Magkakasabay na naglakbay ang hukbo ni Zeus at grupo ni Tana. Sina Zeus pabalik ng Kastilyo habang sina Tana patungo sa pantalan pabalik ng Urvularia.
"Hindi na ba kayo mapipilit na sumama sa Kastilyo?" Tanong ni Rose.
Kasabay nito ang kabayong sinasakyan ni Raya at Lara. Habang si Tana ay nakasakay sa kalesa kasama si Zeus. Ang alam nila natutulog ang babae sa loob, pero nagulat sila ng lumipat ang lalaki.
Iniwan naman nila sa Nook Village ang mga motorsiklo kapalit ng mga kabayo, nang sa ganoon nakakasabay pa rin ang mga naglalakad na kawal sa hulihan nila.
"May kailangan pa kaming asikasuhin," Seryosong sagot ni Raya.
Nagtaka naman si Rose sa seryo
Gabi na at kailangan muli nilang magpahinga."Where's Tana?" Tanong ni Zeus kay Lara.Kibit-balikat lang ang sinagot ng babae sa kanya.Hindi na inabala ni Zeus ang babae habang naglalagay nang mga tuyong kahoy sa ginawa nilang apoy.Naglakad-lakad siya sa paligid upang hanapin si Tana. Tanging liwanag ng buwan ang kanyang tanglaw sa madilim na gabi.Malayo na ang kanyang distansya mula sa mga kasama pero hindi pa rin niya nakikita si Tana. Naririnig na niya ang agos ng tubig sa ilog, ngunit kahit bulto ng babae ay hindi niya makita. Masyadong masukal ang parte ng ilog kaya't delikado ang magtungo roon sa ganitong oras.
"It's been you all along, Miss TEF."Nakangiting sabi ni Zeus habang nakatingin kay Tana."What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Raya.Hindi niya pinansin si Raya at humakbang papalapit kay Tana.Bigla naman napatigil sa paghakbang si Zeus ng tumusok ang patalim sa unahan niya.Gulat siyang nakatingin kay Tana. Konti na lang mahahagip na sana ang kanyang mga paa."Don't interrupt when I'm practising."Napalunok si Zeus ng marinig ang malamig nitong boses. Lalo na nang humakbang ito papalapit sa kanya.
"Hmm...?""Did you cook?" tanong ni Tana na bahagyang tumingala kay Aurus.Marahan namang ngumiti si Aurus."Yeah," Sambit nito habang pinapahid ang bakas ng luha sa pisngi ni Tana, "Let's eat. They are waiting for us." Tukoy ni Aurus sa mga kaibigan ni Tana at kina Kardo at Karding."Okay. I'll bid my goodbye to Ares first."Humarap muli si Tana sa puntod ng Prinsipe habang na sa likuran niya si Aurus."I need to go, You're Highness," sambit niya.Mataman naman pinagmamasdan ni Aurus si Tana habang nakatalikod sa kanya.
Seryosong naglalakad sina Tana at Mang Isto patungo sa Palasyo ng Quinteria.May mga curious na nakatingin sa kanila dahil sa kakaibang aura ni Tana. Hindi tinatago ni Tana ang tunay na presensya sa loob ng Quinteria, isa 'yun sa paraan upang maiwasan ang pagtangkang harangin ang dadaanan nila.Karaniwan sa Quinteria na pagtripan ang mga bagong salta kapag tingin ng mga ito'y kaya nila."Former General Istopanio Wellson would like to seek an audience with Lord Pain!" Seryosong sambit ni Mang Isto sa harapan ng nakasaradong malaking gate.Ilang saglit pa sila naghintay bago bumukas ang gate. Limang kawal ang sumalubong sa kanila. Sumaludo pa ang mga ito sa dating Heneral bago sila samahan papasok.
Saglit na tumigil si Tana upang pagmasdan ang tirahan niya sa Quinteria kasama si Mang Isto."Maintain pa rin ito tulad ng dati. Mula sa pintura hanggang sa disenyo." Sambit nang katabi niyang matanda.Pumasok siya sa loob, tama nga ito. Walang pinagbago kahit mga furnitures."Sa basement lang ako Mang Isto," paalam niya sa matanda....Bumungad kay Tana ang iba't-ibang klase ng armas nang makapasok siya sa loob ng basement. Ito ang nagsisilbing safe place niya para sa mga sandata.Una niyang nilapitan ang hilera ng mga katana. Kinuha niya ang isa at winasiwas.
It's been a month nang makarating si Tana sa Zumeria. She's disguising herself as a merchant. Magaganda ang uri ng mga tela sa lugar kaya't iyon ang napili niyang ikalakal kapalit ng mga mineral na dala niya mula sa Quinteria."Ito ang pinakamagandang uri ng tela sa buong Zumeria, kaya't napakaswerte mo at ikaw ang nauna." Nakangiting sabi ng may-ari ng tindahan kay Tana.Nagkunwaring kumamot si Tana sa kanyang batok, kaya't bahagyang lumilis ang manggas ng suot niyang long sleeve. Hindi nakaligtas kay Tana ang bahagyang ngiwi ng kaharap at alam niya ang dahilan. Iyon ay dahil sa pekeng itim na balat na meron siya na maging sa kanyang mukha ay naglagay siya.Zumerian's are well known for being conservatives when it comes to their physical appearance. Kaya't bihira ang
"Sino siya?""Isang dayuhan. Narinig niya ang pagbibigay ng impormasyon sa akin ni Luella kanina.""Hinayaan mo na lang sana siya. Wala rin naman siyang maitutulong sa atin.""Paano kung isumbong niya tayo sa Hari?" Tanong ng lalaking nagsama sa kanya sa lugar na ito na tinawag na Keizler ng kaharap. "Hindi natin hahayaan na matunton tayo ng hayop na 'yon!" galit nitong sabi. "Hahatulan niya si Ina ng kamatayan habang ipapalit niya ang bagong salta bilang Reyna!"Kitang-kita ni Tana ang takot na rumehistro sa mukha ni Keilvin."Anong sinabi mo?""Sa loob tayo mag-usap," sambit nit
Nananatiling nakatayo si Tana habang nakatingin sa madilim na parte ng lugar kung saan naglaho si Blue. Seryoso at nakakuyom ang dalawa niyang kamay."Maraming salamat sa pagliligtas mo sa amin, Binibini."Huminga ng malalim si Tana bago lumingon sa nagsalita.Kitang-kita naman ang gulat sa mukha ni Keizler ng humarap si Tana."Hindi ko kayo iniligtas," malamig niyang sagot."Kahit hindi iyon ang iyong ginawa, nagpapasalamat pa rin kami." Sambit naman ni Keilvin na inaalalayan ng kapatid."Kahit hindi mo intensyon na iligtas kami, nakatulong ka pa rin ng malaki."