CHAPTER 27Pagkapasok nila Dave at Trina sa loob ng hotel room ay agad na pumunta si Trina sa CR. Hinayaan naman eto ni Dave. Habang si Dave naman ay naupo sa isang sofa roon.Naipikit ni Dave ang kanyang mata dahil parang inaantok sya dahil siguro sa medyo naparami ang kain niya ngayon bago siya umalis ng kanilang bahay ay kumain na siya at ngayon ay kakakain pa lamang ulet niya.Tinatangay na si Dave ng antok nya ng marinig nyang bumukas ang pintuan ng CR. Hindi na sya nag abala pa na magmulat ng mata dahil alam naman nyang si Trina lamang yun dahil wala naman silang ibang kasama roon.Maya maya ay naramdaman na lamang ni Dave na may humahalik sa kanya nang bumitaw eto sa paghalik ay napadilat siya ng mata at nakita nya si Trina na namumungay na ang mga mata at nagulat pa sya ng pagtingin nya kay Trina ay naka bra at panty na lamang eto habang nakadagan sa kanya."What are you doing Trina?" kunot noong tanong ni Dave rito.Ngunit imbes na sagutin ni Trina si Dave ay hinalikan nya ul
CHAPTER 28Palabas naman na sana ng bahay nila si Aira at nagulat sya ng biglang dumating si Dave. Nagkagulatan pa sila dahil muntik na silang magkabanggaan ni Dave. Papunta kasi si Aira sa kanilang garden at doon sya dadaan sa main door nila."O ang bilis mo naman yatang nakauwi," sabi ni Aira kay Dave. Pansin pa nya na nakakunot ang noo neto. Napabuntong hininga naman si Dave."Tsk. Bakit kasi ang hirap paliwanagan ng kapatid mo," sagot ni Dave at kinuha pa nya ang dala dala ni Aira na juice at ininom iyon. Nagtataka naman na tiningnan ni Aira si Dave."Bakit may problema ba?" Tanong ni Aira at naglakad na eto pabalik sa kusina para kumuha ulet ng juice dahil ininom ni Dave ang dala dala nya kanina."Hindi ko kasi maintindihan ang kapatid mo Aira kung bakit ang hirap hirap nyang paliwanagan ilang beses ko na syang sinabihan at pinaliwanagan na kailangan namin maging maingat dahil nga kasal na tayo pero nagalit sya nang hindi ako pumayag sa gusto nya na may mangyari sa amin---" natig
CHAPTER 29Kinabukasan noon ay pumasok naman na si Dave sa kanyang opisina samantalang si Aira naman ay hindi na muna pumasok dahil may mga kailangan pa syang gawin ngayon.Abala naman si Aira ngayon sa pagluluto ng kanilang pananghalian dahil nagsabi ang kanyang mommy Cheska na bibisita eto ngayon kaya sya na mismo ang naghanda ng kanilang pananghalian. Maya maya ay narinig na nya na may nag door bell agad naman na muna syang umalis upang pagbuksan ang kanyang ina pinabantayan na nya muna ang kanyang niluluto sa kanilang kasambahay.Pagbukas ni Aira ng pintuan ay laking gulat nya ng ang mommy ni Dave ang dumating."Mommy Divina kayo po pala. Pasok po kayo," sabi ni Aira rito at nag beso pa sya rito. Agad naman na pumasok si Divina sa loob ng bahay nila Aira."Nagulat ba kita hija? Nabanggit kasi ng mommy mo sa akin na pupunta sya rito ngayon kaya naisipan ko na lang din na pumunta. Andyan na ba sya?" Sagot naman ni Divina."Wala pa po si mommy. Pero siguro po parating na rin po yun,
