“Umalis?”Mahinahon na tumawa si Harvey.“Kapag umalis ako, sino ang babatiin niyo? Sino ang sasalubungin niyo?”Sandaling natiglan si Brock, at pagkatapos ay sumabog sa sobrang galit. “Harvey York! Talaga bang isa kang tanga!” “Nagpa-practice kami kung paano magalang na bumati kapag dumating na ang bagong may-ari!” “Sa tingin mo ba ay isa ka nang malaking tao matapos kang mabigyang galang ng isang beses?” Tumawa si Stacy. “Pumunta ka na lang sa ibang lugar kung gusto mong magpatawa, Harvey.” “Alam namin ang pagkatao at nakaraan mo!”“Hindi lang mga biro ang mga sinasabi mo, nakakabaliw pa ang mga ito! Ang kapal mo!” Hindi na makapagpigil pa si Brock. Mabilis niyang tinawag ang mga security guards pagkatapos. “Kaladkarin niyo siya palabas dito. Huwag niyong kakalimutan na baliin ang mga binti niya kapag nasa labas na siya. Tignan natin ang kung maglalakas-loob pa siya na magyabang sa hinaharap!” Hindi na kayang ni Brock na magtimpi pa para makipagpalitan ng wala
“Ah!”Ang lahat ay napasinghap ng hangin. Ang ilan sa mga magandang nakakataas ay tinakpan ang kanilang mga bibig, at sinusubukan na pigilan na gumawa ng ingay. Alam ng lahat kung bakit nandoon sila Yvonne at Ray. Ang dalawang ito ay hindi gagawing biro ang ganitong bagay!Ang live-in son-in-law na nakasuot lang ng sportswear ay ang maalamat nga na lalake! ‘Prince York?!’Ang ekspresyon ni Brock ay mas lalo naging malala kaysa sa kanina kung napilitan ito na lumunok ng ampalaya. Nagdilim ang kanyang mukha. “Ano…”“Siya…siya…siya…” “Siya si Prince York?!”Napuno ng gulat ang mga tingin nila Stacy at Rae, na para bang tinamaan sila ng kidlat sa katirikan ng araw. Silang dalawa ay naging mga social butterflies para makahanap ng makapangyarihan na mga lalake. Ngunit nasalisihan sila ni Prince York, ang lalake na mas nakakaangat sa iba, kahit na nakatayo ito sa harapan nila!Malapit nang sumuka ng dugo sila Stacy at Rae. ‘Ipangalandakan mo naman ang pera mo kung me
Walang pakialam si Harvey tungkol sa kanila. Sinenyasan niya sila na manahimik, at pagkatapos ay mahinahon na sinabi, “Si Steve ay pupunta dito mamaya para asikasuhin ang proseso ng paglilipat.” “Bago iyon, may sasabihin muna ako.” “Una: ang lahat ng ari-arian ng business department na nasa South Light ay ili-liquedate para ipamigay sa charity sa ilalim ng pangalan ng Sky Corporation. Simula sa araw na ito, ang perang kikitain nito ay gagamitin lahat para sa charity.” “Pangalawa: kung sinoman sa mga nakakataas at mga kawani ang gustong manatili, tataasan ko ng tatlumpung porsyento ang kanilang mga sahod.” “Ngunit magiging pranka ako. Kung gusto niyong magtrabaho para sa Sky Corporation, pwes huwag niyo nang ipagpatuloy ang mga masamang niyong ugali. Kapag maynagpakita pa ng mapagmataas niyong ugali ng Country J, pwes pasensyahan tayo, pero tanggal na kayo sa kumpanya.” Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Harvey. May mga benepisyo, ngunit may mga babala din. Nung una p
“Balian kao ng mga binti?! Talagang mangangahas ka na balian ako ng binti?!” Nautal si Brock, ang kanyang mukha ay may masaklap na ekspresyon. “Bastardo ka! Niligtas kita kagabi, ngunit susuklian mo ako sa pamamagitan ng pagsaksak sa likod ko?!”“Hindi mo lang ako tinanggal sa trabaho, gusto mo pa akong balian ng binti?!”“Maghintay ka lang! Hindi ko to palalampasin ng ganito kadali!” “Meron akong mga koneksyon sa gobyerno at mga gangster! Mararanasan mo din ang dadanasin ko!” “Maghintay ka lang!” Galit na galit na sumigaw si Brock, dahil sa pag-aakala niya na mas nakakaangat siya. Handa na siyang ireklamo ang tungkol sa sitwasyon na ito sa kinatawan ng Star Chaebol na si Peter, at ipapatay ng tuluyan si Harvey! Ng biglaan, may mga ilang puting Land Rover ang pumarada sa may entrance ng gusali. Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, si Avel Naiswell, na may bendahe sa kanyang ulo, ang mabilis na lumabas. Napasinghap sila Stacy at Rae mula sa mga tao ng makita nila
