Pow!Sa isang saglit, nang hindi binibigyan ng pagkakataon si Taylor Stone na makapagsalita ng kahit anong kalokohan, galit na galit siyang sinipa ni Harvey York sa lupa. Lumingon siya, at malamig na nakatingin sa nars."Ililigtas mo ba siya o hindi?""May tinamaan ka bang... ibang tao ngayon?"Muli na namang nagulat ang nars.‘Di ba kilala ng lalaking ito kung sino si Liam Stone? Paano niya nagawang hanpasin ang kapatid niya ng ganun? Gugustuhin nilang pugot ang ulo niya mamaya.'"Anong problema?"Isang banayad na boses ng isang babae ang narinig dito sa sandaling ito.Hindi namalayan ni Harvey na napaligon siya at tinignan ang kaakit-akit na babaeng ito na nakasuot ng white coat, kaaya-ayang nakatayo doon. Wala siyang suot na makeup, ngunit kahit ganoon ay mukhang anghel pa rin siya.Maganda rin ang kanyang pigura. Hindi niya iyon maitago kahit nakasuot siya malaking white coat.Kapansin-pansin ang babae na hindi pa nakakasaksi ang ganoong karahas na eksena habang medyo nab
"Kung wala kang pera para magpatingin sa doktor, huwag kang pumunta dito para gumawa ng eksena!"“Tama! Pare-pareho kayo. Papasok dito para lang lokohin si Director Graves!""Alam ng lahat na may busilak na puso si Director Graves, uunahin niyang iligtas ang buhay ng kahit sino, anumang mangyari. Sinasamantala niyo ang kanyang kabaitan!"“Ahhhh, usap-usapang hindi hindi pinasahod si Director Graves sa loob ng kalahating taon dahil sa mga taong katulad mo. Kung wala kang pera, bakit nandito ka sa para nakawan kami?!"Maglalakad na sana si Ella Graves sa emergency operating room nang marinig niya ang usapan na ginagawa ng lahat. Tumingin siya sa likod at ngumiti."Pakiusap, itigil niyo pagbibintang nang walang katuturan. Mahalaga ang buhay ng mga tao at ang tungkulin ng isang doktor ay palaging iligtas ang buhay at tulungan ang mga nasugatan tuwing kinakailangan. Isa pa, may tiwala ako sa ginoong ito."Sa kabila ng dalisay at mabait na ugali ni Ella, naisip pa rin niya na isang map
Napatigil ang vice president matapos makita ang mahirap na taong ito na may Amex Black Card at ang medical staff na naguguluhan sa kanyang nakita.'Anong nangyayari ngayon?'Agad na nagbago ang hitsura ni Yulian at pumatak ang malamig na pawis sa kanyang mukha. Nabaling ang kanyang tingin kay Harvey York matapos ang ilang sandali at malamig na tumawa.Alam ni Yulian na meron lamang limang Amex Black Card sa buong Niumhi. Mga prominenteng tao ang may-ari ng mga ito na merong mga taga-silbi kahit saan silang magpunta at may malaking koleksyon ng mga luxury car.May Amex Black Card ang mahirap na ito? Sinong sinusubukan niyang lokohin?’"Sa palagay mo ba ay magagawa mong lokohin ang mga tao gamit ang pekeng Amex Black Card na binili mo online?"Malamig na ngumiti si Yulian na para bang nakita na niya ang katotohanan.Tumakbo si Yulian patungo sa isang nars sa gilid at sinabi, "Dalhin ito sa reception counter at tingnan kung talagang gagana ang card."Pagkaalis ng nars, inutusan ni
Nakahinga ng maluwag si Harvey York matapos marinig ang balita. Tungkol naman sa dahilan mga injury ni Shane Naiswell, hindi na siya nag-abalang ipaliwanag ito dahil masyadong kumplikado kahit na subukan niya."Tama, mas mabuti kang babalik ka sa procedure mo. Nang sa gayon, malipat natin ang medical records ng pasyente electronically at makita kung meron siyang anumang mga allergy o underlying illness. Magagawa lamang naming i-administer ang gamot pagkatapos ng procedure. " Masusing ipinaliwanag ni Ella Graves."Agad-agad."Patuloy na tumango si Harvey saka sinamahan si Shane sa VIP ward.Hanggang sa nakarating si Harvey sa ward ay may napagtanto siya at sinampal ang kanyang ulo. Masyado siyang nagmamadali at nakalimutan na hingiin ng phone number ni Ella Graves. Ang isang hospital director na may pinakamahusay medical skills at ethics na tulad niya ay tiyak na magandang maging kakilala.Habang nakatingin kay Shane na natutulog, malalim na nag-isip si Harvey. Pagkatapos ay tinano