CHAPTER 30 Pumasok naman na silang lahat sa loob ng bahay. Tinulungan naman na muna ni Aira ang kanilang kasambahay na si manang Helen na mag ayos ng lamesa para makakain na sila dahil tanghali na rin naman. Matapos maayos nila Aira ang lamesa ay tinawag na nya ang kanyang mommy Cheska, mommy Divina at si Trina upang makakain na sila. Habang kumakain sila ay wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang magsalita. Hindi rin naman alam ni Aira kung ano ba ang sasabihin nya dahil ramdam nya ang tensyon sa pagitan nila Divina at Trina dahil panay ang irap ni Trina sa mommy ni Dave. Hindi rin siguro neto inaasahan na andoon ang mommy ni Dave. "Ku-kumusta po ang luto ko? Ayos lang po ba?" Tanong ni Aira para lamang may mapag usapan sila habang kumakain. "Masarap anak. Masarap pa rin ang luto mo," nakangiting sagot ni Cheska. "Oo nga hija. Ang sarap ng luto mo. Alam mo tama talaga ang naging desisyon namin na ipakasal ka kay Dave. Hinding hindi kami magsisisi na ikaw ang naging asawa ng an
CHAPTER 31"Anak ang aga mo naman yatang naka uwi," sabi ni Divina ng makapasok si Dave sa loob ng bahay nila nagulat pa eto dahil hindi nya alam na naroon pala ang mommy nya pati na rin ang mommy ni Aira."Mommy nandito po pala kayo," sabi ni Dave at lumapit na sa pweato ng mga eto at nakipagbeso rito."Ah. Oo napasyal lang kami ngayon rito. Actually si Cheska lang dapat ang narito pero ng malaman ko na pupunta sya rito ay nagpasya na rin ako na pumunta na lamang din dito," sagot ni Divina kay Dave. Tumango tango naman si Dave."Nasaan po si Aira?" Tanong ni Dave."DAVE," sigaw ni Trina. Gulat naman na napalingon si Dave dahil kilala nya ang boses na yon at ganon na lamang ang pagkagulat nya ng makita nya si Trina.Agad naman na hinawakan ni Aira ang braso ni Trina ng akmang tatakbo na eto kay Dave dahil nakalimutan ata ng kapatid nya na andoon din ang mommy Divina ni Dave. Umiling pa si Aira rito ng lumingon eto sa kanya. Buti na lamang at hindi sila nakikita ng mommy nila at ng mom
CHAPTER 32"Ang tagal mo naman yata. Bakit nakasimangot ka dyan?" sabi ni Aira kay Trina ng makabalik eto sa kusina pansin pa nya na nakasimangot eto."Wala ate. Parang biglang sumama kasi ang tyan ko," pagdadahilan ni Trina."Okay ka lang ba?" Tanong ni Aira."Oo okay lang ako ate. Wag mo akong alalahanin," sagot ni Trina. Pinagpatuloy na nila ang paghahanda ng meryenda nila.Nasa garden sila ngayon at doon nila napagpasyahan na mag meryenda. Nag kukuwentuhan pa sila ng biglang tumunog ang cellphone ni Cheska at pinapauwi na sila ni Ramon dahil may pupuntahan daw silang importante. Wala naman ng nagawa pa si Trina nang mag aya ng umuwi ang kanyang ina at hindi sya pinayagan na magpaiwan doon."Oo nga pala malapit na ang aking kaarawan. Hindi pwedeng wala kayo roon ha," sabi ni Divina kila Dave at Aira nang sila na lamang ang nandoon."Kailan po ba ang birthday nyo?" Tanong ni Aira dahil hindi naman pa nya talaga alam ang birthday ng mommy ni Dave "Sa susunod na linggo na hija. Kaya
