iyon, mukhang mas kaakit-akit at kabigha-bighani si Ella sa puso ng mga tao.“Ang kapal mong tamaan ako?! Hindi mo ba alam na nakatayo ka sa teritoryo ko ngayon?!" Nanggagalaiti sa galit si Yulian, wala na siya katwiran."Wala akong pakialam kung sino ka, lumayas ka na ngayon o hihilingin mo mamaya na patay ka na sana!"Ngumiti si Harvey at naglakad papunta kay Yulian. Agad niyang hinawakan ang leeg ni Yulian, at itinaas siya nang bahagya."Ano... Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?! Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako!"Nasasakal si Yulian at tila umaakyat ang dugo niya sa kanyang ulo, para pakalmahin siya. Hindi na mapig
Bahagyang bumukas ang pinto ng opisina at umalingawngaw ang ingay mula doon. Nagmadali ang mga medical staff na nakakita sa nangyari na tumawag ng security at sumugod sa eksena."Ano ang nangyayari? Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ang Vice President!"Nagmadali si Taylor Stone sa opisina na may backup.Nakita ni Yulian si Taylor at agad na naglabas ng isang masamang ngiti sa kayang mukha na namamaga na parang baboy. Patuloy siyang nagpupumiglas at umarteng hambog sa harap ni Harvey York.“Tapos ka na!”Agad-agad, sumigaw si Yulian kay Taylor.“Bilis! Hulihin niyo siya! Durugin siya at itapon palabas dito!”“Ikaw ulit?!”Napagtanto ni Taylor na ito ang lalaking sumipa sa kanya sa sahig. Marahas siyang lumakad papunta sa kanya, handa nang makipaglaban."Hoy. Hindi mo ba kilala kung sino ako? Ako lang naman ang kapatid ni Liam Stone. Ang lakas ng loob mong magpakitang-gilas sa harap ko?! Papatayin kita ngayon!"Sinarado ni Taylor ang pintuan sa likuran niya at kumuha ng isang fr
Habang iniisip iyon, magalang na yumuko si Taylor Stone kay Harvey York. Sinabi niya pagkatapos, "Sir, sana’y mag-enjoy ka dito.""Bakit hindi ka na lumayas ngayon?" Marahang sinabi ni Harvey.Bang!Umatras kaagad si Taylor, saka niya sinara ang pinto sa likuran niya paglabas niya.Malakas na sigaw ni Yulian. “Taylor, bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na binugbog ako? Gagawin mo ba ito o hindi?"Sa sandaling iyon, wala sa mood si Taylor na pakialaman sila. Natalo si Liam Stonem ang kapatid niya. ‘Mabuti pa at bilisan ko na. Kung hindi, mapahamak din ako.'Sa sandaling iyon, nag-ring ang phone ni Harvey.Basta na lang niyang binato si Yulian sa sahig. Pagkatapos nito, sinagot niya ang phone."Harv... Harvey... Inabutan ako ng traffic ngayon lang. Nasaan ka? Okay na ba ang lolo ko?” Isa iyong tawag mula kay Rosalie Naiswell. Talagang huli na siya.Tumingin ni Harvey si Yulian na nakabulagta sa sahig. Nasa bad mood siya. Naiinis niyang sinabi, "Nasa opisina ako ni Dr. Graves. Mata
"Ako si Harvey York." Bahagyang ngumiti si Harvey at nagpakilala.Hindi ito masyadong inisip ni Ella Graves. Mahina niyang sinabi, “Mr. York, mabuti pang umalis ka na agad. Si Yulian ang vice president ng ospital. Minsan, palihim niyang bina-balewala ang president kahit na mukhang iginagalang niya siya sa harap ng iba. May mga malalaking tao siyang kakampi. Isa pa, marami siyang kakilalang mayaman at maimpluwensyang tao. Kahit na mayaman ka, hindi mo siya pwedeng ma-offend."Nang masabi ang mga bagay na iyon, nag-alala si Ella. ‘Para sa kapakanan ko ngayon, napahamak si Harvey. Nandito pa rin ang kanyang elder, nakaratay. Sigurado akong imposibleng maayos na mare-resolba ang gusot na ito.'Isa pa, hindi na siya makakapagtrabaho sa ospital na iyon sa hinaharap. Ayos iyon, dahil hindi siya nag-aalala kung hindi siya makakahanap ng trabaho ngunit, nag-aalala siya sa mga pasyente doon."Huwag kang mag-alala. Maliit na bagay lang ito. Kaya kong resolbahin ito. " Ngumiti si Harvey at pin
