”Ano? Tayo, ang pamilya Yates, ay sobrang mainit ngayon. At gayunpaman, ilang mga tao ay nag resign sa kumpanya sa ilalim ng pamilya Yates?”Hindi makapaniwala si Grandma Yates at iba pa.Ang mga taong iyon ay hindi maintindihan kung gaano kalakas ang pamilya Yates sa susunod?Bakit sila nagresign sa oras na ito?Sila ay siguradong hindi nagpapakita ng respeto sa pamilya Yates!Ang pinaka importante, ang mga nagresign ay ang mga core na tao ng Silver Nimbus Enterprise.Kapag sila ay umalis, ang buong Silver Nimbus Enterprise ay mapupunta sa estado ng suspension.Ng si Grandma Yates ay nakasimangot…Biglaan, ang phone ni Ben Yates ay tumunog muli.“Ano? Ilang mga senior executives ay nagresign? Kahit ikaw, ang personal executive, ay gusto din na magresign? Ang pagtawag na ito ay tanging pagpapakita sa aking ng respeto?”Si Ben ay nagulat.Ng binaba ang tawag, ang phone ay tumunog muli.“Ano? Ang construction team ng Silver nimbus Mountain Resort ay naganunsyo ng withdrawal n
Kaagad, ang mga tao mula sa pamilya Yates ay umalis magkasama at sa wakas nagawang malaman kung ano ang nangyayari.“Ang nangyari ay si Mandy Zimmer ay bulag na naginvest ng maraming pera para pabilisin ang progreso ng Silver Nimbus Mountain Resort project!”“Ngayon na walang pera sa account ng kumpanya. Ang mga executive ay nagresign dahil hindi nila nakuha ang kanilang sweldo sa buwan na ito!”“Ang construction team ay hindi nakuha ang kanilang buwanaang kabayaran. Kaya natural, tumigil din sila sa pagtrabaho!”“Atsaka, ang mga balita sa labas ay kumakalat na ang Silver Nimbus Enterprise ay may utang. Kaya, ang mga bumili ng mga villa ay pumunta at sapilitang humingi ng check-out!”“Para sa bet-on agreement, ito ay talagang totoo. Si Mandy ay pumirma nito kasama ng Sky Corporation sa pangalan ng kumpanya. Masasabi na ito ay kondisyon para sa kanya na maging CEO!”“Sa madaling sabi, ito ay lahat dahil kay Mandy!”“Ang p*tang ito ay talagang niloko ang pamilya Yates!”“Inisip p
Sa wakas, ang maliit at medium na mga shareholder ay nagkasundo na bigyan ang Yates family ng ilang araw para makalikom ng pera pagkatapos matuyuan ng laway ang mga ito. At ang naging resulta, ang Yates family ay kinailangan na magbayad ng malaking halaga ng danyos dahil sa ilang araw lang ang binigay sa kanilang palugit. Ang kabuuang halaga na kailangan nilang bayaran ay pitong milyon at walong daang dolyar. Kahit na namamanhid ang mga ulo ng mga Yates sa mga sandaling iyon, sinang-ayunan nila ang halagang ito para maresolba ang krisis na hinaharap nila ngayon. Nang makaalis na ang mga shareholder, sobrang tahimik ng Yates family. Lahat sila ay tagaktak ang malamig na pawis sa kanilang mga mukha. Sadyang masaklap ang kanilang mga ekspresyon. At nung akala nila na tapos na ang lahat, isang dosenang mga pick-up trucks ang biglang huminto sa labas. Hindi nagtagal, isang grupo ng magaspang tignan na mga gangster ang kaagad na sumugod papasok sa loob. Sila pala ang mga supp
”Humingi ng tawad! At pagkatapos ay bayaran ang utang!” Sinabi ni Leyton Luv habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Paano naman papayag ng ganun si Finn Yates. Lalo na, siya ang third-in-command ng Buckwood Police Station. Nakakahiya para sa kanya kung yuyukod siya at hihingi ng tawad sa mga mababang supplier na ito. Sa mga sandaling iyon, lumapit si Grandma Yates ng may pangit na simangot sa kanyang mukha. “Finn, magiging malaking gulo ito kapag hindi mo nilutas ang mga maliit na problema. Humingi ka na ng tawad ngayon din!” “Ben, kunin mo na ang lahat ng laman ng mga account natin at bayaran mo kaagad ang mga utang!” Ayaw nila Finn at Ben na gawin ang bagay na iyon. Pero kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Grandma Yates sa mga sandaling iyon. WAla na silang iba pang pagpipilian kung hindi ang gawin iyon. Sa wakas, nagngalit ang mga ngipin ni Finn at yumukod para humingi ng tawad sa mga supplier. Si Ben naman sa kabilang banda, ay umalis at naglabas ng ilan
