Isang malakas na kalabog ang sumunod nilang narinig. Tumalsik si Timothy at bumagsak sa isa sa mga kotseng nakaparada sa malapit. Nabasag ang ilaw ng kotse nang bumangga ang katawan niya sa kotse. Tumulo ang dugo mula sa noo ni Timothy. Nalaglag sa lapag ang sigarilyo na hawak niya. Hissssss!Hindi pa natatapos doon si Harvey. Dinampot niya ang sigarilyo mula sa lapag, pagkatapos ay diniin ito sa dumudugong noo ni Timothy. “Aaaaaaaargh!”Sumigaw sa sakit si Timothy na parang isang kinakatay na baboy. Napakainit ng sigarilyo, siguro ay mga nasa two hundred degrees ang init nito. Kung hindi sumigaw si Timothy, hindi siya tao. Pumisag ang buong katawan ni Timothy sa sakit. Napatingala siya at sinubukang lumayo mula sa mapulang dulo ng sigarilyo. Ngunit sa sandaling tinaas niya ang ulo niya, sinaksak ni Harvey ang sigarilyo sa bibig niya. Mas lumakas ang mga sigaw ni Timothy. Hindi makakilos ang lahat sa gulat. Natulala ang lahat. Hindi inasahan ng lahat na may tapang
Hindi prinsipe o master si Timothy, pero masyadong mabait ang kapatid niya at palagi siyang kinukunsinti. Iyon ang dahilan kung bakit may tapang siya na gamitin ang pangalan ni Benjamin at ipangalandakan ang awtoridad niya kahit saan niya gusto. Gusto pa niyang gawing sa kanya si Yona. Kapag may mga taga-labas na magtatangkang magyabang sa Mordu, hindi maaawa si Timothy sa kanila at dudurugin ang bawat isa sa kanila. Kamakailan lang, ilang mga aroganteng young master mula sa mayayamang pamilya sa Wolsing ang gustong labanan si Timothy para sa isang babae. Ngunit lahat sila ay napahiya at natalo. Sino ba si Timothy? Sino ba ang kailangan niyang katakutan?! Gayon pa man, sinipa siya ng isang probinsyano ay binugbog siya. Nanggagalaiti si Timothy sa galit. Maraming binugbog ang probinsyanong ito nang wala man lang pakialam sa masamang kahihinatnan nito. Hindi lang iyon, arogante niyang dinagdag na pwedeng tawagan ni Timothy ang kahit na sino sa mga sumusuporta sa kanya.
"Kahihinatnan?!" Tumawa si Harvey. Hindi siya nababahala. "Hindi ba ang kahihinatnan lang naman nito ay ang sipain at sampalin ka?" "G*go ka! Ang yabang mo pa rin kahit sa puntong ito?!" "Babalaan kita ngayon din! Inimbitahan ko pa rito si Young Master Aiden Bauer ng Longmen! Tignan natin kung ganyan ka pa rin umasta pagdating niya!"Nagwawala si Timothy. Hindi niya makayanan ang katotohanan na may isang probinsyano na nagtangkang kumalaban sa kanya nang ganito katindi. Ngumiti si Harvey. "Ganun ba?" "Sa kasamaang palad, madidismaya ka ni Aiden." Boom!Habang nag-uusap pa silang dalawa, isang hilera ng kulay madilim na berdeng Toyota Land Cruiser ang umandar nang may hindi nagbabagong bilis. Nakakagulat ang eksenang ito sa lahat ng naroon. Umandar nang mabilis ang mga Land Cruiser papunta sa gitna ng kalsada at huminto sa harapan mismo ni Timothy. Sumunod ang tunog ng mga pinto ng kotse na sinipa para mabuksan. Labing-walong mababangis na lalaking naka-suit ang lu
Namumuhing tinignan si Harvey ng mga taong hindi alam ang buong kwento. Puno ng pagkamuhi ang tingin ng mga babae kay Harvey, sobra nila siyang kinaaayawan. Para sa kanila, hindi alam ni Harvey ang hangganan niya. "Ikaw, g*go ka! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, si Aiden Bauer? Hindi mo ba alam na…" Napuno ng galit si Aiden at galit na humakbang paharap para tignan nang malapitan si Harvey. Sa sumunod na sandali ay nagkatitigan silang dalawa. Sobrang natakot ang napakaaroganteng si Aiden Bauer sa sandaling matignan niya nang maigi ang mukha ni Harvey. Nagulantang siya. Sandaling nagblangko ang isipan niya. Hindi niya inakala na ang bago niyang boss ang taga-labas na tinutukoy nila. “Sir…York…”Nanlambot ang katawan ni Aiden kasabay ng dalawa niyang paa na para bang gusto nitong lumuhod. Pero dahil nakasemento ang kabila niyang binti, hindi niya ito magawa. Kung hindi dahil sa cast, kanina pa siya nasa lapag. "Young Master Bauer! Siya yun! Si Harvey York!' Lu
