CHAPTER 328"Rayver pwede naman natin tong pag usapan sa loob. Tara na muna roon para magkalinawan at magkausap tayo ng maayos," sabi naman ni Jenny kay Rayver at muli syang humawak sa braso ng binata ngunit iwinaksi na ito ni Rayver."Wala tayong dapat pag usapan Jenny dahil kayo lang naman ng daddy mo ang may gusto ng kasal na yan," gigil na sagot ni Rayver habang nakakuyom na ang kanyang kamao."Napag usapan na nila daddy ang tungkol sa bagay na yan. At magpapakasal na tayong dalawa yun ang napag usapan nila," sagot naman ni Jenny na pilit hinahawakan ang kamay ni Rayver pero iwinawaksi ito ng binata."Wala akong natatandaan na pumayag ako sa gusto nyong mangyare na mag ama," gigil na sabi ni Rayver. "Saka hindi kita maintindihan e. Bakit ba pinagsisiksikan mo yang sarili mo sa akin. Dati pa naman ay alam mo ng hindi kita gusto kaya pwede ba tigilan mo na ako sa iba mo na lamang ibaling yang pagmamahal mo na yan dahil hindi ko yan masusuklian," dagdag pa ni Rayver."No. Hindi ako m
CHAPTER 329Pagkarating naman nila Dave sa kanilang mansyon ay diretso naman sila sa kanilang sala. Nagpakuha pa nga ng tubig si Aira sa kanilang kasambahay upang ipainom kay Dave para kahit papaano ay kumalma ito."Dapat talaga ay hindi ko na pinaunlakan pa ang imbitasyon ng lalaking iyon. Kahit kailan talaga ay may pagkatuso ang isang yun," inis na sabi ni Dave habang nakakuyom ang kanyang kamao. Ayaw na ayaw nya kasi sa lahat ay ang ponangungunahan sya sa mga desisyon nya."Calm down Dave. Heto ang tubig uminom ka na muna," pagpapakalma naman ni Aira kay Dave saka nya inabot ang isang baso ng tubig dito. Agad din naman iyon na tinanggap ni Dave saka sya uminom."Grabe ang mag ama na yun. Talagang nagawa pa nilang iset up tayo ng ganon," inis din naman na sabi ni Rayver. Napabuntong hininga naman si Aira dahil sa sinabi ni Rayver dahil kahit sya ay nagulat at nainis sa ginawa nila Mr. Garcia at Jenny dahil hindi nya inakala na magagawa iyon ng mag ama sa kanila."Wag kang mag alala
CHAPTER 330Kinabukasan ay walang kagana ganang kumilos si Rayver kaya naman napagpasyahan nya na hindi na muna pumasok sa opisina dahil alam nyang hindi rin naman sya makakapagtrabaho ng maayos.Halos magtatanghali na ay hindi pa rin lumalabas ng silid nya si Rayver. Maya maya ay nakarinig sya ng mahinang pagkatok mula sa kanyang pinfuan kaya naman pahintamad sya na tumayo at binuksan iyon pero ganon na lamamg ang gulat nya ng makita nya si Shiela na may dalang tray ng pagkain."Ahm. R-Rayver tanghali na kasi at hindi ka pa kumakain kaya pinadalhan ka sa akin ni Reign ng pagkain mo," nauutal pa na sabi ni Shiela.Sinabihan kasi sya ni Reign na hindi pa nga raw nababa si Rayver at hindi pa nakakakain kaya naman nag alala sya para rito kaya nag suggest sya na dalhan ito ng pagkain at sinabihan sya ni Reign na dalhan nya ito ng pagkain sa silid nito. Nabalitaan na rin nya kasi ang nangyari kagabe kaya naman pansin mo sa mag asawang Aira at Dave na hindi maganda ang mga mood ng mga ito.
