Natakot si Ronan Andrews pagkatapos makita ang seryosong mukha ni Harvey York. Tapos kusa niyang sinabi, “Dear sir, wala akong ibang nais iparating bukod sa batiin ka. “Kung nagalit man kita sa kahit anong paraan, pakiusap kalimutan mo na lang ito!” Tapos kaagad na yumuko si Ronan at humingi ng tawad. Bigla niyang naalala na ang ilang malalaking tao ay maraming hiling. Hindi nila gustong may humiling sa kanilang kahit sino nang biglaan. Akala niya nakasalubong niya ang isang taong may kakaibang ugali. “Dali! Lumapit kayo dito at humingi ng tawad sa lalaking ito ngayon na!” Nagmadaling lumapit si Leia Mills at Rose Dunn. Ngunit nang tingnan niya nang maigi ang sinasabing malaking customer, parehong mata nila ay nagdilim at halos himatayin na sila. ‘Harvey York?!’‘Siya ang tycoon na bumili sa limited edition Bentley!’‘Ang lalaking akala namin mahirap, si Harvey York!’‘Talagang nagpunta siya para bumili ng kotse!’Ang pinakamahalaga pa dito ay ginastos niya ang ganito
Sa huli, maging ang ngipin ni Leia Mills ay natanggal na din. Sinipa pa siya ni Ronan Andrews sa sahig at pinaluhod siya sa harapan ni Harvey York. “Mister, naparusahan ko na ang ignoranteng hangal na ito. Ngayon, humihingi ako ng tawad!”Maging si Ronan ay luluhod na. Mas alam niya kaysa sa iba na maaari siyang sirain ng mga malalaking taong tulad ni Harvey. Kapag nalugi siya dahil sa isang ignoranteng tangang tulad ni Leia, mas gusto niya pang ihampas na lang ang ulo niya sa pader nang paulit-ulit. Sa sandaling ito, kalmadong sinabi ni Harvey, “Hindi ko tatanggapin ang paumanhin mo. kahit anong mangyari, huwag kang humarang sa daan ko. Medyo nagmamadali ako.” Boom!Kumidlat sa gitna ng araw sa sandaling ito. Natakot nang sobra si General Manager Ronan Andrews sa puntong halos maihi na siya sa kanyang pantalon. Kaagad niyang sinabi kasunod nito, “Mr. York, sinisiguro ko sa inyo na sisisantehin ko si Leia at ang iba at ipapa-blacklist ko sila sa industry!” “Di lamang
”Salamat pero kukuha na lang ako ng sarili kong cab.”Tinanggihan ito ni Mandy Zimmer nang walang-alinlangan.“Sexy, tingin ko nagkakamali ka. Hindi ako isang masamang tao.“Nakita kitang lumabas ng Silver Nimbus Bulding. Nagtatrabaho ako sa Regency Building sa tabi ng iyo. Ako ang deputy director ng project department para sa Regency Enterprise, si Grant Bright. Siguro magkakaroon din tayo ng pagkakataong magtrabaho nang magkasama sa susunod!”Bumaba siya ng kanyang kotse sa kalagitnaan ng kanyang talumpati. Madaling sabihin na talagang matangkad at gwapo siya. Mukhang magalang at maamo siya sa sandaling iyon habang naglalabas siya ng isang name card, habang may amoy ng pabango at inilahad ito kay Mandy.Malinaw na nakapaghanda siya. Nagkataong nakasalubong niya si Mandy nitong hapon. Namangha siya nang sobra. Maghapon siyang naghintay para sa pagkakataong makalapit dito. Nang makababa siya ng kotse, nagpadala pa siya ng mga larawan ni Mandy Zimmer sa tabi ng kalsada sa isa
Hindi man lang tumingin si Harvey York kay Grant Bright at kinawayan si Mandy Zimmer. “Darling, dali pasok ka na. Umuwi na tayo.” Kahit na napahinto saglit si Mandy sa sandaling ito, kaagad siyang nahimasmasan at pumasok sa loob ng kotse. Nang makita ang likurang ilaw ng kotse, doon lamang nahimasmasan si Grant. ‘Ganoon kayaman ang asawa ng babaeng ito?‘Kaya niyang bilhin ang isang 900,000 dollar car nang biglaan? Mas mahal pa sa bahay ko ang kotseng ‘yun!’‘Hindi, balita ko ang lalaking iyon ay isang live-in son-in-law. Kung ganoon, ibig-sabihin sa kanya talaga ang kotse na ‘yun?’Sa loob lamang ng ilang segundo, nagkaroon ng kasakiman sa mga mata ni Grant. Kanina ang nasa isip lang niya ay matulog kasama ni Mandy. Ngunit pagkatapos nagbago ang nasa isip niya.Ngayon gusto na niyang palayasin si Harvey at palitan ito. Naniniwala siyang gamit ng kanyang kakayahan at talento, magagawa niyang mapalapit kay Mandy Zimmer. Anjg babaeng iyon at ang lahat ng yaman nito ay m
