“O, Tintin na enjoy ka ba? ano manuod tayo ng movie, ano pang gusto mo?" tanong ni Jennifer sa bata. “Hindi na po maraming salamat po pala Tita." “Mukhang pagod na pagod na siguro ang bata,.ano uwi nalang tayo Samantha pagbalik ko nalang siguro. Sa susunod pasyal nanaman tayo Tintin ha mas madami ang bibilhin kung laruan para at manunood tayo ng movie gusto mo yun diba?" “Sige po." “Maraming salamat po Ma'am Jennifer ha, nag-enjoy po talaga si Tintin." “Walang anuman maliit na bagay lang 'to,.tara na. Bukas na pala ang uwi ko. Salamat at nandito si Tintin may kasama ka sa bahay kung may trabaho si Gabriel." Umuwi na nga sila ng bahay at tinulungan ni Samantha na mag-impake ng kanyang gamit habang si Gabriel nakatingin lang sa bata habang ito ay naglalaro. Hindi naman nakatiis si Gabriel at nilapitan niya ito. “Hi, Tintin.. ang cutecute mo naman ang dami mo ng laruan. Ilang taon kana Tintin?" tanong nito habang naglalaro ng Manika si Tintin. “Ako po? limang taong gulang na
Kinaumagahan ay maagang gumising si Jennifer dahil maaga ang flight nito papuntang Amerika. “Good morning Ma'am inilagay na po lahat ni Manong Pedring ang gamit niyo sa sasakyan." “Salamat Samantha, o Tintin mag-iingat kayo dito ha laging magpakabait kay Mama habang wala ako dito kayo muna ang magbabantay sa bahay, at kay tito Gabriel mo," habilin nito kay Tintin at Samantha. “Opo tita Jennifer. Salamat po mag-iingat din po kayo." “Salamat Tintin, tara na babe?" “Sige tara na." Sumakay na nga si Jennifer,at kumaripas ng takbo ang sasakyan nila dahil ilang minuto nalang ay flight na nito. Ilang minuto ay nakaabot na nga sila sa Airport ,at dumeretso na sa departure area si Jennifer. “Ano, babe dito nalang siguro, mag-iingat ka ha. I love you palagi kung tatawagan si Samantha para icheck kung kumusta kana at kung kumain kana, o umuwi kana ba alam mo na wala ako dito pero salamat at nandyan si Samantha sya ang magsusumbong sa akin baka kung sino na kasama mo sorry babe biro la
“Sige na alis na tayo Erika baka dumating na si Ma'am Jennifer sa Amerika at tumawag sabi pa niya lagi n'yang i-checheck si Gabriel." “Dapat lang! hahaha biro lang... tara na nababagot na si Tintin." “Sige tara anak."“Mama... uuwi na po ba tayo gusto ko pang maglaro Mama..." pakiusap ni Tintin sa kanyanh ina dahil nag-e-enjoy pa ito sa kanyang mga kalaro. “Hindi pweda anak baka pag tumawag si Ma'am Jennifer tapos wala tayo sa bahay baka magtaka 'yon promise ko babalik tayo dito anak,"paliwanag nito kay Tintin. “Promise 'yun Mama ha." “Oo, anak. Promise!" “Pero, bago tayo umuwi bibili muna tayo ng paborito mo. Frenchfries, at tsaka burger..." “Sige po.' Ilang minuto ay umuwi na sila sa bahay nila Gabriel, nagluto si Samantha ng masarap na ulam para kay sa kanila tatlo. Napaisip si Samantha bigla. “Paano kaya kung wala si Jennifer tapos kami ni Tintin lang ang nasa buhay niya ngayon buo,at masayang hinihintay namin ang papa niya haling sa trabaho, sabay kaming kumakain siguro
“Sandali lang Gabriel narinig ko si Tintin tinatawag ako baka makita tayo ng bata dito." Nagmamadaling magbihis si Samantha at lumabas para tingnan ang kanyang anak. Naglalakad si Tintin sa labas ng kanyang kwarto at iyak ng iyak ito hinahanap ang kanyang ina. “Mama, huhuhu! saan naba si Mama." “Anak, pasensya kana anak ha umalis saglit si Mama may tiningnan lang ako doon." “Mama...huwag po kayong umalis natatakot po kasi ako Mama." “Oo,anak patawarin mo ako anak sige na matulog kana ulit hindi na ako aalis pa." Natakot si Samantha at baka makita sila ng kanyang anak kaya hindi na sya bumalik pa kay Gabriel. Kinaumagahan maagang gumising si Gabriel para maghanda ng kanilang almusal. “Good morning Samantha, halika kumain na tayo gising na ba si Tintin?" “Bakit ikaw ang nagluto?" “Gusto ko lang asikasuhin kayo, mamaya pagkatapos ng meeting ko sasama kayo sa aking mamamasyal tayo may pupuntahan tayon magandang pasyalan." “Baka makapansin na si Manong Pedring sa ati
