Tumango si Harvey, pagkatapos ay lumingon at umalis ng walang sinasabi. Nang makita niya itong paalis, mabilis siyang sinundan ni Yona. Pinagmasdan siya ni Timothy ng may galit na ekspresyon. May nararamdaman siya para kay Yona na hindi niya masabi. Hindi niya hahayaan na may makalapit na ibang lalake kay Yona, lalo na si Harvey… …Sa labas ng Lynch Residence, tumawag ng taksi si Harvey at lilisanin na sana ang lugar. Mabilis na tumakbo si Yona at tahimik na humingi ng tawad. “Patawad, Sir York. Ang aking ninong ay nabubulagan lang ng kanyang mga alalahanin. Hindi din ako naniniwala kay Master Ziegler, pero…” “Isa pang bagay…”Umiling si Harvey para pigilan si Yona na humingi ng tawad. “May talento man si Master Ziegler, ngunit ang mga inkantasyon ay gawa ng tao. Hindi ko alam kung bakit may taong gagawa nito, ngunit kung sino man ang salarin, matagal na niya itong balak gawin. Ang duda ko a hindi lang ang ninang mo ang habol nila.” “Ang salarin ay malamang balak
Mahinahon na tiningnan ni Harvey si Timothy, at hindi man lang natakot. “Hindi kita nilalabanan para sa isang babae.”Pinakitaan ni Timothy si Harvey ng isang mayabang na ngiti dahil sa mga sinabi nito. Akala niya ay ang mga sinabi ni Harvey ay tanda ng pagsuko nito, at si Harvey nasa ilalim na ng kanyang kontrol. Ngunit bago pa man siya makasagot, nagpatuloy si Harvey. “Wala kang karapatan na labanan ako, at hindi ka din karapatdapat. “Hindi ako karapatdapat?!” Naningas si Timothy, dahil sa pagkabigla. Sa sumunod na segundo, humagalpak siya sa kakatawa. “Harvey York, sa tingin mo ba ay isa kang bigatin na tao?” “Sa tingin mo ba ay dahil sa naloko mo ang aking brother-in-law na magustuhan ka ay magkakaroon ka na ng awtoridad dito? Sa tingin mo ba ay pwede mo na akong maliitin dahil dito?” “Oo, gusto ka ng aking brother-in-law. Hinayaan ka pa nga niya na alagaan ni Yona. ngunit talaga bang iniisip mo na meron kang halaga sa kanyang mga mata pagkatapos ng insidente kanina?
Isang malakas na kalabog ang sumunod nilang narinig. Tumalsik si Timothy at bumagsak sa isa sa mga kotseng nakaparada sa malapit. Nabasag ang ilaw ng kotse nang bumangga ang katawan niya sa kotse. Tumulo ang dugo mula sa noo ni Timothy. Nalaglag sa lapag ang sigarilyo na hawak niya. Hissssss!Hindi pa natatapos doon si Harvey. Dinampot niya ang sigarilyo mula sa lapag, pagkatapos ay diniin ito sa dumudugong noo ni Timothy. “Aaaaaaaargh!”Sumigaw sa sakit si Timothy na parang isang kinakatay na baboy. Napakainit ng sigarilyo, siguro ay mga nasa two hundred degrees ang init nito. Kung hindi sumigaw si Timothy, hindi siya tao. Pumisag ang buong katawan ni Timothy sa sakit. Napatingala siya at sinubukang lumayo mula sa mapulang dulo ng sigarilyo. Ngunit sa sandaling tinaas niya ang ulo niya, sinaksak ni Harvey ang sigarilyo sa bibig niya. Mas lumakas ang mga sigaw ni Timothy. Hindi makakilos ang lahat sa gulat. Natulala ang lahat. Hindi inasahan ng lahat na may tapang
Hindi prinsipe o master si Timothy, pero masyadong mabait ang kapatid niya at palagi siyang kinukunsinti. Iyon ang dahilan kung bakit may tapang siya na gamitin ang pangalan ni Benjamin at ipangalandakan ang awtoridad niya kahit saan niya gusto. Gusto pa niyang gawing sa kanya si Yona. Kapag may mga taga-labas na magtatangkang magyabang sa Mordu, hindi maaawa si Timothy sa kanila at dudurugin ang bawat isa sa kanila. Kamakailan lang, ilang mga aroganteng young master mula sa mayayamang pamilya sa Wolsing ang gustong labanan si Timothy para sa isang babae. Ngunit lahat sila ay napahiya at natalo. Sino ba si Timothy? Sino ba ang kailangan niyang katakutan?! Gayon pa man, sinipa siya ng isang probinsyano ay binugbog siya. Nanggagalaiti si Timothy sa galit. Maraming binugbog ang probinsyanong ito nang wala man lang pakialam sa masamang kahihinatnan nito. Hindi lang iyon, arogante niyang dinagdag na pwedeng tawagan ni Timothy ang kahit na sino sa mga sumusuporta sa kanya.
