Eli's POVNAKITA ko kung paano nabitiwan ni Juancho ang bagay na hawak niya. Naglikha iyon nang malakas na ingay nang bumagsak sa sahig. Agad akong bumitiw kay Thomas at dumistansya mula rito.I tucked my hair behind my ears. "A-anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?"Nakasunod ang tingin niya sa akin. Malamlam ang mga mata. I shouldn't feel guilty but seeing him like he was about to breakdown, nakokonsensya ako sa ginawa ko.Nang humarap si Thomas, nabaling dito ang paningin niya. Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Juancho. Alam kong nagulat siya nang makita kung sino ang kasama ko. Sa pagkakaalala ko, magkakilala sila noon ni Thomas dahil siya ang dahilan kung bakit nalugi ang negosyo nito."Thomas, t-this is my... uhm, si Juancho. Juancho, this is Thomas."Ngumiti si Thomas at inabot ang palad nito, pero hindi iyon tinanggap ni Juancho. Gulat ang makikita sa mga mata niya, pero kalaunan ay napalitan iyon ng galit. Tumalim ang mga mata nito.Huminga ako nang malalim bago hinil
Eli's POV"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Nagbuga ako ng hangin na parang naiinis at walang gana nang mapagbuksan ko ng pinto si Juancho."Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Malamlam ang mga mata niya."Malamang. Why would I answer your call? Ano ba kita? Hiwalay na tayo. Ang dapat na tinatawagan at kinukulit mo, si Agnes! Iyong kabit mo!"Isasara ko sana ang pinto pero agad itong napigilan ng kamay niya. "Magkakaroon ng party mamayang gabi."Bumuntonghininga ako. Alam ko ang party'ng tinutukoy niya. Party iyon na gaganapin sa bahay ng mga magulang ko para sa pagbabalik nina mommy at daddy at para din sa pagdiriwang nang ikadalawang anibersaryo ng merging ng aming company.Muli kong niluwagan ang awang ng pinto. "Oh, tapos?""Susunduin kita mamaya."Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "At bakit mo gagawin iyon?""Nakalimutan mo na ba? Hindi nila puwedeng malaman ang tungkol sa sitwasyon natin."Kumuyom ang mga kamay ko sa narinig. Hanggang sa huli, sarili pa rin niya ang
Eli's POVMARIIN akong lumunok habang nakatayo sa harap ng pamilya namin ni Juancho. Nakaupo sa mahabang sofa sina Mommy at Daddy, maging sina Tito Jacob at Tita Grace. Sa single sofa naman sa kaliwa nila ay naroon si Kuya L, masama ang tingin kay Juancho.Nasa loob kami ng library. Dito nagtipon ang pamilya namin matapos kong dumating na may kasamang ibang lalaki. Mula sa kinatatayuan, lumingon ako sa salaming bintana kung saan tanaw mula sa kinatatayuan ko si Thomas. Nakatayo ito sa harap ng mataas na table, sumisimsim ng alak.Nagbuga ng hangin si Daddy. "Tell us what's happening."Tumingin ako dito, nakatuon sa amin ni Juancho ang mga mata nila. I was about to open my mouth when Juancho started talking"It's nothing, tito. Ti—Thomas is a... friend of ours."Umarko ang mga kilay ni Mommy matapos marinig ang sinabi ni Juancho. Mula sa kaniya ay bumaling ito sa akin. "And?"I swallowed hard. To be honest, takot ako kay Mommy. Mas takot pa ako sa kaniya kaysa kay Daddy. Sa kanilang ta
Eli's POV"You got that bitch pregnant?! Huh! You asshole!"Umalingawngaw ang malakas na boses ni L sa buong paligid. Mabilis niya akong sinugod pero wala sa kaniya ang atensyon ko. Nakatuon ang paningin ko kay Eli habang umaagos ang mga luha sa pisngi nito. I watched her as she run away from here. Gusto ko siyang habulin, pero alam kong hindi ito ang tamang oras para gawin iyon.Mula sa pinto kung saan lumabas si Eli, ibinaling ko ang paningin ko sa galit na mukha ni L. Tito Augustus was trying to keep him away from me. Pulang-pula ang mukha niya at nanlilisik ang mga mata sa matinding galit. He looked like a wild animal that had escaped its cage. Naiintindihan ko ang galit niya dahil ako man, galit din sa sarili ko.Nang mailayo si L ni Tito Augustus sa akin, sinubukan kong tumayo kahit nahihirapan ako dahil sa pananakit ng katawan ko. I stood up and knelt again in front of them.Bumungad sa akin ang dismayadong mukha ng mga magulang ko. Hindi ko sila masisi. If I were them, I'd be
Juancho's POVTHE apartment door opened after I tried turning the doorknob. Hindi na ako nagdalawang-isip at pumasok sa loob kung saan sinalubong ako ng nakabibinging katahimikan."I knew you were coming, so I left the door open."Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid at nakita si Timothy sa sala, prenteng nakaupo sa sofa.Ngumisi ito nang makita ako. He put down the cup of coffee he was drinking on top of the glass table. "What can I help you, Mr. Juancho Escalera?""Layuan mo ang asawa ko," walang paligoy-ligoy kong saad.He shook his head while laughing. "I'm afraid I can't do that. You see, we're dating. Not just dating, kami na."Matagal akong natigilan sa narinig. Pakiramdam ko, umakyat ang dugo sa ulo ko. Parang nagdilim ang paningin ko at mabilis siyang nilapitan. I grabbed him by the collar and was about to punch him, but I stopped when I saw him without reaction, just grinning."Fuck you!"Ngumiti siya at akmang ma
