Kumuha ng isang antigong kahoy na kahon si Avel mula sa mga kamay ng isa sa mga kasamahan niya at binuksan ito sa harapan ni Harvey. Isang kulay dugong hiyas ang nasa loob ng kahon. Ang hiyas na iyon ay may kulay na matingkad na pula, ngunit mayroong itim na linya mula sa loob ng hiyas. Napakaganda nitong tignan. "CEO York, ito ang maalamat na Gem of the General. Sinasabi na nakalibing ang mga sinaunang heneral kasama ng magandang hiyas na ito." "Narinig ko mula sa matanda na magaling ka sa pagkilatis ng mga antigo, kaya dinala ko ang regalong ito para sa'yo. Ituring mo sana itong maliit na regalo mula sa akin." Hindi kinuha ni Harvey ang hiyas, pero matagal niya itong tinignan. "Magkano ang ginastos mo para rito?" Ngumiti si Avel at sumagot, "Hindi gaanong malaki. 1.5 million lang ang halaga nito. Barya lang yun." “1.5 million?”Kalmadong ngumiti si Harvey. "Maraming salamat at alam kong isa kang mob boss na walang koneksyon sa tunay na negosyo ng mga Naiswell." "Ku
Lumitaw sina Harvey at Avel sa Antique City alas diyes nang umaga. Nagpunta si Harvey para sumali sa saya at makita kung sino ba talaga ang may-ari ng Flynn's Antiques, at paano sila nagkaroon ng tapang na puntiryahin siya. Kung lumabas na ang Flynn's Antiques ay isang negosyong pagmamay-ari ng mga Leo mula sa Hong Kong, malililinawan na si Harvey. Hindi pa siya nakakakilala ng kahit na sino mula sa Flynn family kaya hindi niya maintindihan kung bakit sila gagawa ng ganitong bagay. Hindi nagtagal, ilang tao ang nagtipon sa pintuan ng Flynn's Antiques. Sinipa ng gangster na nasa unahan ang pinto. Nagmartsa papasok ang mga tao niya at lahat sila ay mayroong nakakatakot na dating. Sobrang natakot ang mga mamimili sa loob. Kaagad silang umatras nang ilang hakbang para magbigay ng daan. "Sino kayo? Anong binabalak niyong gawin?" Ang clerk at ang mga gwardya na nation ay para bang humaharap sa isang delikadong kalaban. Naglabas ng mga electric baton ang ilang mga gwardya para
Kung hindi napansin ni Harvey na may problema ang hiyas, malala sana ang mangyayari. Bakit magpapanggap si Darren na wala siyang alam? Mga gangster silang lahat, kahit anong mangyari. Walang dahilan para magpanggap. Isang high-tech extract sa loob ng isang mamahaling blood gem? Kapag lumabas na hindi ito kagagawan ng Flynn family, handa na si Avel na pugutan ang kanyang sarili! Tinitigan nang masama ni Avel si Dareen. “Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, Darren. Aminin mo ang ginawa mo, at bubuhayin kita.” “Kapag hinintay mo akong ilabas ang katotohanan para sa’yo, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataong magbukas pa. Maghintay ka na lang ng maglilibing sa’yo!” Nagkaroon ng takot sa mukha ni Darren, ngunit mabilis siyang mag-isip. Tumawa siya nang bahagya. “Hindi ko talaga alam kung anong nagawa kong mali. Pakiusap sabihin mo sa akin!” Natural, may ilang bagay na hindi basta maaamin ni Darren. Ngumiti si Avel at hinawi ang kanyang kamay. Isa sa mga tauhan niya ang n
Wala lang ang mga peke sa antique industry. Dahil lahat ay nagtatrabaho sa iisang industriya, kahit maloko sila, hahayaan lang nila ito. Ang mawalan ng pera sa trabahong ito ay nangangahulugan lang na hindi pa masyadong magaling ang tao. Walang ibang pwedeng sisihin. Ngunit ang magtago ng isang radioactive substance upang manakit ng iba ay katumbas ng pag-alis ng sarili mo sa industriya. Kumirot ang mata ni Darren. Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa mukha niya, ang puti parang isang white gem. “Master Naiswell, siguro pagkakamali lang ito! Ako ang nagdala nito dito. Sinuri ko pa ito mismo dahil ang ganda ng tekstura nito. Kung may problema dito, siguradong hindi ko ito ibebenta sa’yo…” “Huwag mo akong niloloko!” Kaagad na pinutol ni Avel ang pagsasalita ni Darren. “Matatanda tayo lahat dito. Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Dahil gusto mong patunayan na wala kang masamang intensyon, edi sige. Lunukin mo pala ito nang buo. Hindi lang ako maniniwala sa’yo, luluhod pa a
