CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 399Hindi naman nagsasalita si Jenny at nakikinig lamang sya sa mga sinasabi ni manang Lina dahil alam naman nya na nasaksihan nito ang lahat ng mga nangyare sa mga magulang nya noon. Kumain na rin naman muna sya habang nakkikinig sya sa kwento ni manang Lina tungkol sa kanyang nga magulang.Pinagpatuloy naman ni manang Lina ang kanyang apgkukwengo hanggang sa makatapos nga na kumain si Jenny. Alam nya rin kasi na gutom na ito dahil kanina pa itong umaga walang kain at nakita rin nga nya na nagtatalo ito at ang ama nito kanina."Mabuti naman at naubos mo na ang iyong pagkain hija. Kanina pa talaga ako nag aalala sa'yo dahil wala ka pa ngang kain at kanina pa rin talaga ako kumakatok dito sa'yo," sabi ni manang Lina habang inaayos na nya ang pinagkainan ng dalaga."Salamat po manang," sagot naman ni Jenny sa matanda. Matapos ayusin ng matanda ang pinagkainan ni Jenny ay sandali pa nga nyang hinarap ang dalaga at hinawakan pa nya ang kamay nito at mataman nya itong tinitigan sa
CHAPTER 398Pagkapasok ni Jenny sa kanyang silid ay agad na nga nyang inilock ang pinto ng kanyang kwarto saka sya dali daling sumubsob sa kanyang kama at saka sya tuluyan ng umiyak.Totoong sumama ang loob nya sa kanyang ama noong nalaman nya na may iba pala itong pamilya at mayroon pa itong mga anak doon. Ang mas lalong kinagagalit pa ngayon ni Jenny ay si Shiela pa na anak ng kanyang ama sa ibang babae ang nobya ni Rayver na gustong gusto naman nya.Matagal na kasi syang humaling na humaling kay Rayver. Pinilit naman nya na iwasan na nga ang binata kaso ay hinahanap hanap nya talaga ito kaya nga ng magkaroon sya ng pagkakataon ay hiniling na nga nya sa kanyang ama na ipagkasundo sya sa binata. Ayos na sana ang lahat kaso ay lumabas naman nga si Shiela na naging nobya na nga ni Rayver ngayon."Nakakainis. Bakit ba kasi sa kanya na lang napupunta ang mga taong mahahalaga sa akin. Una si Rayver ang taong mahal na mahal ko at ngayon naman si dad," sabi ni Jenny ng tumihaya na sya sa ka
CHAPTER 397Pagkagaling naman ni Joey sa opisina ni Rayver ay umuwi na muna sya upang kausapin si Jenny dahil hindi nga ito umuwi kagabi at tinawagan nga nya ang kanilang kasambahay ngayon upang itanong kung umuwi na ba ang kanyang anak at ang sabi nga nito ay kauuwi pa lamang ni Jenny kaya naman naisipan nya na puntahan na nga ito dahil baka hindi na naman nya ito maabutan mamayang gabi sa kanila.Madalas kasi na wala si Jenny sa kanilang bahay tuwing gabi na simula noong malaman nito na may iba ngang pamilya ang kanyang ama. Madalas ay nasa kaibigan nga ito nito o di kaya naman ay nasa bar nagpapalipas ng gabi kasama ang mga kaibigan.Hinayaan na lamang din naman ni Joey si Jenny dahil naiintindihan naman nya ang anak nya dahil nasasaktan din ito sa kaalaman na may mga kapatid pala ito sa ama. At isa pa sa dahilan nya ay talagang hirap nya ngang kontrolin si Jenny at aminado naman sya na kasalanan din nya dahil nga naspoiled nya ito.Pagkarating ni Joey sa kanilang bahay ay agad na
CHAPTER 396"Ayos na ako. Nai-iyak ko naman na kaya okay na ako," sagot ni Shiela sa binata saka nya ito nginitian. Napabuntong hininga naman si Rayver dahil alam nya naman na pinipilit lamang ni Shiela na magpakatatag ngayon pero alam nya na nasasaktan pa rin ito."Ang mabuti pa ay dito ka na lamang muna at maya maya ka pumunta sa pwesto nyo ni Lyca. Irelax mo muna ang iyong sarili dahil hindi ka rin naman makakapagtrabaho ng maayos kung may dinaramdam ka pa. Maupo ka na lamang muna r'yan ha," sabi pa ni Rayver saka nya inalalayan na maupo si Shiela."Pero kaya ko naman na," pagtutol pa ni Shiela sa binata."Wag matigas ang ulo mahal. Dyan ka na lamang muna at magrelax ka na lang muna r'yan," sagot pa ni Rayver saka nya kinintalan ng magaan na halik sa labi si Shiela. Para namang nahipnotismo si Shiela dahil sa ginawang paghalik ng binata sa kanya at napasunod na lamang sya rito at naupo na nga sya sa sofa na naroon habang ang binata ay pumunta na sa kanyang table. Titig na titig
