Ang hindi alam ni Samantha ay nakita pala sila ni Gabriel sa hindi kalayuan dahil may naiwan ito sa bahay na kailangan nitong balikan. Kaya napahinto si Gabriel at tinawag ito. “Samantha?" Tuloy tuloy parin ito sa kanyang paglalakad. “Samantha sandali lang." “Gabriel, bitiwan mo nga ako baka may makakita sa atin." “Bakit kausap mo si Edward?" galit na tanong nito. “Ano ngayon?" sarkastikong sagot kay Gabriel. “Halika sumakay kana," pamimilit nitong sumakay sya sa sasakyan. “Kaya ko naman maglakad at tsaka malapit lang naman ang bahay niyo." “Wag na kasi matigas ang ulo." Pero nakita silang dalawa ni Edward at ang nasa isip nito na sila parin Gabriel. Hindi nalang s'ya lumapit sa dalawa. Napakasakay nalang si Samantha dahil mahigpit na hinawakan ang kamay ni Samatha at subrang lakas ni Gabriel hindi sya makapalag. “Sekreto ba kayong nagkikita ni Edward?" “Ano ba kasi ang pakialam mo." “Hindi ko gusto na nakikipag-usap ka kay Edward." “Mabuti pa kayo pinagpustahan
“Gabriel! Gabriel! ba't ang tagal mo." tawag nito habang nakatayo sa itaas malapit sa hagdanan “Sandali lang paakyat na! Samantha basta sundin mo lang ang sinasabi ko sayo hindi na ako lalapit sayo, walang magiging problema basta wag kalang lumapit o makipag-usap sa kahit na sinong lalaki lalong-lalo na sa Edward na 'yan. Bukas ibibigay ko ang bagong cellphone mo at ibibili kita ng bagong simcard para makausap mo ang anak mo dalawang cellphone alal kung sabik kana makita ang anak mo" Bago ito umakyat sa sa taas. Muntikan pa silang makita ni Jennifer. “Anong ginagawa mo dito Babe? kanina pa ako naghihintay sa taas." “Wala, may nakalimutan lang ako." Hindi maintindihan ni Samantha si Gabriel dahil pinagbabawalan sya nitong makipag-usap sa kaibigan nitong si Edward. “Alam mo babe, naa-awa ako kay Samantha mabait na,maganda pa nagawa pang iwan ng lalake ang swerte na kaya niya marunong pa sa gawaing bahay napakawalang kwenta ng lalaking 'yon hindi manlang naawa sa anak nila." “
Bumalik nga agad si Gabriel sa kanilang bahay dala ang nabili nitong bagong cellphone para kay Samantha. “Samantha, nasaan si Jennifer?" tanong nito habang hawak ang isang box ng cellphone. “Umalis silang dalawa namasyal yata," sagot nito habang naghuhugas ng plato. “Nga pala ito na ang bago mong cellphon." sabay lagay sa mesa. “Buksan mo na." “Kailangan ko parin ang lumang cellphone ko para makuha ko ang contact number ng Nanay, at ng kaibigan kung si Erika." “Tapos na nilagay ko na dyan ang contact number nila maliban lang kay Edward." “Salamat pala sa pagbili mo nito." “Walang anuman. Kailan mo kukunin ang anak mo sainyo ng makabook na tayo ng ticket mo at kukuha narin tayo ng ticket mo pauwi dito." “Kaya ko naman ako nalang ang bibili, sa susunod na linggo tamang-tama wala na silang pasok." “Sige sabihin mo lang para makakuha na tayo ng ticket mo." lalapit sana sya kay Samantha ng biglang nagring ang kanyang cellphone. “Si Jennifer ang tumawag sandali lang sagutin
Makaraan ang ilan araw dahil malapit na ang alis ni Jennifer papuntang Amerika ay nakapagdesisyon syang mag Island-hopping para i enjoy ang ilang araw niya sa Pilipinas kasama din nito ang kanyang kaibigan na si Cheska dahil nga ay tatlong araw sila ay nagdala narin sila ng mga damit nila. “Ano Samantha ready naba ang lahat?" tanong nito. “Inayos ko na po ang lahat ng dadalhin po natin," “Tatawagan ko muna si Cheska ha, dahil gusto daw niyang sumama sa atin." “Sige po Ma'am." Dialing... “Hello, Cheska ano sasama ka ba?" paninigurado nito sa kaibigan. “Oo sasama ako ito na nga inaayos ko na ang mga dadalhin ko anong oras ba tayo aalis?" “Ngayon na inaayos lang ni Samantha yung mga dadalhin namin, si Gabriel naman nasa itaas sya din nag-aayos ng mga dadalhin namin. Inayos ko na pala ang lahat siguro dadating tayo sa San Lorenzo 3pm sakto hindi na mainit sa oras na 'yan." “Sige tawagan mo nalang ako ulit pagpaalis na kayo," sabi ng kaibigan nito. “Dalawang sasakyan naman a
