Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2020-08-20 18:30:12

Diretso lang ang lakad niya at hindi tumitingin sa ibang direksiyon. Bakas rin ang pagkagulat sa mukha ni Lucy. What a coincidence? Dito rin pala nag-aaral ang kupal na ‘to. At akalain mong siya ang iginagalang nilang Prime Master slash Campus King kunno. Tsk! Sino naman siya para yukuan ko. Now, I am starting to hate this University’s policy. We are all students here and we deserve equal treatments.

“Beshie, tadhana na talaga ang naglalapit sa inyong dalawa. Maybe, he's the king charming of your life who will break the curse,” pabulong na tudyo sa akin ng aking kaibigan. King charming? Is there such a term like that? Ang sagwang pakinggan. At anong curse na pinagsasabi niya? Masasapak ko talaga ang babaeng ito kapag nagkataon.

“Pwede ba beshie, ni hindi nga tayo napansin dito. Bagay na pabor sa akin. Don't mind him. He’s nothing but a stranger to me,” naiinis na wika ko pero pabulong lamang para hindi kami makaakit ng atensyon. I don't know but there's something I hate about that guy. Kung makapagsalita, napakapresko niya. 

Ilang sandali lamang, isang babae naman ang pumasok sa loob ng room. May suot siyang reading eyeglasses, lila ang kulay ng kanyang uniporme, katamtaman lamang ang kanyang pangangatawan, hindi gaanong matangkad at nasa edad 30-40 taong gulang kung pagbabasehan ang kanyang pisikal na hitsura. She’s our teacher for our first subject in the morning. I’m sure of it. No one stands up to greet her. What’s up with these students? They greeted that Campus King of them a while back with matching bowing of heads, but, they didn’t seem to care doing it to our teacher. Insolents! 

Tsk! What kind of school is this? Pati ba naman dito ay may social inequality. May prejudice na nagaganap. Nevertheless, I stand on my feet and greeted our teacher. Everyone stared at me. 

“Good morning, ma’am!” I uttered with courage and modesty I have within me. She smiled and bowed lightly to me.

“Good morning, everyone!” she happily exclaimed, showing her sweet smile plastered on her face. Wala man lang tumugon sa kanya maliban kay Lucy na hindi pa sana babati kapag 'di ko siniko. ‘Di yata tinuruan ang mga estudyante dito ng values at etiquette. I want to face palm, but, I just did it mentally. 

Nag-roll call muna ng pangalan si ma'am at matapos no'n ay nagpakilala siya sa aming hindi pa nakakikilala sa kanya.

“Good morning again, my HUMMS-12 Lavenders. For the sake of those who haven’t know me yet, I am Miss Jamaica Alvarez. I'm sorry for entering late in our first meeting. By the way, I am your class adviser for this academic year. I do hope that you will participate in any classroom activities. So, I guess we are ready for the discussion,” nakangiting sambit ni ma'am. Hindi pa rin nawawala ang pagiging magiliw sa kanyang boses kahit pa nakababastos ang ipinapakita sa kanya ng kanyang mga estudyante. 

Ikinabit niya ang kanyang laptop gamit ang HDMI sa malaking telebisyon na nakadikit sa gawing itaas ng whiteboard sa harapan. Iba na talaga ang mundo sa panahon ngayon. Masiyado nang moderno at makabago. Nakatutok lang ang atensiyon ko sa pisara nang mapansin ko sa aking peripheral view na parang may kung sinong nakatingin sa aking gawi. 

Lumingon ako at nahuli ko siyang matamang nakatitig sa akin. He winked at me after projecting a wide smirk on his face. He already noticed my presence. I cursed mentally. His stares are sending shivers down my spine. He’s giving me goosebumps. This guy really has a nerve. 

I ignored him and continue in writing notes while the teacher is discussing. About that slave thingy, mukhang mamaya ko nalang aasikasuhin. I don’t know if it’s called destiny for us to study in the same school or just by any chance, but one thing is for sure, I won’t decline his proposal.

Ma’am Jamaica is doing her job nicely. It’s easy for me to understand her lectures and catch up with her discussion. She doesn’t look trying hard to explain things. Nasa kanya lamang ang atensiyon ko buong session kahit pa pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa akin. Mabilis na lumipas ang oras. Pumasok lang ang guro namin sa second period para isulat ang kanyang pangalan sa whiteboard at bigyan kami agad ng activities na sasagutan. Matapos no'n ay umalis na siya dahil may aasikasuhin pa raw. 

