Hindi makapaniwala si Mandy ZImmer. Isang napakagandang regalo!Angg office building ay marerentahan ng 3.1 milyong dolyar na pinakamababa sa isang taon. Ngunit, ang kabilang panig ay hindi nanghingi ng kahit isang singko at humiling lang na bumili ng villa.Ngumiti si Harvey. Ang office building ay nasa ilalim na ng pangalan niya ngayon. Maibibigay na lang ito kay Mandy kahit kailan niya gusto.Gayunpaman, alam niyang siguradong matatakot si Mandy kung gagawin niyo iyon.Kaya nakahanap siya ng palusot.Humingi rin siya ng tulong kay Tara Lewis para pekein ang kontrata.Sa momentong ito ngumiti si Harvey at sinabing, “Mandy, narinig ko na ang boss ng building na ito at si Senior Armstrong ay matalik na magkaibigan. Kaya naman, mayaman din tio. Hindi sila mauubusan ng pera.”“Sa tingin ko, dahil ang kabilang panig ay payag na iparenta ang building sa atin, dapat natin silang pagbigayan at ibigay ang villa. Sa tingin mo?”Hindi makapasalita si Mandy. Huminga siya ng malalim at si
Nagulat ang buong Yates family. Natignan na nila ang mga asset na pagmamay-ari ng Silver Nimbus Enterprise mula sa kanilang mga pinagkukunan ng impormasyon. Bago pa ang lahat, pinag-usapan na nila ang daloy ng pera at kung paano nila hahatiin ang mga asset at pera kapag nakontrol na nila ang kumpanya. Sa mga mata ng Yates family, ang pera nila ang ginagamit! "Ang kapal ng mukha!" Halatang galit na galit si Grandma Yates. "Hindi ba alam ng g*gong yun na pagmamay-ari ng Yates family ang Silver Nimbus Enterprise?! "Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na basta-basta na lang gamitin ang pera natin?!" Sobrang nanggagalaiti si Grandma Yates. Sa kanyang mga mata, ang Silver Nimbus Enterprise ay pagmamay-ari ng Yates family. Tigahawak lang ng mga asset si Mandy Zimmer. Wala siyang karapatan na gastusin ang kahit na ano sa pera ng Yates family! "Saan sila lumipat?" Tanong ni Keith Yates habang halos hindi mapakali. Sumagot si Leyton Luv, "Nasa tabi ng Buckwood Tower
"Itong peste na to, dinudungisan niya ang dignidad ng Yates family!" "Paanong nagmula sa isang first-rate family na kagaya natin ang isang babaeng ganito?!" "Malinaw na nilalabanan tayo ng babaeng ito. Iniisip niya na ayos na ang lahat kapag nakahanap siya ng mayamang lalaki." Nagalit ang Yates family. Kahit na ang Yates family ay isa sa mga first-rated family, sinusuportahan lang sila ng posisyon ni Keith Yates. Ang totoo, hindi talaga matatag ang pinansyal na aspeto ng Yates family. Hindi man lang sila maikukumpara sa ilang second-rated family. Ngayon, determinado ang Yates family na makuha ang Silver Nimbus Enterprise. Nasasabik ang Yates family na gamitin ang pagkakataon na ito para mabilis na umakyat sa ranggo habang nagtatampisaw sa kadakilaan at kayamanan. Hindi lang matigas ang ulo ni Mandy, magastos rin siya. Sa mga mata ng Yates family, nagrerebelde siya. Nanginig si Grandma Yates sa galit, lalo na noong inisip niya na mapapasakanya ang Silver Nimbus Enterpris
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York, nagtanong ang store clerk habang may nangmamaliit na ekspresyon, "Pasensya ka na at madidismaya ka namin. Nililinis ngayon ang restaurant ng dealership namin.""Payo ko sa'yo na kumaliwa ka mula rito at pumunta ka sa Benz 4S car dealership. Hindi rin masama ang pagkain nila para sa mga customer!" May patakaran ang motor city. Pwedeng kumain ang mga customer sa mga 4S car dealership kapag bumisita sila nang hapon. Dahil sa patakarang ito, nagsanhi ito ng ilang mga tao na gustong magtingin ng kotse tuwing tanghalian habang kumakain kasabay nito. Ang totoo, handang pagsilbihan ng mga 4S car dealership ang mga customer na bibili ng kotse. Ngunit si Harvey York, sa harapan ng mga store clerk, ay parang walang kakayahan na makabili ng kotse. Sobrang naiinis ang mga store clerk sa mga taong para bang mayroon silang pera habang nagpapanggap na naghahanap ng kotse sabay manghihingi ng pagkain. Kaagad silang naghanap ng palusot para pa
