Seryosong sumagot si Garry Duncan, “Wala akong kilalang Commander Blake.” Ang alam ko lang ay may nagbigay sa akin ng 15,000,000 dollars at nakiusap sa akin na protektahan ang isang tao sa Mordu.“Ikaw ba ang taong iyon?” Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sumagot si Yvonne Xavier, “Oo, ako ‘yun.” “Sige, edi bumaba ka dito at makipagkita sa akin. Pero babalaan kita. Hindi ko poprotektahan ang taong hindi ko matiis ang pagmumukha.”“Ako, si Garry Duncan, ay pumoprotekto lamang sa mga taong tinitingala ko.”Ibinaba ni Garry ang phone pagkatapos niyang magsalita.Narinig ng mga dalaga sa paligid ang sinasabi ni Garry. Sa katawan at itsura ni Garry, nabighani ang lahat ng mga babae. Talagang isa siyang dominanteng lalaki! Hindi lang siya basta magaling, pero nakakatakot rin siya! Hindi man lang siya maikukumpara sa mga ordinaryong tao! Isang eleganteng babaeng nasa 26 taong gulang ang lumapit kay Garry sa sandaling ito. Kahit na simple lamang ang kasuotan niya, tugmang-tug
Habang nakikipagkita pa si Yvonne Xavier kay Garry Duncan at Hana, ang pulang Ferrari 488 ay pumasok sa distrito ng Mordu na puno ng mga villa na nakaharap sa dagat. Mahaba ang kasaysayan ng distritong ito. Ang mga gusali ay may estilo ng taga-Kanluran. Kahit na makaluma ang mga gusali, maayos pa rin ang mga ito. Malinaw na talagang maganda ang kalidad ng mga gusaling iyon.Maaaring hindi man lang magkaroon ng tapang ang mga tao na pumasok sa distritong ito kung wala silang mamahaling kotse.Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kotse sa harap ng isang villa. Pagkatapos ay bumaba si Harvey York at Kait Walker ng kotse. Dinala ni Kait si Harvey sa bulwagan ng villa.Ang mga palamuti sa bulwagang ito ay bukod-tangi, may kasama pang isang tradisyonal na pugon. Nagbabaga ang de-kalidad na uling at naglalabas ng magandang amoy.Ang buong bulwagan ay parang tagsibol. Pitong magagandang babae ang nakaupo sa kanilang mga pwesto.Ang babaeng nakaupo sa gitna ay mukhang nasa tatlompun
Naglaho ang ngiti sa mukha ni Harvey York. Talagang taglay niya ang katangian ng isang karaniwang madrasta. Gusto talaga ni Harvey na sampalin ang mukha nito sa sandaling iyon.Bago pa makapagsalita si Harvey, seryosong sumigaw si Kait Walker, “Ipapakilala ko sa iyo.“Ito si Harvey, ang boyfriend ko!“Nagpunta ako dito ngayon para sabihin sa’yong may boyfriend na ako! “Imposible nang magsama pa kami ni Lucas Jean! “Sumuko ka na lang!”Tiningnan ni Harvey si Kait nang nagtataka. Hindi niya inakalang magugulat siya pagkatapos niyang samahan si Kait dito.‘Gusto siyang pakasalan ni Lucas?‘Interesante.’“Tama na, huwag mong susubukan ito sa akin.“Kung gusto mong kumuha ng taong magpapanggap na boyfriend mo, kahit paano kumuha ka naman ng mas mayaman.“Nagdala ka pa ng ganitong mahirap na hangal dito. Tingin mo ba bulag ako?”Naiinis nang sobra si Angelina nang sumingit siya kay Kait.“Wala akong pakialam kung ang lalaking ito ay talagang boyfriend mo o hindi! “Kahit anon
Narinig ang mga insulto sa buong lugar. Ang anim na babae ay pinagalaruan ang kanilang baso habang masaya nilang minamaliit si Harvey York. “Ganun ba? Talaga bang ganito kalakas ang Walker family?“Pero kahapon lang sinampal ko sa mukha si Justin…“Ano kayang gagawin sa akin ng pamilya niyo?” kalmadong sinabi ni Harvey.Nanigas ang mga ngiti sa mukha nila Angelina.‘Sinampal niya si Justin sa mukha?’ Simple lamang ang mga salitang iyon, ngunit nagulat sila Angelina dito.Maging si Kait Walker ay nakatingin kay Harvey habang tulala.Sino ba si Justin Walker?Siya ang ama ng Walker family at ang branch leader ng Longmen ng Mordu. Mataas ang katayuan niya, at walang hanggan ang kanyang kapangyarihan. Talagang isa itong malaking tao! Ngunit sinampal siya ni Harvey sa mukha, at pagkatapos ay tumayo dito nang wala man lang galos?Kalokohan! Hindi lamang si Justin, maging ang sampung kapatid ng Longmen na sumunod sa kanya sa loob ng maraming tao ay may lakas na hindi mapapan
