Sa numero unang villa sa Fragrant Hill. Nag-uwi si Harvey ng ilang mangkok ng noodles bilang midnight snack para kina Kait Walker at sa iba pa. Pagkatapos marinig si Harvey na simpleng magkwento tungkol sa nangyari, sobrang natakot si Brennan Stanton at hindi siya makakain pa ng noodles niya. Hindi niya inakala na basta-bastang papayag si Harvey na turuan siya ng isang nakakatakot na atake. Ang isang simpleng sampal na kagaya nito ay katapang paliparin ang sarili niyang master. 'Isa siyang pro! Isang tunay na pro! 'Hindi ko man lang maikumpara ang sarili ko sa kanya!' Takot lang si Brennan kay Harvey bago ito, pero kumbinsido na talaga siya sa sandaling ito. Naglaho ang pagdududa sa loob ng puso niya sa isang kurap. Hindi man lang niya ito tinago noong tinawag si Leonard Bray. Simple lang siyang nagkomento kay Leonard sa harapan ni Harvey. Hindi nagtagal ay ngumiti si Brennan. "Sir York, sinabihan ako ng master ko na manatili muna rito pansamantala. Sinabihan niy
Kalmado ang ekspresyon ni Harvey York. Arogante si Justin Walker, patuloy niyang sinusubukan si Harvey dahil lang siya ang deputy branch leader ng Longmen branch sa Mordu na may sumusuporta sa likuran niya. Hinanap pa ni Justin si Chief Leonard Bray. Simple ang layunin niya: ang tuluyang patahimikin si Harvey. Naghahanda si Harvey para magdusa siya nang malaki dahil dito. Para naman sa pagiging branch leader ng Longmen branch sa Mordu, wala siyang kahit na kaunting pag-asa. Hindi pa kinuha ni Harvey ang posisyon ng branch leader dahil gusto niyang makita ang mga taong lilitaw para angkinin ang posisyon. Maliban roon, gusto niyang ayusin ang sitwasyon nang kakaunti lang ang mamamatay para mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng Longmen branch sa Mordu. Kung hindi dahil sa lahat ng iyon, pinatay na ni Harvey si Justin gamit ng sampal. Hindi malaman ni Kait kung anong tumatakbo sa utak ni Harvey. Nag-aalala siyang sumagot, "Harvey, naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo. "Pero
"Ang g*gong yun! Sumosobra na siya! "Papatayin ko siya! "Papatayin ko talaga siya!" Sa loob ng VIP na kwarto sa Fraternity Hospital ng Mordu, umiinom ng tubig si Angelina John, na kaya pang ikilos ang itaas na bahagi ng katawan niya, sa mga sandaling iyon. Pagkatapos niyang marinig ang paliwanag ni Justin Walker sa buong proseso, galit na galit niyang ibinato ang baso sa lapag. "Saan nakuha ng g*gong Harvey York na yun ang lahat ng tapang niya?! "Gusto niya ang katotohanan? Isang patas na pahayag?"Tapos gusto niyang tumaas sa ranggo si Kait Walker? "Anong iniisip niya?! Bakit di na lang niyang gawing si Kait na rin ang master ng henerasyon namin?! "Sinasabi ko sa'yo, Justin. Nangyari ang lahat ng to dahil inuutusan ng anak mo ang lalaking iyon! "Kung hindi dahil sa kanya, paanong malalaman ng isang probinsyano kung paano gumawa ng ganitong bagay?! "Kailangang bumalik ni Kait ngayon din at managot sa batas ng pamilya natin! "At gamitin mo ang lahat ng kapangyarih
