May isang abalang commercial street sa ibaba ng W Hotel. Maraming tao ang nandoon dahil sa maaliwalas ang panahon. Humatak ng maraming atensyon mula sa mga tao ang pagkarga ni Harvey York kay Yvonne Xavier. Isang matangkad at makisig na binata na may kasamang isang napakagandang babae na humahatak ng maraming atensyon. Ang mga taong walang alam ay naisip pa nga na gumagawa sila ng isang pelikula. “CEO, pwede mo na akong ibaba. Kaya ko nang maglakad,” hindi mapigilan na sabihin ito ni Yvonne ng tahimik. Medyo nahihiya si Yvonne nung pinagmamasdan siya ng lahat. Ngumiti si Harvey, pagkatapos ay dahan dahan na ibinaba si Yvonne. Ngunit kahit noon pa man, marami nang tao ang nakapalibot sa kanila sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, isang grupo ng kalalakihan na nakasuot ng itim na kurbata ang mabilis na lumapit sa kanila. Pagkatapos tignan mula ulo hanggang paa si Harvey at makumpirma na isa lang siyang palaboy, isa sa mga lalake ang nagbigay ng isang masiglang ngiti kay
Galit na tinitigan ni Rocco Ortiz si Harvey York at sumagot, "Dahil ba sa lalaking to?! Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong maging star?! "Sinasabi ko sa'yo, bata. Kung hindi man lang umabot sa labing-limang dolyar ang halaga ng damit mo, hindi ka nababagay sa isang high-class na babaeng kagaya nito!"Kapag nawalan kami ng isang international superstar sa Country H nang dahil sa pagiging makasarili mo, kakaayawan ka sa buong kasaysayan!" Hindi mapigilan ni Harvey na matawa pagkatapos marinig ang dakilang talumpati ni Rocco. 'Kakaiba talaga ang lalaking ito. Hindi ba siya nahihiya pagkatapos niyang magsabi ng kalokohang kagaya nito?' Walang masyadong pakialam si Harvey kay Rocco sa sandaling ito. Nilipat niya ang kanyang tingin kay Yvonne Xavier at nagsabi, "Tara na, kumain tayo. Mukhang maganda ang restaurant sa harap natin." "Sige." Nahihiyang tumango si Yvonne, pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Harvey at umalis. Bahagyang hindi makapaniwala ang mga mata ni
Ang isang taong kagaya ni Chris Leo ay hindi kailangang ipakita ang kanyang pagkatao gamit ng mga mamahaling kagamitan. Ang suit na suot niya ay dinisenyo ng isang top-class na Italian designer. Ang relo sa kanyang braso ay isa ring mamahaling produkto. Ito ay nagkakahalaga ng isandaan at limampung milyon dolyar at kakaunti lang ito sa buong mundo. Masasabi na walang pangkaraniwang tao ang makakakita kung gaano kapambihira ang mga bagay na suot niya, ngunit malalaman ito ng mga mas maalam na tao. Hindi lang mga pangkaraniwang tao. Kahit ang mga first o second-rated family ay kailangang makipagsapalaran gamit ng buong buhay nila para makuha ang damit na ito! At kahit na ang Leo family ay hindi isa sa top ten families, maliit lang ang diperensya sa pagitan nila. Kung lumitaw ang isang malaking karakter kagaya nito, hindi lang ang first-in-command ng Buckwood, maski ang first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier, ay kailangang magbigay respeto. Sa sandaling ito, ka
"At talagang pumaparada ka kasama ng isang lalaki sa labas habang nasa gitna tayo ng pag-uusap tungkol sa kasal?"At kung hihingi ako ng pahayag mula sa mga Xavier, baka kailangang mamatay ng lalaking ito, tama?" May maliit na ngiti si Chris Leo sa kanyang mukha. Tinignan niya si Harvey York nang puno ng pagkamuhi. Noon, hindi niya gustong makipagtalo sa pesteng si Harvey. Pero ngayong nasa harapan na niya mismo ang peste, kailangan niya nang kumilos. Pagkatapos pakinggan ang kanyang mga salita, namutla ang mukha ni Yvonne. Alam na alam niya ang kakayahan ng mga Xavier mula sa Wolsing. Kung talagang pumunta ang mga Leo sa pintuan ng mga Xavier, tiyak na kikilos ang pamilya laban kay Harvey kahit para lang ito sa dangal. At talaga bang kaya ni Harvey, ang retiradong dating chief instructor, na labanan ang dalawang top families? Lalo na ang mga Xavier mula sa Wolsing, isa sila sa sampung top families! Nang walang pagdadalawang-isip, pumikit si Yvonne at huminga nang malali