Juancho's POV"W-what do you mean? Si Thomas ay si Timothy?"Napatakip siya ng bibig nang tumango ako. "Nagpanggap siya. Fuck.""I can't believe this. Nakita ko na siya noon sa restaurant pero wala akong kaalam-alam na siya ang Timothy na tinutukoy mo."I ran my fingers through my hair in so much frustration. "What will I do? Fuck. Agnes, anong gagawin ko!""Relax! Relax, okay? First, kailangan natin gamutin iyang mga sugat mo. Stay here." Patakbo siyang pumasok sa kitchen.Nanginig ang mga nakakuyom kong kamao habang inaalala ang araw na naabutan ko sila. The fuck, he kissed her. He kissed Eli! I should've known. It was him this whole time.Nagmamadaling lumabas ng kitchen si Agnes at agad na ginamot ang aking sugat nang makabalik sa tabi ko. "Will you stop panicking? Walang magagawa ang pagpa-panic mo.""Hindi ko na alam ang gagawin. Dammit." Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo roon."Huminahon ka!""Pakiramdam ko, mababaliw ako sa tuwing maiisip na magkasama sila. Na naghah
Eli's POVBUMUKAS ang pinto ng kuwarto, pumasok si Juancho sa loob. Sa halip na magsalita at makipag-argyumento sa kaniya, pinili ko na lang ang manahimik."Nagluto ako ng breakfast. Pasensya ka na, noong umalis ka, pinaalis ko rin si Manang. Hindi pa siya bumabalik kaya ako na muna ang nagluto." Naupo siya sa gilid ng kama na malapit sa akin saka inabot ang tray ng mga bagong lutong pagkain.Tiningnan ko siya gamit ng matalim na mga mata. He was smiling at me. Halatang wala siyang tulog kagabi pero nakangiti siya sa akin.Wala siyang karapatan ngumiti matapos ng pinaggagawa niya. Nang dahil sa sobrang inis, tinabig ko ang tray kaya nahulog sa sahig ang lahat ng pagkain. Nakita kong matagal niyang tinitigan iyon, pero sa halip na mainis, ngumiti siya at ibinalik sa akin ang paningin niya."Huwag mo akong ngitian, nakakairita." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya kaya lalong uminit ang ulo ko. "Gusto mo akong ikulong dito? Magdusa ka sa ugali ko.""I know I messed up," he started. Nang
Eli's POV"Maligo ka na."Mula sa kawalan, ibinaling ko kay Juancho ang paningin ko. Inis ko itong inirapan bago humarap sa kabila."Dalawang araw ka nang walang ligo. Hindi mabuti sa kalusugan iyan.""Wala kang pakialam kahit isang dekada pa akong hindi maligo!" masungit kong sabi.Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig siyang tumawa. I turned to him with a sharp eyes. "May nakakatawa.""Oo." Tumango siya. "Ikaw. Para kang bata.""At least, hindi ako cheater."Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin ko iyon. Umirap ako. Gusto kong tumawa dahil kitang-kita ko sa mukha niya na apektado siya sa sinabi ko. Ide-deny pa niya. Ano ako? Tanga? I saw them with my own two eyes!"Maligo ka na, or else... "Galit ko itong hinarap. "Or else what? Ano pa ang puwede mong gawin sa akin? Ikinulong mo na nga ako dito!""Ako ang magpapaligo sa iyo."Natigilan ako sa narinig. Hindi sana ako maniniwala dito, pero nang makita siyang itinataas ang manggas ng suot niyang polo, nakaramdam ako ng ka
Andi's POVDUMATING ako sa bahay na parang basang sisiw. Namumutla, umiiyak at tulala. Nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa loob ng living room. Nag-uusap. Nang makita nila ako ay bigla silang natigilan."Andrea, what happened to you? Bakit ka umiiyak?"Agad na tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Samantalang si Daddy, nanatiling nakaupo sa mahabang sofa. Nagbuga ito ng hangin mula sa ilong at saka bumaling sa malayo.Sa kanilang dalawa ni Mommy, si Daddy ang pinakatutol na magpakasal ako kay Sven. Ang iniisip niya, wala akong mararating sa buhay kapag sa mahirap ako napunta. Noong kasal namin, si Mommy lang ang dumalo. papaano, si Mommy lang ang nakakaintindi sa akin."Who did this to you? It's that man, right? He hurt you?"Umiling ako kay mommy bago yumakap nang mahigpit dito. Muling akong naluha nang maalala ang mga nangyari kanina."My poor baby. Sinabi ko na, e. Hindi ka magiging masaya sa lalaking iyon! I told you many times, many times! But you didn't listen!""I'm sorry, mommy.
