Si Senior Oskar Armstrong ay natuwa din.Ang pamilya ng mga biktima, na unang sinisi siya, ay nagdala ng mga prutas bilang paghingi ng tawad at para pasalamatan siya ng personal.Si Oskar ay walang interes sa paghabol sa kasikatan, kayamanan o kapangyarihan sa buhay. Sa halip, ang pinaka masayang bagay para sa kanya ay ang gumaling ang kanyang tauhan.Ang mga unang gusto na ibalik ang mga villa na binili nila sa Silver Nimbus Mountain Resort ay hindi na nagiingay sa ngayon.Nangyari na, si Senior Oskar Armstrong ay hindi nagsalita o nagadvertise ng hindi tinitignan.Ang kalidad ng construction ng Silver Nimbus Mountain Resort ay sobrang ganda.Dagdag pa dito, ang Silver Nimbus Enterprise ay makakahanap ng paraan para magupgrade ng kabuuang kalidad at suportang mga facility matapos ang buong pangyayari.Sino ang handa na ibalik ang mga villa na tataas ang halaga?Kaagad ang negosyo ng Silver Nimbus Enterprise ay nagpatuloy, na may eksepsyon sa ilang mga boutique villa na tinago
Sumunod na araw.Si Harvey ay papunta sa Sky Corporation ng si Mandy ay pumasok sa kwarto.“Harvey. Nakakuha ako ng piraso ng lupa nitong nakaraang dalawang araw at sinusubukan ko ang pormal na proseso.”“Kukunin ni Xynthia ang kanyang mga exam ngayon. Maaari mo bang dalhin siya?” Tanong ni Mandy.Ang insidente ay naging viral sa oras na ito. Ang Silver Nimbus Enterprise ay hindi nawalan ng reputasyon, ngunit sa halip ay naging sikat.Ginamit ni Mandy ang kalamangan ang pagkakataon para magkaroon ng ilang lupa sa Buckwood na gusto niya. Naghahanda siya na bilhin ang mga ito at itulak ang negosyo ng Silver Nimbus Enterprise sa susunod na lebel.Ngumiti si Harvey ng marinig ang intensyon ni Mandy.Maganda na ang kanyang asawa ay sobrang motivated. Siya na ang bahala sa mga maliliit na bagay para sa kanya.“Sige. Ipadadala ko siya doon. Kukunin niya ang exam sa Buckwood University, tama?”“Oo.”Kahit na ayaw ni Harvey ang Buckwood University at plano na ipadala si Xynthia sa kil
Si Xynthia ay sinabi it o ng tapat, ngunit sa totoo lang, siya ay may ibang plano.Ito ay bihirang pagkakataon para sa kanya na mapalapit sa kanyang brother-in-law.Pakiramdam ni Harvey na merong mali sa sinabi ni Xynthia, ngunit tutal sinabi niya ito ay para sa kanyang pagaaral, kung gayonkailangan niya siyang tulungan.Wala siyang pagpipilian. Maraming paghihirap ang ginawa niya para magaral ang kanyang sister-in-law ng maigi.Nakikita ang dalawa na magkahawak kamay at nakasandal sa isa’t isa…Marami sa mga tagahanga ni Xynthia ay nakita ito. Sila ay sobrang galit, sila ay halos magsuka ng dugo!“Ang Xynthia na iyon ay sobrang puro at inosente. Siya ay talagang mahal ang isang matandang uncle?!”“Hindi, Kontra ako dito!”“Tignan mo, ano ang karapatan mo para sabihin iyan? Sino ka ba sa tingin mo?!”Maraming lalaki ay galit, ngunit sila ay naglakas loob na sumumpa sa malayo at walang sinabi.Kaagad, si Xynthia ay dinala si Harvey sa canteen.Silang dalawa ay kumain sa isang
Tinignan ni Harvey si Mason, unti-unting lumitaw ang isang malabong ngiti sa kanyang mukha. Kaya naman pala gustong gumawa ng eksena si Xynthia kasama siya. Marami naman palang asungot sa paligid. At ang ugali ng nasabing peste sa harapan nila ngayon ay sumisira sa kanyang magandang pakiramdam. . Kung isa lamang itong pangkaraniwang asungot, magmamasid lang sana siya sa di-kalayuan. Kapag nagustuhan niya ang taong iyon, baka tulungan pa niya ito. Pero ang asungot na ito ay nagpapakita ng pag-uugali ng isang agresibong playboy. Walang intensyon si Harvey na mapunta ang kanyang sister-in-law sa ganung klaseng tao. Hindi pa tapos magsalita si Harvey bago nangialam ang isang galit na galit na Xynthia, na sinigaw, “Mason Warner! Malinaw ko nang sinabi sayo na hindi tayo para sa isa’t isa!” “Anong karapatan mo para pakialamanan ang gusto kong gawin?!” “Karapatan?” Tumawa si Mason. “Kinatawan ko ang lahat sa Buckwood University. Kung sinuman ang gusto kong maging girlfriend