Pagkaalis niya ay naging maingay agad ang buong silid. Kakaunti lamang ang nakikita kong gumagawa ng iniwang activities ng aming guro. Seriously? What’s with these bunch of brats?

I’m in middle of answering question no. 3 when I take a glance in his direction. I don’t know why but my head voluntarily turned to him. And I was shocked. He’s doing the activities, answering the questions in his notebook. Well, he must not be the Campus King if he didn’t excel in class, right? 

Kahit pala papaano ay may maipagmamayabang din ang mahanging kupal na ito. Ayos na kaya 'yong sugat sa tiyan niya? Kung titingnan naman, mukhang nakagagalaw na siya nang walang iniindang sakit. Teka, bakit ko nga ba iniisip ang bagay na iyon? Ano bang pakialam ko? 

Napapangiwi na lamang ako sa aking sarili. Tapusin ko na nga lang itong ginagawa ko. Ilang saglit pa ay tumunog na ang buzzer- senyales na oras na para sa recess.

Nagpunta kami ni Lucy sa canteen ng school. Dahil dakilang palakaibigan ang kinakapatid kong bruha at malakas ang koneksiyon niya sa mga taong nakaaligid sa kanya, madali lang naming natunton ang kantina ng paaralan. Medyo mahaba ang pila pero nagawa naming maghintay. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay pwedeng madaliin dahil hindi mo makikita ang tunay na halaga nito kung taken for granted. Anong koneksiyon ng mga pinagsasabi ko? 

No'ng turn na namin, um-order na kami ni Lucy ng paborito naming snacks. Nauna lang siya sa akin at sinabi kong maghanap ng table namin. Matapos kong makuha ang burger at sphagetti ko, tinungo ko ang mesa kung nasa'n si Lucy. Nasa pinakadulo siya kung saan mukhang masyadong restricted sa ibang mga estudyante. Mukhang wala kasing gustong gumamit ng mesang pinili ni Lucy kaya siguro doon siya pumuwesto. Well, it’s okay for me as long as I can eat peacefully.

“Beshie, ano na? He is here. The two of you met again. But do you he can fulfill that deal thingy, especially that he is the Campus King?” bungad agad sa akin ni Lucy. Mukhang siya pa yata ang mas excited sa aming dalawa na maging alipin ko ‘yong kumag na ‘yon. Her eyes are sparkling with excitement. Napailing na lamang ako sa kanyang inasta.

“I don't care if he is the campus king in this school. He made the deal and a deal is a deal,” I said sternly. 

“Then, good luck to him," medyo natatawang sambit niya. 

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang nasamid si Lucy. Ano bang eksena na naman ng bruhang 'to? Tila may kung anong nakita siya na naging dahilan ng pagkasamid niya sa kanyang inumin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin saka bumulong.

“Oh my gosh, Beshie! He’s walking towards our direction with hot guys in his back. Ang cool nilang tingnan lahat. Pigilan mo ako, Yumi. Baka dambahin ko ng yakap ang isa sa kanila,” aligagang usal niya at mukhang kinikilig pa ang bruha. “Gaga!” asik ko sa kanya saka inirapan. May tinatago talagang kalandian ang aking kaibigan.

Napalingon naman ako at nakita ko siyang papalapit sa amin kasama ang iba pang miyembro ng Royal Ten. Matikas ang kanyang katawan at lalaking-lalaki ang kanyang paglalakad. Ano bang pakialam ko? Ipinapagtuloy ko na lamang ang pagkain sa aking burger matapos umiwas ng tingin sa kanilang direksiyon. 

Hindi pa man ako natatapos sa pagnguya ng aking burger nang biglang may magsalita sa aking likuran. Sa tono pa lamang ng boses ay malalaman ko na agad kung sino ang nagsalita. 

“Come with me,” he said with authority in his voice. Tumingala ako at pinukulan lang siya ng blangkong ekspresiyon sa mukha. Who is he to command me? I’m still eating. I disregard hos presence and continue what I am doing.