BLURBNahuli ni Andi si Sven na may ibang babae, pero sa halip na isalba ang kanilang pagsasama, ipinagtabuyan siya nito. Makalipas ang ilang taon, muli silang nagkita. Ikakasal na si Sven... pero sa best friend niya.Nakahanda ba siyang ipaubaya ito sa kaniyang kaibigan o magpapadala siya sa pang-aakit ng dating asawa?Chapter 1Andi's POV"Ipalaglag mo."Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Sven. Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay na sana ay sabihin niyang nagbibiro lamang siya."M-mahal, a-anong ibig mong sabihin?"Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lumang sofa at lumapit sa akin. Walang ni isang emosyon ang makikita sa mukha niya."Ipalaglag mo iyan." Dinuro niya ang tiyan ko.Umawang ang mga labi ko sa narinig. Doon tuluyang umagos ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at natutulalang hinimas ito. Tinalikuran niya ako at parang aligagang tumingin sa labas ng nakabukas na pinto."Akala ko, matutuwa ka. Sven, magkakaanak na tayo."Sinubukan kong ngumiti. Bi
Eli's POVPABALIKWAS akong bumangon. Napasinghap ako nang mapansin na nasa isang kuwarto ako. And the room seems familiar. Teka... kuwarto namin ito ni Juancho, ah? Sa dati naming bahay! What am I doing here? Paano ako napunta dito?Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa pinto. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang malamang naka-lock iyon. Pinaghahampas ko ito."Juancho? Juancho!" I have a feeling na siya ang may kagagawan nito. "Juancho, open this door!"Malakas kong tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit. Pinaghahampas at pinagsusuntok ko ang pinto nang mahigit limang minuto bago iyon bumukas."What's the meaning of this? Anong ginagawa ko dito?"Mataman niya akong tinitigan. "Dinukot kita.""What?!""And I'm about to blackmail you."Nagsalubong ang mga kilay ko. "B-blackmail? Ano bang ibig mong sabihin!"Napansin kong tila kabado siya. "I-I... I was preparing our lunch. Gusto ko sana maging romantic ito, pero... maaga kang nagising."I raised an eyebrow. "So, is it m
Eli's POVI FOUND it hard to swallow after hearing what Juancho said. It felt like a huge lump was stuck in my throat. Sinubukan kong ngumiti bago nag-iwas ng paningin upang maitago ang emosyon sa mukha ko."You should marry again. Sayang naman ang lahi mo," pagbibiro ko habang pinanonood silang mag-ama.He softly laughed. "Isang babae lang ang gusto kong malahian."Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero nagkunwari akong tumatawa. Ayaw kong mag-feeling dahil baka ibang babae ang tinutukoy niya. I stopped laughing when I noticed him looking at me so intently. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago tumunog ang cellphone niya na nakakuha sa atensyon namin."It's my secretary," aniya nang ilabas ang phone niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. "I just got here, my prince. But daddy had to leave."Ngumiti ako. "Go. Pupunta ka naman mamaya sa birthday party ni Hale, di ba?""Of course, I wouldn't miss it for the world."Mula sa akin ay binalingan niya ang anak namin na nasa mga bisig
Eli's POVI COULDN'T help but smile as I carefully arranged the dried fruit and nuts in the fruitcake. I love baking and decorating different types of cakes. I started baking cakes as a hobby a year ago, and I loved it so much that I decided to make it my business."Clara, take this outside and display it," nakangiti kong tawag sa kasama ko.Mula sa ibabaw ng workbench, kinuha ko ang cake at inabot iyon kay Clara. I only have two staffs members: my shop assistant and another staff member who helps me bake.Ilang buwan na rin mula nang itinayo at binuksan ko para sa lahat itong Hale's Pastry. I made sure that the cake shop has warm and inviting atmosphere with sweet smells. It is cozy and rustic, with exposed wooden walls and wooden beams.Sunod kong pinagtuunan ng pansin ay ang mga bluebrry cupcake na in-order kahapon at kukunin ngayong araw."Ma'am Agnes, tumawag po si Sir, nasa restaurant na raw po siya.""Ganoon ba? Okay, tell him we'll be there in half an hour."Natigilan ako nang