”Ano? Bawat isa sa inyo ay mukhang mas masigla kaysa sa nung huli niyong nakuha ang pera at benepisyo mula sa pamilya! “Ngayon na nasa isang krisis ang Yates family, napipi na kayong lahat?” Galit na galit na hinampas ni Grandma Yates ang kanyang tungkod sa lapag habang nanginginig sa galit. Lalong napayuko ang ulo ng lahat. Wala sa kanila ang makapagsalita at makasagot sa kanya. Dahil sa hindi nila inaasahan ang bagay na ito na mangyayari! “Ngayon magsalita kayo! Anong gagawin natin dito? Paano natin aayusin ang gusot na to?” Nagpatuloy si Grandma Yates sa pagsasalita ng galit. “Grandmother, sa tingin ko ay naloko tayo ng bastardang Mandy Zimmer na iyon!” “Isipin niyo na lang. Tayo ang nagbigay ng punto kay Mandy na ibigay sa atin ang lahat ng kanyang shares kung gusto pa niyang mabuhay si Harvey York!” “Pero ang mga share na ito ay nagkakahalaga ng tatlong daang milyong dolyar! Anong klaseng lalake ang nagkakahalaga ng ganung kalaking halaga?” “At binigay lang niy
Gumagawa na ng plano ang Yates family para mapabalik si Mandy Zimmer at ayusin ang gulong ito. Nagsasaliksik si Mandy kung anong industriya naman ang papasukin at para muling magtayo ng panibagong kumpanya. Lalo na at hinihikayat siya ni Harvey York, na sinasabi na ang merkado ng Buckwood ay malaki at marami pang oportunidad. Bukod doon, si Mandy ay isang babae na hindi mabilis sumuko. Palagi siyang tumatayo kaagad kapag natutumba siya. Sa suporta ni Harvey, lalong lang tumatag ang kanyang isipan na magsimula uli ng panibagong negosyo. Kasalukuyan siyang nasa Gardens Residence at nagsasaliksik para sa kanyang plano, habang naghahanda na maghanap ng isang anghel na mamumuhunan sa kanya. At sa mga sandaling iyon, tinawagan siya ni Grandma Yates. “Bwisit ka Mandy!“Wala naman ginawang masama sa iyo ang Yates family, hindi ba?! “Ang lakas ng loob na gumawa ng hakbang laban sa aming pamilya sa simula pa lang?! “Dapat kang mamatay!“Kinamumuhian kita! Nang pinagbubuntis k
Nagsalita si Grandma Yates ng puno ng kabaitan sa sandaling iyon. Umasta siya na parang isang Diyos at isang Demonyo. Natural lang na alam niyab ang tunay na pagkatao ni Mandy Zimmer. At ang tungkol sa mahabagin nitong puso at matinding pagmamahal sa pamilya. Kayang iwanan ng Yates family ang lahat para sa pera at iba pang benepisyo. Pero hindi ito magagawa ni Mandy. Kapansin-pansin naman ito nang hindi nitong magawang hiwalayan si Harvey York. Kung siya si Phoebe Yates, ang isang asawa na katulad nito ay sisipain lang nito sa lupa. “O, Mandy. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Pag-usapan natin ang lahat kung papayag kang bumalik!“Kung hindi mo iniisip ang sarili mo, kahit paano, isipin mo na lang ang nanay mo!“Ako ang nanay niya!”Napakabait ni Grandma Yates na para bang ibang tao siya. Ito ang tunay na kahulugan ng gantimpala pagkatapos ng parusa. Ang mga salitang ito ang medyo nagpahabag sa puso ni Mandy. Pero ang totoo, wala na siyang
Bahagyang nagngitngit ang mga ngipin ni Mandy at bumuntong-hininga siya pagkatapos ng isang sandali, hindi siya nagsabi ng kahit na ano. Mabait lang siya, hindi tanga. Paanong hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin ng Yates family? Ngunit hindi niya mapigilan ang nagwawalang pakiramdam sa kanyang puso. Ngayon na binanggit na ni Harvey York ang bagay na ito, gumaan na ang kanyang puso. "Darling, salamat. Naintindihan ko na ginagamit lang nila ako. Hindi na ako makikinig sa kanila. "Mamatay na lang mag-isa ang Yates family." Kahit na sinabi iyon ni Mandy, medyo kumirot pa rin ang kanyang puso para sa pamilya. Pero handa si Harvey na huwag bigyan ng isa pang pagkakataon ang Yates family. Pinadala niya si Xynthia Zimmer para mag-ikot ng mga unibersidad bilang palusot para ipadala sina Simon Zimmer at Lilian Yates palabas ng Buckwood para maggala sa Mordu at Wolsing pansamantala. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, walang paraan ang Yates family na matawagan sina Simon at