“Tintin gusto mo ba maligo tayo ng pool, ituturo ko sayo anong tamang paglangoy, nakaligo kana ba ng dagat?" tanong ni Gabriel sa bata. “Opo, pero hindi po ako marunong lumangoy " “Gusto mo turuan kita si Mama mo,at ako ang magtuturo sayo." “Sige po Tito Gabriel..." “Ano kaba Gabriel, baka makita tayo ni Manong Pedring." “Wala si Manong Pedring nagday off sya ngayon, kaya tayo lang ang nandito ngayon sige na magpalit na kayo ni Tintin." Dahil kay Tintin kung kaya ay napapayag si Samantha. “Kung hindi lang dahil sa bata hindi ako papayag." Nagpalit sila ng pangligo dalawa. Magkahawak kamay pa simang tatlo pumunta sa pool,at napangiti naman si Gabriel ng biglang binitiwan ni Samantha ang mahigpit na paghawak ni Gabriel sa kamay niya. “Bakit ka nakangiti dyan?" “Wala lang ang cute nyo kasing dalawa, gusto kung sulitin ang araw na'to dahil bukas balik trabaho na ako." “Tintin sabihin mo kay Mama na kailangan hawakan nya ang mga kamay ko dahil delikado tong ituturo ko sayo," ku
Sa mga oras na iyon ay hindi alam ni Samantha ang kanyang gagawin napayakap nalang s'ya bigla kay Gabriel. “Samantha, magiging maayos din ang lahat." Makaraan ang ilang ng paghihintay sa resulta ay lumabas na ng1 ang resulta ng laboratory test ni Tintin. “Ma'am kayo po ba ang ina ng pasyent?" “Opo doktora. Ano po ang problema sa anak ko doc?" “Ma'am may kanser po ang anak niyo sa dugo at kailangan po natin s'ya magamot agad." “Sige po Doc, gawin niyo po lahat para sa anak ko." “May kamahalan po ang procedure ng gamitan kailangan po natin syang ma chemo therapy habang hindi pa malala ang kanyang sakit." “Kahit ano po gawin niyo po ang lahat para sa bata. Samantha ako ang bahala sa gastusin." “Salamat Gabriel..." Napahagulhol nalang sa iyak ang kawawang si Samantha dahil sa natuklasang kalagayan ng anak. Sandali lang Gabriel kailangan kung ipaalam kay Nanay,at Tatay ang nangyari. Dialing... “Hello, Nay." “Anak, napatawag ka?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.“Nay si
“Mama, ano po ba ang nangyari sa akin?"tanong ng anak na hinanghina parin. “Anak... wala okay ka lang naman anak nawalan kalang ng malay kanina." “Nasaan po ako Mama?" “Nasa hospital tayo anak kailangan mo kasing magpalakas anak, sabi ni Tito Gabriel mo pag gumaling kadaw bibili na naman tayo ng maraming laruan,at mamasyal na naman tayo." “Gusto ko po makausap si Lola pwede po ba?" “Sige tatawag tayo ngayon kay lola ha?" Pumunta muna sa labas si Samantha para hindi marinig ni ng anak ang pag-uusap nila ng kanyang ina. Dialing... “Hello... o anak napatawag ka?" “Nay, gusto po kayong makausap ni Tintin pero nay wag niyo pong sasabihin sa kanya ang condition nya para hindi po sya mag-alala o manghina baka kasi pag nalaman niya ang sakit niya mas lalong lalala po," paliwanag nito sa ina. “Oo anak naiintindihan ko anak," sagot ng ina nito. “Sige nay ibibigay ko na po ang cellphone kay Tintin. Ah— sya nga pala nay baka dito ko nalang ipagpatuloy ang pag-aaral ni Tintin dahil
“Kung hindi dahil sayo Gabriel hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para ipagamot si Tintin." “Okay lang sa akin Samantha magaan ang loob ko kay Tintin, at alam mong importante ka sa akin, kaya kung ano yung mga pinapahalagahan mo ay kailangan ko rin pahalagahan." “Ginagawa mo ba 'to para mapatawad kita?" “Hindi sabi ko mahal kita, at importante ka sa akin kung anong mahalaga sayo, mahalaga rin sa'kin. Maniwala ka sa akin Samantha." “Anong gagawin mo kung malaman ni Jennifer ang tungkol sa atin?" “Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sa ngayon kailangan muna natin itago 'to kailangan ko munang makausap ang Papa." “Minahal mo rin ba si Jennifer?" “Oo naman syempre mabait sya, magaan ang loob ko sa kanya. Pero iba ang pagmamahal ko sa'yo. " “Kung totoong mahal mo ako bakit mo ako iniwan?" “Dahil sa magulang ko, dahil nagkasakit ang papa kaya ako bumalik sa America para asikasuhin ang negosyo namin." “Kung nalaman mong buntis ako hahanapin mo ba ako?" “Magtapat ka nga a