“Alam mo itong si Gabriel,at Jennifer bagay talaga sila. What do you think Samantha dahil si Jennifer anak ng bilyonaryo, si Gabriel naman anak din ng bilyonaryo ang swerte ng magiging anak nila." sabi ni Cheska na parang nahalata ni Samantha iba ito kung magsalita. “Ano kaba mahiya ka naman kay Samantha. Cheska hindi ka pa naman siguro lasing diba?" “Hindi seryuso ako. Alam mo Samantha napakasimply lang nila kung titingnan mo sila pero mga anak pala ng mga bilyonaryo. Maraming nanligaw dito ky Jennifer pero kay Gabriel lang talaga to nahulog." “Chesca, napakadaldal mo talaga. Samantha pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko ha ganyan talaga 'yan pagnakainom." “Okay lang po Ma'am naiintindihan ko po." “Sige inom pa tayo! cheersss!" “Cheers!" “Ilan taon na pala ang anak mo Samantha?" tanong sa kanya ni Chesca. “Mag-aanim na taon na po sya." “Oo, gusto kung makita ang anak mo Samantha bago manlang ako makauwi sa Amerika," sabi ni Jennifer. “Opo Maam kukunin ko po sya bago po k
“Halika na Cheska maligo muna tayo. Babe hibdi kaba maliligo?" Mamaya nalang babe. Habang busy sa pagsiswimming si Cheska, at si Jennifer ay pasimply itong humingi ng pasenysa kay Samantha. “Pasensya kana kagabi." Okay lang walang problema sa akin, basta umiwas na tayo sa isa't-isa ayaw ko lang ng gulo. “Basta wag kang aalis sa bahay iiwas na ako." Natapos na ngang maligo si Cheska,at si Jennifer. “Saglit lang Babe ha, magpapalit lang ako ng damit. Ano Cheska sasama kaba sa amin?" “Hindi na dito nalang ako." “O sige kaw ang bahala." “Babe, matagal ka paba?" tanong ni Gabriel. “Eto na binibilisan ko na nga, okay naba si Samantha?" “Kanina pa naghihintay sa baba." “Sige susunod na ako." “Samantha, sandali lang nagbibihis pa si Jennifer." “Okay lang sir makakapaghintay naman po akp." “Isang oras pa 'yan bago matapos mabuti umalis nalang kayo aabutin kayo ng gabi," pagbibiro ni Cheska. “Ito na o tapos na, tara na. Ano Cheska dito kalang talaga hindi ka talaga sasama?"
Mas mabuting pang sa loob nalang ako. “Bakit kaya pumasok si Samantha," ani Cheska. “Hayaan mo sya namimiss kasi ang anak niya kahapon pa kaya 'yan hindi mapakali," sagot ni Jennifer. “Diba nakausap niya na ang anak niya ba't mukhang wala parin sya sa mood." “Pagod siguro hindi kaya madaling magluto." “Kung sa bagay may panahon din akong ganyan pero kaya nga tayo nandito para mag enjoy." “Hayaan mo na, tayo nalang ang mag enjoy dito." “Sana pala dinala ko nalang ang boyfrienf ko dito sana hindi ako naiingit sainyo." “Sabi ko na sayo dalhin mo tingnan mo ngayon." “Nag-i-enjoy naman ah," natatawang sabi nito. “Sige mag enjoy kayo dyan at nilalamig na ako papasok muna ako." paalam ni Cheska. “Ito talagang kaibigan ko." “Babe dapat magbook na tayo ng ticket ni Samantha gusto ko kasi makita ang ank niya bago ako bumalik ng US." “Sige pwede naman tayo magbook online para makauwi sya agad sa kanila at makabalik agad." “Alam kung sabik na sabik narin si Samantha makita an
Dahil hindi na kaya ni Cheska at nararamdaman na nito ang hilo kaya nakapagdesisyon itong pumasok na sa kwarto dahil marami narin ang nainom nito. “Samantha, marami na yata ang nainom ko pasok muna ako sa kwarto ha," paalam nito kay Samantha. “Okay lang Ma'am Cheska may trabaho din akong tatapusin sa baba." “Okay Samantha." Habang si Jennifer panay naman ang lambing kay Gabriel. “Babe... pansinin mo naman ako ilang araw ka ng ganyan. Napapansin ko sayo parang parati lang balisa. Ayaw mo bang bumalik ako sa Amerika?"Habang hinahaplos ni Jennifer ang likod at hinahalik-halikan. “Babe, hindi naman may iniisip lang." “Tungkol ba 'yan sa trabaho?" “Oo, tungkol to sa meeting ko bukas." “Pasensya kana babe, ng dahil sa akin nakalimutan mo pa tuloy ang meeting mo." “Don't worry babe, gusto ko rin naman ng ganito nakakapagrelax tayo hindi lang puro trabaho." Dahil ayaw ni Gabriel na mapansin ni Jennifer ang pagiging balisa niya,at walang gana sa kama ay bigla nalang niyang pina