CHAPTER 395"Pasensya na po kayo tay kung iniiwasan po namin kayo. Hindi nyo naman din po kami masisisi ng mga kapatid ko kung sasama ang loob namin sa inyo dahil sa nangyare kay nanay," sagot naman ni Shiela kasabay ng paglandas ng luha nya sa kanyang pisngi dahil naalala na naman nya ang kanilang ina na umasa sa pagbabalik ng kanilang ama. Kaagad din naman nyang pinunasan ang kanyang luha gamit ang palad nya."Naiintindihan ko anak. Handa akong maghintay kung kelan nyo ako mapapatawad ng mga kapatid mo," sagot naman ni Joey kay Shiela.Tumango na lamang si Shiela sa kanyang ama bilang sagot nya rito. Kaya naman napabuntong hininga na lamang si Joey ng hindi na muling magsalita pa si Shiela. Binalingan naman ni Joey ng tingin si Rayver saka nya ito nginitian."Hijo, salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Salamat at hindi mo sila pinababayaan. Alam kong dapat ay nasa poder ko sila ngayon pero ayaw ko naman silang pilitin na sumama sa akin kaya sa iyo ko na lamang muna ipagkakatiwala ang
CHAPTER 394Kinabukasan ay kagaya ng nakasanayan na nila Rayver at Shiela ay sabay na sila muli na pumasok sa kumpanya ng binata. Magkahawak kamay pa nga sila na pumasok doon at nasasanay na nga lamang ang mga empleyado ni Rayver na makita sila na magkasama at ang iba naman ay alam naman na may relasyon talaga ang dalawa.Pagkarating nila sa floor kung nasaan ang opisina ni Rayver ay agad na nga silang sinalubong ni Lyca."Good morning po sir Rayver," bati kaaagad ni Lyca sa kanyang boss. "S-sir may b-bsita nga po pala kayo sa loob," tila nauutal pa na sabi ni Lyca."Sino?" kunot noo na tanong ni Rayver dahil wala naman syang inaasahan na bisita ngayong araw na ganito kaaga."Si Mr. Garcia po sir," sagot naman ni Lyca.Napatingin naman si Rayver kay Shiela saka sya napabuntong hininga."Sige salamat," sagot ni Rayver kay Lyca kaya naman tumungo lamang ang dalaga saka ito bumalik sa pweato nito.Akamang bibitawan na sana ni Shiela ang kamay ni Rayver ng bigla nitong hawakan mahigpit an
CHAPTER 393"Kumusta ka naman Shiela? Namiss kita ang tagal tagal natin na hindi nagkita ," nakangiti pa na sabi ni Reign kay Shiela. "Oo nga pala pasensya ka na kung hindi man lang kita nadamayan noong namatay ang iyong ina. Hindi kasi ako pinayagan ng OB ko na bumyahe ng malayo dahil nasa first trimester pa ako ng pagbubuntis ko," dagdag pa ni Reign pagkapasok na pagkapasok nila ni Shiela ng silid ni Reign."Namiss din kita Reign. Namiss ko ang kaingayan at kakulitan mo," nakangiti pa na sagot naman ni Shiela "Naiintindihan naman kita Reign kung hindi ka man nakapunta roon. Alam ko naman ang iyong kalagayan at dapat mas unahin mo ang kapakanan ng iyong anak. At isa pa ay ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa buo nyong pamilya sa pagtulong sa amin ni nanay . kung wala siguro kayo ay hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko ngayon," dagdag pa ni Shiela kaya naman napatango na lamang si Reign dito."Kumusta ka naman? Ayos ka na ba?" tanong pa muli ni Reign. Isang malalim na bun
CHAPTER 392Naghihintay naman silang lahat na naroon sa magiging sagot ni Rayver kaya naman napabuntong hininga na lamang din ang binata ng mapansin nya na sa kanya na nakatingin ang lahat ng naroon at naghihintay sa kanyang sagot."Ahm. Ang mabuti pa po siguro dad ay kumain na lamang po muna tayo at mamaya na lamang po natin pag usapan ang tungkol sa bagay na yan," sagot na lamang ni Rayver dahil nga mas gusto nyang private nila na pag usapan ng kanilang ama ang tungkol doon. Hindi naman sa ayaw nya itong sabihin sa iba pero kasi ay iniisip nya rin naman ang nararamdaman ng mga kapatid ni Shiela lalo na kung malaman ng mga ito na half sister pala nila ang babaeng pinag uusapan nila.Agad naman na sumang ayon si Dave doon lalo na ng mapansin nya na nakikinig nga ang mga kapatid ni Shiela kaya naman nagsimula na nga silang lahat na kumain ng kanilang dinner. Pagkatapos nilang lahat na kumain ay agad ng pumunta sa kanilang kwarto ang mga kapatid ni Shiela habang si Dave naman ay ina
CHAPTER 391Pagkahapon na iyon ay hinintay lamang din ni Shiela si Rayver na matapos sa mga ginagawa nito bago sila tuluyang umuwi na dalawa ng mansyon.Pagkarating na pagkarating nila sa mansyon ay hindi naman na muna bumaba si Rayver ng kanyang sasakyan at pinigilan din nito si Shiela na akmang bababa na sana. Kaya naman napakunot na lamang ang noo ni Shiela at nagtatanong ang tingin nya sa kanyang nobyo."B-bakit? May problema ba mahal?" di na napigilang tanong ni Shiela ng hindi pa rin nagsalita si Rayver.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Rayver saka nya seryosong tiningnan ang kanyang nobya."Mahal pasensya ka na pala kanina ha," seryosong sabi naman ni Rayver kay Shiela. Matamis naman na nginitian ni Shiela ang kanynag nobyo saka nya pinisil ang kamay nito na nakahawak sa kamay nya."Wala iyon mahal. Naiintindihan ko naman iyon. Alam ko naman na pilit kang hinahabol ni Jenny kaya wag mo akong alalahanin," sagot naman ni Shiela."Hindi ko na nga alam kung