Para kay Kait Walker, matagal na siyang mag-isa mula noong maospital ang kanyang nanay sa Northern Europe at ang kanyang tatay ay nagpakasal sa ibang babae.Para sa mga tagalabas, si Kait ay tinuturing na matapang at masungit. Ang kilalang dalaga ng Mordu. Ngunit siya lang ang nakakaalam na ang pader na binuo niya ay marupok at mahina.Tuwing tahimik at malungkot ang gabi, hinihiling niya na sana may taong magliligtas sa kanya sa kapahamakan.Akala ni Kait na walang ganitong tao at imposible ito. Ngunit hindi inakala ni Kait na ipagtatanggol siya ni Harvey.Maging ang isang taong masungit na tulad ni Kait ay naantig sa sandaling ito. “G*go ka!” Galit na tumayo si Angeline. Tumalon ang pusa sa kanyang kamay habang humuhuni nang malakas. “Harvey York, mukhang hindi mo alam kung anong makabubuti sa’yo! “Akala mo talaga malaking tao ka na ngayon, hangal ka?!” Makikita ang masamang titig sa mga mata ni Angelina. Pagkatapos titigan nang masama si Harvey, ibinaling niya ang
Si Harvey York ay hindi mapagkumbaba o mapilit. Kalmado niyang sinabi, “Aunty, kakausapin kita ng maayos ng huling beses dahil sa ikaw ay stepmother ni Kait Walker.““Tutal si Kait ay babae ko, siya ay natural na magiging kontento na sa akin. Kung ako ay aalis, ganun din siya!”Sumimangot si Angelina John.“Young man, sa tingin mo ba talaga ikaw ay merong talento sa pagyayabang sa harapan ko?”“Ikaw ay walang karapatan na magkaroon ng ganitong babae na ilang libong beses na mas mataas sayo!”Si Angelina ay humarap para tignan si Kait ng may nanlalamig na ekspresyon sa kanyang mukha.“Kait binibigyan kita ng huling pagkakataon!”“Pakakasalan mo si Lucas Jean!”“Kung hindi, alam mo ang kahihinatnan na iyong mararanasan!”Nagngitngit ang kanyang ngipin at tumugon, “Sinabi ko na sayo, Stepmother! Hindi ko kailanman pakakasalan ang ibang lalaki maliban kay Harvey!”“Tutal tinawag mo akong ganyan, ibig sabihin inaamin mo na ako ay ang pangunahing mistress ng iyong ama!”Si Angelin
Nakaraan, si Angelina John ay sinabihan na ang kanyang paralysis mula sa pambabang parte ng katawan ay hindi nakamamatay.Pero kung ito ay tulad ng sinabi ni Harvey York at siya ay magiging lantang gulay, mas gugustuhin niyang mamatay!Ngg marinig ang mga sinabi ni Harvey, si Angelina ay natakot.Pero siya ay medyo may karanasan tao. Siya ay sumimangot habang nakatingin kay Kait Walker.“May sinabihan kang iba tungkol dito?”Napailing si Angelina kaagad matapos niyang sabihin iyon. Alam niya na si Kait ay hindi alam ang tungkol sa bagay na ito.Si Kait ay nanigas, tapos umiling.“Paano ko malalaman na ikaw ay paralisado sa iyong pababang parte ng katawan?”Iniisip na si Angelina ay magiging lantang gulay tulad ng kanyang sariling ina, pero merong malay, hindi niya mapigilan na traydorin si Angelina.Kahit ang kamatayan ay mas mabuti kaysa sa pagtiis ng lahat ng ito! Ito ay miserableng tanawin!Nandilim ang itsura ng mukha ni Angelina. Sa kanyang mata, imposible na si Harvey a
Ang ekspresyon ni Angelina John ay kasing lamig ng yelo ng inasar niya si Harvey York."Nakakaloko!""Hindi ka isang eastern doctor at hindi ka din western doctor! Base sa itsura mo, pusta ko wala kang alam tungkol sa medesinna!"Gayunpaman, ang lakas ng loob mo na pumunta dito at magsabi ng kalokohan na parang alam mo kung ano ang sinasabi mo?""Dapat balaan ko kayo!""Kahit na kung ang sinabi mo ay hindi totoo, merong hindi mabilang na kilalang doktor sa buong Mordu! Madali lang na gamutin ang kondisyon ko, hindi mo kailangan magalala!"Tapos malabong tugon ni Harvey, "Simula sinaunang panahon, merong mga kasabihan sa medesina at martial arts na magkasama.""Pero ang ancient medecine ng Country H at martial arts ay talagang magkaibang sistema kumpara sa modernong medesina.""Ikaw ay nalumpo ng ancient martial arts, pero ghsto mo na magamot ng modernong medesina?""Nananaginip ka siguro!""Maghintay ka lang kung hindi ka naniniwala sa akin. Ang panahon ay palamig na. Ikaw ay
