Share

CHAPTER 67.2

Nagulat siya ng isigaw iyon ng mga manonood.

So, ito pala ang iniiwasan ni Zeus. Ang makilala siya ng kanyang mamamayan. Alam niyang may dahilan ito kaya humarang siya sa pagitan ni Zeus at siyam na lalaki.

"Sandali! Hindi niyo ba pakikinggan ang paliwanag niya?" tanong niya sa mga ito.

"Wala na kaming pakialam sa paliwanag niya. Hindi noon mabubuhay ang namatay naming kamag-anak!" Galit na sigaw ng isa.

Nakikita niya sa mga mata ng mga tao na gusto na nilang patayin ang lalaki.

"Bakit hindi niyo siya pakinggan, siguradong may dahilan siya." Pagpupumilit niya.

Hinawi ni Zeus ang katawan niya. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status