”Humingi ng tawad! At pagkatapos ay bayaran ang utang!” Sinabi ni Leyton Luv habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Paano naman papayag ng ganun si Finn Yates. Lalo na, siya ang third-in-command ng Buckwood Police Station. Nakakahiya para sa kanya kung yuyukod siya at hihingi ng tawad sa mga mababang supplier na ito. Sa mga sandaling iyon, lumapit si Grandma Yates ng may pangit na simangot sa kanyang mukha. “Finn, magiging malaking gulo ito kapag hindi mo nilutas ang mga maliit na problema. Humingi ka na ng tawad ngayon din!” “Ben, kunin mo na ang lahat ng laman ng mga account natin at bayaran mo kaagad ang mga utang!” Ayaw nila Finn at Ben na gawin ang bagay na iyon. Pero kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Grandma Yates sa mga sandaling iyon. WAla na silang iba pang pagpipilian kung hindi ang gawin iyon. Sa wakas, nagngalit ang mga ngipin ni Finn at yumukod para humingi ng tawad sa mga supplier. Si Ben naman sa kabilang banda, ay umalis at naglabas ng ilan
”Ano? Bawat isa sa inyo ay mukhang mas masigla kaysa sa nung huli niyong nakuha ang pera at benepisyo mula sa pamilya! “Ngayon na nasa isang krisis ang Yates family, napipi na kayong lahat?” Galit na galit na hinampas ni Grandma Yates ang kanyang tungkod sa lapag habang nanginginig sa galit. Lalong napayuko ang ulo ng lahat. Wala sa kanila ang makapagsalita at makasagot sa kanya. Dahil sa hindi nila inaasahan ang bagay na ito na mangyayari! “Ngayon magsalita kayo! Anong gagawin natin dito? Paano natin aayusin ang gusot na to?” Nagpatuloy si Grandma Yates sa pagsasalita ng galit. “Grandmother, sa tingin ko ay naloko tayo ng bastardang Mandy Zimmer na iyon!” “Isipin niyo na lang. Tayo ang nagbigay ng punto kay Mandy na ibigay sa atin ang lahat ng kanyang shares kung gusto pa niyang mabuhay si Harvey York!” “Pero ang mga share na ito ay nagkakahalaga ng tatlong daang milyong dolyar! Anong klaseng lalake ang nagkakahalaga ng ganung kalaking halaga?” “At binigay lang niy
Gumagawa na ng plano ang Yates family para mapabalik si Mandy Zimmer at ayusin ang gulong ito. Nagsasaliksik si Mandy kung anong industriya naman ang papasukin at para muling magtayo ng panibagong kumpanya. Lalo na at hinihikayat siya ni Harvey York, na sinasabi na ang merkado ng Buckwood ay malaki at marami pang oportunidad. Bukod doon, si Mandy ay isang babae na hindi mabilis sumuko. Palagi siyang tumatayo kaagad kapag natutumba siya. Sa suporta ni Harvey, lalong lang tumatag ang kanyang isipan na magsimula uli ng panibagong negosyo. Kasalukuyan siyang nasa Gardens Residence at nagsasaliksik para sa kanyang plano, habang naghahanda na maghanap ng isang anghel na mamumuhunan sa kanya. At sa mga sandaling iyon, tinawagan siya ni Grandma Yates. “Bwisit ka Mandy!“Wala naman ginawang masama sa iyo ang Yates family, hindi ba?! “Ang lakas ng loob na gumawa ng hakbang laban sa aming pamilya sa simula pa lang?! “Dapat kang mamatay!“Kinamumuhian kita! Nang pinagbubuntis k
Nagsalita si Grandma Yates ng puno ng kabaitan sa sandaling iyon. Umasta siya na parang isang Diyos at isang Demonyo. Natural lang na alam niyab ang tunay na pagkatao ni Mandy Zimmer. At ang tungkol sa mahabagin nitong puso at matinding pagmamahal sa pamilya. Kayang iwanan ng Yates family ang lahat para sa pera at iba pang benepisyo. Pero hindi ito magagawa ni Mandy. Kapansin-pansin naman ito nang hindi nitong magawang hiwalayan si Harvey York. Kung siya si Phoebe Yates, ang isang asawa na katulad nito ay sisipain lang nito sa lupa. “O, Mandy. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Pag-usapan natin ang lahat kung papayag kang bumalik!“Kung hindi mo iniisip ang sarili mo, kahit paano, isipin mo na lang ang nanay mo!“Ako ang nanay niya!”Napakabait ni Grandma Yates na para bang ibang tao siya. Ito ang tunay na kahulugan ng gantimpala pagkatapos ng parusa. Ang mga salitang ito ang medyo nagpahabag sa puso ni Mandy. Pero ang totoo, wala na siyang