"Hindi ba bagay na bagay sila? "Tutuparin natin ang pangarap nila pagdating ng panahon. Patayin natin sila nang magkayakap! “Heh…”Habang nag-iisip ng paraan kung paano tatapak-tapakan si Harvey York, isang namumuhing ngiti ang lumitaw mula sa mukha ni Angelina John. Biglang nanigas ang katawan ni Angelina sa gitna ng kanyang pagsasalita at bumagsak siya ulit sa kama. Napalingon si Justin Walker at nakita niyang nanigas ang ngiti sa mukha niya. Talagang nakakapangilabot ang eksenang ito. Nakaunat ang mga kamay niya na parang paa ng manok. Kahit na parang nananakot ang itsura nito, hindi na siya gagaling mula rito. Nilamon ng takot ang mapagmataas na si Angelina nang ginamit niya ang lahat ng lakas niya para sumigaw sa sakit. "Justin! Nauubusan na ako ng oras! "Tanggapin mo na ang mga kondisyon niya! Lahat ng yun! "Pagalingin na niya ko! Dali!" ***Sa sumunod na araw, simpleng naglakad si Harvey kasama ni Kait Walker sa Fraternity Hospital VIP sickroom pagkatapos
Kalmado si Harvey. Wala siyang alam tungkol sa medisina at parmasiya. Pero parehong-pareho ng kay Dr. Frost ang paliwanag niya. Ayon sa pag-aanalisa ni Frost, isang araw na lang ang natitira kay Angelina John. Sa puntong ito, naniwala si Justin Walker na hindi lang basta may sakit si Angelina. Kagaya ng sinabi ni Harvey, isa itong pambihirang sakit. Sa simula pa lang ay hindi pareho ang sistemang ginagamit nilang dalawa. Imposibleng mapagaling gamit ng medisina si Angelina. Nang hindi nagdadalawang-isip, huminga nang malalim si Justin at nagsabing, "Sir York, kung naiintindihan mo ang sitwasyon ni Angelina, maililigtas mo ba siya?" "Walang problema," kaswal na sumagot si Harvey. "Pero pareho pa rin ang sasabihin ko sa'yo: basta't papayag ka sa mga kondisyon ko, ililigtas ko siya. "Una, bigyan mo sina Kait at ang nanay niya ng paliwanag. Ang buong katotohanan. "Pangalawa, mapupunta kay Kait ang posisyon bilang CEO ng Walker Corporation. "Basta't pumayag ka sa mga kon
Nakahinga nang maluwag si Justin Walker pagkatapos makitang tumango si Harvey, pagkatapos ay tahimik na nagsabi, "Harvey. Kahit na hindi ko pa natutupad ang mga kondisyong iyon, naipakita ko na sa'yo ang sinseridad ko. "Umaasa ako na gagawin mo ang lahat para pagalingin si Angelina John. "Wag mo sanang sabihin sa'kin na maghihintay ka hanggang bukas. Pagdating ng araw na iyon, baka manatili siyang gulay buong buhay niya." Tumawa si Harvey. "Hindi na masama, kahit papaano nakikita ko na tapat ka. "Wag kang mag-alala. Palagi akong tumutupad sa usapan." Sinenyasan niya ang iba na umalis muna sa kwarto pansamantala at naglakad siya papunta kay Angelina. Kumuha ng scalpel si Harvey habang nakatingin kay Angelina na kasing tigas ng bato, pagkatapos ay humiwa sa kanyang pulso. Sumirit ang isang daloy ng dugo na napupuno ng malamig na hangin na nagpalamig nang kaunti sa kwarto. Kasabay ng eksenang ito, nakikitang lumalambot nang mabilis si Angelina. Sandali lang ay mahinang
Mapang-asar na sumagot si Harvey, "Deputy Branch Leader Walker, maraming taon ka nang nasa ganitong uri ng trabaho. Paanong hindi mo pa rin naintindihan? "Wag kang manakit ng ibang tao… "Pero dapat kang mag-ingat sa iba! "Hindi mo ba talaga alam kung bakit ako nag-iingat nang ganito sa'yo?" Bahagyang tumawa si Justin Walker. "Wag kang mag-alala, Sir York. Gagawin ko ang lahat para sa kapakanan ng asawa ko." Ngumiti lang si Harvey. Sinama niya si Kait Walker sabay umalis. Kuminang ang mga mata ni Justin sa sandaling nakaalis na si Harvey, pagkatapos ay may tinawagan siyang numero sa phone niya. "Prince Jean, bibigyan ko ng pahayag si Kait bukas sa Walker family club. "Kasabay nito, iaanunsyo ko ang kasal mo sa kanya! "Tama, madaling matatalo ng lalaking nagngangalang Harvey si Leonard Bray. Wala akong masyadong magagawa tungkol sa kanya. "Sana makaisip ka ng plano laban sa kanya, Prince. "Mas mabuti kung permanente na natin siyang tatapusin bago makuha ni Kait an