“I said come with me!” he repeated, his voice is so strict. He seems pissed off but able to stay calm. I rolled my eyes and ignored him. Ayaw ko 'yong naiistorbo ako habang kumakain. “Manigas ka diyan,” I muttered underneath my breath.

He grabbed my hand when I am about to eat the last bite of my burger. Kinuha niya ‘yong hawak kong pagkain at inilagay ito sa platito ko. Darn it! What is with this guy? He’s going into my nerve.

“What is your problem? Can’t you see? I’m eating, you idiot!” I shouted at the top of my lungs. Everyone looks surprised. Their mouth went agape and awe etched on their faces. Even Lucy looks startled of what I did. Then, murmurs filled the place out of a sudden.

“Who the hell is she?”

“How dare she shout at our Prime Master. Did she already lost her mind?”

“Is she a transferee? I haven’t seen her before.”

Those are some of whispers I heard from the crowd.

“Quiet, everyone! Stop whining nonsense!” he scowled. He looks fuming mad at the moment. He frowned then he dragged me out of the canteen. Patuloy pa rin sa bulungap ang ibang mga estudyante habang nakatingin sa akin. I hate being the center of attention. These people suck. And this guy, he’s the one who already lost his mind. 

“Hey, let go off my hands,” mariin kong utos pero hindi siya nagpatinag hanggang sa nakarating muna kami sa isang botanical garden bago binitiwan ang aking kamay.

“We met again,” he uttered calmly but with authority. Afterwards, he smirked meaningfully. I want to punch his face and erase his disgusting smirk on it.

“You fool, don't act like we are close! Stop messing with other’s business. I want to kick your ass for ruining my snack!” nanggagalaiti kong sambit sa kanya. Gusto-gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa niya kanina. Inirapan ko siya at kung nakamamatay lamang ang mga tingin, kanina pa siyang nasa loob ng kabaong at pinaglalamayan. 

“Hey, cool down your head, baby. Can’t you remember me? Can’t you remember about our deal?” he gushed, pouting his lips halfway. I tsked at him. This guy really has a nerve. And did I heard it right? He called me baby? 

“Tell me how can I calm down when in fact, you keep on messing with me. Yes, I remember you. You are the punk from yesterday who made an absurd deal with me. And don’t call me baby! Never!” I shrieked almost at the top of my lungs.

He looks shocked. His eyes widened and his mouth went agape halfway. But, after a while, he managed to withdraw all his surprise expression in his face. He smirked again that made my blood boils even more. I heaved a deep sigh before my nerve in my temple bursts.

“For your information, I don't need slave, assistant or whatsoever. But if you are going to insist then, it’s my pleasure to accept the absurd deal, your Majesty,” I sarcastically mentioned. 

“No, I am not going to insist it. But a true man holds responsibility of his words,” sambit niya na may bahid ng kaangasan. Nanggagalaiti talaga ako sa lalaking ‘to. Naiirita ako sa kapreskuhan at kayabangan niya. My teeth gritted as my jaw tightly clenched.

"Okay fine! One month and we’re done,” saad ko nang matapos na ang lahat ng ito. I don’t want to argue with him furthermore. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin dahil tumango siya sa akin.

“I’m fine with it. I’ll serve you with all my might and utmost strength for one month,” maangas niyang wika, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako at sinubukang ikalma ang sarili. 

“Let’s have a rule, then. Let’s set first things first. Let’s set boundaries to avoid incidents in the near future. I have three simple rules here,” I suggested but even if he scowls at me, I will insist to set rules between us.

Tumango naman siya at pumabor siya sa aking sinabi. Mabuti naman at umayon siya kundi baka masasapak ko na talaga ang kupal na 'to.

“Okay, rule no. 1: The three-meter rule. Dapat dumistansiya ka ng tatlong metro mula sa akin kapag magkasama tayo--”

Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla-bigla siyang sumabat. 

“What? Paano kita mapoprotektahan kapag may gustong manakit sayo? As your slave, I am oblige to protect you. One meter can do,” pag-segway niya. Tsk! As if there’s someone who want to harm me.

“No freaking way! Still, three meters apart,” I insisted. 

“Okay! Go on with the second rule,” he surrendered but snorted his nose, telling me that he’s still not up with it. In this game, I am the master and he’s my mere slave. Being a Campus King can’t do anything about it because this is a personal matter.