Mahinang sinabi ni Harvey York, "Alam na alam ni Rosalie kung ano ang nangyari kanina. Dr. Graves, sabihin mo lang sa kanya kung ano ang nangyari ngayon lang. Alam kong medyo nahihiya ka. Pero kailangan mo ring maging matapang para sa iyong mga pasyente...”Bahagyang nanginig ang maliit na katawan ni Ella Graves. Talagang nahihiya siya. Walang kahit sinong babae ang kayang ilarawan ang ganoong bagay nang hindi nahihiya. Pero tama ang sinabi ni Harvey. Kailangan niyang maging matapang para sa kapakanan ng mga pasyente niya.Di nagtagal, detalyado niyang kinuwento kung anong nangyari pagkatapos dumating ni Harvey sa ospital. Habang sinasibi niya ang insidente, may takot pa rin siya matapos ang insidente.Nang malaman na halos matigil ang operasyon ni Senior Naiswell dahil kay Yulian, pumatak ang malamig na pawis ni Zeno Naiswell. Namutla ang mukha niya. Hanggang sa huli, lumala ang ekspresyon ng mukha niya. Si Yulian ay ang taong prinomote niya. Isa pa, meron pa siyang balak na iayos
Sa VIP ward. Sa sandaling iyon, nagising na si Shane Naiswell, at kaya na niyang umupo sa higaan.Sobrang kaakit-akit na dalaga si Rosalie Naiswell na kayang magayuma ang sinuman. Ngayon, nakaupo siya sa tabi ni Shane, nakikipag-usap sa kanya tulad ng isang maliit na batang babae."Rose, naisip ko ito ngayon lang. Kahit nangyari ang insidenteng ito dahil kay Harvey, hindi niya kasalanan lahat ng ito. Kung hindi ako madaling naniwala sa iba at pumunta sa teritoryo ni Liam, hindi ako magiging hostage doon. Pagkatapos ng lahat, ako ang nagdala nito sa sarili ko. Huwag mo siyang sisihin.""Sa kabilang banda, niligtas tayong dalawa ni Harvey. Dinala pa niya ako sa ospital para ipagamot. Bukod pa rito, narinig kong marami siyang taong nasaktan dahil sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagkakataong ito. Dapat mong tandaan iyon." Buong-loob na sinabi ni Shane.Sa una, may balak sana siyang subukan si Harvey York ngunit hindi na kailangan iyon ngayon. Dahil sa insidenteng iyon,
"Magaling!" Nang marinig iyon, tila nasiyahan si Shane Naiswell. May ilang mga bagay siyang hindi magawa dahil sa kanyang kanyang katayuan. Ngayon, medyo may katuturan ang mga bagay na ginawa ng kanyang junior, at nasiyahan din siya.Sa kabilang banda, nagpapasalamat na tumingin si Zeno Naiswell kay Harvey York. May mga bagay na hindi angkop para sa kanya na sabihin. Ngunit iba ang naging kahulugan nang sinabi iyon ni Harvey. Pwedeng masabi na naiintindihan ni Harvey kung paano kumilos nang maayos at mabuhay sa lipunan.Sa sandaling iyon, biglang nagsalita si Rosalie Naiswell at mahina niyang sinabi, "Lolo, baka maraming tao ang maka-alam ng balita tungkol sa atin dito dahil pagmamay-ari ng mga Naiswell ang ospital na ito. Kung hindi tayo mag-iingat, baka kumalat ito sa mga Naiswell. Bakit hindi tayo lumipat sa ibang lugar?"Matapos niyang sabihin iyon, medyo nag-alala siya at hindi mapalagay. Hindi niya alam kung bakit nag-aatubili siyang makita si Harvey na nakatayo kasama si Ella
"Siya nga pala, isa talagang alamat ang live-in son-in-law ninyong mga Zimmer. Hindi ko rin maisip kung gaano ka-walang kwenta ang taong iyon. Narinig kong sobrang baba at nakakalungkot ng katayuan niya sa pamilya niyo. Hindi lamang niya ginagawa ang lahat ng mga gawaing bahay, palagi din siyang pinagagalitan at binubugbog. Kahit na kailangan niya ng pera, pupunta siya at hihingi sa kanyang asawa. Isa talagang kahihiyan sa lahat ng mga kalalakihan ang ganoong klase ng tao!"Nang marinig iyon, malamig na ngumiti si Zack Zimmer at sinabi, "Hindi lamang iyon. Brother Chad, wala kang ideya kung ano siya ka-walang kwenta. Hindi lamang siya naglalaba at nagluluto, narinig kong nililinis pa niya ng mga mababahong sapatos ng mga bestfriend ng asawa niya. At saka, wala siyang karapatang kumain kasama sila sa hapag kainan. Puro tira-tira lamang ang pwede niyang kainin."Habang pinag-uusapan iyon, nakaramdam din ng pagkasuklam si Zack. Hindi niya maiwasang maduwal ng maraming beses.“G*go! Nap