CHAPTER 331Napaawang naman ang bibig ni Shiela habang nakatitig sya kay Rayver dahil sa pagkagulat sa sinabi ng binata sa kanya."Ha? A-ano ba yang sinasabi mo? N-naku masama pala na nalilipasan ka ng gutom Rayver. K-kung qno ano ang sinasabi mo," sabi ni Shiela saka sya nag iwas ng tingin sa binata. "Ang mabuti pa ay maiwan na muna kita at magpahinga ka. Baka sa pagod at gutom mo lamang yan," dagdag pa ni Shiela at akmang tatayo na sana sya ng biglang hawakan ni Rayver ang kanyang braso dahilan para hindi matuloy ang tangkang pagtayo nya."Seryoso ako sa sinasabi ko Shiela at hindi ako nagbibiro. Hindi rin ako nalipasan ng gutom o anupaman at nasa matino naman ako na pag iisip ngayon," sabi ni Rayver kay Shiela. "May pag asa ba ako sa'yo Shiela kung sakaling ligawan kita?" tanong pa muli ni Rayver sa dalaga.Hindi naman makasagot si Shiela sa tanong ni Rayver sa kanya. Sandali pa syang napatitig sa mukha ni Rayver upang tingnan kung seryoso ba ito sa sinasabi nito sa kanya pero sya
CHAPTER 332Matapos ng pag uusap nila Rayver at Shiela ay agad na rin naman na dumiretso si Shiela sa silid nila ni Kurt. Pinagpapasalamat naman nya nadatnan pa rin nyang tulog si Kurt kaya naman dumiretso na muna sya sa sofa na naroon sa silid nila ni Kurt at doon sya pasalampak na naupo at napabuga pa sya ng hangin sa kanyang bibig.Sa totoo lang ay gusto na sana nyang sagutin si Rayver kanina kaso ay nahihiya naman sya dahil baka sabihin nito na madali lamang syang mapasagot at isa pa sa bumabagabag sa kanya ay ang estado ng buhay na meron sya. Mahirap lamang sya at mayaman sila Rayver at baka nga kung hindi dahil sa tulong ng pamilya ni Rayver ay baka isang kahig isang tuka pa rin sila ng kanyang pamilya kaya naman malaki talaga ang pasasalamat at respeto ni Shiela sa pamilya nila Rayver lalong lalo na sa magulang nito na sila Dave at Aira na sya g tumulong talaga sa kanila.Si Shiela na lamang kasi talaga ang inaasahan ng kanyang pamilya simula ng umalis nga ang kanyang ama. Ang
CHAPTER 333Bigla namang napaisip si Shiela dahil sa sinabi ni Reign dahil may punto naman talaga ang mga sinasabi nito. At isa pa na iniisip nya ay ngayon lamang naman sya magiging masaya bakit hindi nya naman pagbigyan ang sarili nya dahil wala na nga siyang ibang inisip kundi ang kumita ng pera para may ipangtustos sa kanyang pamilya na nasa probinsya."Kaya wag mong intindihin ang ibang tao. Ang isipin mo ay ang kaligayahan mo. Tandaan mo wala silang pakialam sa kung ano mang buhay meron ka ang mahalaga ngayo ay maging masaya ka naman," sabi pa ni Reign. Dahan dahan naman na tumango tango si Shiela."Siguro nga ay tama ka Reign. Bakit ko nga ba sila iisipin e buhay ko naman ito. Tama ka na dapat pagbigyan ko naman ang sarili ko na maging masaya kahit minsan," sagot ni Shiela kaya naman napangiti si Reign."Ganyan nga. Tama yan. Isipin mo rin minsan ang sarili mo," sagot ni Reign dito. "So mahal mo na rin ba si kuya Rayver? Sasagutin mo na ba sya?" tanong pa muli ni Reign kay Shie
CHAPTER 334Kinabukasan ay maaga naman na pumasok sa kanyang opisina si Rayver dahil tambak na sya ng trabaho dahil sa hindi nya pagpasok kahapon pero ngayon ay pakiramdam nya ay marami syang energy at parang gusto na nga nyang hilahin agad agad ang oras para makauwi na sya at makita na nya si Shiela. Hindi nya na kasi nya nakita si Shiela kanina dahil maagang maaga nga syang umalis ng kanilang bahay.Pagsapit ng hapon ay excited naman na talagang umuwi si Rayver at nakangiti pa sya habang palabas sya ng kanilang kumpanya. Dumaan pa nga sya sa isang flower shop para ibili ng bulaklak si Shiela at bumili na rin sya ng chocolate para rito.Tumawag kasi sa kanya kanina ang kanyang kakambal na si Reign at ibinalita nga nito na umamin na si Shiela sa kanya ng tunay na nararamdaman nito para sa kanya kaya naman lalo tuloy syang naatat na umuwi sa kanilang mansyon dahil excited na syang makita at makausap si Shiela.Pagkarating nya sa kanilang mansyon ay agad ng hinanap ng paningin nya si Sh
CHAPTER 335"So ikaw pala ang bumihag sa pihikang puso ng panganay kong anak," sabi ni Aira habang nakataas pa ang kilay nito saka ito tumayo at lumapit sa pwesto nila Shiela.Hindi naman makaimik si Shiela at nanatili lamang syang nakayuko dahil sa matinding hiya sa ina ni Rayver."Mom?" saway ni Rayver sa kanyang ina."Why? Wala naman akong ginagawa son," nakangisi naman na sagot ni Aira sa kanyang anak. At napapailing na lamang si Rayver dahil alam naman nya na binibiro lamang ng kanyang ina si Shiela na halata mo na sa mukha ang sobrang kaba."Mahal mo ba nag anak ko?" seryosong tanong ni Aira kay Shiela at hinawakan pa nya ito sa baba dahil ayaw nitong mag angat ng tingin sa kanya."M-ma'm Aira p-pasensya na po. K-kung gusto nyo po ay iiwasan ko na lamang po si R-Rayver. Wag nyo lamang po akong tanggalin sa trabaho ko," naiiyak ng sabi ni Shiela kay Aira dahil ayaw naman nyang mawalan ng trabaho dahil paano na ang pamilya nya kung mawawalan siya ng trabaho.Nagulat naman si Aira