“Rule no. 2: Obey all my orders—”

“No problem! What’s the third one?” he again butted in.

“Why can’t you at least make me finish my sentences first before butting in?” I hissed. He just smiled at me and made a peace sign with his fingers. Napa-face palm na lamang ako nang hindi namamalayan. Ano pa nga bang magagawa ko? Saglit akong napatigil para isipin ang aking pangatlong rule. Napatango na lamang ako sa ideyang biglang nag-pop up sa aking isipan.

“Rule no. 3, the most important rule. Do not fall in love with me. There’s no way that a slave and his master get into a relationship. No matter how much charismatic I am, do not ever fall in love with me!” I exclaimed, giving emphasis on my every words. Napaawang nang bahagya ang kanyang bibig dahil sa aking panghuling rule. 

May mali ba sinabi ko? Siguradong namang wala, 'di ba? Agad niya namang nabawi ang kanyang gulat na ekspresyon sa mukha at saka siya humalakhak nang malakas. Napahawak siya sa kanyang tiyan at kulang na lamang ay maiyak dahil sa katatawa.

“What!” I shouted disgustingly. He stopped for a moment but laughs again after a while. Pigilan niyo po ako, mahabaging Ama. Masasapak ko na talaga ang damuhong ito. Lumipas pa ang ilang segundo at napatigil na rin siya sa wakas sa pagtawa.

“Are you serious with your third rule? Of course, I am not going to fall for a girl like you. You’re not even my type. Not a chance,” wika niya sa akin na may halong panunudyo. Nainsulto ako nang bahagya sa kanyang mga tinuran. Hello, ang ganda ko kayang nilalang. At mas mabuti nang linawin ko ang mga bagay-bagay sa kanya.

“Okay, here are my rules. Rule no. 1: You should not get out of my sight here in the University. In short, dapat palagi tayong magkasama maliban na lamang kung sa comfort room ka pupunta,” he uttered. Whatever! I just rolled my eyes. Ano pa nga ba? Mukhang may tuta pa yatang bubuntot sa amin ni Lucy dito sa school.

“Rule no. 2: I should be the only guy that can talk you.”

I tsked at him. Nonsense. Dahil nababagot na ako sa usapang ito, tumango na lamang ako. Kahit hindi niya hilingin, ako mismo ang iiwas sa mga kapwa niya lalaki. I am an man-hater by the way. I have developed allergy for them.

“And rule no. 3: Do not fall in love with others within the duration of our deal.” I stopped for a moment. My forehead creased as my brows furrowed. Is that even counted? I mean, the rule is making him suspicious. 

Why would he even asked for it and included it in his rule? What’s his reason. And besides, there’s no way I will fall in love again. Never! Pero dahil nga gusto ko nang matapos ang usapang ito, sumang-ayon na lamang ako sa lahat ng kanyang rules. 

“What’s the sanction then if one of us breaks the rule?” he asked, thinking of some possible ways.

“It depends on the extent of breaking the rule. If you broke one of my rules, it’s up with me if how I am going to punish you. And likewise with you,” I suggested. He stopped momentarily, contemplating about my suggestion.

“Deal! Since, we have settled our rules and way of giving sanctions, I guess we should have sign a contract. I’ll prepare it and expect the contract tomorrow,” he recommended. Hmmm, sounds brilliant. Well, he’s the Campus King after all- the one who excelled well in the past academic year. He’s a genius jerk. I just moved my head slowly upwards to nod.

“What’s your name again, baby?” Mabilis ang mga mata kong binigyan siya nang matatalas na titig. 

“Isang baby mo pa at siguradong sisikmurain ka sa akin,” I sternly mentioned. He just chuckled as if I uttered a joke.

“Pardon. Nasanay lang akong gamiting endearment ang ‘baby’ sa mga babae ko,” maangas niyang wika at may bahid ng pagmamalaki sa kanyang boses. Having many girls to fling with is not something to be proud of. He has really the guts. At mukha ba akong isa sa mga babae niya? 

“Whatever! I am Yumi. Yumi Illona Perez,” matipid kong pagpapakilala sa aking sarili.

“Nice name. I am Rave. Rave Castillo,” he introduced himself then stretched his arm towards me, asking a handshake. 