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai
"Si Mr. Quill ay isang senior ng Golden Sands! Akala mo ba ikaw na ang hari ng lungsod dahil nagdulot ka ng gulo sa kanyang libing na gaya nito?!”Syempre, handa si Blaine na gawing scapegoat si Harvey anuman ang mangyari."Ano? Nakikipaglaban ka ba para sa atensyon?Ngumiti si Harvey."Gaya ng inaasahan sa isang lalaking tulad mo. Akala ko hindi ka darating ngayon.Hindi ko akalain na gagawa ka ng ganito ngayon!"Gayunpaman, ayokong makipaglokohan ng matagal sayo ngayon.""Kung hindi ka masaya... Kung gusto mo ng katarungan, sugurin mo ako. Nandito ako para sayo."Pagkatapos marinig ang kanyang mga salita, lumapit si Wanda kay Blaine na may kaawa-awang itsura.“Young Master John! Kailangan mo kaming tulungan!"Sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Alani, kami mula sa World Civilization Department ay dumating dito upang pag-aralan ang kultura ng mga tao dito.""Gusto lang naming maranasan kung paano ginagawa ng mga lokal ang kanilang natatanging libing dito!"“At sa kabila nito, patulo
“Hell’s Cut!”Sumigaw si Alani, may pumatay na intensyon na lumalabas mula sa kanyang espada habang sinugod niya si Harvey. Labindalawang iba't ibang saksak ang pinagsama-sama sa isang iglap, determinado na pumatay. Ang hangin ay nagsimulang lumamig.“Aaah!”Lahat ay nagulat nang makita ito. Sa kanilang mga mata, si Alani ay isang tunay na eksperto. Ang mga sumalungat sa kanya ay tiyak na mamamatay.Gayunpaman, nanatiling walang emosyon si Harvey nang harapin ang pag-atake. Pinaikot niya ang kanyang espada, pagkatapos ay inihampas ito sa harap niya.Bam!Isang malalakas na tunog ang narinig.Tumilapon si Alani, at bumagsak sa lupa.Ang kanyang mukha ay lubos na namamaga, na may pulang marka dito. Sinubukan niyang bumangon, ngunit wala siyang nagawa."Ito ang pinakamalakas mong atake?" Ngumiti si Harvey. "Parang wala namang kwenta.""Hayop ka! Ikaw…”Si Alani ay nagngangalit, ngunit bigla siyang sumuka ng maraming dugo.Humakbang si Harvey pasulong at sinipa siya."Sabihin mo
Alani alam niyang wala siyang paraan para makaalis sa sitwasyon.Dumating siya na may ganap na utos!Hindi lamang siya nabigo na makuha ang mental na teknik ng paglinang, kundi nabigo rin siyang sirain ang Heaven’s Gate. Kung hindi niya natapos ang misyon na ito kahit na nasayang ang Budokami elixir...Wala siyang ibang pagpipilian kundi mamatay.Anuman ang sitwasyon, kailangan niyang pabagsakin si Harvey.Ng walang pag-aalinlangan, huminga ng malalim si Alani bago inilabas ang karayom na lagi niyang dala."Ang lakas mo, Harvey!" sigaw niya, habang nakatingin kay Harvey."Pero kung ibang pagkakataon ito, wala kang laban sa akin!"Mayroon akong makapangyarihang bansa na sumusuporta sa akin! Mag-isa ka lang!"Pinihit ni Alani ang karayom bago ito itinusok nang diretso sa kanyang braso. Ang mga ugat sa kanyang mukha ay agad na naglabasan, at nagpakita siya ng isang malupit na ekspresyon.Ang kanyang mga dose ay lumampas na sa inirerekomendang dami. Sa kasamaang palad, wala na siy
"Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito
Pak!Sa isang iglap lamang, isang nakakatakot na alon ang kumalat. Mga bitak na kahawig ng mga sapot ng gagamba ang nabuo sa pagitan nina Alani at Harvey.Tumuloy si Harvey nang walang kahit isang tunog.Si Alani, sa kabilang banda, ay nagpagulong-gulong sa hangin ng ilang beses bago natumba sa lupa. Masaya siya nang tumayo muli, tila walang sugat.Nagtinginan ang mga Islanders bago sila sumigaw nang malakas. Sa kanilang mga mata, nagawa ni Alani na manatiling buo matapos magturok ng gamot. Ibig sabihin nito ay nagtagumpay ang kanilang eksperimento!Sa tulong ng gamot, makakalikha ang Island Nations ng isang di-mapipigilang hukbo!Magagawa nilang bumuo ng isang napakalaking alyansa ng Far East!Maaari nilang sakupin ang mundo! Hindi na ito magiging pangarap para sa kanila!“Magpanggap ka pa, Harvey!” sabi ni Alani."Iyon ang Ashura’s Palm ng Abito Way! Sinumang tamaan nito ay magkakaroon ng pagkasira ng kanilang mga internal na organ bago mamatay!"Okay ka lang ngayon dahil sa
Hindi man lang pinansin ni Harvey si Wanda, na nanatiling nakapako sa kanyang pwesto."Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod nito. Ikaw talaga ang gumagawa ng gulo ngayon, Alani."Pinapapunta mo ang mga makapangyarihang Indiano laban sa akin pagkatapos marinig ang aking pangalan... Pero bukod sa pagpapadala sa kanila sa kamatayan nila, ano sa tingin mo ang nakamit mo dito?“Atakihin mo ako kung talagang kaya mo."Hinahayaan mo si Wanda at ang iba pa na makipaglaban sa’kin para lang mapabagsak ko sila, di ba?"Kasapi ka din ng Evermore! Sa Evermore, bawat isa sa inyo ay magkakumpitensya."Basta't mapabagsak mo ang mga nangungunang talento ng mas batang henerasyon sa Far East... Magiging pinuno ka ng teritoryo ng Evermore sa Far East!"Hinala ko na binigyan ka rin ng permiso ng pamilyang maharlika para gawin ito! Marahil ang Island Nations ay sinusubukang makuha ang kabuuan ng Evermore mismo..."Kung ganoon, malamang na sobrang lungkot ng Evermore. Kailangan nitong magtrabaho
”Hayy…”Isang nakakakilabot na boses ang narinig.Isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na damit ng India ang biglang lumabas mula sa karamihan. Naka-suot siya ng scarf sa mukha na bahagyang nagpapakita ng kanyang balat. May malinaw na tanaw sa kanyang baywang, at may nakadikit na Cat’s Eye Stone sa kanyang pusod.Naglalabas siya ng nakakapreskong amoy habang siya'y lumalabas. Amoy siya ng malamig na simoy ng hangin sa dalampasigan, na nahuhumaling ang lahat sa kanya.Hawak niya ang isang scimitar na puno ng alahas. Sa kabila ng kanyang mahinahong asal, ang kanyang ekspresyon ay matindi. Sa madaling salita, ang babae ay isang rosas na natatakpan ng mga tinik.“At sino ka naman?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa babaeng Indiyano.Ngumiti ang babae; ang kanyang mga mata ay kayang bumihag ng puso.Ako si Wanda Garcia mula sa India.Nandito ako para matutunan ang inyong paraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, handa akong ipagkaloob sa iyo ang anumang kahilingan kung susuko ka at p
Walang ginawang espesyal si Harvey.Ito ay isang malinis at simpleng atake. Nakikita ng lahat na pinupuntirya niya mismo ang ulo ni Shinsuke.Maraming mga Islander ang nagpakita ng paghamak, iniisip na nagmamayabang si Harvey at talagang hindi kahanga-hanga.Gayunpaman, tanging si Shinsuke lamang ang nakakita sa tunay na kapangyarihan ni Harvey.Ang kanyang atake ay simple, ngunit ang bilis lamang nito ay sapat na upang takutin ang sinuman. Ang ulo ni Shinsuke ay mabibiyak sa gitna kapag tinamaan siya nito!Nang maisip niya ito, biglang siyang nanginig. Agad niyang inipon ang kanyang lakas at winasiwas ang kanyang espada, sinubukan niyang harangin ang atake ni Harvey.Clang!Agad na nabali ang custom-made na espada ni Shinsuke. Malinaw na ang lakas ng atake ni Harvey ay higit pa sa inaasahan ni Shinsuke.Swoosh!Huminto si Harvey sa kanyang pag-atake nang malapit na ang espada sa ulo ni Shinsuke."Kulang pa ang lakas mo. Ni hindi mo kayang saluhin ang isang atake.”Nanigas si