Alas diyes, Lujiazui, sa loob ng isang malaking meeting room sa Walker Corporation building. Naroon ang bawat isang higher-up ng kumpanya. Ang bawat isa sa kanila ay may awtoridad, katayuan, at binabanggit nila ang kahit na anong nasa isipan nila. Nang naglakad si Kait Walker, na naka-itim na suit, kasama ni Harvey, na kalmadong-kalmado, tinitigan sila ng lahat nang may mapangmatang mga mata. Puno ng pagkamuhi, pagdududa, at rebelyon ang mga titig nila, pero wala sa kanila ang nagpakita ng pagsunod sa mga mata nila kagaya ng gusto ni Harvey. Natural lang na sa mga mata nila, nasira ng biglaang pag-akyat ni Kait ang pinapakinabangan ng mga taong ito sa mga negosyo nila sa puntong ito. Iyon ang dahilan kung bakit siya kusang kinakalaban ng mga higher-up. Sa lahat ng mga taong iyon, isang lalaking nakasuot ng Armani suit habang may sigarilyo sa bibig at mukhang isang playboy ang pinakamukhang hindi natutuwa. Sa loob ng malawak na meeting room, makasarili siyang bumubuga ng
Tumingin si Harvey nang kalmado kay Ricky, at tinawagan si Rachel na buksan ang kamera.“Magsalita ka. May isa ka lang pagkakataon."Sana lahat ng sinasabi mo ngayon ay eksaktong pareho ng sinabi mo sa kanila."Sibilisadong tao ako. Ayaw kitang patayin, pero huwag mo akong lokohin.”Nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey, agad na nanginig si Ricky. Kung ang Great Protector ay nakakatakot para sa kanya, ang ekspresyon ni Harvey ay sapat na upang makaramdam siya ng kawalan ng pag-asa."Magsasalita ako... Sasabihin ko sa iyo ang lahat," sabi niya matapos huminga ng malalim, ang boses niya ay magaspang."Si Quill ay pumunta sa headquarters upang harapin ang pagkamatay ng outer elder."“Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay nagkaroon na ng pagkakataong harapin siya. Kaya, humiling sila na kunin ang badge ng lider."Pero tumanggi si Quill, at nagkaroon ng malaking laban pagkatapos noon.“Ang great elder at ang second elder ay walang laban sa kanya."Pagkatapos ng laban,
Si Ricky ay patuloy na nagpapalit ng ekspresyon, parang may gusto siyang sabihin.Ngunit naintindihan niya na ang pamilya Lowe ay hahabulin siya hanggang sa dulo ng mundo, kahit na pinatawad siya ni Harvey.Harvey ay tahimik na tumingin kay Ricky; alam na alam niya kung ano ang iniisip ng isang maliit na isda tulad niya."Dalhin niyo siya. Bigyan siya ng kalahating oras. Maghukay ng mas malalim na butas kung wala siyang maibigay na kapaki-pakinabang.”Ang Great Protector at ang iba pa ay tumango nang may paggalang bago mabilis na hilahin si Ricky palayo.Si Devon, na nanonood ng lahat, ay kusang nanginginig.Gusto niyang sumigaw kina Harvey at sa iba pa na pakawalan si Ricky; sa lahat ng bagay, ito ay isang hayagang nakakahiya na bagay para sa kanya na panoorin ang lahat ng nangyayari sa kanyang harapan.Gayunpaman, hindi siya tanga. Alam niyang mas malala ang mangyayari sa kanya kaysa kay Ricky kung magsasalita siya kahit isang salita.Kahit na ang Great Protector, si Kaysen,