Tumingin na si Harvey York sa wakas kay Rocco Ortiz at pagkatapos ay kalmadong nagsabi, "Hindi ko pa gustong mandurog ng isang langgam na kagaya mo. Habang maganda pa ang timpla ko, dapat kang gumapang palabas dito at hindi ko na ipagpapatuloy ang bagay na to. "Kung hindi, matitiyak ko sa'yo na hindi mo na kailangang kumain sa buong buhay mo." Hindi siya hihinto hangga't hindi niya nagugulat ang mga tao gamit ng mga salita niya! Hindi lang sa hindi sumuko si Harvey, nagtangka pa siyang magsabi ng ganito na nagpagulat sa lahat ng tao sa paligid. Pagkatapos ng halos isang minuto ng katahimikan, nahimasmasan na ang lahat. "Hahaha, saan nanggaling ang matapang na'to? Alam mo na kinakatawan ni Representative Ortiz si Prince Leo, di ba?" "Kung hihingi siya ng tawad sa'yo, tatanggapin mo rin ba yun?" "Oo nga, sino ka ba?! Dahil nagbigay na ng utos is Prince Leo, kailangan mong gumapang palabas ngayong araw!" "Kung hindi, ituturo namin sa'yo ang daan palabas!" Ang mga staff a
Pagkatapos magbago sandali ang ekspresyon ni Yvonne Xavier, bumulong siya, "CEO, sasabihan ko ang lolo ko na lumitaw at mamagitan sa bagay na to para sa'tin." Ngumiti si Harvey York. "Bakit siya mamamagitan? Kung hindi tumakas si Chris Leo kanina, matitiyak ko na hindi na niya kailangang kumain habangbuhay." Bumuntong-hininga si Yvonne. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa sandaling iyon. Pagkatapos ihatid ni Harvey si Yvonne pauwi, tahimik siyang umalis at dumating sa tirahan ng mga Xavier. "Lolo, may nangyari. Tulungan mo si Harvey! Sa lahat ng tao sa South Light, ikaw lang ang makakatulong sa kanya ngayon!" Dinig ang tunog ng pagluhod ni Yvonne sa harapan ni Sheldon Xavier. Hindi nagpapakita ng kahinaan si Yvonne kahit na sa sarili niyang problema, pero hindi niya gustong kalabanin ni Harvey ang Leo family at ang Xavier family nang sabay nang dahil lang sa kanya. Lalo na ang mga Xavier mula sa Wolsing. Parte si Yvonne ng pamilyang iyon kaya alam na alam niya kun
“Sige, tinatanggap ko!”Kahit na nag-aalinlangan si Yvonne Xavier, gagawin niya ang makakaya niya para mailayo si Harvey sa panganib. Nakapagpasya na siya. Kahit na ikasal pa siya kay Chris Leo sa huli, hinding-hindi siya makukuha nito. Handa na rin siyang itumba si Chris kasabay niya! Sa sandaling ito, ang hipag ni Yvonne na si Rita Lawson ay tumawa nang walang-bahala at sinabi, “Grandfather, sadyang hindi sapat ang pangako sa ilang bagay. Siguro dapat papirmahin muna natin siya ng isang kasunduan?”Ang mga Xavier ay pumayag pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi nagtaga; ay nagkaroon ng isang kasunduan. Ayon sa pangako, kapag nailayo ng Xavier family si Harvey sa panganib, kailangang pakasalan ni Yvonne si Chris. Kasindilim ng gabi ang mukha ni Yvonne, habang nagkikiskisan ang ngipin niya nang sa huli ay pinirmahan niya ang kasunduan. Masaya ang mukha ng lahat ng mga Xavier. Kapag naging in-law na nila ang Leo family, siguradong makakabangon na muli ang mga X
Hindi alam ng mga Xavier mula sa South Light ang tunay na pagkatao ni Harvey York. Sabay-sabay silang tumango matapos marinig ang mga salitang ito. “Talagang magaling magplano si Prince Leo. Ang ianunsyo ang kasal sa ganitong okasyon ay katumbas ng pagpapaalam ng relasyon ng mga Leo at mga Xavier sa publiko!”“Habang nasasaksihan ng chief instructor, ang first-in-command ng military force ng South Light na si Oskar Armstrong kasama ng iba. Isa itong kaganapang yayanig sa buong bansa!” “Pagkatapos nito, siguradong aangat ang estado ng pamilya natin!” Sa sandaling ito, walang may pakialam sa itsura ni Yvonne. Sa paningin nila, ang ibenta si Yvonne para sa ganito kalaking benepisyo ay sulit! ***Kasabay nito, sa loob ng isang mamahaling villa. Inaasikaso ni Chris Leo ang isang importanteng panauhin. Ang panauhing ito ay walang iba kundi ang malayong kamag-anak ng Leo family na si Jessie Tate. Ang pamilya ni Jessie ay isang sangay ng Leo family, ngunit hindi sila tiniti