Location: White District, Urvularia City
Warrior Hall, White Palace
Hindi mapakali si Lalamon sa loob ng Hall. Pabalik-balik naman si Madam Voodoo habang malalim ang iniisip. Mahigpit namang nakakuyom ang kamay ni Zyrex dahil sa pagtitimpi ng galit. Halata rin ang pagtitimpi sa itsura ng Prinsipe.
"Bakit nila hinuli si Miss Reyna na parang isang kriminal?" Hindi na napigilan ni Lalamon ang bugso ng kanyang damdamin, "Ano bang pruweba nila para akusahan siya ng ganoon? Wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Bakit pinagbintangan siyang kasabwat ng nakaitim na 'yon? Kasalanan ba ni Miss Reyna na pumalpak ang teknolohiya nila at may nakapasok na kalaban? Napaka-unfair nila!" Nagdaramdam na sambit ni Lalamon.
"H-hindi ko po alam. W-wala akong ideya. Ang alam ko lang kasali ako sa paligsahan, pagkatapos nagising akong narito na," kwento niya."Interesting." Nahihimigan niya ang pagkamangha sa boses nito, "May naalala rin akong katulad mo ang naging sitwasyon. Sana nga lang hindi ka humantong sa ganoong kalagayan.""A-ano pong ibig mong sabihin? Ano po bang lugar 'to?""Ang lugar na ito ang nagsisilbing kulungan sa White District. Na sa loob mismo ito ng White Palace.""H-hindi ba Black district po ang kulungan sa Urvularia?" Naguguluhan niyang tanong."Iyon ang alam ng lahat, pero tuso ang mga Lucent. Kapag alam nilang hadlang sa kanilang kapangyariha
Bastille Criminal House, White PalaceHuminga ng malalim si Emperador pag-alis ng mga Elite Soldiers."Mauulit na naman ba ang mga pangyayari?" Tanong ng matanda sa sarili."Iba na ang takbo ng pangyayari ngayon, Mahal ko." Sagot ng isang tinig mula sa kabilang selda.Napangiti si Emperador ng marinig ang boses ng asawa."Kay tagal kitang hinintay Mahal ko. Umaasa akong makakalabas na rin sa seldang ito ngunit hindi ko inaasahan na ikaw pala ang papasok dito," naiiling niyang sagot."Kailangan ko pang ayusin ang lahat ng pangyayari bago tayo magkita. Nang sa ganoon magiging panatag ang aking
"Ililibing ko ng buhay. Nalipol ko ang buo niyang angkan, ano pa kaya kung nag-iisa na lang siya?" Muli itong tumawa, "Isasabay ko sa apprentice mo."Muling ngumiti si Madam Voodoo."Siguradong katapusan na rin ng anak mo kapag nangyari iyon. Nakakalimutan mo yata na isang atake na lang ng kanyang emosyon, mawawala na siya ng tuluyan,""Hindi ko hahayaan mangyari 'yon.""Okay sabi mo e. Umalis ka na nga sa harapan ko. Nakakainis ang pagmumukha mo." Tinalikuran ito ni Madam Voodoo."Tandaan mo Doniela. Ang lahat ng nalalaman mo ay mababaon din sa hukay oras na hatulan ka ng kamatayan." Galit na banta ng Hari bago umalis.
Location: Somewhere in Urvularia City"Cheers!" masayang itinaas ng lalaki ang kopita.Masyadong masaya ang pinuno sa mga nangyayari ngayon."You're Highness, nagawan ko na po ng paraan ang pagmamatyag ng Elite Soldier Captain sa akin. Napaalis ko na rin ang mga Agents na nagtungo sa Blue District," Pagbibigay alam ni Venus sa kanilang Pinuno."Magaling," masaya nito sabi. "Pagbibigyan kitang makasama ng ilang araw ang iyong kapatid bilang reward,""Talaga po? Maraming salamat You're Highness!" Kitang-kita ang saya sa mga mata nito."Kontrolado ko na lahat sa Black District maliban sa Dungeon
Lihim na nasaktan ang Supreme Havoc. Bilang isang Ama na matagal nawalay sa pamilya, hiniling din niyang makasama kahit minsan ang anak. Alam niyang may mabigat itong tungkulin sa katabing kaharian, ngunit umaasa pa rin siyang kahit papano gusto rin siyang makasama ng kanyang pamilya."Kapag natigil ang kaguluhan, saka kita pupuntahan."Malungkot na ngumiti ang matanda.Nasambit nito ang nangyaring pananakop sa kanilang lugar habang wala ang kanilang Hari. Ayon kay Rose, nakagawian na ng kanilang Hari ang umalis ng Palasyo at iyon ang sinamantala ng mga kalaban. Sa ngayon, patuloy pa rin ang kaguluhan sa lugar at hindi pa nagpapakita ang Hari. Si Rose ang pinagkakatiwalaang maghanap sa Hari at pansamantalang iniwan ang sariling hukbo, ngunit sa ilang araw nitong paghah
Location: White District Urvularia CityWhite Palace"You're Majesty, nagkaroon po ng pag-aaklas ang dalawang distrito," Panimula ni Elder Duko sa kasalukuyang nagaganap na monthly forum sa Palasyo."Sa Black District inaalipin ang matatanda, sapilitang pinag-eensayo ang mga kalalakihan at ginagawang aliwan ang kababaihan. Kung hindi sumusunod hinahatulan nila ng kamatayan. Samantalang sa Blue District, bali-balita ang assassination sa Lady Warrior at kanang kamay niya na ngayo'y pansamantalang namumuno sa lugar. Hindi na rin po sila sumusunod sa mga patakaran ng palasyo. Napag-alaman namin na muli silang gumagawa ng mga armas." Dugtong ng Elder."Maaari tayong magpadala ng karagdagang Elite Soldier sa B
"Cho, kukunin ka na nila. Magkakalayo na tayo. Pakiramdam ko hindi na tayo muling magkikita," Umiiyak nitong sabi. "Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Tinarayan pa kita noon at pinapaalis. Ayoko kasing maging Protector ka. Ano bang kaya ng isang babaeng katulad mo?" Natawa si Lirasia kahit tumutulo ang mga luha. "Pero ipinakita mo sa'kin kung gaano ka kagaling. Kung paano ka makipaglaban habang pinagtatanggol ako. Maraming salamat Cho. Ikaw lang ang tanging kaibigan na hindi ko makakalimutan. Ikaw lang ang aking kakampi sa lahat ng bagay. Paalam kaibigan." Marahang tumayo si Lirasia. Isang sulyap ang binigay niya sa kaibigan bago ito iwanan.Nang makalabas ang Prinsesa, pumasok naman sa silid ang Supreme Havoc."Mukhang napalapit ka sa kanya ng husto, Pamangkin." Sambit nito habang nakatunghay sa natutulog na babae,
Nagtungo naman ang Prinsipe sa hardin ng Warrior Hall. Muling nanumbalik ang ala-ala nilang dalawa sa kanyang isipan."Bakit kailangan kong sumang-ayon?" Walang emosyon nitong tanong.Sisiguraduhin kong magkakaemosyon na ito sa gagawin niya."Dahil kailangan mo akong protektahan," sagot niya."From Lira?"Lumunok muna siya bago sumagot. Sinusuri kasi siya nito ng tingin."Y-yes. Hindi niya ako tinitigilan. Nagpanggap pa siyang Noble Warrior para pakasalan ko. Kapag alam niyang nagmamahalan tayo, titigilan na niya ako,""Why not marry
"Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura
One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom
"You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga
"Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.
Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang
Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.
"Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.
Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.
"Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.