Nagtaka si Harvey nang mabanggit ang pangalang ito. Kilala si Faye Goddard sa Hong Kong; maging sa buong social circle ng China, sa katotohanan. Sinasabing matindi ang mga ginawa niya. Noong nasa unibersidad pa siya, nakilala niya ang isang mayamang lalaking nasa walompung taong gulang gamit lamang ng isang first-class plane ticket. Pagkatapos ay ikinasal siya sa isang mayamang pamilya bago pa siya nakapagtapos. Ang walompung taong gulang niyang asawa ay pumanaw nang makapagtapos siya, at dahil dito, malaking bahagi ng kayamanan nito ay napasakamay niya. Sa upper social circle ng Hong Kong, ang palayaw ni Faye ay Black Widow. Bukod sa mga pagiging tuso at motibo niya, mukha siyang isang diyosa. Maganda ang buhay niya sa Hong Kong, Las Vegas, at South Light, at ang mukha niya ay madalas ring lumitaw sa mga magasin. Walang nag-akalang may ugnayan siya sa Flynn’s Antiques. Kumunot ang noo ni Harvey nang makita niyang nagbago ang mukha ni Avel. Malaki ang reputasyon ni Faye
Palabirong nginitian ni Faye si Avel. “Sige, didiretsuhin na kita. Narinig mo naman na ang tungkol sa Four Masters of Hong Kong diba?” “Kung hindi pa, siguro naman narinig mo na ang tungkol sa top four families ng Hong Kong, ano?” Mukha nang mapagmataas si Faye. “Ang top four families ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang Four Masters of Hong Kong ay magkakaugnay na parang magkapatid!” “Narinig mo na siguro ang katagang ito noon.” Nagbago nang bahagya ang mukha ng mga nanonood na madla nang marinig ang katagang ito. Ang Hong Kong ay hindi masyadong mababa kumpara sa Buckwood. Isa itong international metropolis na katumbas ng Wolsing at Mordu. Sa Hong Kong, ang top four families ang pinakamataas. Sabi pa nila na kahit may alitan ang mga pamilyang ito, magtutulungan sila kapag ang kahit sino sa kanila ay masangkot sa isang hidwaan. Ang isang top-rated family ay maaaring hindi masyadong nakakatakot. Ngunit kapag nagtulungan ang apat na nangungunang pamilya sa Hong Kong, ma
“Ayon sa sinabi mo, Princess Goddard, sinasabi mong hindi ko mabibigyan ng hustisya ang sarili ko pagkatapos mong subukang patayin si Prince York at ang pamilya ko?” Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Avel. Kung siya lang siguro ang nandito noong araw na iyon, baka sumuko siya. Ngunit ang maalamat na Prince York ay nasa likuran niya. Bakit matatakot si Avel?!Kahit gaano pa kalakas ang Four Masters of Hong Kong, ito ay South Light. Ito ay Buckwood, hindi Hong Kong! Lumapit si Darren nang nakangiti. “Master Naiswell. Habang lalo tayong nag-uusap, lalong lumalabas ang katotohanan!” “Ang lahat ng nandito ay bihasa sa trabahong ito. Dapat maunawaan mo na karaniwan lang ang magkamali ng pagsusuri sa isang gamit!” “Sa pananaw ko, nagkamali ako ng pagsusuri dito, at pati ikaw!” “Ayon sa patakaran, dapat umako ka ng responsibilidad.” Humalukipkip si Darren. Sa suporta ni Faye, wala siyang takot at mapagmataas. Suminghal si Avel, “Tingin mo talaga hindi kita gagalawin dahil ma
Kalmado si Harvey. “Maliit lang namang ako, hindi kailangan malaman kung sino ako.”Tinignan ni Darren si Harvey, tapos patagong kumuha ng litrato ni Harvey gamit ang kanyang phone. Natural, naghanap siya ng tao para kumuha ng impormasyon kay Harvey.Kaagad, ang phone ni Darren ay tumunog. Tinignan niya ng ilangg beses ang kanyang phone bago ito inabot kay Faye.Nagpakita si Faye ng mahalagangg ngiti matapos tignan ang mga laman. “Kung gayon ikaw ay consultant para sa government ng Buckwood.”“Narinig ko na ang mga investment at business engagement forum na inayos mo ay pumalpak. Ano, kasama mo na si Avel ngayon? Mahusay ang buhay mo, kumikita mula sa government at mga gangster!”“Tama, ikaw din ay ang live-in son-in-law ng pamilya Zimmer. Kumikita ka din doon!”Ang tingin ni Faye kay Harvey ay puno ng panlalait.Ang isang babae tulad niya ay madalas humahanga sa mayamang mga lalaki at mga master.Kung kaya, siya ay hindi lilingon sa mga lalaki na umaakyat sa rangko sa babae at