CHAPTER 33Lumipas pa ang mga araw. Naging maayos naman ang pagsasama nila Dave at Aira. Paminsan minsan ay bigla bigla pa ring bumibisita ang kanilang mga magulang lalo na ang mommy nila. Sila Dave at Trina naman ay madalang na talagang magkita dahil tuwing magkikita silang dalawa ay umiinit ang ulo ni Trina kapag hindi sya napapagbigyan ni Dave sa mga gusto nya.Ngayong araw naman ay kukunin na nila Dave at Aira ang mga damit na susuotin nila para sa party ng mommy ni Dave. Gusto kasi ng mommy ni Dave na pasadya rin ang mga susuotin nila."Let's go," pag aaya ni Dave kay Aira."Wait lang," sabi ni Aira."Haist.. Bakit ba kasi ang tatagal nyo lagi magbihis na mga babae," sabi ni Dave na halos pabulong pa ang pagkakasabi nya."Hoy narinig ko yun ha," sabi ni Aira kay Dave at nahampas pa nya eto sa braso."Aray naman," sabi ni Dave. Inirapan naman siya ni Aira.Umalis na rin naman sila at agad na nakarating sa shop ng mga damit. Pagkarating doon ay agad na silang inasikaso. "Wow bagay
CHAPTER 34"Mukhang okay naman na kayo ni Dave ah," sabi ni Bianca ng maiwan na ulet silang dalawa ni Aira."Oo naman. Ayos naman kami ni Dave. Basta sinabihan ko na yan na mag ingat sila ni Trina. Matatanda na sila alam na nila ginagawa nila," sagot ni Aira."Pero Aira hindi mo ba man lang naisip na subukang mahalin si Dave," seryosong sabi ni Bianca. Napalingon naman si Aira rito."Nasisiraan ka na ba? At bakit ko naman yun iisipin? Boyfriend yun ng kapatid ko no," sagot ni Aira."E ano naman kung boyfriend si Dave ng kapatid mo. Uulitin ko lang sayo Mrs. Aira Savedra Lim na asawa mo na sya ngayon. Bakit hindi nyo subukang bumuo ng pamilya," sagot ni Bianca."Tsk. Kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo. Gusto mo ba makitang bumuga ng apoy ang kapatid ko. Saka isa pa kahit kasal na kami ay parehas lamang kami napilitan na magpakasal para sa pamilya namin. Kaya tumigil ka dyan sa iniisip mong yan," seryosong sagot ni Aira."Okay fine. Pero huwag kang magsalita ng tapos Aira. Anong malay
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a
CHAPTER 518Pagkarating ni Aira sa kanilang mansyon ay agad na nga nyang hinanap muna ang kanyang asawa na si Dave upang sabihn dito ang mga napag usapan nila ni Bianca at kahit ito nga ay nagulat din sa mga sinabi ni Aira.Matapos nilang mag usap na mag asawa ay agad naman ng pinuntahan ni Aira ang kanyang anak na si Dylan sa silid nito dahil hindi pa nga ito pumapasok sa opisina pero nagulat na lamang sya ng pagpasok nya sa silid nito ay nakasuot na nga ito ng pang opisina nitong damit at mukhang paalis na nga ito."Anak saan ka pupunta? Papasok ka ba sa opisina ngayon kahit tanghali na?" kunot noo pa na tanong ni Aira kay Dylan.Lumapit naman si Dylan sa kanyang ina at saka sya humalik sa pisngi nito at bago nga sya magsalita ay bumuntong hininga pa nga muna ito."Yes mom. Kailangan ko po kasing pumunta sa opisina ngayon dahil may mga kailangan po akong pirmahan na mga dokumento," sagot ni Dylan at halata mo nga sa kilos nito na para bang ayaw pa nitong pumasok sa opisina.Bumunyo
CHAPTER 517"Kung ganon ay talagang ipinagkasundo nyo na nga talaga si Dylan sa ibang babae?" tanong pa ni Bianca at labis nga syang nalulungkot sa isipin na iyon at nalulungkot nga sya para sa kanyang anak na si Amara.Dahan dahan naman na tumango si Aira kay Bianca habang may mapait na ngiti sa kanyang labi."Oo Bianca. Hindi ko kasi kaya na makita na nagkakaganoon si Dylan. Kaya kahit na ayaw ko sana sa mga arrange marriage na yan ay napilitan na lang din ako kung yun ang makabubuti para sa anak ko," sagot ni Aira.Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa sinabi ni Aira at saka sya dahan dahan na tumango dahil naiintindihan naman nya kung bakita nga ito nagawa ng kanyang kaibigan."Kung gayon ay ikakasal na pala talaga si Dylan," malungkot na sabi ni Bianca."Hindi pa Bianca. Hindi pa naman talaga sigurado iyon. Dahil nung nanggaling si Amara sa amin ay parang bigla akong nagdalawang isip kaya ang sabi ko sa mga Asuncion ay mas maganda na magkakilanlan na nga muna ang dalawa. k