“No need for a handshake. I’ll go back to my friend.” Bahagyang umawang na naman ang kanyang bibig at mukhang hindi inaasahan ang aking sinabi. May bahid din nang pagkadismaya sa kanyang mukha. What did he expects me to do? 

Tumalikod ako sa kanya at hindi inabala pa ang sariling hintayin ang kanyang magiging tugon sa aking sinabi. Tahimik lamang siyang nakasunod na may layong tatlong metro sa akin. Masunurin din naman pala siya. Ilang sandali lamang ay nakarating na kaming muli sa canteen ngunit wala nang halos katao-tao. 

Darn it! Bakit hindi ko naalalang may klase pa pala kami matapos ang recess? At bakit hindi ko narinig na tumunog ang buzzer? Hinanap ko ang mga gamit ko sa mesang kinaroroonan namin kanina ni Lucy ngunit wala na roon ang aking mga gamit. Marahil ay kinuha na iyon ng aking kaibigan. Magbabayad din sana ako ng aking mga kinain kanina ngunit bayad na raw. 

Bakit hindi man lang ako tinawagan o ni-text man lang ng babaeng iyon? Napailing na lamang ako at mabilis na tinungo ang aming klasrum.

“Hey, wait for me!” Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin pala siya sa akin. Dapat ko na yatang sanayin ang sarili kong nandiyan siya palagi para buntutan ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtakbo.

Pagkarating ko sa tapat ng aming klasrum, hingal na hingal ako habang nakahawak sa aking dalawang tuhod. Mabilis na naabutan ako ni Rave at nakipaghabulan din ng hininga nang tumigil siya sa pagtakbo. 

Hindi siya umimik. Umayos siya ng tindig. Naglakad siya palapit sa akin at bigla na lamang hinigit ang aking kamay. Nabato ako sandali at tila hindi mailakad ang aking mga paa dahil sa kung anong boltahe ng kuryenteng gumapang sa aking braso patungo sa aking kaloob-looban. 

I just found out myself being dragged by him inside the classroom. Everyone stared at us. All was in awe seeing us holding hands, so, I pulled mine from him. Whispers filled the room. They are making issue about what happened earlier. And this guy, how dare he stay calm for doing such a fuss? Is he out of his mind? We have settled the rules a while ago, and yet, he just forgot about it so fast? What happened to the ‘three meters apart’ rule?

I’ll make him suffer later for breaking up my rule. I let out a sigh senseless. Maglalakad na sana ako patungo sa aking upuan nang biglang may magsalita.

“Yumi, right? Saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha para hawakan ang kamay ng aking Baby Rave?” mapang-uyam niyang saad sa akin. I gasped. What did she mean? Is she one of his girls?

“Kath, stop it. And don’t call me baby again. I’m not into you to begin with. We are being shipped just because you are the Campus Queen, so don’t assume,” inis na sambit ni Rave saka tumabi sa akin. 

Tsk! He keeps on breaking the rule. But, it’s not an issue right now. I need to deal with this girl first because she’s making an accusation without rightful investigation. I don’t care of she’s the Campus Queen in this school. I am about to speak up for myself but the guy beside me didn’t give me a chance to do it.

“Listen, everyone! Yumi is my master. Don’t you dare mistreat her or else I’ll shred you into pieces!” 

What did he just do? He’s a blunt vulgar jerk. Gusto ko tuloy lumubog sa kahihiyan dahil sa kanyang ginawa. “Don’t worry. No one would dare to bully you here as long as I’m here beside you,” he whispered to my ears that made me startle.

“Screw you, Prime Master. I curse you to hell!” the girl who was called by Rave as Kath earlier growled and make her way out of the room. 

“Go on, spoiled Queen. I won’t bother,” Rave teasingly uttered, chuckling victoriously.

This guy has really the guts in his butt.

