Tumingin na si Harvey York sa wakas kay Rocco Ortiz at pagkatapos ay kalmadong nagsabi, "Hindi ko pa gustong mandurog ng isang langgam na kagaya mo. Habang maganda pa ang timpla ko, dapat kang gumapang palabas dito at hindi ko na ipagpapatuloy ang bagay na to. "Kung hindi, matitiyak ko sa'yo na hindi mo na kailangang kumain sa buong buhay mo." Hindi siya hihinto hangga't hindi niya nagugulat ang mga tao gamit ng mga salita niya! Hindi lang sa hindi sumuko si Harvey, nagtangka pa siyang magsabi ng ganito na nagpagulat sa lahat ng tao sa paligid. Pagkatapos ng halos isang minuto ng katahimikan, nahimasmasan na ang lahat. "Hahaha, saan nanggaling ang matapang na'to? Alam mo na kinakatawan ni Representative Ortiz si Prince Leo, di ba?" "Kung hihingi siya ng tawad sa'yo, tatanggapin mo rin ba yun?" "Oo nga, sino ka ba?! Dahil nagbigay na ng utos is Prince Leo, kailangan mong gumapang palabas ngayong araw!" "Kung hindi, ituturo namin sa'yo ang daan palabas!" Ang mga staff a
Pagkatapos magbago sandali ang ekspresyon ni Yvonne Xavier, bumulong siya, "CEO, sasabihan ko ang lolo ko na lumitaw at mamagitan sa bagay na to para sa'tin." Ngumiti si Harvey York. "Bakit siya mamamagitan? Kung hindi tumakas si Chris Leo kanina, matitiyak ko na hindi na niya kailangang kumain habangbuhay." Bumuntong-hininga si Yvonne. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa sandaling iyon. Pagkatapos ihatid ni Harvey si Yvonne pauwi, tahimik siyang umalis at dumating sa tirahan ng mga Xavier. "Lolo, may nangyari. Tulungan mo si Harvey! Sa lahat ng tao sa South Light, ikaw lang ang makakatulong sa kanya ngayon!" Dinig ang tunog ng pagluhod ni Yvonne sa harapan ni Sheldon Xavier. Hindi nagpapakita ng kahinaan si Yvonne kahit na sa sarili niyang problema, pero hindi niya gustong kalabanin ni Harvey ang Leo family at ang Xavier family nang sabay nang dahil lang sa kanya. Lalo na ang mga Xavier mula sa Wolsing. Parte si Yvonne ng pamilyang iyon kaya alam na alam niya kun
“Sige, tinatanggap ko!”Kahit na nag-aalinlangan si Yvonne Xavier, gagawin niya ang makakaya niya para mailayo si Harvey sa panganib. Nakapagpasya na siya. Kahit na ikasal pa siya kay Chris Leo sa huli, hinding-hindi siya makukuha nito. Handa na rin siyang itumba si Chris kasabay niya! Sa sandaling ito, ang hipag ni Yvonne na si Rita Lawson ay tumawa nang walang-bahala at sinabi, “Grandfather, sadyang hindi sapat ang pangako sa ilang bagay. Siguro dapat papirmahin muna natin siya ng isang kasunduan?”Ang mga Xavier ay pumayag pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi nagtaga; ay nagkaroon ng isang kasunduan. Ayon sa pangako, kapag nailayo ng Xavier family si Harvey sa panganib, kailangang pakasalan ni Yvonne si Chris. Kasindilim ng gabi ang mukha ni Yvonne, habang nagkikiskisan ang ngipin niya nang sa huli ay pinirmahan niya ang kasunduan. Masaya ang mukha ng lahat ng mga Xavier. Kapag naging in-law na nila ang Leo family, siguradong makakabangon na muli ang mga X
Hindi alam ng mga Xavier mula sa South Light ang tunay na pagkatao ni Harvey York. Sabay-sabay silang tumango matapos marinig ang mga salitang ito. “Talagang magaling magplano si Prince Leo. Ang ianunsyo ang kasal sa ganitong okasyon ay katumbas ng pagpapaalam ng relasyon ng mga Leo at mga Xavier sa publiko!”“Habang nasasaksihan ng chief instructor, ang first-in-command ng military force ng South Light na si Oskar Armstrong kasama ng iba. Isa itong kaganapang yayanig sa buong bansa!” “Pagkatapos nito, siguradong aangat ang estado ng pamilya natin!” Sa sandaling ito, walang may pakialam sa itsura ni Yvonne. Sa paningin nila, ang ibenta si Yvonne para sa ganito kalaking benepisyo ay sulit! ***Kasabay nito, sa loob ng isang mamahaling villa. Inaasikaso ni Chris Leo ang isang importanteng panauhin. Ang panauhing ito ay walang iba kundi ang malayong kamag-anak ng Leo family na si Jessie Tate. Ang pamilya ni Jessie ay isang sangay ng Leo family, ngunit hindi sila tiniti