”Senior Dwayne!”Ng makita niya ang bagong dating, magalang siyang binati ni Xynthia. Si Dwayne Haris ay estudyante din ng Buckwood University. Isa siyang fourth year, at bihirang makita sa campus. Isa siya sa mga manliligaw ni Xynthia, yun nga lang ay mas magalang naman siya. “Ginugulo ka nanaman ba ni Mason?” Hindi naparoon si Dwayne para lang panoorin kung ano ang nangyayari, pero kaagad niyang nilapitan si Xynthia ng nakangiti. Para sa kanya, kapag mas maraming problema ang dala ni Mason kay Xynthia, mas marami siyang pagkakataon na iligtas ang dalaga.Tinitigan ng masama ni Dwayne si Mason at sumimangot, habang sinasabi, “Mister Warner, hindi ba binalaan nan kita? Tigilan mo na ang panggugulo kay Xynthia!” “Huwag kang mangialam dito!” Sigaw ni Mason, ngunit medyo lumala ang kanyang ekspresyon. Alam niya kung sino si Dwayne. Kahit na hindi ganung kayaman ang pamilya ni Dwayne, ang ama naman ni Dwayne ay nagtatrabaho sa gobyerno ng Buckwood, kaya mas mataas ang kat
Silna Dwayne Haris at Mason Warner ay parehong maimpluwensya sa Buckwood University. ANg balita tungkol sa kanilang laban ay mabilis na kumalat, na humatak sa maraming estudyante. May masamang ekspresyon si Mason, pero walang emosyon na ipinapakita si Dwayne at meron pa nga siyang oras para kawayan ang mga babae na nasa paligid. Siya ang presidente ng Taekwondo association sa Buckwood University at merong black belt sa ilalim ng kanyang pangalan. Kasama ng kanyang makisig na itsura, maraming babae ang humahanga sa kanya. Ang totoo ay masaya si Dwayne ngayong araw na ito dahil sa inaasal ni Mason. Naniniwala siya na kung kaya niyang talunin si Mason, alam na ni Xynthia kung sino ang lalakeng pipiliin niya. Inunat ni Dwayne ang isang kamay at kinurba ang kanyang hintuturo sa isang mapanuksong galaw, hinahamon si Mason na lapitan siya. Nagpakawala ng isang malamig na tawa si Mason bago binato ng malakas ng isang basketball si Dwayne. Ngunit, inangat ni Dwayne ang kanyang h
Walang balak si Harvey na makipag-away sa isang bata. Kung umasta si Mason ay para bang siya na ang hari ng buong mundo. Pero sa mga mata ni Harvey, isa lang siyang pasaway na bata. Paano naman magkakaroon si Harvey ng kahit na konting interes? Kusa lang siyang nakipag-usap dahil sa umaasa siya na titigilan na ni Mason ang panggugulo kay Xynthia. Sa madaling salita, kalimutan mo na ang isang mayaman na tagapagmana ng Regency Enterprise, kahit ang university dean ay walang karapatan na kausapin siya. Subalit, isang malaking insulto kay Mason ang mga salitang sinabi ni Harvey. Pagalit niyang dinuro si Harvey at sinigaw, “Sino ka sa tingin mo para sabihin sa akin na humingi ng tawad?!” “Binabalaan kita! Malilintikan ka sa akin!” “Gusto ko si Xynthia, at matutulog ako kasama siya ngayong gabi! Hindi lang yun, papaluhurin kita at hahayaan kitang manood sa tabi!” Ang grupo ni Mason ay nagpakita ng kahindik-hindik at baluktot na ekspresyon sa kanyang sinabi. Natural lang,
“Anong problema?” “Dinala siya sa emergency room?!” Ang kaninang mahinahon at mapayapang ekspresyon ni Jacob ay biglang nagbago. Tumayo siya, galit na galit. “CEO Warner, ayos ka lang ba?” Tanong ni Mandy. Sumagot si Jacob ng nakasimangot, “CEO Zimmer, ikinalulungkot ko na ipagpaliban muna ang ating negosasyon ng mga ilang araw.” “Ang anak ko ay malubhang nabugbog sa kampus at dinala sa ospital. Ang may sala ay hindi nahanap. Kailangan kong umalis para tignan ang kanyang kalagayan.” “Hindi naman mabubugbog ang anak ko ng walang dahilan, tama?” Pinahahalagahan ni Mandy ang pagtutulungan ng kanilang dalawang kumpanya. Habang nakikinig kay Jacob, sinabi niya, “Kung ganun ay sasamahan ko si CEO Warner sa kanyang pagbisita.” “Sige.” Hindi nagtagal, nakarating na ang dalawa sa ospital. Napalitan ng masamang ekspresyon ang mukha ni Jacob nang makita niyang itinulak si Mason palabas ng emergency room, na natatakpan ng plaster cast. “Sinong gumawa sayo nito?! Hindi mo ba