Kaugnay na kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 4

    Nasa library kami ngayon ni Lucy. Gumagawa kami ng research tungkol sa isang report namin sa English for Academic and Professional Purposes. Hindi naman ganoon kahirap dahil tungkol lang naman ito sa kasaysayan ng English language, kung saan at kung kailan ito umusbong at kung paano ito nag-evolve sa paglipas ng panahon. Kailangan lang namin ng maraming sources at references. Iba pa rin kapag marami kang nalalaman sa isang bagay.Second day pa lang namin dito ngunit isinalang nila agad kami sa reporting. Mabuti na lamang at hindi gaanong hectic ang schedule namin kaya may oras kami para mag-research dito sa library. May internet at google ngunit hindi credible minsan ang mga source doon kaya mas mainam pa ring gumamit ng mga libro bilang references.Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat sa aking notebook para kop

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 5

    Isang malutong na sampal ang iginawad ni Lucy sa babaeng tumulak sa kanya. Napaawang ang aking bibig nang bahagya dahil sa ginawa ng aking kaibigan. She’s really one of a kind- half person and half beast when provoked. That’s her, by the way. Walang labang inuurungan. At asahan mong ipagtatanggol ka niyan kapag naging malapit na ang loob niya sa iyo.We’ve gone through a lot of this and she’s always there to fight for me. She’s my protector ever since and I’m too much lucky to have her in my life.“How dare you slap my beautiful face! You’ll pay for it!” asik ng babae kay Lucy at susugurin sana ang aking kaibigan para sabunutan sa buhok ngunit hinawakan ng kasama niya ang kanyang braso para pigilan. Bumulong ang isa pang babae sa babaeng sinampal ni Lucy ka

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 6

    One year and three months have been passed. But, the scar in my heart is still fresh to me. I thought moving on was that easy. I thought I can easily forget about him. But, I was wrong. How can I forget someone who haven’t say a thing before leaving? He left me without saying a word.I’ve waited for him that day. But he didn’t come. It’s our first year anniversary and I was very happy that time. He told me to wait for him in our favorite place. I came on the meeting spot earlier than the time he told me.Ilang oras akong naghintay sa kanya. Lumipas ang limang oras na paghihintay at malapit nang gumabi ngunit ni anino niya ay hindi ko nakitang sumipot sa akin noong araw na iyon. Wala rin akong natanggap na kahit anumang text o tawag mula sa kaniya. Tila naglaho siya na parang bula.

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 7

    Only five minutes left before dismissal. Our teacher is still discussing the topic without looking for the time. Some are yawning and some are getting bored. It’s clearly etched on their faces that they want to go home.“Ma’am, isang minuto na lang. Pauwiin mo na po kami,” one of my classmates snorted. Then, the room became noisy and was filled with rants. I can’t manage not to frown. This section is really full of spoiled brats.“Let’s just wait for the bell to ring,” our teacher in DIASS subject uttered calmly. She has a sweet voice. Halata sa aming guro na mapagpasensiya siya at hindi madaling magalit. Ilang segundo lang, tumunog na nga ang buzzer at dumating na ang pinakahihintay ng aking mga kaklase. Napapangiwi na lamang ako dahil sa kanilang inaasta.

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 8

    Malapit na ako sa aming boarding house nang mapansing walang nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Nangunot ang aking noo at dali-daling naglakad. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at napakadilim ng buong bahay. Anong nangyari?Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang ilaw sa sala at bumungad sa akin si Lucy na nakabihis ng pangnanay na damit. Nakasuot siya ng mahabang bestida, at may nakapulupot na tuwalya sa kaniyang ulo. May hawak din siyang walis tambo. Anong drama ng babaeng ito?“Hoy, bata ka! Anong oras na, ha? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa iyo! Ikaw bata ka. Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang magpapagabi? Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Lasing ka na naman. Halika nga dito at nang mapalo kita ng hawak kong walis tambo. Nanggigigil ako sa iyong ba

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 9

    Maaga kaming pumasok ng paaralan ngayon. Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko pa ang lahat ng isinusulat ko. Hindi ko lang alam kay Lucy kung natapos niya ba o hindi dahil mas nauna naman siyang pumasok sa kaniyang kuwarto kaysa sa akin.Mabuti na lamang at maaga kaming nagising pareho. Malapit na kami sa kanto at habang naglalakad, naalala ko naman ang nangyari kagabi. I don’t know but there’s something that bothering my mind about that guy last night. His scent, physique, and and the tone of his voice were a little bit familiar to me. I just wanna think that it was just a coincidence to meet him last night but my intuition says that there’s something off with that guy. What am thinking again? I should be thankful for what he had done. That’s the right thing to think and not being suspicious. I shook my head to erase the current thoughts circul