Puno ng paghanga ang mukha ni Jessie Tate. Ang Chief Instructor ng Sword Camp ay isang alamat sa militar, isang buhay na alamat. Nanginig nang kaunti si Chris Leo pagkatapos at nagtanong, “Ano? Ang isang chief instructor ang maaari pang makakuha ng posisyon ng isang Elder sa military force? Seryoso ka ba?!”“Walang-duda diyan. Sino pang mas karapat-dapat sa kanya?” Inisip ni Jessie.Huminga nang malalim si Chris at kaagad na sumagot, “Kung ganoon, edi dapat ipaglaban natin ang pagkilala niya!“Kung gugustuhin niya ito, edi hindi na lang ito tungkol sa kasal ko. Ang mahalaga ay may koneksyon din tayo sa susunod na Elder ng military force!”“Siguro pwede rin nating gamitin ang koneksyon para ilagay ang mga Leo sa top ten families!”Pinigilan ni Chris na sabihin ang isa pang bagay. Kapag nagkaroon siya ng kaugnayan sa Chief Instructor, edi wala nang maglalakas-loob na kalabanin ang posisyon niya bilang Prince ng buong Leo family.Nag-isip sandali si Jessie at sumagot, “Sige, mag
Kasabay nito. Sa tahanan ng Yates family. Si Grandma Yates, Carson Cloude at Callum Robbins ay tumayo nang diretso.Bilang isang first-rate family sa Buckwood, ang pagpapakita ng tatlong iyon ay mangangahulugang may malaking mangyayari. At sa hindi kalayuan, isang lalaking nakasuot ng itim ang nakatayo nang diretso habang nakataas ang kanyang kaliwang kamay habang nakatitig sa kanyang palad. Mayroong hindi maipaliwanag na aura na nakabalot sa lalaki. Wala siyang ginawang kakaiba, pero nanigas sila Grandma Yates sa ihip ng hangin sa paligid at hindi man lang makahinga. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang tapang nila Grandma Yates pagkatapos ibaba ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay at sinabi, “Bakit ka naparito Young Master?“Hindi mo kami tinawagan para sunduin ka.”Sumagot si Quinton York pagkatapos, “Kung nahuli ako, mamamatay ang apat na first-rated family.” Nagbago nang bahagya ang mukha nila Grandma Yates matapos marinig ang mga salitang ito. Nanggigil si Qui
”Seryoso ka ba Young Master?!” “Kung ganoon, edi gagawin namin ang lahat at susurpresahin ka namin bago ang Ceremony of Changing Defenses!”Nagkikiskisan ang kamay nila Grandma Yates. Ang pagpapatumba kay Harvey York ay may kapalit na kalayaan. Walang nang mas magandang kasunduan sa mundo para sa kanila. Lalo na sa Yates family, hindi nila makakalimutan ang tungkol sa Silver Nimbus Enterprise. Gayunpaman, nag-aalinlangan silang kumilos dahil masasagabal nila ang susunod na first-in-command ng military force ng South Light na si Bellamy Blake. Ngunit ngayong sinusuportahan sila ni Quinton York, natural na kakapal ang mukha nila. Habang nakatingin sa ilang taong masayang-masaya, naging kasinlamig ng yelo ang mukha ni Quinton.Nabalitaan na nila ang kapalpakan ni Callum Robbins.Alam rin niyang dadalo ang Chief Instructor ng Sword Camp sa Ceremony of Changing Defenses para sa first-in-command ng military force ng South Light. Ito rin ang dahilan kung bakit bigla siyang nagp
Umiling si Grandma Yates. “Hindi. Narinig ko na ang bagong hari ng kalsada ng South Light ay si Tyson Woods, na tauhan ni Prince York.”“Para gamitin ang mga tao sa kalsada para kumilos ay pagpapakamatay.”Sa sandaling ito, isang binata na nakatayo sa kanto, ang Prince ng Cloude family, si Eric Cloude, ay naglakad palabas at sumingit sa malalim na boses, “Tatlong Chief, meron akong sasabihin.”Ang tatlong chief ay tumingin sa kanya sa parehong oras. Matapos ang sandali, tumugon si Carson, “Ano ang iniisip mo?”Nilagay ni Eric ang kanyang kamay sa likod at sinabi niya, “Tutal hindi natin magamit ang taong kalye, maaari tayong gumamit ng ibang paraan. Paano ang pagimbita ng mga tao sa labas ng South Light?”“Narinig ko na maraming mga mercenary ang nasa border ng Ohio na nasa bingit ng kanilang buhay. Hanggat bigyan natin sila ng pera, handa silang gawin ang kahit na ano. Tayong tatlong pamilya ay dapat magtulugan para imbitahan ang mga taong ito. Sila ay magagawang iligpit si Harve