Si Niall Robbins ay mabilis na bumalik sa kotse at naghintay hanggang ang kotse ay umalis sa Buckwood International Airport, tapos yumuko lang siya at sinabi, “Young Master Stephen York, ang lahat ay ginawa ayon sa utos ni Young Master Quinton York!”“Ayon sa plano, ang p*tang iyon, si Yvonne, ay siguradong ililipat ang Sky Corporation sa pangalan ko sa loob ng tatlong araw.”Kakaibang sinabi ni Stephen, “Mabuti. Ang Sky Corporation ay makukuha ang iyong share at maaari pa natin na hayaan na ikaw ang maging CEO. Tayo, ang mga York, ang tanging maiiwan.”“CEO Robbins, ipagpatuloy mo ang mabuting gawain. Ikaw ang numero unong tao sa South Light sa hinaharap!”Natutuwang sagot ni Niall, “Salamat, Young Master Stephen York, sa paginvest sa akin. Siguradong gagawin ko ang lahat!”Sa totoo lang, si Niall ay may maliliit na ideya pa sa puntong ito.Ayon sa plano, matapos niyang makuha ang equity, ililipat niya ang fifty-one percent kay Stephen at kukunin niya ang natitirang forty-nine p
Maraming empleyado ang nakapansin sa pagiging lutang ni Yvonne Xavier. Kahit si Ray Hart ay alam ito.Tinawagan niya mismo si Harvey York.“Maaari kaya na ito ay dahil sa sapilitang pagpapakasal ng pamilya Leo mula sa Hong Kong?” Medyo sumimangot si Harvey.Gusto niyang balaan ang pamilya Leo mula sa Hong Kong tungkol sa bagay na ito.Subalit, sila ay hindi pa nagbigay ng tugon.“Mukhang kailangan na putulin ang mga kamay at paa ng pamilya Leo mula sa Hong Kong na unang dumating sa South Light!”Bulong ni Harvey.Subalit, hindi nagmamadali. Ang lahat ay mareresolbahan ng sabay sa exchange of defense ceremony.***Sa kabilang panig.Sa luxury yacht sa dagat sa Buckwood.Si Niall Robbins ay nakasuot ng swimming trunks, yakap ang mga babae sa kaliwa at kanan sa cabin.Sa oras na ito bumalik siya ng Country H, may mataas na pagkakataon na siya ay mabilis na umakyat sa taas at maging numero unong tao sa South Light, na nagpayabang ng sobra sa kanya.“Niall, mukhang ikaw ay tala
Kaagad, ginugol nila Niall Robbins ang hapon nila sa paglalaro sa luxury yacht. Pagkatapos doon, lahat ay nag ayos kanya-kanya nang naka ayon sa plano ni Niall.Nakakita si Niall ng kotse para sa sarili niya at nagmaneho patungo sa main entrance ng Sky Corporation. Saka siya tumawag."Yvonne, oras na para magtrabaho. Kinonsidera mo na ba ang hiling ko?" Sabi ni Niall nang nakangisi."Pupunta… ako sa Grand Hotel W para kitain ka mamayang gabi."Nagdalawang isip si Yvonne nang matagal at saka nakapag desisyon.Sa opisina, binuksan ni Yvonne ang drawer, at doon meroong katangi-tanging pambukas ng liham sa loob.Inabot niya ang kamay niya at hinawakan ang hawakan nang nanginginig, saka nilagay sa handbag niya. Pagktapos n'on, umalis siya s opisina ng may malungkot na ekspresyon.Nahiwagaan ang mga empleyado sa eksenang ito.Mahilig magtrabaho si Secretary Xavier. Bakit siya aalis nang maaga ngayon?Nang makarating siya sa pinakamababa ng gusali ng opisina at nakita si Niall na hin
Ang mukha ni Yvonne Xavier ay kaagad na nawalan ng kulay. Hindi na siya bata. Syempre, alam niya kung ano ang balak ng mga taong iyon. Pinagkuskos ni Robert Anderson ang kanyang mga kamay habang tumatawa. “Huwag kang matakot, munting binibini. Hehehe!” “Magpapakita naman kami ng awa sa isang mahinang babae na katulad mo!“Huwag kang matakot!” Ang lahat ng mga gangster ay nagpakita ng malaswang ekspresyon, kasing libog ng kanilang ipinapakita. Tinuro ni Yvonne si Niall Robbins at sinabi, “Hindi ka isang tao, Niall! “Hindi ko gagawin ang alinman sa kagustuhan mo!“Mamamatay muna ako!” Aalis na sana si Yvonne habang galit na galit. Pero sina Robert Anderson at ang iba pa ay nilapitan siya, na kaagad hinarang ang bukana at ni-lock ang pintuan, hindi siya binibigyan ng pagkakataon na makalabas. “Saan ka pupunta, munting binibini? Gusto ko lang naman na makipagkaibigan sayo. Wala naman akong balak na masama sayo!” Hinihintay na lang nila Robert at ng iba pa ang utos