”Eh? Anong nangyayari dito?” Pinaliwanag ni Mandy Zimmer ang sitwasyon tungkol sa isang tao na gustong makipagpalitan ng isang ten-year lease ng isang office building para sa isang villa. “Harvey, hindi ba’t sinabi ko na sayo na libre lang ang villa na ito? Hindi mo naman siguro kinuha ang pera, hindi ba?” “Hindi mo na kailangan na magpaliwanag. Halata naman na kinuha niya ang pera. Kung hindi, hindi siya magkakaroon siyam na daang libo sa bulsa niya, lalo na ang siyam na daang libong kotse!” Mukhang nauunawaan ni Lilian Yates kung ano ang nangyari. Gusto sanang sampalin ni Lilian si Harvey sa mukha, pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil sa ginastos naman ni Harvey ang pera para kay Mandy. Bumuntong hininga si Mandy at walang ibang nagawa kung hindi ang masahiin ang kanyang sentido. Hindi naman minasama ng kabilang partido ang pagkuha ni Harvey sa pera. Pero gusto sanang ibalik ni Mandy ang pabor sa taong iyon kahit na paano, at mukhang nasira na ni Harvey ang p
Nung ika-sampu ng umaga. Gumawa na ng hakbang ang housing management and safety system ng Buckwood. Pati ang ilang mga manager na nasa construction team ay kaagad na dinakip ng mga pulis para makipagtulungan sa imbestigasyon. Meron pa ngang mga bulung-bulungan na nagsasabi na lahat ng mga kredensyal ng kumpanya ay babawiin at patitigilin ang lahat ng operasyon ng kumpanya. Nung kumalat ang balitang ito, naparalisa ang Silver Nimbus Enterprise. Nasa isang company meeting si Mandy Zimmer. Ang lahat ay gumagawa ng estratehiya, pero ang pintuan ng meeting room ay bumukas ng malakas dahil sa isang sipa sa sandaling iyon. “Kung sino man ang responsable, pakiusap at sumama kayo sa amin ng maayos. Kami ay isang task force na binubuo ng ilang mahalagang sangay upang imbestigahan ang sitwasyon ng inyong kumpanya.” Ang taong namumuno sa grupong ito ay walang iba kung hindi ang second-in-command ng South Light General Police Station, si Alex Swift. At ang mga taong dumating
”Ganun ba?” “Masisiguro mo ba na ang mga materyales ay walang problema?“Dapat alam mo na ang iyong construction site ay gumagamit ng sampung tolelada ng materyales bawat araw!“Ikaw ba, ang CEO, ay binabantayan ang bawat isa sa mga tauhan mo araw-araw?“At tungkol naman kay Senior Oskar Armstrong, hindi ba’t dahil sa alam mo na bumili siya sa inyo ng property kaya wala kayong inaalala tungkol sa pagbenta sa mga ito? Iyon ang dahilan kung bakit sinusubukan niyong pumuslit at kumita sa maruming paraan?!“Sinasabi ko sa inyo, maraming tao ang umorder ng villas sa inyo. Kapag nalaman namin na may problema sa kalidad ng mga bahay na gawa niyo, katapusan niyo na!“Ang ginagawa niyo katumbas ng pagkalaban mo sa maraming malalaking tao. Wala kang tiyansa na makapasok pang muli sa business circle!” Tumawa ng malamig si Alex Swift habang binibigay ang kanyang talumpati, kaya nawalan ng kulay ang mukha ni Mandy Zimmer. Alam niya na wala nang kwenta kahit na sumagot pa siya. Dahil
Hindi nagtagal, sinama ni Alex Swift si Mandy Zimmer sa kanila para hingin ang kooperasyon nito sa kanyang imbestigasyon. Ang buong management ng kompanya at opearsyon ay nagkagulo. Talagang masaklap ng sitwasyon. ***At sa parehong oras. Tipikal lang na bumibisita pa rin si si Oskar Armstrong. Hindi pa rin siya umaalis nitong mga nakaraang araw. Hindi pa rin niya alam kung ano ang nangyari sa labas. Ng bigla, may ingay na umalingawngaw sa pasilyo. "Anong nangyayari dito? Hindi niyo ba alam na kailangan niyong maging tahimik sa mga ospital?" Sinenyasan ni Oskar Armstrong ang isang nars sa kanyang tabi para tignan kung ano ang nangyayari sa labas. Pero sa sandaling yun, ilang mga tao ang sumugod papasok ng kwarto. Sila ay mga journalist. "Senior Armstrong, narinig namin tumanggap ka daw ng milyon-milyong dolyar bilang endorsement fee para i-arte ang isang eksena kasama sila sa may construction site, tama ba yun?" "Alam mo ba nung una pa lang na may problema sa kalidad