“O san ka nanggaling Gabriel?” nagtatakangb tanong nito. “May pinuntahan lang,’ sagot ni Gabriel. Talaga bang nagbago kana? hindi ka naman dating ganyan nagpapaalam ka naman a akin sa tuwing aalis ka, ngayon wala ka ng pakiaalam sa relasyon natin.” “Kailangan bang bawat kilos ko ay alam mo, kahit saan ako magpunta dapat ba alam mo? Hindi pa naman tayo kasal diba?” galit na sagot ni Gabriel kay Jennifer. “Kahit na fiancee mo ako at nagsasama tayo isang bahay ba’t ang dami ng nagbago sayo Gabriel may iba kana ba!?” galit na tanong ni Jennifer. “Ayaw ko muna sanang makipagtalo ngayon Jennifer.” “Teka, hindi ko na nakita si Samantha ngayon bakit hindi parin s’ya lumalabas?’ pagtataka nito. “ Umalis na siya umuwi siya sa kanila para bantayan ang kanyang anak dahil yun ang gusto ng kanyang magulang,’ paliwanag nito. “Ganun lang hindi manlang nagpaalam sa akin, sa lahat ng ipinakita ko sa kanya ganito lang isusukli ni
“Ano kaya kung tawagan natin sila Nanay, at Tintin alam kung matutuwa sila pag nalaman nila na hindi na ako mgtatrabaho," sabi ni Samantha. “Ano kaya kung supresahin nalang natin sila," munkahi ni Gabriel. “Tama ka nga nga Gabriel kailangan ko ng bilisan ang pag iimpake habang hindi pa dumarating si Jennifer, may papalit naman sa akin sabihin mo nalang kailangan ko ng umiwi sa probisya namin para maalagaan ko ng maayos si Tintin." “Oo ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya, at sasabihin ko rin naman ang totoo sa kanya hahanap lang ako ng pagkakataon. Samantha marami akong plano para sainyo ni Tintin unang una gustong gusto ko na kayong ipakilala kay Mama, at kay Papa." “Matatanggap kaya nila kami Gabriel alam mong mahirap lang kami." "Si Tintin ang magiging tulay natin mahal ko, alam kung sabik na sabik na sila magkaapo, sa simula lang naman tayo mahihirapan pero pag nakita na nila ang anak natin sigurado akong matatanggap nila tayo." Habang si Jennifer naman ay kausap nito
"Wala may nakalimutan lang ako s'ya nga pala babe ikaw saan ka nga nagpunta? tanong nito sa kanya. "Ako? ahhh may inasikaso lang." sagot nito. "Mukhang napaka importante ng lakad mo babe." "Hindi isa lang sa mga business ko ang nakipagkita sa akin may ipinakita lang s'ya na proposal sa akin," paliwanag nito. "Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?" "Bakit hindi ba pwedeng makipagkta sa labas sa kanila. besides ako naman ang boss sa kompanya kaya pwede akong lumabas kahit kailan ko gusto." "Wala naman babe biglaan lang kasi, si Samantha nasaan nga pala siya? may lakad din?" sarkastikong tanong nito. “Hindi ko alam, siguro naggrocery lang." Halatang halata ni Gabriel na nag-iisip na ito kakaiba sa kanila. “Wala naman akong inutos sa kanya, at hindi din sya nagpaalam sa akin na lalabas s'ya." Biglang nagtaas ang kilay ni Jennifer. “Ah ganun ba o sige aalis na ako mag ingat ka lang dito babe ha baka may ahas sa bahay na'to," paalala nito. Nagtaka si Gabriel sa mga sina