“Ah!”Hindi mapigilan ni Yvonne na mapaungol sa sobrang sakit. Pagkatapos ay nagsimulang tumulo ang kanyang luha sa kanyang mukha. Nabalot ng kawalang pag-asa ang kanyang puso. Hindi niya inakala na napakawalang hiya pala ni Niall Robbins, isang matinding salot sa lipunan, na may kakayahan na gumawa ng kahindik-hindik na bagay katulad nito!‘Katapusan ko na! ‘Talagang katapusan ko na!’Gusto na lang tumalon palabas ng gusali ni Yvonne sa mga sandaling iyon. Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa sa tiisin ang kahihiyan na ito.Bang!Nung tatalunan na sana si Niall sa kama, may umalingawngaw na ingay sa kanyang likuran. May sumipa pabukas ng naka-lock na pintuan. Sina Niall, Robert Anderson, at ang iba pa ay nagulat sa ingay. Pagkatapos ay tumingin sila sa kanilang likuran at nakita si Harvey York na may malamig na ekspresyon sa mukha nito. “Sino ka? Hindi mo ba alam na ang lugar na ito ay pribado?” Sigaw ni Niall na puno ng galit. Kung hindi dahil sa gamot, makikita niy
’Halimaw!’‘Isang halimaw ang lalakeng nasa harapan niya!’Sa mga sandaling ito, nakita na rin ng maayos ni Niall Robbins si Harvey York. Pagkatapos, ang kanyang utak ay nagulantang. Ang lalakeng ito!Siya ang lalakeng nasa larawan!SA mga sandaling ito, tinapakan ni Harvey ang likuran ng ulo ni Niall at tinulak ito sa rug. Nang tahimik na ang buong paligid, saka niya tinignan si Niall. “Ako… Ako… “Wala… Wala akong… Kinalaman sa bagay na ito…“Pakiusap, pakawalan mo ko!” Sa sobrang takot ni Niall ay hindi na siya makapagsalita pa. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa mga sandaling iyon. “Ginamit mo ang larawan ko para takutin si Yvonne, hindi ba?”Kaswal na kinuha ni Harvey ang isang larawan sa may lamesa. Isa itong larawan niya noong ilang taon na ang nakalipas. “Hindi ko ginawa iyon… Hindi ko magagawa iyon…” Malakas na iniling ni Niall ang kanyang ulo. Kalokohan! Ayaw niyang umamin sa mga sandaling ito kahit na bigla siyang magkaroon ng lakas
Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey York, napangiti ng malaki si Niall Robbins. Mabubuhay pa siya!Ayos sa sinabi ni Harvey, may pagkakataon pa siya para mabuhay!Inipon ni Niall ang lahat ng natitira niyang lakas para muling lumuhod sa mga sandaling iyon at walang humpay na nagmakaawa. “Salamat! Salamat! Magbabago na ako simula sa araw na ito!” “Pinapangako ko na hindi na ako gagawa ng masama simula ngayon!” “CEO, hindi mo siya pwedeng pagkatiwalaan! Isang walang hiya ang lalakeng ito! Wala siyang dangal!” Mabilis na sinabi ni Yvonne Xavier. Pagkatapos an maranasan ang ganitong pangyayari, alam na niya kung gaano ka-walang hiya ang dati niyang senior. Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Yvonne, bakas ang matinding inis sa mga mata ni Niall. Pero hindi siya nangahas na ipakita ito sa mga sandaling iyon. Sa halip, lumapit siya kay Harvey at pilit na hinampas ang kanyang ulo sa lapag. “Alam ko ang tunay mong pagkatao!“Ikaw ang chief instructor
May isang abalang commercial street sa ibaba ng W Hotel. Maraming tao ang nandoon dahil sa maaliwalas ang panahon. Humatak ng maraming atensyon mula sa mga tao ang pagkarga ni Harvey York kay Yvonne Xavier. Isang matangkad at makisig na binata na may kasamang isang napakagandang babae na humahatak ng maraming atensyon. Ang mga taong walang alam ay naisip pa nga na gumagawa sila ng isang pelikula. “CEO, pwede mo na akong ibaba. Kaya ko nang maglakad,” hindi mapigilan na sabihin ito ni Yvonne ng tahimik. Medyo nahihiya si Yvonne nung pinagmamasdan siya ng lahat. Ngumiti si Harvey, pagkatapos ay dahan dahan na ibinaba si Yvonne. Ngunit kahit noon pa man, marami nang tao ang nakapalibot sa kanila sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, isang grupo ng kalalakihan na nakasuot ng itim na kurbata ang mabilis na lumapit sa kanila. Pagkatapos tignan mula ulo hanggang paa si Harvey at makumpirma na isa lang siyang palaboy, isa sa mga lalake ang nagbigay ng isang masiglang ngiti kay