Bahagyang nagngitngit ang mga ngipin ni Mandy at bumuntong-hininga siya pagkatapos ng isang sandali, hindi siya nagsabi ng kahit na ano. Mabait lang siya, hindi tanga. Paanong hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin ng Yates family? Ngunit hindi niya mapigilan ang nagwawalang pakiramdam sa kanyang puso. Ngayon na binanggit na ni Harvey York ang bagay na ito, gumaan na ang kanyang puso. "Darling, salamat. Naintindihan ko na ginagamit lang nila ako. Hindi na ako makikinig sa kanila. "Mamatay na lang mag-isa ang Yates family." Kahit na sinabi iyon ni Mandy, medyo kumirot pa rin ang kanyang puso para sa pamilya. Pero handa si Harvey na huwag bigyan ng isa pang pagkakataon ang Yates family. Pinadala niya si Xynthia Zimmer para mag-ikot ng mga unibersidad bilang palusot para ipadala sina Simon Zimmer at Lilian Yates palabas ng Buckwood para maggala sa Mordu at Wolsing pansamantala. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, walang paraan ang Yates family na matawagan sina Simon at
Malamig na tumawa ang manlalaban. "Mga opisyal ng gobyerno? Napakaprestihyoso! Nakakatakot! "Sa tingin mo ba hindi ko alam na ginalit ni Keith Yates ang Chief Inspector mismo at wala siyang malay ngayon sa military hospital?! "Mayroon pa bang ibang tao ang Yates family? Umaasa na lang ba ang lahat kay Finn sa ngayon?" Nanginginig sa galit si Finn Yates pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi nirerespeto ng mga taong iyon ang third-in-command ng Buckwood Police Station. Pero normal lang ito. Pinakalat na ng mga supplier ang balita tungkol sa Yates family kaninang umaga. Ngayon na alam na ng lahat na ang Yates family ay puro salita lang, natural na gagamitin nila ang sitwasyon na ito kung gusto nila ang pera nila. Kung hindi, baka makalagpas ang pagakakataon nila. Sa sandaling ito, umabante si Phoebe Yates nang may namumuhing ekspresyon at nagsabi, "Kayo, hindi niyo ba alam na pupunta sa bahay namin ang Chief Instructor pagkatapos ng ilang araw?"Hindi ba kayo
Mabuti na lang at sampung villa lang ang binili ng real estate group. Naisanla na ng Yates family ang kanilang ancestral home sa gitna ng Buckwood ay sa wakas ay nakalikom ng kabuuang halaga na labinlimang milyong dolyar para paalisin ang mga taong iyon sa ngayon. Sa loob lang ng isang araw, naisanla na ang lahat ng mga bahay at kotse ng Yates family. Kung hindi nila mabayaran ang utang nila pagdating ng petsa ng pagtubos at mangungutang pa nang mas marami, baka matulog na sila sa ilalim ng tulay. Maliban roon, simula pa lang ito. Kung may iba pang taong pumunta para bawiin ang kanilang pera sa hinaharap, wala nang pera ang Yates family para bayaran ito. Inisip nila na magiging isang top-rated family ang Yates family, pero hindi nila inakala na mauuwi ito sa ganito. Napuno ng pagsisisi si Grandma Yates! "Lola! Ano nang gagawin natin?" Namutla ang mukha ni Phoebe Yates sa sandaling ito. Hindi niya naisip na mahaharap siya sa ganitong sitwasyon sa sandaling bumalik siya sa
Lumingon si Harvey York at ngumiti. "Hindi ba halata? Nandito sila para gamitin ka bilang panakip-butas. "Kanino pa ba nila ibibigay ang isang napakaproblemadong kumpanya kundi sa'yo?" Natanong na ni Mandy Zimmer ang tungkol sa sitwasyon ng Silver Nimbus Enterprise mula sa kanyang mga pinagkukunan ng balita. Pagkatapos ay kunot-noo siyang nagtanong, "Ayon sa pagkakaintindi ko sa Silver Nimbus Enterprise, hindi dapat ganito karami ang problema. Paanong napakaraming problema ang dumating sa sandaling hindi na ako ang nakaupong CEO? "Pakiramdam ko ay mayroong kumokontrol ng lahat sa likod ng eksena." "Syempre," kalmadong sagot ni Harvey. "Ako yun." "Huh? Imposible! Kung may kakayahan ka kagaya nito, hindi tayo dapat naghihintay dito para sa mga tao ng Sky Corporation na mag-invest sa business proposal ko." Hindi naniwala si Mandy kay Harvey. Ngumiti si Harvey at sumagot, "Napakadirekta kung bakit ito nangyari. Dahil lang ito sa nawalan ng suporta ang Silver Nimbus Enterp