Habang wala si Jennifer ay nagkasundo sila na dalawin ang kanilang anak. “Good morning mahal ko," sabay ngiti at yakap kay Samantha. “Mabuti naman at gising kana, bakit hindi ka pumasok ngayong araw na'to?" tanong ni Samantha kay Gabriel. “Mahal ko sinadya ko to para madalaw natin ang ating anak kailangan natin bumalik ngayon sa doktor," paliwanag ni Gabriel. “Tama nga no kailangan pala nating dalhin ngayon si Tintin sa kanyang doktor." “Sige na maligo na tayo ,at para maaga tayong makabalik tapos pupunta ako sa agency para makahanap na ng kapalit mo dito para maalagaan mo ng maayos ang anak natin." “Maganda nga ang plano Gabriel." Pagkatapos nilang mag-ayos dalawa ay nagtungo agad si Gabriel sa agency para maghanap ng katulong. “Good morning sir!" sabi ng agent. “Goodmorning naman," sagot nito. Habang si Samantha ay nasa labas at naghihintay sa kanya. “Ano po ang sa atin Sir?" tanong ng agent. “Ahh ako yung pumunta dito last time kasama ko ang aking fiancee
Hindi halos iniwan ni Jennifer si Samantha sunod ito ng sunod,at utos ng utos sa kanya laya pagbalik ni Gabriel galing sa trabaho ay napansin agad nito na mukhang pagod na pagod na si Samantha. “Babe, nandito kana pala." Lumapit su Jennufer at hinalikan nito si Gabriel sa labi pero umiwas ito. “Teka lang bakit pagod na pagod si Samantha?" nagtatakang tanong nito. “Bakit ba mas concern ka sa kanya katulong naman natin s'ya dito diba, ofcourse mapapagod s'ya bawal ba s'yang utusan?" “Ano ba ang nangyari sayo ba't palagi ka nalang galit, hindi ka naman dating ganyan?" “Ikaw ano ang nangyari sayo ba't panay iwas ka nalang palagi sa'kin pagod kana na naman ba?" sarkastikong tanong nito. “Jennifer please... mamaya nalang tayo mag-usap." Pumasok muna si Gabriel sa kwarto nila para makaiwas sa kanilang pagtatalo ni Jennifer. Habang si Samantha ay napayuko nalang dahil iba makatingin sa kanya si Jennifer. “Sige Samantha magpahinga kana." Sumunod naman si Jennifer sa itaas pa
“Saan ka ngayon kumukuha ng panggamot kay Tintin? tanong nito. “Baka kailangan mo ang tulong namin," dagdag pa nito. . Hindi maiwasan na magtinginan silang dalawa ni Gabriel at nahalata naman ni Jennifer ito, pero patuloy parin ang pakukunwari nito. “May tumutulong na po sa kanya Ma'am," sagot nito. “Ah ganun ba ang bait naman ng tao na 'yan." “Oo nga Ma'am napakabait n'ya po." “Pero kung kailangan mo pa ang tulong ko Samantha magsabi kalang ha?" sabi nito. “Sige po Ma'am maraming salamat po." “Ah Samantha, pwede bang bukas may ipabibili sana ako saiyo maraming kulang dito." “Sige po Ma'am wala pong problema saakin, sige maiwan ko na po kayo Ma'am." “Babe babalik kana bukas sa trabaho?" tanong ni Gabriel. “Hindi pa magpapahing muna ako, ikaw kumusta na ba ang negosyo niyo?" tanong naman sa kanya ni Jennifer. “Okay lang naman babe, naayos ko na ang problema." “I'm sure na namimiss muna ako babe, ang tagal ko sa Amerika," paglalambing ni Jennifer sa kanya.
Malapit ng sumapit ang gabi, at nagluluto na ng hapunan si Samantha habang si Gabriel naman ay nasa sofa nagbabasa ng magazine, hindi nila alam ay malapit na palang dumating si Jennifer ilang minuto simula ng dumating na ito sa airport ay hindi s'ya nagsabi kay Gabriel na bumalik na pala s'ya dahil ayaw nitong malaman ni Gabriel ang kanyang mga plano. “Gabriel pupunta muna ako sa kwarto ko,at magbibihis." Mabuti nalang at saktong pagkatapos magluto ni Samantha ay bumalik muna ito sa kanyang kwarto bago paman dumating si Jennifer. Narinig ni Gabriel ang tunog ng sasakyan sa labas kaya akala n'ya ay dumating ang kanyang pinsan kung kaya ay pinuntahan n'ya ito para buksan dahil umuwi din ang kanilang driver kaya wala syang ibang mautusan,pagkabukas n'ya ng gate ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang si Jennifer pagbukas nito ng salamin ng sasakyan. “Babe? ba't parang nakakita ka yata ng multo?"nagtatakang tanong nito. “Wala babe bakit hindi ka manlang nagsabi na darating ka
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nati
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nat