Pagkatapos sipain si Brock, sumugod si Avel papunta kay Harvey at lumuhod. "CEO York, hindi ko alam katotohanan na naroon ka at nagalit kita!" "Sana'y maging mas mabuting tao ka at patawarin mo ako!"'Patawarin?!' Nanahimik ang mga tao. Lalo na sina sina Stacy at Rae na talagang hindi makapaniwala. Nagpunta rito si Avel, isang mob boss, para humingi ng tawad kay Harvey? Patunay ito kung gaano talaga kalakas si Harvey! Nandito rin si Avel para tapat na humingi ng tawad. Nang makauwi siya kagabi nang nagmamatigas pa rin, may binanggit lang sa kanya si Shane na isang pangalan. Prince York.Hindi na kailangan ni Shane na magsalita pa ng kahit na ano. Basang-basa na ng pawis si Avel sa sandaling marinig niya ang pangalang iyon. Kahit na isa siyang gangster, alam niya kung gaano kalakas ang lalaking iyon. Hindi na kailangang magbanggit pa ng kahit na ano. Sapat na ang kaalaman na si Tyson Woods, ang bagong hari ng kalye, ay nagtatrabaho sa ilalim ni Prince York para itu
Tumakbo papasok ang isang lalaking nakasuot ng matingkad na damit habang pinoprotektahan ng ilang mga pribadong bodyguard. Siya ay walang iba kundi ang talentado at tinaguriang henyo ng Country J, si Steve Lee. “Master Lee! Master Lee!”Halos mapatalon si Brock na nasa lapag pa rin pagkatapos niya siyang makita. "Nandito ka na sa wakas, Master Lee!" "Bigyan mo ko ng hustisya!" "Simula kanina pang umaga gumagawa ng gulo rito ang son-in-law na to. May sinasabi siya na ipapasa mo raw ang lahat ng assets ng business department ng South Light sa kanya!" "Kailangan mong sabihin sa'kin! Nagsisinungaling lang siya, tama?!" "Napakalakas ng Star Chaebol! Hindi tayo matatakot sa isang mamamayan ng Country H!" "Dali, Master Lee! Durugin mo ang live-in son-in-law na to! Baliin mo ang mga binti niya!" Galit na sigaw ni Brock habang tinuro niya si Harvey nang may bakas ng kayabangan sa kanyang mukha. Hindi pa rin niya matanggap ang tungkol sa lakas at katayuan ni Harvey. Umaasa
Kumibot ang mga mata ni Steve. Namutla ang kanyang mukha. Ngunit habang walang inuutos si Harvey, hindi siya magtatangkang magsalita ng kahit na ano. Pagkatapos niyang lumuhod sa gabing iyon, nawalan na siya ng buto. Wala na siyang tapang na kalabanin si Harvey. Wala man lang siyang tapang na tawagan si Peter nitong mga nakaraang araw. Ang tanging nagawa niya lang ay ang ihanda ang bawat isang prosesong kailangan para ipasa ang assets sa lalong madaling panahon. "Tama na. Hangga't hindi ko siya bibigyan ng pahintulot, hindi siya magsasalita. "Sa umpisa, ginamit mo ang kontrata para lokohin ang asawa ko na uminom. Patuloy niyo siyang pinilit na uminom nang paulit-ulit. Alam mismo ng lahat kung anong ginagawa mo." "Ngayong araw, patuloy mo akong pinapahiya nang walang dahilan nang paulit-ulit. Gusto na lang kitang tanggalin para mabawasan ang problema namin." "Pero bakit gustong-gusto mo na maging nakakainis?" "Steve, ganito ba talaga kamangmang ang mga tao sa Country J?
Kumuha ng isang antigong kahoy na kahon si Avel mula sa mga kamay ng isa sa mga kasamahan niya at binuksan ito sa harapan ni Harvey. Isang kulay dugong hiyas ang nasa loob ng kahon. Ang hiyas na iyon ay may kulay na matingkad na pula, ngunit mayroong itim na linya mula sa loob ng hiyas. Napakaganda nitong tignan. "CEO York, ito ang maalamat na Gem of the General. Sinasabi na nakalibing ang mga sinaunang heneral kasama ng magandang hiyas na ito." "Narinig ko mula sa matanda na magaling ka sa pagkilatis ng mga antigo, kaya dinala ko ang regalong ito para sa'yo. Ituring mo sana itong maliit na regalo mula sa akin." Hindi kinuha ni Harvey ang hiyas, pero matagal niya itong tinignan. "Magkano ang ginastos mo para rito?" Ngumiti si Avel at sumagot, "Hindi gaanong malaki. 1.5 million lang ang halaga nito. Barya lang yun." “1.5 million?”Kalmadong ngumiti si Harvey. "Maraming salamat at alam kong isa kang mob boss na walang koneksyon sa tunay na negosyo ng mga Naiswell." "Ku