Boom!Nanood lang sina Timothy at ang lahat ng taong naroon, nagwawala ang mga isipan nila. Sa salita lamang ni Harvey, ang young master ng Bauer family – ang lalaking nireserba ang posisyon bilang deputy branch leader ng Longmen sa Mordu at ang executive CEO ng Kaizen Group – ay napaluhod. Ayos lang kung iyon lang ang ginawa niya… Pero tumahol pa siya sa harapan ng lahat na parang isang asong kalye! Natulala ang lahat ng tao roon. Hindi sila mahimasmasan. "Lumuhod ka nang naka-diretso ang likod mo." Nag-utos si Harvey nang walang pakialam. "Aw!" Marespetong tumango si Aiden at itinuwid ang likod niya, pagkatapos ay inilapit ang mukha niya kay Harvey. Pak!Sinampal ni Harvey ang bibig ni Aiden na nagpaikot sa paningin ni Aiden. "Hindi mo lang hindi sinunod ang inutos ko sa'yo noon, tinutulungan mo pa si Timothy na maghiganti?" Hindi nagtangka si Aiden na ipaliwanag ang sarili niya. Pak! Sinampal ni Harvey si Aiden. "Sa tingin mo hinayaan kitang mabuhay pa
Pak! “Sinong angbigay sa’yo ng lakas ng loob na apihin si Sir York?!” Pak! “Sinong nagbigay sa’yo ng tapang na hamunin siya?!” Pak! “Sinong nagbigay sa’yo ng kapal ng mukhang mang-api ng ibang tao?!” Walang-awang sinampal ni Aiden ang mukha ni Timothy. Nagsimulang dumugo ang mga sugat ni Timothy. Bugbog na bugbog ang buong mukha niya. Tinakpan ni Timothy ang kanyang sugatang pisngi at naiinis na bumulong, “Young Master Bauer, bakit mo ako sinasaktan?!”“Dapat tinutulungan mo akong patayin si Harvey!” “Dapat tinutumba mo ang lalaking ‘yan!” Nanggigil si Timothy. Ayaw niya itong gawin. Hindi niya alam kung bakit ang isang kilalang mayamang babaero ay luluhod sa harapan ni Harvey at tatahol na parang isang aso. Kahit na medyo mayaman si Harvey, walang dahilan para kay Aiden na sampalin si Timothy upang makuha ang loob ni Harvey.Inutusan pa si Timothy na lumuhod at humingi ng tawad kay Harvey! Hindi natatakot si Timothy sa mga taong kinatatakutan ni Aiden. Kahit an
May villa si Kelly sa gitna ng Mordu. Kahit sira-sira na ang villa, maganda ang lokasyon nito. May mga bakuran sa harap at likod ng villa, at mayroon ring paradahan. Milyun-milyong dolyar ang ginastos ni Kelly para sa villa na ito. Sapat na ito bilang patunay na medyo asensado si Kelly, at handa siyang gumastos nang malaki paminsan-minsan. “Nandito ka Harvey?” Nang pindutin ni Harvey ang doorbell, lumitaw si Kelly nang nakangiti at hinatid si Harvey sa sala. “Seryoso, bakit masyado kang magalang sa akin? Nagdala ka pa ng regalo!” Habang nagsasalita, walang-bahalang inilapag ni Kelly ang kahon sa lamesa. Nginitian niya nang maamo si Harvey. “June, Hazel. Dahil nandito na si Harvey, magluto kayo ng putahe para sa kanya.” Si June, na mukhang abala, ay dumaan kay Harvey kasama ni Hazel. Sinulyapan ni si Harvey na naglalaro sa kanyang phone sa sofa. Nang tingnan nila ito, naging mapanghamak ang titig nila.Pagkatapos ay tumingin sila sa lumang kahong dala ni Harvey, at ngum
“Livestreaming?” tanong ni Harvey.“Hmph. Probinsyano.” Ngumuso si Hazel at hinablot ang phone ni Harvey mula sa kamay nito, nag-download ng isang application na tinatawag na Durin, at hinanap ang isang channel. “Kita mo ‘to? Ito ang livestreaming. Ang Kaizen Group ng Mordu ang gumawa ng platform na ito. Durin ang tawag sa app na ito. Ito ang channel ko, pwede mong tingnan.” Pagkatapos ay bumalik si Hazel sa kanyang kwarto upang magpatuloy sa pag-livestream.Nahimasmasan si Harvey nang mabanggit ang Kaizen Group. Ang Kaizen Group ay isang kompanyang nasa ilalim na ng pangalan ni Harvey. Nasa limampung porsyento na ng share ng kompanya ang pagmamay-ari niya. Ngunit wala siyang oras na malaman kung paano tumatakbo ang kompanya. Hindi niya inaasahang bahagi ng negosyo ng kompanya ang livestreaming. Pinag-isipan ito ni Harvey, at nagpadala ng mensahe kay Rachel. Hindi nagtagal, suamgot ito gamit ng isang username at password. Pagkatapos mag-log in sa Durin, natuklasan ni H