Eli's POVHUMIGPIT ang kapit ko sa mga kamay ni Mommy nang makitang lumabas mula sa emergency room ang doctor. May mantsa pa ito ng dugo sa kaniyang damit kaya lalo akong nanlambot. Pakiramdam ko ay babagsak ang mga tuhod ko. Kuya L had to support me as I still clung to Mom."Kumusta siya, doc? Kumusta ang anak ko?!""For goodness' sake, Grace! Calm down and let the doctor speak!""How can I calm down?! Tell me, how could I do that?! My only son is inside that room! He's fighting for his life!"Umiling si Tito Jacob bago bumaling sa doctor. "Doc, anong nangyari sa anak ko?""The surgery went well. We were able to remove the bullet from the patient's body, but he lost a lot of blood. Kailangan natin siyang masalinan ng dugo, kung hindi ay maaring mag-fail ang organs niya, which could be life-threatening.""Oh my God! Jacob! Our son!" Lalong lumakas ang iyak ni Tita Grace.Napaatras ako at kamuntikan nang bumagsak kung hindi dahil kay Kuya L. My vision began to get blury."Doc, gawin n'
Eli's POV"Eli."Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. I turned my gaze to the door and see Juancho. Nakangiti siya sa akin nang hindi abot sa mga mata."Pinapasok na ako ni Tita Angela. I begged her to let me see you, kahit ilang sandali lang."Marahan siyang lumapit sa kamang kinahihigaan ko. Sinubukan pa niyang kunin ang kamay ko pero iniwan ko iyon. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko, pero pinili niyang ngumiti."How are you feeling? Sabi ng doctor, makakalabas ka na raw bukas."Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ang mukha niya. Malaki ang ipinayat niya, halata iyon sa kaniyang mukha. Noon kasi, kahit busy ay hindi ito nawawalan ng oras mag-gym. Kahit maraming trabaho, nagagawa nitong makatulog at makakain sa tamang oras. But now, he has dark circles under his eyes. Mas humaba na rin kaysa sa dati ang balbas niya."Nagdala ako ng mga pagkain, pero ayaw tanggapin ni Tita Angela.""Inaalagaan mo ba ang sarili mo?" nagawa kong itanong sa paos na bos
Eli's POVHINDI ko mahulaan kung ano talaga ang nararamdaman ni Juancho sa mga sandaling iyon. His eyes were open wide. Magkahalong gulat, pangamba at saya ang nakikita ko sa mukha niya. Pero mabilis na napalitan ng matinding takot ang makikitang emosyon sa mga mata niya nang muling tumingin sa paligid namin."I won't let anything happen to you and our baby, okay?"Sunod-sunod akong tumango. He cupped my face and kissed me on the forehead.Muli niyang sinubukan itulak pabukas ang pinto sa gawi ko. Nanlalabo ang mga mata ko sa paglipas ng bawat segundo. I'm afraid I'll pass out here. No, I have to get out. I need to save our baby.Tumulong na ako sa pagtulak sa pinto habang malakas na inihahampas ni Juancho ang sarili niya roon. He shouted and started punching the glass window."Get them out! Get them out!"Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kasunod roon ang malakas na ingay sa labas."Eli! Juancho!"Bumaling ako sa pinto nang makilala kung kanino ang boses na iyon. "T-Thomas... "
Eli's POVAGAD akong umiwas ng paningin sa sinabi ni Juancho. Lalong nanikip ang dibdib ko. Bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit?Natigilan ako sa pag-iisip nang mapansin na paalis na kami ng Manila. Agad ko siyang binalingan. "Where are we going? Where are you taking me?"Ilan segundo siyang hindi nagsalita."Juancho, ano ba!""Away from here."Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? H-hindi puwede. Ayoko."Hindi na siya muling nagsalita pa, ni hindi na niya ako binalingan. Tumingin ako sa daan. Bigla kong inagaw mula sa kaniya ang manibela."Turned this around, Juancho! Ayokong sumama sa iyo!""Eli! Bitiw! Mababangga tayo!""Ihinto mo ito!""Gusto lang kitang ilayo sa kaniya!"Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago niya muling itinuon ang paningin sa daan. Binalak niyang itabi ang sasakyan, pero natigilan ako nang hindi niya iyon gawin.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, pero napansin ko ang takot sa mga mata niya. Bigla siyang nawalan ng kulay sa mukha."