“Ano kaya kung tawagan natin sila Nanay, at Tintin alam kung matutuwa sila pag nalaman nila na hindi na ako mgtatrabaho," sabi ni Samantha. “Ano kaya kung supresahin nalang natin sila," munkahi ni Gabriel. “Tama ka nga nga Gabriel kailangan ko ng bilisan ang pag iimpake habang hindi pa dumarating si Jennifer, may papalit naman sa akin sabihin mo nalang kailangan ko ng umiwi sa probisya namin para maalagaan ko ng maayos si Tintin." “Oo ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya, at sasabihin ko rin naman ang totoo sa kanya hahanap lang ako ng pagkakataon. Samantha marami akong plano para sainyo ni Tintin unang una gustong gusto ko na kayong ipakilala kay Mama, at kay Papa." “Matatanggap kaya nila kami Gabriel alam mong mahirap lang kami." "Si Tintin ang magiging tulay natin mahal ko, alam kung sabik na sabik na sila magkaapo, sa simula lang naman tayo mahihirapan pero pag nakita na nila ang anak natin sigurado akong matatanggap nila tayo." Habang si Jennifer naman ay kausap nito
"Wala may nakalimutan lang ako s'ya nga pala babe ikaw saan ka nga nagpunta? tanong nito sa kanya. "Ako? ahhh may inasikaso lang." sagot nito. "Mukhang napaka importante ng lakad mo babe." "Hindi isa lang sa mga business ko ang nakipagkita sa akin may ipinakita lang s'ya na proposal sa akin," paliwanag nito. "Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?" "Bakit hindi ba pwedeng makipagkta sa labas sa kanila. besides ako naman ang boss sa kompanya kaya pwede akong lumabas kahit kailan ko gusto." "Wala naman babe biglaan lang kasi, si Samantha nasaan nga pala siya? may lakad din?" sarkastikong tanong nito. “Hindi ko alam, siguro naggrocery lang." Halatang halata ni Gabriel na nag-iisip na ito kakaiba sa kanila. “Wala naman akong inutos sa kanya, at hindi din sya nagpaalam sa akin na lalabas s'ya." Biglang nagtaas ang kilay ni Jennifer. “Ah ganun ba o sige aalis na ako mag ingat ka lang dito babe ha baka may ahas sa bahay na'to," paalala nito. Nagtaka si Gabriel sa mga sina
Habang wala si Jennifer ay nagkasundo sila na dalawin ang kanilang anak. “Good morning mahal ko," sabay ngiti at yakap kay Samantha. “Mabuti naman at gising kana, bakit hindi ka pumasok ngayong araw na'to?" tanong ni Samantha kay Gabriel. “Mahal ko sinadya ko to para madalaw natin ang ating anak kailangan natin bumalik ngayon sa doktor," paliwanag ni Gabriel. “Tama nga no kailangan pala nating dalhin ngayon si Tintin sa kanyang doktor." “Sige na maligo na tayo ,at para maaga tayong makabalik tapos pupunta ako sa agency para makahanap na ng kapalit mo dito para maalagaan mo ng maayos ang anak natin." “Maganda nga ang plano Gabriel." Pagkatapos nilang mag-ayos dalawa ay nagtungo agad si Gabriel sa agency para maghanap ng katulong. “Good morning sir!" sabi ng agent. “Goodmorning naman," sagot nito. Habang si Samantha ay nasa labas at naghihintay sa kanya. “Ano po ang sa atin Sir?" tanong ng agent. “Ahh ako yung pumunta dito last time kasama ko ang aking fiancee