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 10

    Binilisan ko ang pasusuklay ay pagtatali ng aking buhok habang nakaharap sa malaking salamin na nasa taas ng lababo. Samantalang si Lucy naman ay abala sa pagre-retouch ng ka ha! Na-stress tuloy ang beauty ko. Next time talaga na mang-aaway pa 'yon, hindi na ako magpipigil na kalbuhin ang pugitang 'yon,” dada ni Lucy habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako.“Sorry, beshie. Alam ko namang hindi ko na dapat siya pinatulan kanina pero nakakainis kasi. Salamat din pala dahil nasalo mo 'yong sampal no'ng babaeng 'yon na tatama sana sa beautiful face ko. Na-touch din ang aking puso sa sinabi mo. Ang suwerte ko talaga sa iyo,” pagpapatuloy niya. Tumingin ako sa kaniya.“What are friends for? Siyempre, kahit mukha kang bruha, hindi ko pa rin maaatim na sa

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 11

    NAKAKAHIYA! Gusto ko na lamang maglaho ngayon sa aking kinaroroonan. Natapos na ang aming presentation at ngayon ay nagpapaliwanag na si Rave sa harapan. That jerk! I want to skin him alive, right now!“As you can see in our tableau, we are portraying the common roles of each member in the family. Well, we presented the nuclear type of family we have here in our country, wherein, there are parents, their children, and grandparents,” Rave explained, standing straight and looking directly to his audience. Then, he averted his gaze to me. I shot him with a death glare. But he just chuckled softly as if we are the only people here in our classroom.“Well, I see. But, how can you explain the hugging session earlier, Rave? Is it for a show or for real?” Ma’am Jamaica teased Rave. But it’s me who got burns on my cheeks.Muli namang napuno ng hiyawan at tili ang buong k

    Huling Na-update : 2021-06-09

Pinakabagong kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 25

    ’PAGKAPASOK pa lang ng sasakyan ni Rave sa malaking gate, halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa tanawing bumungad sa amin. Bahay pa ba itong matatawag o papunta na sa palasyo?Ang liwanag ng buong paligid. May malaking fountain sa gitnang harapan ng kanilang bahay at sa magkabilang side nito ay nakahilera ang mga naglalakihan at naggagandahang halaman na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. May maliit na playground din sila at ang nakapalibot na mababang bakod nito ay napapalamutian ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights.Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang pagbuksan ako ni Rave ng pinto. “Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya sa akin.“Ah, sorry! Nakakamangha kasi ang mga nakikita ko ngayon kaya nawala ako sa tamang huwisyo,” hayag ko sa kaniya.“Hindi ka pa ba nasasanay sa mga nakakamanghang baga

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 24

    LUMAPIT si Rave sa lalaking may hawak ng baril ngunit mabilis na tinutukan siya nito ng armas na hawak. Ibinaba niya ang lahat ng hawak niyang shopping bag na naglalaman ng mga pinamili ni Elisa at saka itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko at senyales na hindi siya manlalaban sa lalaki.“I’ll give all you want. Binayaran ba kayo para gawin ito? Sabihin niyo sa akin kung magkano at dodoblehin ko ang binayad niya sa inyo. Just leave Yumi and Lucy alone,” pagkausap ni Rave sa lalaki. “Rave, you can’t be serious. Don’t gamble your parents’ money for us. Kung tungkol sa aming dalawa ’to ni Lucy, labas ka na—” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang sumabat siya sa akin.“You’re wrong. I am living with my own money. I don’t ask even a single coin from them. Anyway, what do you expect

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 23

    NAPATINGIN ako sa orasang nakasabit sa itaas ng whiteboard. Malapit na naman palang mag-uwian. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer. Nagsimula namang umingay ang iba kong mga kaklase at mukhang kanina pa sila sabik na umuwi. “Tara na, Beshie,” aya ko kay Lucy matapos iligpit ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Tumango naman siya sa akin at saka tumayo na rin.Pagkalabas namin ng classroom, bumungad naman sa amin si Elisa na hinahanap si Rave. Hindi pala magkadugo ang dalawang ’to. Magkapatid lang ang turingan nila dahil nakatira sila sa iisang bahay. Ang ina ni Elisa ay si Miss Velvet—ang principal ng paaralang ito— at siya ang pangalawang asawa ng ama ni Rave.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Rave habang nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Acting cool, huh?“Kuya, ma