Ang kanyang mga kamay ay nakatali, at may mabahong medyas sa kanyang bibig. Ito ay isang nakalulungkot na tanawin.Gayunpaman, ang kanyang mapaghiganting tingin ay sapat na upang ipakita na hindi pa siya ganap na sumusuko.Tumango si Harvey; isang disipulo ng Longmen ang humugot ng medyas mula sa bibig ni Ricky."Hayop ka! Paano mo nagawa 'to?"Hindi mo ba alam na ito ay lubos na kasuklam-suklam?""Kinidnap mo ako, Ricky Lowe?!""Naunawaan mo ba ang mga magiging resulta ng mga aksyon mo?!"Pinagpag ni Ricky ang kanyang mga ngipin habang sumisigaw siya ng buong lakas."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ito! Ako ay kabilang sa Heaven’s Gate!"Ang katayuan ko sa pamilya ay tanging mas mababa lamang kay Calvin!“Maaari kong sirain ang buong pamilya mo dahil sa ginawa mo sa akin!”Tumingin si Harvey sa Great Protector at sa iba pa. "Mukhang may mali sa mga pamamaraan niyo. Ang young master na ito ay hindi alam kung anong sitwasyon niya ngayon."Kasalanan ko ito! Humihingi ako ng taw
”Anong nangyari?‘Ang Great Protector?‘Ang head ng Law Enforcement Hall?‘At ang warden ng Imperial Prison?‘Sila lahat ay mga kilalang tao sa Heaven’s Gate!‘Bakit sila dumating dito ngayon?‘Bakit sila sobrang magalang?‘Kahit si Quill ay hindi nakapagpasunod sa mga taong ito! ’Nanginginig ang mga mata ni Devon, at kusang-loob niyang binitiwan ang kanyang espada.Hindi rin mga tanga ang mga tao niya; alam nilang humaharap sila sa isang taong mas malakas kaysa sa kanila. Mabilis silang natumba palayo bago nagtago sa sulok."Hindi na masama. Medyo maaga kayo," sabi ni Harvey, habang tinitingnan ang Great Protector at ang iba pa."Aalisin ko muna ang inyong mga restriksyon, pero hindi ito madaling mawawala.“Kailangan niyo akong tawagan para alisin ito tuwing taon."Kung hindi, magiging mga lumpo kayo."Humakbang si Harvey at hinaplos ang apat."Sana marunong kayong gumawa ng mga utos."Ang sumisiklab na enerhiya sa kanilang mga katawan ay humina, at halos hindi na nil
Nanginginig sa galit si Devon matapos marinig ang mga salitang iyon."Gusto mong mamatay, hayop ka?!"Dumating lang siya dito pagkatapos makatanggap ng lihim na ulat. Isang disipulo ni Quill mula sa labas ng pamilya ang nakapag-alis kina Darwin at ang iba pa.Ang disipulo na iyon ay mayroon din ng teknik sa mental na pagsasanay.Dahil dito, dumating si Devon kasama ang kanyang mga tao sa lalong madaling panahon. Hindi lamang niya balak durugin ang pamilya Gibson, kundi balak din niyang makuha ang teknik at maging Diyos ng Digmaan.Hindi siya basta aalis dahil may isang walang kwentang tao na nag-insulto sa kanya.Anong kalokohan naman iyon!“Go! Dalhin silang lahat! Patayin ang lahat ng lalaban!”Nagbago ang ekspresyon ni Devon, at galit na galit na inalog ang kanyang kamay.Napaluhod ang pamilya Gibson, at lahat sila ay parang gustong sumigaw kay Harvey. Ngunit bago pa man nila magawa iyon, humakbang si Rachel sa harap ni Harvey, handang labanan ang Forbidden Army.Bang, ban
Noong nakaraan, ang pamilyang Gibson ay makapangyarihan.Sa proteksyon ni Quill, nakakuha ng kapangyarihan ang pamilya sa Heaven’s Gate.Pero ngayon…Tumawa si Devon.Gaano ba kalaking kamangmangan ang kayang ipakita ng pamilyang ito?‘Wala na ang pamilya Gibson!’ Bakit hindi nila makita iyon?‘Paano nila naglakas-loob na magpakuha ng dayuhan para makialam sa Imperyal na Piitan!‘Nakuha rin nila sina Darwin at Prince!"Walang batas sila!"‘Ayos lang. Wala nang dahilan ang Forbidden Army para salakayin ang tahanan ng pamilyang Gibson para sa mental na teknik ng paglinang noon…‘Pero ngayon, maaari na nating gawin ang kahit anong gusto natin!’ Ngunit ngayon, maaari na nating gawin ang kahit anong gusto natin!Walang pag-aalinlangan, nagpakita si Devon ng seryosong ekspresyon bago niya itinutok ang daliri kay Lance at Clover."Kayong dalawa! Ibigay niyo sa amin ang salarin na pumasok sa Forbidden Place!“Kung hindi, sisingilin ka rin sa pagtatago ng mga kriminal!"Yan pa lan