Hindi halos iniwan ni Jennifer si Samantha sunod ito ng sunod,at utos ng utos sa kanya laya pagbalik ni Gabriel galing sa trabaho ay napansin agad nito na mukhang pagod na pagod na si Samantha. “Babe, nandito kana pala." Lumapit su Jennufer at hinalikan nito si Gabriel sa labi pero umiwas ito. “Teka lang bakit pagod na pagod si Samantha?" nagtatakang tanong nito. “Bakit ba mas concern ka sa kanya katulong naman natin s'ya dito diba, ofcourse mapapagod s'ya bawal ba s'yang utusan?" “Ano ba ang nangyari sayo ba't palagi ka nalang galit, hindi ka naman dating ganyan?" “Ikaw ano ang nangyari sayo ba't panay iwas ka nalang palagi sa'kin pagod kana na naman ba?" sarkastikong tanong nito. “Jennifer please... mamaya nalang tayo mag-usap." Pumasok muna si Gabriel sa kwarto nila para makaiwas sa kanilang pagtatalo ni Jennifer. Habang si Samantha ay napayuko nalang dahil iba makatingin sa kanya si Jennifer. “Sige Samantha magpahinga kana." Sumunod naman si Jennifer sa itaas pa
“Saan ka ngayon kumukuha ng panggamot kay Tintin? tanong nito. “Baka kailangan mo ang tulong namin," dagdag pa nito. . Hindi maiwasan na magtinginan silang dalawa ni Gabriel at nahalata naman ni Jennifer ito, pero patuloy parin ang pakukunwari nito. “May tumutulong na po sa kanya Ma'am," sagot nito. “Ah ganun ba ang bait naman ng tao na 'yan." “Oo nga Ma'am napakabait n'ya po." “Pero kung kailangan mo pa ang tulong ko Samantha magsabi kalang ha?" sabi nito. “Sige po Ma'am maraming salamat po." “Ah Samantha, pwede bang bukas may ipabibili sana ako saiyo maraming kulang dito." “Sige po Ma'am wala pong problema saakin, sige maiwan ko na po kayo Ma'am." “Babe babalik kana bukas sa trabaho?" tanong ni Gabriel. “Hindi pa magpapahing muna ako, ikaw kumusta na ba ang negosyo niyo?" tanong naman sa kanya ni Jennifer. “Okay lang naman babe, naayos ko na ang problema." “I'm sure na namimiss muna ako babe, ang tagal ko sa Amerika," paglalambing ni Jennifer sa kanya.
Malapit ng sumapit ang gabi, at nagluluto na ng hapunan si Samantha habang si Gabriel naman ay nasa sofa nagbabasa ng magazine, hindi nila alam ay malapit na palang dumating si Jennifer ilang minuto simula ng dumating na ito sa airport ay hindi s'ya nagsabi kay Gabriel na bumalik na pala s'ya dahil ayaw nitong malaman ni Gabriel ang kanyang mga plano. “Gabriel pupunta muna ako sa kwarto ko,at magbibihis." Mabuti nalang at saktong pagkatapos magluto ni Samantha ay bumalik muna ito sa kanyang kwarto bago paman dumating si Jennifer. Narinig ni Gabriel ang tunog ng sasakyan sa labas kaya akala n'ya ay dumating ang kanyang pinsan kung kaya ay pinuntahan n'ya ito para buksan dahil umuwi din ang kanilang driver kaya wala syang ibang mautusan,pagkabukas n'ya ng gate ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang si Jennifer pagbukas nito ng salamin ng sasakyan. “Babe? ba't parang nakakita ka yata ng multo?"nagtatakang tanong nito. “Wala babe bakit hindi ka manlang nagsabi na darating ka
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nati
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nat
Nay, aalis na po kami ni Gabriel nay ha, kayo na po ang bahala ni tatay dito," habilin nito bago sila umalis ni Gabriel. “Magpaalam ka muna kay tintin anak baka hanapin ka ng bata paggising n'ya." “Sige po Nay." Umakyat naman si Samantha, at si Gabriel para magpaalam sa kanilang anak. “Tintin?" “Mama?" “Aalis muna kami ng Papa mo ha, kailangan namin magtrabaho okay lang ba sayo anak?" “Opo, nandito naman po sila lola, at lolo Mama." “Salamat anak, uuwi din naman kami ng Papa mo tapos mamamasyal tayo kasama sila lola, at lolo ha?" “Talaga po Mama?" “Oh, anak tapos inumin mo ang mga gamot mo anak para pag-uwi namin ni Papa dito malakas kana,at makapasyal agad tayo may mga gummy, at prutas 'yan ang kainin mo para lumakas kapa lalo." “Opo Mama." “I love you anak." “I love you too, Mama." Tsaka niyakap ni Gabriel, at Samantha ang kanilang anak. Maya maya ay umalis na nga sila. “Samantha kung hindi ka nalang kaya magtrabaho bantayan mo nalang ang anak natin ako na