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 22

    “SAYANG, wala man lang kayong picture nang magkasama kahapon, Beshie. Ang daya-daya niyo naman, eh. Hindi niyo man lang ako naisip na naiwan sa guidance office at iniwan na lang doon. Pero okay na rin iyon. At least, walang umabala sa first date niyong dalawa ni Fafa Rave,” mahabang litaniya ni Lucy sa akin at saka parang kinikilig pa ang bruha. Ano naman kayang nakakakilig do’n?“Anong date date na pinagsasabi mo diyan, Lucy? That was just—”“Nope! According to my beautiful braincells, date is when a teenage guy and girl spend time together happily. And you two seemed happy with each other’s company yesterday,” she gushed, immediately stopping me from speaking.I just rolled my eyes. There’s no help arguing with her furthermore. She’ll just piss me off. Well, that’s Lucy Madrigal for you. Wala na akong nagawa

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 21

    NASA ILALIM kami ngayon ng isang malaking puno ng Acacia. Lumabas kami ng bahay kanina ni Rave matapos mananghalian upang magpahangin at ipasyal daw ako sa iba pang bahagi ng lugar na 'to. Ang tahimik nga talaga dito. Siguro napakalungkot manirahan dito nang mag-isa."Ano nga pala iyong ikukuwento mo sa akin? Go on. I'll listen," pagbasag ko ng katahimikang namamayani sa pagitan namin."Ah, that one. Sorry, I almost forgot. But... do you wanna really hear my story?""Sige lang. Makikinig lang ako," I insisted. He nodded. He stretched his hands then put them backward against the ground."My Mom died two years ago," panimula ni Rave.Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang boses habang nagsasalita. Napatigil ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang sa ganitong linya niya sisimulan ang kaniyang kuwento. Gano'n pa man, mataman lamang akong nakatingin sa kani

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar.Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present.Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon.“Malapit na tayo,” wika niya.Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar. Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present. Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon. “Malapit na tayo,” wika niya. Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse at saka ako pinagbu

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 19

    “ACTUALLY, I had no intention to pick up a fight with these girls last Friday,” panimula ni Kath. Agad nang napakunot ang aking noo matapos kong narinig ang kaniyang first statement.Nagkatinginan kami ni Lucy dahil sa sinabi niya. Ano naman kayang kasinungalingan ang ipapamalas ng babaeng dinosaur na ’to ngayon?“Gusto ko lang sanang makipag-ayos kina Miss Yumi at Miss Lucy that day dahil sa pang-aaway sa kanila no’ng dalawa kong kaibigan noong Wednesday, last week. I told to them na nagsisisi na ’yong mga kaibigan ko at kung maaari ay kausapin nila ang Prime Master na i-lift na ang suspension punishment na ipinataw niya sa kanila. I thought Miss Yumi will understand my point but, it seemed the other way around. Nagalit siya sa akin dahil kinukunsinti ko raw ang pambu-bully sa kanila ng mga kaibigan ko. Then suddenly, she threw a ketchup all over my face

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 18

    MABILIS NA natapos ang weekends. At heto na naman kami ni Lucy, naglalakad sa hallway ng Kingston High University. Ang sosyal talaga ng paaralang ito. Nakalulula sa laki ang mga gusali at ang lawak ng oval.Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang humikab si Lucy. Antok na antok pa siya malamang dahil tinapos yata ang buong season two ng anime na pinapanood niya kagabi. Kasiyahan niya ’yon, eh, kaya hinayaan ko na lang.“Monday na naman. Nakakatamad pumasok. Sana naman magkajowa na ako ngayong taon para naman may inspirasyon akong pumasok araw-araw,” inaantok na sambit ni Lucy at saka muling napahikab.“Wala namang bago sa’yo, Beshie. Araw-araw ka naman yatang tinatamad pumasok. Bihira lang ’yong araw na gigising ka nang kusa. Kung hindi ka pa talaga bumangon kaninang ginigising kita, malamang sa malamang, iniwan kita sa bahay,” reklamo ko

DMCA.com Protection Status