“Vice President, huwag. Huwag po…”Simula’t sapul simple ang buhay ni Ella Graves. Hindi pa siya nakaharap ng taong tulad nito na ubod ng sama sa buong buhay niya. Sa sandaling ito, wala siyang malay na nagpumiglas laban sa paghawak ni Yulian. Ngunit wala siyang laban sa kanyang mahigpit na paghawak, nanigas ang buong katawan niya. Wala siyang lakas.Ipinakita ni Yulian ang kanyang tunay na kulay. Itinulak niya si Ella sa sahig, walang pakialam kung sisigaw si Ella at sinimulang hilahin ang mga payat na binti niya."Huwag! Vice President, pakiusap. Pakawalan mo ako! Hindi ko na ulit iyon gagawin!"Nahirapan si Ella pumiglas habang tumulo ang luha pababa sa kanyang mukha.Sayang at nakapili na si Yulian office space para sa kanya mula pa noong una. Isang space na isolated sa lahat. Walang makakarinig kahit sumigaw siya nang malakas.Tumawa si Yulian na parang baliw. Hinawakan niya ang isang binti ni Ella gamit ang isang kamay, inabot ang maliit niyang blue tablet at isunubo iyon s
Sa isang saglit, hindi alam ni Ella Graves kung dapat ba siyang magpasalamat o kamuhian si Harvey York. Tinitigan niya si Harvey nang may kalituhan sa kanyang mata. Ang isang diyosa na obsess sa larangan ng medisina para sa kanyang buong buhay ay naguluhan sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi alam ng puso niya ang gagawin dahil sa lalaking ito. Pero sa pangyayaring iyon, mukhang mas kaakit-akit at kabigha-bighani si Ella sa puso ng mga tao.“Ang kapal mong tamaan ako?! Hindi mo ba alam na nakatayo ka sa teritoryo ko ngayon?!" Nanggagalaiti sa galit si Yulian, wala na siya katwiran."Wala akong pakialam kung sino ka, lumayas ka na ngayon o hihilingin mo mamaya na patay ka na sana!"Ngumiti si Harvey at naglakad papunta kay Yulian. Agad niyang hinawakan ang leeg ni Yulian, at itinaas siya nang bahagya."Ano... Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?! Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako!"Nasasakal si Yulian at tila umaakyat ang dugo niya sa kanyang ulo, para pakalmahin siya. Hindi na mapig
Bahagyang bumukas ang pinto ng opisina at umalingawngaw ang ingay mula doon. Nagmadali ang mga medical staff na nakakita sa nangyari na tumawag ng security at sumugod sa eksena."Ano ang nangyayari? Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ang Vice President!"Nagmadali si Taylor Stone sa opisina na may backup.Nakita ni Yulian si Taylor at agad na naglabas ng isang masamang ngiti sa kayang mukha na namamaga na parang baboy. Patuloy siyang nagpupumiglas at umarteng hambog sa harap ni Harvey York.“Tapos ka na!”Agad-agad, sumigaw si Yulian kay Taylor.“Bilis! Hulihin niyo siya! Durugin siya at itapon palabas dito!”“Ikaw ulit?!”Napagtanto ni Taylor na ito ang lalaking sumipa sa kanya sa sahig. Marahas siyang lumakad papunta sa kanya, handa nang makipaglaban."Hoy. Hindi mo ba kilala kung sino ako? Ako lang naman ang kapatid ni Liam Stone. Ang lakas ng loob mong magpakitang-gilas sa harap ko?! Papatayin kita ngayon!"Sinarado ni Taylor ang pintuan sa likuran niya at kumuha ng isang fr
Habang iniisip iyon, magalang na yumuko si Taylor Stone kay Harvey York. Sinabi niya pagkatapos, "Sir, sana’y mag-enjoy ka dito.""Bakit hindi ka na lumayas ngayon?" Marahang sinabi ni Harvey.Bang!Umatras kaagad si Taylor, saka niya sinara ang pinto sa likuran niya paglabas niya.Malakas na sigaw ni Yulian. “Taylor, bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na binugbog ako? Gagawin mo ba ito o hindi?"Sa sandaling iyon, wala sa mood si Taylor na pakialaman sila. Natalo si Liam Stonem ang kapatid niya. ‘Mabuti pa at bilisan ko na. Kung hindi, mapahamak din ako.'Sa sandaling iyon, nag-ring ang phone ni Harvey.Basta na lang niyang binato si Yulian sa sahig. Pagkatapos nito, sinagot niya ang phone."Harv... Harvey... Inabutan ako ng traffic ngayon lang. Nasaan ka? Okay na ba ang lolo ko?” Isa iyong tawag mula kay Rosalie Naiswell. Talagang huli na siya.Tumingin ni Harvey si Yulian na nakabulagta sa sahig. Nasa bad mood siya. Naiinis niyang sinabi, "Nasa opisina ako ni Dr. Graves. Mata