CHAPTER 516"Nagpaubaya na lamang kasi si Zeus. Sya na rin ang kusang lumapit sa amin noon at kinausap nga nya si Amara tungkol sa kanilang relasyon. At doon nga ay maayos na nilang tinapos na dalawa ang kanilang relasyon. Ramdam ko na mahal na mahal ni Zeus ang anak ko pero sabi nga nya ay gusto nyang maging masaya si Amara kaya magpapaubaya na lamang sya dahil alam nya na hindi na nga siya ang mahal ng anak ko. Nakakahanga ang ginawa na iyon ni Zeus at bihira sa lalaki ang ganoon katapang na papakawalan ang taong mahal nya para lamang lumigaya ito," pagkukwento pa ni Bianca."A-anong ibig mong sabihin Bianca?" nauutal pa na tanong ni Aira sa kanyang kaibigan at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan."Hiwalay na sila Zeus at Amara. Gusto ni Zeus na maging masaya si Amara kaya pinalaya na nya ang anak ko," sagot ni Bianca. "Matapos ng araw na iyon ay masayang masaya nga ang anak ko at excited na excited na nga syang makaharap muli si Dylan dahil alam nga nya
CHAPTER 515Hindi naman kaagad nakasagot si Bianca dahil pinag iisipan nga nya kung tama ba na sabihin nya kay Aira ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanyang anak na si Amara."Bianca sabihin mo na sa akin iyan dahil alam ko na may problema kayo. Parang anak na rin ang turing ko kay Amara at alam mo yan. Kaya naman sabihin mo na kung ano yan dahil hindi talaga ako mapapakali neto," sabi pa ni Aira ng hindi pa rin nagsasalita ang kanyang kaibigan."H-hindi na kasi matutuloy ap ang kasal nila Amara at Zeus," sabi ni Bianca.Napakunot naman kaagad ang noo ni Aira at nagtataka sya sa sinasabi ng kanyang kaibigan ngayon."Hindi matutuloy? Bakit? Anong nangyare? Akala ko ay abala sya sa pag aasikaso sa kanyang kasal kaya hindi sya napunta ulit sa akin," sunod sunod pa na tanong ni Aira kay Bianca.Bumuntong hininga naman si Bianca at saka nga nya sinimulan ng magkwento sa kangang kaibigan."Oo hindi na matutuloy pa ang kasal nila Amara at Zeus. Nagdadalawang isip kasi talaga si Amara sa pagpa
CHAPTER 514Habang abalang abala naman si Bianca sa kanyang mga halaman ay lumapit nga sa kanya ang kanilang kasambahay kaya naman napatingin nga sya rito."Ma'm Bianca may bisita po kayo," sabi ng kasamabhay kay Bianca."Sinong bisita ko?" kunot noo na tanong ni Amara sa kanilang kasambahay dahil wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw."Si ma'm Aira po," sagot ng kanilang kasambahay.Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng kanilang kasambahay dahil hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigang si Aira ngayon. Matagal tagal na rin kasing hindi nya nga ito nakakausap man lang."Sige papasukin mo na lamang sya at ihatid mo rito sa garden," nakangiti naman na sagot ni Bianca.Tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng kanilang kasambahay. At ng tuluyan na nga na umalis ito ay isa isa na nga na tinanggal ni Bianca ang kanyang suot na gloves at itinabi na rin muna nya ang gunting na ginagamit nga niya kanina."Kumusta ka naman? Bakit hindi ka na man lang