"Kahihinatnan?!" Tumawa si Harvey. Hindi siya nababahala. "Hindi ba ang kahihinatnan lang naman nito ay ang sipain at sampalin ka?" "G*go ka! Ang yabang mo pa rin kahit sa puntong ito?!" "Babalaan kita ngayon din! Inimbitahan ko pa rito si Young Master Aiden Bauer ng Longmen! Tignan natin kung ganyan ka pa rin umasta pagdating niya!"Nagwawala si Timothy. Hindi niya makayanan ang katotohanan na may isang probinsyano na nagtangkang kumalaban sa kanya nang ganito katindi. Ngumiti si Harvey. "Ganun ba?" "Sa kasamaang palad, madidismaya ka ni Aiden." Boom!Habang nag-uusap pa silang dalawa, isang hilera ng kulay madilim na berdeng Toyota Land Cruiser ang umandar nang may hindi nagbabagong bilis. Nakakagulat ang eksenang ito sa lahat ng naroon. Umandar nang mabilis ang mga Land Cruiser papunta sa gitna ng kalsada at huminto sa harapan mismo ni Timothy. Sumunod ang tunog ng mga pinto ng kotse na sinipa para mabuksan. Labing-walong mababangis na lalaking naka-suit ang lu
Namumuhing tinignan si Harvey ng mga taong hindi alam ang buong kwento. Puno ng pagkamuhi ang tingin ng mga babae kay Harvey, sobra nila siyang kinaaayawan. Para sa kanila, hindi alam ni Harvey ang hangganan niya. "Ikaw, g*go ka! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, si Aiden Bauer? Hindi mo ba alam na…" Napuno ng galit si Aiden at galit na humakbang paharap para tignan nang malapitan si Harvey. Sa sumunod na sandali ay nagkatitigan silang dalawa. Sobrang natakot ang napakaaroganteng si Aiden Bauer sa sandaling matignan niya nang maigi ang mukha ni Harvey. Nagulantang siya. Sandaling nagblangko ang isipan niya. Hindi niya inakala na ang bago niyang boss ang taga-labas na tinutukoy nila. “Sir…York…”Nanlambot ang katawan ni Aiden kasabay ng dalawa niyang paa na para bang gusto nitong lumuhod. Pero dahil nakasemento ang kabila niyang binti, hindi niya ito magawa. Kung hindi dahil sa cast, kanina pa siya nasa lapag. "Young Master Bauer! Siya yun! Si Harvey York!' Lu
Boom!Nanood lang sina Timothy at ang lahat ng taong naroon, nagwawala ang mga isipan nila. Sa salita lamang ni Harvey, ang young master ng Bauer family – ang lalaking nireserba ang posisyon bilang deputy branch leader ng Longmen sa Mordu at ang executive CEO ng Kaizen Group – ay napaluhod. Ayos lang kung iyon lang ang ginawa niya… Pero tumahol pa siya sa harapan ng lahat na parang isang asong kalye! Natulala ang lahat ng tao roon. Hindi sila mahimasmasan. "Lumuhod ka nang naka-diretso ang likod mo." Nag-utos si Harvey nang walang pakialam. "Aw!" Marespetong tumango si Aiden at itinuwid ang likod niya, pagkatapos ay inilapit ang mukha niya kay Harvey. Pak!Sinampal ni Harvey ang bibig ni Aiden na nagpaikot sa paningin ni Aiden. "Hindi mo lang hindi sinunod ang inutos ko sa'yo noon, tinutulungan mo pa si Timothy na maghiganti?" Hindi nagtangka si Aiden na ipaliwanag ang sarili niya. Pak! Sinampal ni Harvey si Aiden. "Sa tingin mo hinayaan kitang mabuhay pa
Pak! “Sinong angbigay sa’yo ng lakas ng loob na apihin si Sir York?!” Pak! “Sinong nagbigay sa’yo ng tapang na hamunin siya?!” Pak! “Sinong nagbigay sa’yo ng kapal ng mukhang mang-api ng ibang tao?!” Walang-awang sinampal ni Aiden ang mukha ni Timothy. Nagsimulang dumugo ang mga sugat ni Timothy. Bugbog na bugbog ang buong mukha niya. Tinakpan ni Timothy ang kanyang sugatang pisngi at naiinis na bumulong, “Young Master Bauer, bakit mo ako sinasaktan?!”“Dapat tinutulungan mo akong patayin si Harvey!” “Dapat tinutumba mo ang lalaking ‘yan!” Nanggigil si Timothy. Ayaw niya itong gawin. Hindi niya alam kung bakit ang isang kilalang mayamang babaero ay luluhod sa harapan ni Harvey at tatahol na parang isang aso. Kahit na medyo mayaman si Harvey, walang dahilan para kay Aiden na sampalin si Timothy upang makuha ang loob ni Harvey.Inutusan pa si Timothy na lumuhod at humingi ng tawad kay Harvey! Hindi natatakot si Timothy sa mga taong kinatatakutan ni Aiden. Kahit an