Kinabukasan…Matapos manatili sa emergency room ng isang buong gabi, sa wakas ay nagising din sina Darwin at Prince. Gayunpaman, kailangan pa rin nilang magpahinga dito sa ngayon.Nagbigay si Harvey ng daan-daang libong piso pa para ilipat sila sa pinakamalaking VIP ward ng ospital, at nag-ayos ng ilang Longmen disciples para panatilihing ligtas ang dalawa.Lampas alas-diyes na nang maayos ang lahat.Medyo pagod si Harvey pagkatapos magpuyat ng buong gabi.Ang iba ay bumalik sa tahanan ng pamilyang Gibson.Ang libing ni Quill ay inaasikaso na ni Shinsuke.Nakita ang pekeng ngiti sa mukha ni Shinsuke, hindi nagsalita si Harvey tungkol sa sinabi niyang tulungan si Kaiser. Siyempre, gusto lang niyang masiguro na hindi gagawa ng kahit anong hindi tama si Shinsuke. Bukod pa rito, hindi siya gaanong nagtitiwala kay Kaiser.Mas mabuti kung maglalaban ang dalawa.Alani ay nagalit nang makita niyang si Harvey ang gumawa ng lahat; natatakot siyang siya ang makikinabang sa mga gantimpala
Kailangan ng agarang pagsagip sina Darwin at Prince dahil sila ay malubhang nasugatan; si Shay naman ay halos okay.Kumuha si Harvey ng lata ng soda para kay Shay, pagkatapos ay sinabi kay Rachel at sa mga disipulo na bantayan ang emergency room."Ano nangyari nang dumating ka dito, Shay? Bakit kayong tatlo ay nahulog sa Law Enforcement Hall nang ganoon kadali? Naniniwala si Harvey na sa personalidad ni Darwin, tiyak na makakakuha siya ng mga eksperto sa kanyang tabi. Gayunpaman, lahat sila ay nagdusa ng maraming pagkalugi bago makulong.Kung hindi dahil kay Harvey, namatay sila nang hindi man lang alam kung bakit.Huminga ng malalim si Shay."May labintatlong pagpatay na naganap sa amin sa sandaling umalis kami sa Golden Sands. Ang isang daang eksperto na mayroon kami ay nawawala na nang dumating kami sa punong himpilan.Nasalubong namin ang Forbidden Army ng Heaven’s Gate sa harapang gate."Sabi nila na alam nila kung ano ang nangyari sa amin, kaya gusto nilang iligtas kami
Sa Heaven’s Gate People Hospital…Agad na ipinadala ni Harvey sina Darwin at ang iba pa dito sa halip na pauwiin.Naghihintay doon sina Shinsuke at ang iba pa, pero hangga't hindi nila nakakamit ang kanilang layunin, ligtas ang pamilya Gibson. Hindi na kailangang mag-alala ni Harvey dahil dito.Gayunpaman, masyadong malubha ang mga pinsala nina Darwin at Prince. Kahit na napanatili ni Harvey ang kanilang mga puso at baga, kailangan pa rin nila ng operasyon para gumaling.Ayos lang si Shay; magiging ligtas siya sa sandaling mawala ang mga gamot na nagpapahina sa kanyang katawan.Ang ospital ay abala pa rin kahit ganitong kalalim na ng gabi. Bilang dedikadong ospital ng Heaven’s Gate, ang mga doktor na tinanggap dito ay lahat mga propesyonal. Hindi lamang sila bihasa sa mga pisikal na pinsala, kundi pati na rin sa mga panloob na pinsala.Sa kakaiba, walang dumating para gamutin sina Darwin at Prince kahit na lumipas na ang sampung minuto mula nang dalhin sila dito ni Harvey. Ang da