CHAPTER 513Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ni Amara ang tungkol kay Dylan na ipapakasal na nga ito sa ibang babae.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala namang ibang ginawa si Amara kundi ang magmukmok sa kanyang silis.Ilang beses na syang inaya ng kanyang kapatid na mamasyal pero lagi nga itong tinatanggihan ni Amara at ang lagi nga nitong sagot ay wala pa syang gana na lumabas ng kanilang bahay.Kagaya nga ngayon ay pinuntahan nga ni Amanda ang ate Aira nya upang ayain na pumunta sa mall."Ate Amara ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Lumabas ka naman kahit ngayon lang. Ni hindi ka na nga ata nasisikatan man lang ng araw," pangungulit ni Amanda sa ate Amara nya. "Hindi ako sanay na ganyan ka ate. Kaya sige na sumama ka na sa akin na mamasyal kahit ngayon lang ate. Please," dagdag pa ni Amara.Ilang araw na rin talaga kasing hinahatiran lamang ng pagkain si Amara sa kanyang silid dahil hindi talaga ito lumalabas doon. Palagi lamang nga itong nakahiga at umiiya
CHAPTER 512Pilit naman na pinapakalma muna ni Amara ang kanyang sarili pero hindi talaga nya mapigilan ang kanyang mga luha."Mom wala na po talaga kaming pag asa pa ni Dylan," umiiyak na sabi ni Amara sa kanyang ina."Bakit mo naman nasabi iyan anak? Ano ba kasi talaga ang nangyare?" tila naguguluhan na tanong ni Bianca kay Amara."Mom ikakasal na po si Dylan," sagot ni Amara at lalo nga siyang napahagulhol ng iyak ng sabihin nya iyon.Gulat na gulat naman si Bianca sa sinabi ng kanyang anak. At hindi nya rin talaga alam ang tungkol sa bagay na yun."What? Paanong ikakasal e di ba at nafito lamang sya noong nakaraan at nakikipag awag kay Zeus para sa'yo? Paanong ikakasal? Kanino?" sunod sunod pa na tanong ni Bianca kay Amara.Umiiling naman si Amara kasabay ng kanyang pag iyak."I don't know mom. Hindi ko po alam kung sino ang babae na mapapangasawa ni Dylan. Basta po kanina noong naroon ako sa mansyon nila ay may bisita sila tito Dave at pinag uusapan nga ng mga ito ang tungkol sa
CHAPTER 511Nang tuluyan na nga na makaalis si Amara ay nagkatinginan naman nga muli ang mag asawang Aira at Dave at kahit nga sila ay parang biglang naguluhan kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Amara dahil kita nga nila ang kungkot sa mga mata nito at kita rin nila na nagpipigil na nga ito ng kanyang luha.Noon kasing araw na umuwi si Dylan na may pasa dahil sa pakikipag away nito kay Zeus ay naawa talaga si Aira sa kanyang anak. Alam nya kasi na mahal na nga nito si Amara noon pa pero ikakasal na nga ito kaya alam nya na labis nga itong nasasaktan ngayon.Matapos nga ang insidenteng pakikipagsuntukan ni Dylan kay Zeus ay halos hindi nga nalabas ng kwarto nya si Dylan at ilang araw din talaga itong nagmumukmok sa silid nito.Gusto rin kasi sanang ipaglaban ni Dylan ang nararamdaman nya para kay Amara pero ng humarang nga ito noong nag aaway sila ni Zeus ay pakiramdam nya ay mahalaga talaga sa dalaga si Zeus at pakiramdam nya ay wala na talaga syang pag asa sa dalaga. Kaya sa labis n