Tinitigan nang maigi ni Harvey York si Leia Mills at muntik na niya siyang hindi makilala. Si Leia Mills ay isang katulong ng York family ilang taon ang nakakaraan, ang mga responsable sa paghahanda ng plato at paglilinis ng banyo. Kahit na maingat si Harvey noon, bumibisita pa rin siya sa Silver Nimbus Courtyard. Kahit na hindi alam ng babae kung sino ba talaga si Harvey, alam niya na isa siya sa mga York. Bawat isang beses na nakita niya siya, tiyak na luluhod siya sa harapan niya. Sinong mag-aakala na magiging manager siya ng BMW 4S car dealership pagkatapos ng maraming taon? Maganda ang pamumuhay niya ngayon. "Hm, si Leia pala to. Ang tagal nating di nagkita." Ngumiti si Harvey. "Pero ngayong naging manager ka na, kailangan mong hawakan nang maayos ang mga empleyado mo. Isa akong customer na gustong bumili ng kotse. Bakit hindi nila ako papasukin?" Suminghal si Leia at sumagot, "Mahal na Sir York, sa tingin ko maayos lang ang pagtatrabaho ng mga taong to!"Inii
Pumasok si Harvey York sa Bentley 4S car dealership nang hindi man lang lumilingon pabalik. Nakita ito ng mga store clerk ng BMW 4S car dealership at hindi nila mapigilang ang kanilang pagtawa. "Manager, dapat ba kaming magpunta roon para makita namin na ipahiya niya ang sarili niya?" Ngumiti si Leia Mills at sumagot, "Hindi mo na kailangang gawin yun, isa lang siyang mahirap na talunan. Ano bang makakaya niyang bilhin? "Hindi siya makakabili ng kahit na ano mula sa BYD, lalo na sa Bentley! "Hindi man lang siya makakapasok sa entrance!" Pagkatapos ng kanyang sinabi, balik siya sa loob ng dealership habang malamig na tumatawa. Pagkatapos dumating sa Bentley 4S car dealership, hindi pinahiya ng mga store clerk si Harvey. "Mister, interesado ka ba sa isang kotse? O gusto mong ipakilala ko ang bawat isa sa'yo?" Ang store clerk na may mahahabang binti, si Layla Darcie, ay ngumiti habang naglakad papunta kay Harvey. Para bang hindi niya siya minamata dahil lang sa simple an
Sa BMW 4S car dealership.Ang general manager, si Ronan Andrews, ay tumingin sa masayang tanawin sa harapan ng dealership at sinabi nang seryoso, “May isa na namang tycoon ang Bentley 4S. Binili pa kaagad ng taong ito ang limited edition show car. Ang galing!” “Kailan makakakuha ng ganito kalaking customer na bibili sa 7 Series ang dealership natin?”Nalulungkot si Ronan.Ang BMW 1 Series ang pinakapatok na modelo ng kotse sa dealership. Ang kotseng ito ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa labinlimang libong dolyar. Ang 7 Series na nagkakahalagang isandaan at limampung libong dolyar ay matagal nang naka-display at hindi pa rin nabibili. Kung nandoon pa rin ang kotse, ikinakatakot niya na baka kalawangin na ito. Kumpara sa engrandeng okasyon sa Bentley 4S car dealership, pakiramdam ni Ronan Andrews parang nagtatrabaho siya sa isang Captiva 4S car dealership. “Tama! Dalhin niyo si Geia dito. Magbigay tayo ng regalo sa malaking customer at batiin natin siya sa pagbili ng gusto
Natakot si Ronan Andrews pagkatapos makita ang seryosong mukha ni Harvey York. Tapos kusa niyang sinabi, “Dear sir, wala akong ibang nais iparating bukod sa batiin ka. “Kung nagalit man kita sa kahit anong paraan, pakiusap kalimutan mo na lang ito!” Tapos kaagad na yumuko si Ronan at humingi ng tawad. Bigla niyang naalala na ang ilang malalaking tao ay maraming hiling. Hindi nila gustong may humiling sa kanilang kahit sino nang biglaan. Akala niya nakasalubong niya ang isang taong may kakaibang ugali. “Dali! Lumapit kayo dito at humingi ng tawad sa lalaking ito ngayon na!” Nagmadaling lumapit si Leia Mills at Rose Dunn. Ngunit nang tingnan niya nang maigi ang sinasabing malaking customer, parehong mata nila ay nagdilim at halos himatayin na sila. ‘Harvey York?!’‘Siya ang tycoon na bumili sa limited edition Bentley!’‘Ang lalaking akala namin mahirap, si Harvey York!’‘Talagang nagpunta siya para bumili ng kotse!’Ang pinakamahalaga pa dito ay ginastos niya ang ganito